Professional Documents
Culture Documents
“Ah… Wala naman,” sagot ng lalake ngunit wala pa ring reaksyon ang
kanyang mukha.
“Ah! Ano nga palang pangalan mo?” napakunot ang noo ng lalake.
“Ako nga pala si Terrence,” wika nito pero halata mo na nagtataka ito.
Ngumiti si Audrey at tuluyan ng nagpaalam kay Terrence.
Halos lahat ng mga guro nito ay hinahanap na siya gayon din ang
mga taong nakakakilala dito. Mas lalong nag-alala si Audrey dahil
halos tatlong linggo nang di pumapasok si Terrence kaya minabuti na
nitong magtanong-tanong pero iisa lang ang sagot sa kanya, “Hindi
ko alam”.
“Ah… Ganon po ba!? Lung ganon po asaan po kaya ang mga tao
dito?” Pagtatakang tanong ni Audrey.
“At isa pang dahilan kung bakit mas lalong naging mahalaga sa akin
ang lugar na ito. Ay yung dito ko nakilala ang babaeng mamahalin ko
at ikaw yon Audrey. Patawad kasi noong sinabi mo yung
nararamdaman mo sakin nagbingibingihan ako, natatakot lang ako
noon na baka masaktan ka lang. Ang gusto ko lang ay maging
masaya ka pero nakikita kong nasasaktan kita,” dagdag ni Terrence.
Mas lalong tumulo ang luha ni Audrey. “Terrence ano ka ba!? Halika
na bumalik na tayo sa ospita baka kase makasama pa sayo kung di pa
tayo babalik doon,” akmang tatayo na si Audrey ng hawakan ni
Terrence ang kamay niya.
“Dito ako nagsimula kaya gusto ko dito rin ako magtapos kasi lahat
ng nandito ay mahalaga para sa akin. Kaya sa tuwing maaalala mo
ako, dito ka lang pumunta o kaya kapag nalulungkot ka, nandito lang
ako pangako. Huwag mong kakalimutan yan ha!? Ipangako mo,” wika
ni Terrence at unti-unti niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ni
Audrey.
“Audrey”.
Laking gulat niya ng makita ang lalaki at agad niya itong niyakap.
“Salamat nga pala kase kung hindi dahil sayo wala sana ako dito,
hindi sana ako na idala sa ibang bansa, na operahan, gumaling at
sana hindi ko na makikita ang magada mong ngiti. Dahil pinaalam
mo kung nasaan ako noong araw na yon.”