You are on page 1of 18

Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGTIGIL NG PAG-AARAL NG MGA


MAG-AARAL: ISANG KOMPREHENSIBONG PANANALIKSIK
SA MGA NAGBALIK PAARALAN

_______________________

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa


Kaguruan ng Senior High School
Sanchez Mira School of Arts and Trades
Sanchez Mira, Cagayan

_______________________

Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng


Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t-ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

_______________________

JAMES MAVRICK ARENABO


JOHN CARL CORPUZ
KYLA MAE ELIANG
JERLYN GAPUSAN
ARIEL TIONGSON

Pebrero 2020
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Introduksyon

Ang edukasyon ay isang mahalagang parte sa buhay ng tao sa paghubog ng

kaniyang pagkatao upang maging mas kapakipakinabang na mamamayan na tutulong sa

pagpapabuti ng kalagayan ng bansa. Subalit, ang karapatan ng ilang kabataan sa

edukasyon ay pilit na ikinakaila sa maraming paraan kagaya ng pagdrop-out dahil sa

maraming kadahilanan. Sa gayon, sila ngayon ang tinatawag na out of school youth

(OSY).

Base sa impormasyong nakalap ng UNESCO Institute for Statistics (UIS) noong

2016, may naitalang 263 milyong kabataan sa buong mundo (o isa sa bawat lima) ang

hindi nag-aaral—isang bagay na hindi nagbago sa nakalipas na limang taon.

Ayon sa 2017 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), siyam na porsyente

mula sa 39.2 milyong Pilipino na may edad na 6 hanggang 24 taong gulang o 3.6 milyon

ang OSY.

Ang napakalaking bilang ng mga OSY kapag sila ay bumalik sa pag-aaral ay

tinatawag na students with interrupted formal education. Ang kanilang pagtigil sa pag-

aaral ay nagbubunga ng mga hamon. Ang mga hamong ito ay maaaring mag-udyok sa
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

kanila upang hindi ipagpatuloy ang pag-aaral o magdrop-out. Dahil dito, sila ngayon ang

mga mag-aaral na “at-risk”.

Ang paglala ng OSY o ang pagdrop-out ng isang mag-aaral ay mayroong

negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa. Ayon sa UNESCO, naitalang nababawasan ng

0.18% ang Gross Domestic Product (GDP) dahil sa mga OSY.

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang

mabago ang takbo ng buhay ng isang indibidwal pati ang bansa. Ang unang sandata ng

pagkamit ng pangarap sa buhay ay edukasyon subalit hindi ito natatamasa ng iba sa

kadahilanang maraming salik ang nakaaapekto sa pagtigil ng mga mag-aaral sa pag-aaral.

Ayon kay Escudero (2009), tumaas ang bilang ng mga OSY dahil sa kahirapan. Dagdag

pa niya, ang pampublikong edukasyon ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

Lumabas sa ulat ng Global Education Digest (2008) na ang Pilipinas ang may

pinakamababang budget sa bawat estudyante sa buong Asya.

Ang edukasyon ay karapatan ng bawat mamamayang Pilipino. Nararapat lamang

na hikayating muli ang mga kabataan na bumalik sa pag-aaral sa pamamagitan ng pag-

aksyon ng gobyerno (Arao, 2013). Saad pa niya, ang pamamalagi sa loob ng apat na sulok

ng silid ay mas mabuti kaysa maging tambay sa kanto.

Dahil sa kakaunting lokal na pag-aaral ukol dito, ang mga mananaliksik ay

pursigidong ungkatin ang mga hamon at pangangailangan gayundin ang mga programang

maaaring tumulong sa mga mag-aaral na huminto subalit bumalik sa paaralan (students


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

with interrupted formal education). Kaugnay nito, kakaunti rin ang pwedeng maiabot na

tulong sa kanila. Dagdag pa rito, may mangilan-ilang mga frameworks ang pwedeng

makatulong sa mga mag-aaral na kagaya nila.

Kung sumagi man sa isip ng isang mag-aaral na tumigil ay dapat niya itong iwaksi.

Kahit may pagkukulang ang sistemang edukasyon ay dapat pa ring ipagpatuloy ang pag-

aaral sapagkat ito ang magiging daan upang ituwid ang kinabukasan ng bansa.

Samakutuwid, ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga mag-aaral na tumigil subalit

nagbalik sa paaralan. Ang mga mananaliksik ay determinadong malaman ang mga hamon

at pangangailangan nila upang magbigay ng pantay na oportunidad upang makapagtapos

ng pag-aaral. Ito ay hindi lamang para sa kanilang sarili kundi pati sa ikakaunlad ng bansa.

Paglalahad ng Layunin

Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga salik na

nakaaapekto sa pagtigil ng pag-aaral ng mga mag-aaral at ang mga karanasan ng mga

nagbabalik-aral.

Sasagutin din sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagtigil sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

2. Ano-ano ang mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral na huminto subalit

bumalik sa pag-aaral?

3. Ano-ano ang kanilang motibasyon upang bumalik sa pag-aaral?


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mas mauunawaan ng mga mambabasa ang

sitwasyon ng mga OSY na nagbalik sa paaralan.

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral sapagkat,

magkakaroon sila ng sapat na kaalaman sa mga pinagdadaanan at kinakahap ng mga

nagbabalik-aral. Nais din ng mga mananaliksik na maintindihan at mapabuti ang

pakikitungo ng ibang estudyante sa mga nagbabalik-aral.

Guro. Malaking tulong din ang pag-aaral na ito sa mga guro na siyang gumagabay

sa mga mag-aaral. Nais ng mga mananaliksik na maiparating sakanila ang mga

implikasyon ng mga nagbabalik-aral pagdating sa paaralan upang maintindihan at

mabigyang konsiderasyon nila ang mga nagbabalik-aral.

Magulang. Inaasahan din ng mga mananaliksik na maging kapakipakinabang ang

pananaliksik na ito sa mga magulang. Ito ay upang hindi nila hahayaang tumigil ang

kanilang mga anak at mas lalong gabayan ang mga ito sa pagsasakatuparan ng kanilang

mga pangarap.

Iba pang Mananaliksik. Makatutulong din ito sa mga iba pang mananaliksik na

maaaring aralin ang pag-aaral na ito. Ito ay magsisilbing basehan sa kanila. Ito ay

magbibigay ng sapat na kaalaman na kanilang kakailanganin sa gagawin nilang pag-aaral.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga salik na nakaaapekto sa pagtigil ng

pag-aaral ng mga mag-aaral. Aalamin ang mga problema na kinakaharap ng mga mag-

aaral na huminto subalit bumalik sa pag-aaral at kung paano nila ito nalampasan.

Uungkatin din ang kanilang mga motibasyong bumalik sa paaralan. Kakailanganin ng

limang mag-aaral para sa pag-aaral na ito.

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga babae o lalaking mag-aaral na

bumalik sa pag-aaral sa Sanchez Mira School of Arts and Trades.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Upang mas maging malinaw ang pa-aaral na ito, inilalahad ng mga mananaliksik

ang kahulugan ng mga talakay na ginamit na may kaugnayan sa paksa.

Mag-aaral. Ito ang mga estudyante sa Sanchez Mira School of Arts and Trades

na nagbalik-aral.

Balik-aral. Ito ang pagpapatuloy ng pag-aaral pagkatapos ng pagtigil.

Hamon. Ito ang mga nagsisilbing sagabal sa pag-abot ng pangarap ng mga mag-

aaral.

Motibasyon. Ito ang nagsisilbing inspirasyon upang magbalik sa pag-aaral.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalayong siyasatin ang buhay ng mga mag-aaral na

tumigil subalit bumalik sa pag-aaral. Nakatuon ang kabanatang ito sa mga salik kung bakit

sila tumigil sa pag-aaral, ang mga hamong kanilang kinaharap gayundin kung paano nila

ito nalampasan at ang kanilang mga motibasyon upang bumalik ulit sa pag-aaral.

Kalagayan ng mga OSY na Bumalik sa Paaralan

Ang edukasyon ay isang karapatan ng isang indibidwal. Subalit hindi lahat ng mga

Pilipino ay natatamasa ito sapagkat maraming dahilan ang nag-uudyok sa mga mag-aaral

upang tumigil. Dahil dito, sila ngayon ang mga kumukumpleto sa mga out of school youth

(OSY).

Ang edukasyon ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na

bansa upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya ng bansa

(Wikipedia.com).

Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization, may

258 milyong kabataan sa buong mundo ang hindi pumapasok sa paaralan. Halos dalawang

milyon ang mga kabataang hindi nakapag-aral sa Pilipinas noong 2014. Ayon sa

Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), mula sa 1.9 milyon na ito, nasa apat na daang libo
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

nang mga OSY ang natulungan ng kagawaran katuwang ang Department of Science and

Technology (DOST), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical

Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Social Welfare

and Development (DSWD) at iba pang ahensya sa pamamagitan ng Abot Alam Program.

Kaugnay nito, ipinahayag naman ng Philippine Institute of Development na

bumaba ang bilang ng mga OSY sa bansa na may edad 5 hanggang 15 noong 2013 sa 4.4

percent mula sa 8.4 percent noong 2008. Sa gayon, nangako ang DepEd na patuloy nitong

tututukan ang mga hakbangin na magbibigay ng edukasyon sa mga OSY sa bansa.

Ayon kay Angara (2017), ang pagpapatupad niya ng Republic Act 10931 o ang

Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ay magiging daan upang maging

libre ang tuition fee ng mga mag-aaral. Sakop nito ang bayarin sa matrikula sa 112 state

universities at colleges, 78 local universities at colleges. Nakapaloob din dito na sasagutin

ang mga miscellaneous fees at iba pang bayarin na may kinalaman sa pag-aaral. Ang batas

na ito ang nagbigay oportunidad sa mga kabataan upang makamit nila ang kanilang mga

pangarap at makapagbigay ng magandang buhay sa kanilang pamilya.

Base sa survey ng Philippine Statistics Authority(PSA) noong 2016, lumabas na

isa sa bawat sampung mga kabataang Pilipino na may edad 6 hanggang 24 ay kabilang

sa OSY. Mahigit kalahati nito o 53 porsyento ang nagmula sa mga pinakamahihirap na

pamilya sa bansa
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

Naibalita noong 2018 na nasa 22 posyento o mahigit 1 milyon ng kabataang 15

hanggang 24 taong gulang ang nabibilang sa OSY sa bansa. Ang mga nasa edad na 6

hanggang 14 ay wala sa pormal na paaralan; at ang mga may edad 15 hanggang 24 naman

ay wala sa eskwelahan at hindi nagtatrabaho.

Ayon sa pag-aaral ni Paris (2015), lumabas naman na sa kabuuang 100 mag-aaral

na papasok sa elementarya ay wala pang 20 sa kanila ang nakaaabot at nakapagtapos ng

kolehiyo.

Sumang-ayon naman ang TESDA sa pahayag ng DepEd na kahirapan ang

pangunahing dahilan ng OSY. Bagamat mayroong scholarships umanong programa ang

gobyerno, nahihirapan naman ang mga magulang na bigyan ng allowance ang kanilang

mga anak sa pagpasok. Tumutulong din naman ang Alternative Learning System(ALS)

sa mga kabataan kung sakali mang ayaw na talaga nilang pumasok.

Samakatuwid, malala na ang kalagayan ng mga OSY sa bansa. Kahit gustuhin

man ng gobyernong tulungan sila ay hindi naman sila kumikilos para sa sarili nila.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagtigil sa Pag-aaral ng Mag-aaral

Ang edukasyon ay itinuturing na tulay sa kinabukasan ngunit hindi lahat ay

nabibigyan ng pagkakataon na makapagtapos sa kadahilanang maraming salik ang

nakaaapekto sa pagtigil ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Isa sa karaniwang dahilan ay ang

problemang pinansyal, ito ay masasabing isa sa mga pinakamahirap na problemang


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

makakaharap ng sinuman. Sa panahon ngayon, madaming mag-aaral ang tumitigil dahil

walang sumusuporta sa pag-aaral nila o di kaya ay hindi kayang ibigay ng kanilang mga

magulang ang mga mga kailangan at bayarin sa paaralan. Bukod pa dito, mismong ang

mga magulang ang nagpapatigil sa kanilang mga anak sa pag-aaral at pagtrabahuin upang

makatulong sa araw-araw na pangangailangan sa buhay (Semblante, 2019).

Ayon naman kay Dioneda (2016), nagiging hadlang din ang pagkakaroon ng bisyo

sa pagtigil sa pag-aaral. Sa murang edad ay nalululong ang kabataan sa mga masasamang

bisyo tulad ng alak, paninigarilyo, at iba pa. Ito ay kadalasang impluwensya mula sa

barkadang sinasamahan ng isang mag-aaral upang mapabilang at hindi mapag-iwanan.

Ang pagkawala ng interes ng isang mag-aaral sa pag-aaral ay isa ring salik. Ang

mga akademikong hamon na siyang nagpapababa ng tiwala sa kanilang sariling

kakayahan at abilidad. Bilang isang estudyante na nahihirapan na maki-sabay sa mga

aralin at nagkakaroon ng mababang marka sa iba’t-ibang asignatura, maaaring isipin nila

na walang patutunguhan ang kanilang paghihirap at hindi nila maaabot ang kanilang

inaasam na pangarap kung kaya naiisipan na lamang nilang tumigil. (Long, 2017) Dagdag

pa niya, nakaaapekto din ang problemang pampamilya sa pagtigil ng pag-aaral ng isang

mag-aaral. Ang pagkakaroon ng watak-watak na pamilya ay nagkakaroon ng masamang

epekto sa mental health ng mag-aaral at maging sa performance nito sa paaralan. Ang

mga hamon na kinakaharap sa pamilya ay maaaring madala sa paaralan na maaring

magdulot ng hirap na makapagpokus sa akademiks. Hanggang sa dadating ang punto kung


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

saan tuluyan ding mawawalan ng interes pumasok ang mag-aaral at ang mas malala ay

mawalan din ng interes na mabuhay pa.

Ayon sa talaan ng PSA, apat sa bawat sampung kababaibang OSY ang

pinasok na ang buhay pag-aasawa. Ang maagang pagbubuntis at pagababalikat ng

responsibilidad ay isang salik na nakaaapekto sa paghinto ng isang mag-aaral sa pag-aaral

sapagkat ang mga mag-aaral na nabubuntis ay nakararanas ng matinding pangungutsya at

panghuhusga mula sa ibang mag-aaral at maging sa mga guro. Ang kahihiyan ay bitbit

niya saan man magpunta na siyang nagiging dahilan sa paghinto dulot na rin ng matinding

kalungkutan. (Arabinto, 2017)

Ang mga kabataan na may sakit o kakaibang kapansanan ay karaniwang tumitigil

din sa pag-aaral. Karamihan sa mga mag-aaral na may kapansanan ay nagiging tapunan

ng tukso at lait na siyang nakaaapekto sa buhay nito sa paaralan maging ang katatagan ng

emosyon ng isang tao. Maaring maging mahirap din para sa isang may kapansanan na

mag-adjust sa kanyang kapaligiran. Ang pambubully ay isa ring salik na nakaaapekto sa

pagtigil ng isang mag-aaral. Ang pag-iwas at pagbubukod ng ibang mag-aaral ay maaring

magkaroon ng masamang epekto sa isang indibidwal na magiging rason upang mawalan

ng gana na pumasok at mag-aral. (James, 2016).


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

Hamong Kinakaharap ng mga OSY na Bumalik sa Pag-Aaral

Sa buhay, hindi maiiwasan ang mga hamon na darating upang subukin ang isang

tao. Ngunit ang hamon na ito ang magsisilbing patunay nang katatagan at katapangan sa

buhay. Ang pagpili na bumalik sa paaralan ay maaaring maging isang desisyon na upang

mabago ang buhay (Caschera, 2013). Maraming mag aaral na nakakaranas ng mga hamon

kapag pumapasok sa paaralan. Ang mga sumusunod ay ang mga hamon na haharapin nga

mga nagabalik paaralan.

Kakulangan ng sapat na oras o pagbabalanse sa oras ay isa sa mga pinakamalaking

isyu ng mga nagbabalik paaralan. Minsan ay ang mga nagbabalik paaralan ay mga

nagtratrabaho o kaya ay nag pa-part-time job na dahil maaga silang nag asawa kaya

kailangan nila nga sapat na pera para sa pang araw-araw na pangangailangan. Hindi tulad

ng kapwa nilang mag aaral na may pamilya pang sumusuporta sa kanila. Ang

pagbabalanse sa trabaho at pamilya ay mahirap sa kanila (Stevens, 2018).

Nangangailangan ng oras sa iskwelahan, oras para sa anak at oras para sa asawa ito ang

kailangang balansehin sa araw-araw. Ang pagbabalanse sa trabaho at pamilya ay mahirap

sa kanila (Stevens, 2018). Ito ay maaaring humantong sa kahirapan na magtagumpay sa

paaralan o kahit na pag aatubili upang bumalik sa paralan (Mure, 2019).

Problemang pinansiyal ay isa sa mga hamon na kinakaharap nga mga nagbabalik

paaralan na mga studayante. Sa katunayan, ang pera ay isa sa mga pinakamalaking dahilan

kung bakit ang mga matatanda ay hindi na bumalik sa paaralan (Daren, 2018). Kailangan
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

ang pera sapagkat mayroong mga bayarin sa iskwela tulad na lamang ng tuition at

kailangan ng pera para sa gastusin sa pang araw-araw na pagpasok sa iskwelahan. Ang

gastos ng edukasyon ay maaaring maging hamon para sa sinuman.

Mga takot at kawalan ng tiwala sa sarili, ito rin ang karaniwang hamon sa buhay

ng mga nagbabalik aral. Ito ay nakaaapekto sa isang mag aaral kaya hindi agad

nasosolusyonan ang hamon na kinakaharap nila. Natatakot sila dahil maaari silang ma-

bully ng kapwa nilang mag aaral na mas bata sa kanila at diyan nagsisimula ng kawalan

ng tiwala sa sarili (Oloo, 2016).

Maliban sa oras at pera, ang isa rin sa mga pinakamalaking hadlang sa mga

nagbabalik aral ay ang pag-aalinlangan sa sarili (Stevens, 2018). Ang pakiramdam na

“ako ba talaga ay nababagay dito?” ito ang karaniwang iniisip nila sa kanilang sarili

sapagkat mas iniisip nila ang mga posibleng mangyari sa kanila kapag sila ay nagtagal sa

isang silid aralan. Iniisip nila na mas matanda sila at hindi sila makakasabay sa kapwa

nila mag-aaral.

Ang pagbabalik aral ay talagang isang malaking desisyon sa ating buhay (Brown,

2015) Hindi pa huli ang pagbabalik-paaralan. Maging handa lamang sa mga hamon na

maaaring haharapin at upang matupad lahat ng pangarap sa buhay. Maging matapang sa

buhay at buksan ang isipan sa kung anumang pagsubok na dumating at dumadating at

darating sa buhay para masolusyonan sa magandang paraan.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

Mga Motibasyon ng mga OSY Upang Bumalik sa Paaralan

Mahalagang malaman ang motibasyon ng mga mag-aaral upang bumalik sa pag-

aaral. Ang motibasyon ng bawat mag-aaral ay nakadepende sa maraming aspeto base sa

kanilang personalidad, kasaysayan, kagustuhan at kung saan sila pinakamagaling o kung

saan sila pinakakomportable tulad na lamang ng mga magulang, pangarap at kanilang

pansariling kinabukasan. Mas mapapabuti pa ang paglinang ng talento at potensyal ng

kabataan kapag mas angkop ang paraan ng pagmotiba sa kanila upang mag-aral para

masolusyonan ang kahirapan sa buhay.

Maraming mag-aaral ang nagbabalik-aral ngayon dahil kailangan nilang matuto

ng mga bagong kasanayan at ilagay ang sarili sa tamang posisyon o katayuan sa buhay.

Ang pangunahing dahilan kung baki maraming mag-aaral ang nagbabalik-aral ay upang

makakuha ng kasanayan at edukasyon na kailangan upang mabuhay nang matagumpay.

Itinuturo rin sa paaralan ang mga kasanayang kailangan natin sa buhay (Pablo, 2012).

Importante ang pag-aaral dahil sa maraming impormasyon sa mundo. Ang

katuturan ng mga kaalamang ito ay dapat na malaman upang matutong magbasa, magsulat

at magbilang. Importante ito upang hindi maloko ng kahit na sino. Isa sa mga dahilan

kung bakit kailangang mag-aral ay dahil ang edukasyon ang susi sa kahirapan.

Maraming maaaring motibasyon ang mga mag-aaral upang bumabalik sa pag-

aaral. Sa buhay may mga taong mapanghusga ngunit kahit gayon, nararapat lamang na

piliting abutin ang mga pangarap. Ayon kay Ford (2019), kahit naging tampulan ng tukso
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

ng mga bashers, hindi iyon nagsilbing hadlang upang tumigil sa pag-aaral. Sa panayam

sa programang “Perang Partners”, napag-alamang tumigil muna siyang maging social

media sensation sa larangan ng showbiz upang magbigay-daan sa muli niyang pagbabalik-

aral (kami.com).

Ayon kay Krakoff (2018), isa ring motibasyon ay ang pera upang mabili nila ang

anumang gustohin o naisin. Saad pa niya, maraming kagustuhan ang isang tao at ang

edukasyon lamang ang daan upang makamit ito. Sa gayon, ito ay isang matibay na

motibasyon para sa kanila.

Mula naman kay Agoncillo (2013), ang magandang trabahong naghihintay sa

kanila ay isa ring motibasyon. Ang pagkakaroon ng permanenteng trabaho ay nakakabago

sa buhay ng tao.

Ayon kay Acuna (2019), ang edukasyon ay ang pinakaimportanteng bagay na

ipapamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Sa panahon ngayon mahirap kapag

walang kaalam-alam o kamuwang muwang sa mga bagay bagay dito sa mundo. Dahil

dito, nagpupursigi sa kaniyang pag aaral para sa mas magandang kinabukasan at para

mabigyan niya ng magandang buhay ang kaniyang magiging pamilya. Ayon din sa

kaniya, kailangang mag-aral upang matuto sa lahat ng bagay at makamit ang ambisyon sa

buhay.

Mula kay Meimeika (2017), kailangan mag-aral upang malinang ang kanilang

kakayahan sa mga bagay-bagay at gabayan sila para sa isang magandang kinabukasan.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang disenyo at paraan ng pangangalap ng mga

impormasyon sa pananaliksik. Nakapaloob dito ang mga tagatugon ng pag-aaral,

instrumentong gagamitin sa pag-aaral at mga paraan ng pagkuha ng mga impormasyon.

Disenyo ng Pag-aaral

Sa pagtukoy ng mga salik, motibasyon at hamon, ang pag-aaral ay gagamit ng

Qualitative Research bilang dulog ng pag-aaral. Ito ay pamamaraan ng pagkuha ng mga

impormasyong hindi nasusukat. Ang mga impormasyong ito ay tungo sa mas malinaw na

pag-intindi sa mga OSY na nagbalik sa paaralan.

Gagamit ang mga mananaliksik ng Descriptive Research bilang disenyo ng pag-

aaral. Ito ay kwalitatibong pamaraan ng pangangalap ng mga impormasyon ukol sa

kasalukuyang panahon. Naniniwala ang mga mananaliksik na matutugunan ang nasabing

pag-aaral sapagkat mas mabilis ang pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga

respondante.
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

Populasyon at Lokal ng Pananaliksik

Ang lunan ng pag-aaral ay isasagawa sa Sanchez Mira School of Arts and Trades

(SMSAT) upang maisakatuparan ang kahingian ng pananaliksik at mapili ng maayos ang

mga tagatugon. Ang SMSAT ay isang Technical-Vocational School kung saan 23 ng mga

mag-aaral dito ang huminto subalit bumalik sa pag-aaral.

Ang napili ng mga mananaliksik na tagatugon ay mga mag-aaral sa SMSAT na

huminto subalit bumalik sa pag-aaral. Ang kanilang mga karanasan ay mabisang

magagamit upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman at pag-intindi sa kanila.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng interbyu bilang pangunahing instrumento

sa pagkalap ng mga impormasyon na magagamit sa pag-aaral. May ihahandang interview

guide para gamitin. Ang mga katanungan dito ay nakapokus sa mga salik na nakaaapekto

sa pag-aaral, ang mga hamong kinaharap at ang motibasyon ng mga OSY upang bumalik

sa pag-aaral.

Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa punong guro ng SMSAT.

Pagkatapos masang-ayunan, ang mga mananaliksik ay makikipanayam mismo sa mga

tauhan gamit ang mga inihandang tanong at ang mga sagot ng mga nakapanayam ay
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High School

maire-record para makuha ng mas malinaw ang mga impormasyon. Sa paraang ito,

maiintindihan pa ng mabuti ng mga mananaliksik ang kanilang mga suliranin.

Ang nakuhang mga impormasyon ay maisasalin, pagkatapos nito ay susuriin at

mabeberipikado. Ang proseso ng pagsasalin ng mga interbyu ay makatutulong sa mga

mananaliksik para makakuha pa ng mas madaming kaalaman tungkol sa tauhan sa paraan

kung saan ang mga nasalin na impormasyon ay pinakinggan o nabasa. Palahudyatan o

ang mga codes ay masisimulan pagkatapos masalin lahat ng impormasyon. Ang mga

codes na magagamit ay magiging mga keywords para bigyang pamantayan o maayos ang

mga teksto na isinasaalang-alang bilang isang mahalagang parte ng kwalitatib nap ag-

aaral (Saranthakos, 1998). Masusuri ang iba’t- ibang tema na lalabas sa pagcocoding.

Pagbeberipikado ang huling yugto kung saan tinatama ang mga nasalin at nadecode na

datos (Saranthakos, 1998).

You might also like