You are on page 1of 4

PARAÑAQUE

FIL 121
8262 Dr. A Santos Avenue San Isidro 26
Sucat, Paranaque City

LEARNING ACTIVITY SHEET # 2

Pangalan: ________________________________________ Lagda ng Magulang: ____________________________

Pangkat: _________________________________________ Petsa: _______________________________________

PAKSA:
TESKTONG DESKRIPTIBO
LAYUNIN:

1. Natutukoy ang Uri ng Tesktong Deskriptibo


2. Nakasasagot ng tanong sa katanungan na Ano.
PAG-AARAL NG
KONSEPTO:
Tekstong Deskriptibo – ay isang tekstong naglalarawan ng impormasyon ng pisikal na katangian ng
tao, bagay, lugar, o pangyayari na madalas nasasaksihan ng tao sa paligid. Ito rin ay kadalasang sumasagot sa
mga tanong na Ano.
Pook-Sapot: http://stemafilipino.blogspot.com

“KASIYAHAN NG NAKARAAN”

Napakasarap tingnan ang mga bata na masayang naglalaro na tila wala nang
bukas. Pawis na tumatagiktik sa ilalim ng mainit na araw. Mga paang sa sobrang dumi ay
mapapatawa ka talaga. Mga unipormeng puno ng putik at napakabaho kung iyong
aamuyin. Pero sa kabila ng lahat ng iyan, mapapansin mong walang pakialam ang mga
bata na tila gagawin nila ang lahat, makapaglaro lamang.

Nakakahiya mang aminin, ganyan ang palagi kong ginagawa noong ako ay nasa
sa elementarya pa lamang. Sa tuwing dumaraan ako sa dati kong paaralan, palagi kong
nakikita ang mga batang naglalaro na siyang nagdudulot ng pagkaalala ko sa
napakasaya kong nakaraan. Yung tipong hindi ka makapili kapag may pasok dahil gusto
mo nang matapos ang klase para makapaglaro na kayo ng iyong kamag-aral. Sa halos
halat ng sulok ng kampus ay may makikita kang naglalaro na mga estudyante. May mga
babaeng naglalaro ng luksong tinik at chinese garter. Mayroon namang mga
nagpapanggap modelo na masayang rumarampa sa stage ng paaralan. Mayroon
namang naglalaro gamit ang mga libro na kung sino ang may nakakuha ng mas
maraming tao sa isang pahina ay siya ang panalo. Sa mga kalalakihan naman, kahit
napakainit ng sikat ng araw, walang segundo sa orasan ang makikita mong walang
naghahabulan sa napakalawak na ballground ng paaralan. Mga batang tila naliligo sa
kani-kanilang sariling pawis. May mga umaakyat at naglalambitin sa maliliit na puno ng
mangga. Mayroon namang nagbabatuhan ng tsinelas at walang pakialam ang isat-isa
kung may masaktan man. Yung iba ay namumulot ng mga basurang papel at binalok ng
plastik na siyang ginagamit sa paglalaro ng dodgeball. Sa gilid ng mga reading centers,
nariyan ang mga batang naglalaro ng sipa, gamit ang pinagsamang takip ng softdrinks
at straw nito at ang pinakamasayang laruin ay ang pagbabatuhan ng mga binilog na
putik ng magkalabang grupo sa madamong taniman ng cassava.

Napakalungkot isipin na sa pagtanda ay nalilimutan na natin kung paano


maging masaya. Bago matulog sa tahimik na gabi at ang pagdilat sa bagong umaga, ang
laman ng ating isipan ay ang mga problemang tila napakahirap bigyan ng solusyon. Mas
mabuti pang manatili na lang tayo sa ating pagkabata, sa ganitong paraan, may
problema man, nariyan parin ang kasiyahan.

1. Ano ang pagkakalarawan sa mga bata na masayang naglalaro?


2. Ano-anong mga pambabaeng laro ang inilarawan sa teksto?
PARAÑAQUE
FIL 121
3. Ano-anong mga panlalakeng laro ang inilarawan sa teskto?
4. Ano-ano pang laro ang makikita sa reading center?
5. Bilang mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang, Ano-ano yung mga larong nabanggit
sa teksto ang nilalaro mo yung ikaw ay bata pa at ano naman ang naidudulot nito sayo?
6. Bilang mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang, Ano-Ano ang namimiss mong mga
aktibidad yung bata ka pa na di mo na maaring gawin sa kasalukuyan? Magbigay ng
halimbawa.

Di Mabayarang Pagmamahal
"Bakit gabi ka na naman umuwi? Saan ka na naman galing? Nagsaing ka na ba?
Para kang may katulong, Linisan mo na yan!" Iyan ang walang katapusang linya ni nanay
araw-araw na halos maisaulo ko na. Kulang na nga lang na iyan na ang maisagot ko sa
mga pagsusulit namin sa paaralan. Para bang isa itong ritwal na kailangan kong
matanggap mula sa kanya. Ngunit kaakibat naman ng mga salitang iyan ang linyang,
"Bibi, kain kana. Huwag magpapagutom baka magkasakit ka." Sa ganitong sitwasyon,
hindi ko maiwasang palihim na mapangiti dahil, dito nararamdaman ang kanyang
pagkalinga't pag-aaruga. Alam ko rin na sa likod ng mga sermon niya nakatago ang
tunay at dalisay na pagmamahal ng isang ina.

Nanay, inay, mama, mommy, ermats, mudra kahit ano pa ang tawag natin sa
babaeng nagluwal sa atin, sila pa rin ang pinakamagandang biyaya mula sa Diyos. Ang
biyayang may angking dakilang pagmamahal na hindi kayang tumbasan ng kahit na
anong halaga at ang pagmamahal na ito ang nagbigay buhay sa atin. Ang pagmamahal
na walang pinipili, mamahalin ka maging sino ka man. Ganyan ang pagmamahal ng
isang ina. Ito'y hindi rin naghahangad na mahalin siya, kahit na galit, inis o pagkamuhi
pa ang isauli ng kanyang anak, patuloy pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Sa
katunayan isa rin ako sa mga anak na nagalit sa sariling ina.

Sobrang pagkamuhi ang aking naramdaman noong panahong may problema


kaming pinagdaanan, sa kadahilanang hindi ko gusto ang nagawang desisyon ni mama.
Ang desisyong nagpa-alab ng galit sa puso ko na siyang dahilan ng paglisan ko sa aming
tahanan. Pumunta ako noon sa lugar na milya-milya ang distansya mula sa kanya. Sa
lugar na wala siya. Walang inang mag-aasikaso, magluluto, mag-aalaga at magmamahal
sa akin. Gayunpaman, tiniis kong mabuhay sa panahong iyon na wala siya. Sa loob ng
dalawang buwan, dumaan ang araw ng mga ina o ang Mother's Day at hindi man lang
siya nakatanggap ng bati mula sa akin. Kinain ng sobrang galit ang puso ko, kaya hindi
ko nagawang magparamdam sa kanya, kahit text o tawag man lang. Alam ko ring labis
na pag-aalala ang nararamdaman niya, dahil araw-araw niya akong pinadadalhan ng
mga mensaheng, "Nasaan ka? umuwi ka na dito sa bahay. Nag-aalala na ako sayo. Miss
na kita. Mahal na mahal kita anak." Ito ang mga salitang nagpalambot ng puso kong bato
at ang pumatay sa lumalagablab na galit ng puso ko. Kaya sa araw ng aking pagbabalik,
ang puso't isip ko ay puno ng pag-aalinlangan kung tama pa bang bumalik ako.
"Tatanggapin niya pa kaya ako? Mahal niya pa ako?” iyan ang mga katanungan na
gumugulo sa isip ko. Ngunit naglaho ito noong makita ko ang isang pamilyar na babae,
na nakatayo sa bukana ng aming tahanan. Kitang-kita ko ang mga kislap ng kanyang
mga mata noong dumapo ang kanyang paningin sa akin. Agad niya naman akong
sinalubong at binigyan ng isang mahigpit na yakap kasabay ang pagtulo ng mga luha
mula sa kanyang mga mata.
Wala akong naramdamang galit o kahit konting pagkamuhi mula sa kanya, tanging
pagkalinga't pagmamahal lamang. Sa kabila ng mga sakit at pahirap na naiparamdam ko
sa kanya, tinanggap at minahal niya pa rin ako.

Tunay ngang hindi nagbabago ang pagmamahal ng ating mga ina. Kahit gaano pa
kasakit ang naidulot natin sa kanila, walang labis at walang kulang pa rin kung
magmahal sila. Makalimutan man o talikdan natin sila, nariyan at nariyan pa rin sila
naghihintay sa pagbabalik ng kanilang mga munting anak. Hindi natin makikita sa iba
ang ganitong uri ng pagmamahal, tanging sa ating mga ina lamang. Kahit nakakarindi na
PARAÑAQUE
FIL 121
talaga pakinggan ang mga paboritong linya nila sa sermon, mahal na mahal pa rin nila
tayo at hindi na iyon magbabago pa. At ito ang pagmamahal na hindi nating kayang
bayaran. Kaya naman suklian na lamang natin ito ng pagmamahal na nararapat rin para
sa ating mga ina.

1. Ano-ano yung mga linya ng isang Ina batay sa tekstong binasa?


2. Ano-ano yung mga iba pang katawagan sa Ina batay sa tesktong binasa?
3. Ano ang pagkalarawan ng pagmamahal ng isang Ina?
4. Ano ang dahilan kung bakit kinamuhian ng anak ang kanyang Ina?
5. Ano-ano yung mga bumabagabag sa isip ng anak yung uuwi na siya sa kanilang
tahanan?
6. Ano ang ginawa ng Ina yung nakita niyang umuwi ang kanyang anak sa kanilang
tahanan?
7. Bilang isang anak ano kaya ang mga dahilan kung bakit nagagawa natin kamuhian
ang ating Ina? Magbigay ng halimbawa.
8. Bilang isang anak, ano ang magagawa mo upang suklian ang di mababayarang
pagmamahal ng isang Ina? Magbigay ng halimbawa.
9. Bilang isang anak, ano ang ibig sabihin ng kasabihan na ito “Ang anak kayang
mabuhay nang walang Ina, pero ang Ina di kayang mabuhay na wala ang kanilang anak
sa piling nila.” Ipaliwanag.

Hinagpis sa Pagitan ng mga Alapaap


ni: Mike L. Pormalejo

Mga luhang pumapatak sa bawat mata ng isang pamilya habang pinagmamasdan


ang isang kulay puting ataul na may nakapaligid na mga bulaklak na mga nakalagay na
"Rest in Peace"e at "Condolence". Isang pangyayaring kailanman ay hinding-hindi
inaasahan ng sinuman sa kanila. Ngunit hindi niya inaasahang mangyayari ito sa tulad
niya.
Labing-limang buwan bago maganap ang karimbal -rimbal na pagwawakas ng isang
buhay, ang kanyang pamilya ay masaya kasama siya. Ngunit isang pangyayari ang
sumubok sa kanilang katatagan at naging dahilan upag magbigay sa kanya ng
pagkakataong mangibang bansa. Ito ay ng malaman nila na ang kanilang
pinakamamahal na bunsong anak ay may malubhang sakit na Pulmonary Heart Disease,
stage 3. Ang kanilang pamilya ay nagulat ng malaman ang kalungkot-lungkot na balita
na nagmula sa bibig ng kanilang doktor. Ito ay nagdulot sa kanila ng hinagpis at
kalungkutan. Ang balitang iyon ay tila punyagi na dahan-dahang tumutusok sa puso ng
mag-asawa at unti-unting pumapatay sa kanilang mga pag-asa. Lahat ng ipon at lahat
ng mga luho na naipundar ng mag-asawa ay naubos. Sila ay naghirap, naglugmok at
nalubog sa utang, at para mabayaran ito kailangan nilang pag-ipunan ito kaya nagpasya
ang babae na magtrabaho sa ibang bansa.
Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan, di ito naging dahilan upang
mawala sa landas ng Diyos. Dahil sa kasipagan at kabaitang loob ng babae ng siya ay
nag-apply sa isang agency, siya ay nabigyan ng Visa Express upang makapagtrabaho sa
ibang bansa. Makalipas ang dalawang buwan ay nagpasya na ang babae umalis. Hindi
man magiging madali para sa kanya at sa kanyang pamilya ang kanyang paglisan,
masaya na lamang ito tinanggap ng pamilya.
Pagkasakay na pagkasakay niya sa eroplano ay ang agad naman nitong pag-alis. Ang
kanyang biyahe patungo sa bansa arabo, Saudi Arabia ay umabot ng labing dalawang
oras o katumbas ng kalahating araw. Sa kanyang pagbaba, ramdam niya ang hapdi ng
nagbabagang araw na dumadampi sa kanyang balat. Ang babae ay nakaramdam ng
takot at kaba sa kanyang dibdib sa pagdaan niya sa isang makipot at mabahong eskinita
patungo sa bahay ng kanyang mga amo.
Pagkatok niya sa pintuan nito ay ang agad naman na paglabas ng isang lasing,
mabalbas at mukhang bakulaw na lalaki, tiningnan siya nito ngunit binabaan niya na
PARAÑAQUE
FIL 121
lamang ito ng tingin bilang pag-iwas. Ang babae ay tumuloy naman at binigyan ng
tagubilin ng kanyang among babae, asawa ng lumabas na lalaki. Maganda ang turing ng
babaeng amo sa kanya ngunit sa pagdaan ng mga araw, nakakaramdam siya ng takot at
kaba sapagkat ramdam niya na tiningnan siyang lalaki pero pinabayaan nya lamang ito
at tinuon ang sarili sa trabaho. Mahirap ang kanyang naging buhay sa Saudi Arabia, sa
bansang ito tinuturing na ginto ang butil ng bigas. Mahirap din ang komunikasyon kaya
isang beses lamang sa isang buwan kung makipag-usap sa kanyang pamilya. Pero dahil
sa kanyang pagtitiyaga at determinasyon siya ay nagtagal ng isang taon. Ngunit isang
araw nagbago ang lahat, ang magandang trato sa kanya ng kanyang among babae ay
nawala. Pinagbubuhat na rin siya nito ng kamay. May mga pagkakataong sinisigawan
sya, minumura at pinagsasalitan ng di maganda. Hindi na rin siya pinapalabas ng
bahay at makipag-usap ra kanyang mahal na pamilya. Sa kamay ng amo ay naranasan
nyang paluin siya ng tubong bakal, pasuin ng nagbabagang kahoy, kinukulong at di
pinapakain ng dalawa hanggang tatlong araw. Wala siyang magawa sapagkat wala sya
lakas para lumabas at magsuplong sa kinauukulan.
Isang gabi, habang siya ay natutulog nakaramdam sixa ng magaspang na mga kamay
na humahaplos sa kanyang katawan. Natakot siya. Pagdilat niya ng kanyang mata nakita
niya ang kanyang lalaking amo na magtatangkang halayin siya. Wala siyang magawa
sapagka di pa sya kumakain ng dalawang araw at wala siyang sapat na lakas upang
lumaban sa lakas ng lasing na lasing na lalaking iyon. Hindi niya iyon inaasahan, ang
tanging nagawa niya lamang ay ang umiyak ng umiyak habang hinahalay siya nito.
Matapos mangyari ang gabing iyon, siya ay naging tulala at tila ba halang na ang kanya
utak dahil sa nangyari. Akala niya ay hindi na ito uulitin ng kanyang amo. Ngunit sa
tuwing na lasing ito ay ginagawa ulit iyon sa kanya. Hindi niya naman ito maisabi sa
kanyang among babae sapagkat pinagbantaan siya nito na papatayin siya nito. Ang
panghahalay ay naganap sa loob ng apatnapung araw. Hindi na niya nakayanan ang
ginagawa sa kanya, nagsimula siya na tanungin ang Diyos. Dahil mga pasakit at
paghihirap ang nararanasan niya sa kabila na ang gusto niya lamang ay mapabuti ang
kanyang pamilya.

Isang araw, hinahanap siya ng kanyang among babae sapagkat nalaman nito na may
relasyon sila ng asawa nito na alam niyang hindi iyon totoo. Pagkabukas nito sa kanyang
kwarto, tumambal ang walang buhay at nakahandusay na babaeng may laslas sa leeg.
Nakita ng babaeng amo niya ang isang sulat sa kama nito na nagsasabing "Sana ay
mapatawad kayo ng Diyos ma'am at sir……at sana po ay maisauli po nhnyo ang katawan
ko sa aking mahal na pamilya."
1. Ano ang pagkakalarawan ng burol sa teksto?
2. Ano ang nagtulak sa kanya upang mangibang bansa?
3. Ano-ano yung mga ginawang hakbang ng mag-asawa para lamang matustusan ang
gastuhin ng kanilang anak na may sakit?
4. Anong bansa nakadestino ang babae upang magtrabaho?
5. Ano ang pagkalarawan sa amo niyang lalake?
6. Ano-ano yung mga kalbaryong kanyang nararanasan sa Saudi Arabia?
7. Ano-ano mga pang-aabuso ang kanyang naranasan sa kamay ng among babae?
8. Ano namang pang-aabuso ang kanyang naranasan sa kamay ng among lalake?
9. Ano ang nakitang dahilan niya upang makatakas sa mapang-abusong amo?
10. Bilang mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang, Sang-ayon ka ba sa ginawa niyang
paraan upang makatakas na mapang-abusong amo? OO o HINDI? Bakit? Patunayan.
11. Bilang Pilipino, Ano ang nagtutuklak sa ating mga kababayan na mangibang bansa?
Magbigay ng Halimbawa.

You might also like