You are on page 1of 7

St.

Louise De Marillac College of Sorsogon


Higher Education Department
S.Y: 2021 – 2022

Pangalan: Stephanie Rebosura Nol


Kurso: BSED III Filipino
Professor: Dr. Salvacion E. Espedido
MALIKHAING PAGSULAT
MODYUL 9
PAGSASANAY BILANG 1
1. Sumulat ng dalawang pangungusap na maglalarawan sa tagpuan nang PATIYAK.
- Sa bukid, ibang-iba ang dating sa paningin ko, palibhasa madali akong maakit ng kagandahan ng
kalikasan. Iba ang init ng araw; ang hangin ay walang polusyon; ang agos ng tubig sa kanal ng
Irigasyon ay malinaw at malamig; ang mga manok, itik, at ganso ay palipat-lipat sa bakuran, hindi
natatakot bmawala sa pinanggalingan lungga; ang mga ibon ay malayang lumilipad saan man sila
pumaroon; ang mga tao sa kalapit taniman ay tahimik lamang, simple lamang ang buhay; kung
mayroon man nagdiriwang na kaarawan, nagkakantahan sa karaoke; at kung pupunta sa mga
pamilihan na di kalayuan, ang presyo ay hindi naman ganoon kalaki o kamahalaan.

2. Sumulat ng dalawang pangungusap o higit pa na maglalarawan sa tauhan nang TAHASAN.


- Sa tuwing ako'y naglalakad sa daang bakilid hinahanap lagi taong nasa bukid, tumitingin sa malayo
at sa paligid may mga ligaw na halaman na nasa tabing-gilid. Ang mga tao sa kalapit taniman ay
tahimik lamang, simple lamang ang buhay; kung mayroon man nagdiriwang na kaarawan,
nagkakantahan sa karaoke; at kung pupunta sa mga pamilihan na di kalayuan, ang presyo ay hindi
naman ganoon kalaki o kamahalaan. Ang tao sa bukid, masaya palagi kasama ang pamilya na laging
nagpupugi, kahit na walang dolyar na salapi basta sa kanila, buhay ay bahaghari. Simple lamang ang
buhay ng mga tao sa bukid. Masarap at masaya mamuhay dito. Kaya naman ang pakiramdam ko ay
maginhawa sa kalusugan. Nakakarelax sa katawan at isipan.
PAGSASANAY BILANG 2.
Panuto: Gawin ang ipinagagawa sa bawat bilang.
1. Sumulat ng maikling talata na binubuo ng 3-5 pangungusap lang. Ang talata ay may HIMIG
MASAYA.
Sa kabila ng pagsubok na binigay ng taong ito, mga lockdowns at paghihigpit, lalong lalo na ang
Coronavirus nananatili tayong metatag, mga Filipino’y nananatiling masaya, positibo, at matapang.
Ngayong darating na kapaskuhan tuloy parin ang paggunita at pagdiriwang sa diwa ng pasko. Kahit pa
sa gitna ng delubyo. Anumang pinagdadaanan, may kabigatan wala naman tayong di nakayanan, nasaan
man walang maiiwanan, ang bawat isa ang ating lakas at tahanan. Lagi tayong pinaglalapit ng pag –
ibig, pagtutulungan at pagmamahal ng Diyos. Sa pasko’y pagmamahalan ang pagsasaluhan, iaangat ang
isa’t – isa, panginoon ang laging kasama, saan man sa mundo dabest lagi ang pasko ng mga Pilipino
kahit pa may mga pagsubok at delubyo.

2. Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong sariling karanasan na may banghay na masurpresa.
Naging mahirap talaga ang buhay naming mga estudyante nang magsimula ang pandemya. Hindi
ko halos maisip kung paano ipagpapatuloy ang pag – aral ko at ang mga pangarap ko dahil sa
nagbabadyang pagsubok na kinakaharap ng mundo. Nagsimula ang mga lockdowns pagpapasara ng mga
paaralan, lahat kinakailangang nasa bahay lang, walang lalabas. Napakahirap sa loob ng dalawang taon,
pero ang Diyos ay tunay na mabuti, pinakinggan niya ang dasal ko at ibang mga kabataan. Napakalaking
surpresa saakin ang balita na sa taong 2022 magbabalik na ang face to face classes. Makakatulong ito
upang maging maayos ko ulit ang aking sarili lalong lalo na ang aking “mental health” dahil sa wakas
magkakaroon na ulit ng interaksyon sa mga kapwa ko kamag – aral, mga guro at iba pa, magkakaroon
na din ulit ng gabay ang mga guro saaming mga pag – aaral.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isa lang ang gagawin mo. Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa karanasan mo o nasaksihan
mo o ikwenento sa iyo ng kaibigan mo. Ang Tagpuan ay patiyak, ang tauhan ay ilalarawan mo nang di-tahasan.
Ikaw ang pipili ng gagamitin mong banghay.
(Ang napili ko po ay banghay na masalimuot)

“Karanasan sa pandemya”
Isang panaginip, imaheng binuo ng aking isipang may pananabik sa pagtawid sa nakakapasong
kalsadang natitipon ang iba’t ibang mukha at kasuotan. Nariyan si Mamang sorberterong pinipilahan ng mga
sukat ang bulsa, may karitong pantawid uhaw para sa nanunuyong lalamunan, ang karinderya ni Manay dahil sa
patok na bente-singkong sabaw at ang padyak ng pedal na hilig manlamang sa bilis nang pag-usad. Patuloy
nagsusumikap at matiyagang kumakayod, bidang maisalba ang bawat isa sa hamon ng buhay. Sa mga
pampublikong lugar, sa parke, sa sinehan at maging sa opisina’t paaralan ramdam ang init presyong
pakikipagkamayan, pagbati’t pagyakap, pinagtiisan kong pakinggan maging kanilang tuksuhan at hagikhikan.
Isang pangkaraniwang larawang madalas nakikita at patuloy binibida sa lipunan, walang espayo at pagitan,
walang barikada at distansya, hindi sinusukat maging ang agwat at layo, higit kailanman walang balakid ni-
hadlang.
Ngunit sa rurok, sa rimarim nang higlikas ako’y palsipikadong gumising at bumangon. Walang
nais bumati, walang tumugon at maging pagdaop ng mga palad ay pinahindian. Hindi ko muling narinig ang
kaskaserong drayber na may hirit pang tumawag ng mga ruta, ang lansangang hindi nagtitipid sa galak at
hiyawan ay nanamlay, naging larawan ng itim at puti, lumamlam ang mga kulay, sinakop nang katahimikan.

Tahanang pugadlawin ng tuwa’t saya, nakakabinging pakinggan, nakasisiyang pagmasdan. Naging punlaan
ang apat na korner ng aking kwarto, nakuntentong sinisilip ang siwang ng butas sa harang na pader na yero.
Walang imik na sinisilip itong pamilyar na pulang ilaw na naglaho sa aking paningin. Naiulat ang pagdami ng
mga bilang ng aktibong kaso, sa telebisyon, radyo, mga pahayagan at mga post sa social media. Ito ang
pangunahing kinahaharap ng sangkatauhan. Umuusig, nakikipagpatinterong protektahan ang sarili at kanyang
kapwa, pamilya’t mga kaibigan sa nararanasang pangkalusugang krisis.
Sa nagdaang buwan, naging masalimuot ang pakikibaka ng mga ahensya at sektor ng gobyerno sa
pagtulong upang supilin ang kinahaharap nating hamon sa pandemya. Naaksyunan ang malawakang
pagbabakuna sa mga nagnanais, ngunit patuloy pa rin ang mga agam-agam lulan ng epekto sa kalusugan.
Nagkaroon din ng distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) para sa ating mga kababayan, naglipana
ang mga tulong o donasyon mapa-lokal at internasyunal para sa mga kagamitan at materyales pangmedikal at
mga esensyal na pangangailangan sa tahanan. Nakaraan lamang ay naitampok rin ang boluntaryong
pagsasagawa ng mga community pantry sa ilang bahagi ng mga distrito at komunidad.
Tuluyan naipinta ang nakalipas, nasubok humarap at tanggapin ang pagbabagong galaw ng
ekonomiya, mobilidad ng edukasyon, distansyang balakid sa pakikipagkomunikasyon, mahigpit na kawang ng
seguridad at iba pa. Humahakbang at nagpapatuloy pa rin sagipin ang pansariling pagkalam ng sikmura,
kumakapit sa pising magbibigay ng pag-asang umahon sa kabila ng mga hagunot at dagok sa buhay. Walang
tigil ang daing at karamdamang hindi nakikita ngunit paunti-unting tinutuldukan ang karapatang huminga,
tinatahak maging kalmadong pakikipagsanduguang mabuhay para sa lupang tinubuan. Namulat ang aking diwa
sa araw-araw na pangamba at pagkabalisa, hindi tiyak ang tagal nang oras sa pakikipag-argumento sa sarili.
Sabi nila’y mainam na maging kalma at huwag magpatalo sa mga negatibo.

MODYUL 10
PAGSASANAY BILANG 1
Panuto: Sa 10 Teknik pumili ng dalawa at sumulat ng maikling sariling halibawa o kaya ay magsipi sa mga
napag-aralan nang kuwnto, ng isang bahagi para ipakita ang teknik na ginamit, Tapos ka na? Maari ka nang
magpatuloy sa Ikalawang Gawain.
(Ang napili kop o sa 10 na teknik ay ang Simbolismo at Kapanabikan)
 Halimbawa sa simbolismo (sarili ko pong kwento)
Si Marta ay isa sa mga kabataan na masama ang ugali, siya ay isang ampon. Niloko niya ang mga
taong nakapaligid sakanya. Gagawin niya lahat kahit pa makasakit ng iba. Naiinggit siya sakanyang
pamangkin na si Elizabeth dahil lahat ng atensyon nasa bata at lahat ng gusto nito naibibigay ng mga
magulang niya, malambing, mabait, at mapagmahal si Elizabeth. Dahil sa inggit si pinatay ni Marta si
Elizabeth upang siya nalang ang maging anak ng mga magulang ni Elizabeth.
Ang halimbawang ito ay nagpapakita ng simbolismo sa tauhan.
Si Elizabeth ay sumisimbolo ng isang inosenteng tao na nadamay sa masamang hangarin ni Marta.
Si Marta naman ay sumisimbolo ng isang tusong tao na gagawin lahat upang makuha lamang ang
kanyang gusto kahit pa makasakit ng ibang tao.
 Halimbawa sa Kapanabikan (sarili ko pong kwento)
Plinano lahat ni Marta, pinaikot niya ang mga taong nakapaligid sakanya, nilinlang niya at
pinaniwala na mabuti ang kanyang hangarin para sa pamilya ni Elizabeth. Isang gabi, bilog at
maliwanag ang buwan, nakatakda na ang araw ng kanyang plano sa pagpaslang sakanyang kapatid na si
Elizabeth. Habang mahimbing ng natutulog ang mag asawang Kanor at Karen, si Marta at pumunta s
akusina at kumuha ng matalim na bagay, dahil sa madaling araw na nakapatay na ang mga ilaw at dahan
dahang pumunta sa kwarto ni Elizabeth sa Marta. Nakaplano na ang lahat, pati ang kanyang mga
sasabihinn pagkatapos niyang patayin si Elizabeth. Sa oras ding iyon nagising ang ama ni Elizabeth at
pumunta sa banyo dahil nakaramdaman ng tawag ng kalikasan. Nakita ng ama na bukas ang pintuan sa
kwarto ni Elizabeth kaya agad itong pumunta doon, biglang narinig ni Marta ang ama kaya naman
nagtago siya sa kabinet. Nagmasid ang ama at wala namang tao at tulog si Elizabeth. Lumabas na ang
ama at isinara ang pinto. Lumabas sa kabinet si Marta at tuloy ang plano bumwelo na siya at sasaksakin
niya na si Elizabeth ng biglang bumukas ang ilaw at nakita siya ng katulong nila. Nakita iyon ni Marta,
biglang tumakbo ang kasambahay at hinabol ito ni Marta.
Ang pangyayaring ito ay gumaganyak sa damdamin at interes ng mambabasa dahil ang
pangyayaring ito ay nakakabitin kaya hindi basta nabibitawan ang binabasa sa kagustuhang
malaman ang susunod pang mga pangyayari sa kwento, kung ano ang kalalabasan o magiging
bunnga ng ginawang kasalanan na inihain ng may akda.

PAGSASANAY BILANG 2
Ano ang pananaw sa pagkukuwento?
Sa mga kuwentong pinag-aralan natin sa asignaturang Maikling Kuwento, pumil ng akda at isulat ang pananaw
ng may akda.
 Sa mga kwentong pinag – aralan natin sa asignaturang Maikling Kwento ang napili ko po ay ang kwento
ni Valeriano Hernandez Pena na Nena at Neneng.
Ang kwentong ito ay nagpapahayag ng huwarang pagkakaibigan, na ang isang kaibigan ay
nasuuskat hindi lamang sa kaginhawaan kundi maging sa panahon ng kagipitan. Nagpapahayag ng mga
kaugaliang Pilipino sa larangan ng kultura at paniniwala. Ilan sa mga ito ay mga paniniwala sa mga hula at
kahulugan ng panaginip at paghingi ng permiso sa mga magulang ng babaeng liligawan. Nagpapakita rin ito ng
mga kagandahang asal ng mga pangunahing tauhan tulad ng pagdadamayan at maayos na pagtanggap sa bisita.
MODYUL 11
Paksa: PAGSULAT NG SARILING TULA, TALAARAWAN, AT MAIKLING KUWENTO
Ngayon ay may sapat na kayong kalaman sa pagsulat ng tula, talaarawan o dyurnal at maikling
kuwento. Sa modyul na ito ay OUTPUT na ang gagawin ninyo. Susulat ang bawat isa ng isang tula na
may apat o higit pang saknong, isang linggong talaarawan o dyurnal at isang maikling kuwento ng sarili
o naobserbahan pangyayari. Ito ang ipapasa ninyo para sa Finals at ang marka ninyo sa output ay 50%
ng marka para sa Pagsusulit sa Finals.

TULA
“Nawa’y Matigil na (Alay sa mga Frontliners)”

Sa inyo aming alay


Kayong nagliligtas ng buhay
Meron din kayong pangamba
Bagsik na dala ni Corona

Kayong humaharap sa nakaambang panganib


Nanaig ang katapatan sa sinumpaang katungkulan
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.

Naririnig namin usal ninyong hiling


Taimtim na panalangin
Matapos na sana, salot ni Corona
Matigil na ang mga palahaw ng mga naulila

Matigil na ang salot na dulot


Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim nyong panalangin
Mailigtas ang buhay, di na madagdagan dumaragsang bangkay.

Naririnig namin taimtim nyong panalangin


Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Upang makauwi naman

Makapiling mga mahal sa buhay!


Dalangin nyo, tumatagos sa hangin
Dalangin nyo, aming naririnig
Sinasabayan namin inyong panalangin

Sana’y makamtan nga inyong hinihiling…


Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona

Matigil na bumabalot na lungkot


Matigil na takot na dulot
Matigil na
Nawa’y Matigil at matapos na.

Talaarawan
Disyembre 10, 2021
Masaya ang araw na ito dahil byernes na naman, mag weweekend nanaman makakapagpahinga
naman kahit papaano sa mga modyuls, kaya ang mga tira pang modyuls na di ko pa tapos ay tinapos ko na para
konti nalang pagkatapos ng weekend. Natulog ako na hapon tapos gabi nag modyul ulit ako, nagbasa basa,
nanuod ng balita, at kumain, pagaktapos ay nag modyul ulit mga 10 ng gabi natulog na ako dahil may mga
gawaing bahay pala kinabukasan.
Disyembre 11, 2021
Wala namang masyadong ganap sa araw na ito, akala ko dahil weekend makakpagpahinga ako
kaso may mga gawaing Bahay pala. Ang ginawa ko lang ay gumising ng maaga, naglinis ng bahay, naglaba na
din ng mga labahan dahil may araw sayang naman, nagluto din ako at naghugas ng mga pinggan. Pagkatapos ko
gumawa ng mga gawaing bahay, hapon na ng makagawa ako ng mga modyuls, nakakpagod, nakakantok pero
ayos lang masaya naman dahil medyo natatapos ko na din ang ibang mga modyul, nagtatiyaga lang para
makatapos agad at wala ng isiping mga gawain sa susunod na araw. Pagsapit ng gabi nagluto ulit tapos
pagkatapos kumain at naghugas ng mga pinggan. Mga 9 ng gabi tuloy ulit sa paggawa ng modyuls hanggang sa
dalawin ng antok.
Disyember 12, 2021
Nagsimba kami ng pamilya, Masaya ang araw na ito para saakin dahil ako’y naghahanda para sa
magaganap na kaarawan ng aking pamangkin, pumunta kami sa mall at bumili ng mga panregalo sabay na din
ang para sa pasko. Tuwing Disyembre talagang masaya ako dahil sa nalalapit na kaarawan ng Mahal na
Panginoon at sa pagtatapos ng taon at pag usbong ng bagong panahon at pag – asa. Maraming nagaganap sa
paligid pero nagagwa paring ngumiti kahit na papaano, nananatiling metatag at matapang. Bumili ako ng bag na
ipan reregalo ko sa pamangkin ko at chocolates dahil paborito niya iyon. Minsan lang mag diwang ng kaarawan
kaya ayos lang na gumastos pero hindi yung sobra sobra. Paglabas naming sa mall may nakita akong batang
kumukuha ng pagkain sa may basurahan, nilapitan ko siya at tiananong kung bakit siya nandoon sabi niya
gutom na gutom daw talaga siya kahapon pa daw siya hindi kumakain. Ang ginawa ko pumunta ako grocery
store sa mall tapos bumili ako ng makakain niya at maiiinom, binigyan din siya ng pera ng kasama ko dahil
naawa talaga. Kaya masaya itong araw na ito para saakin dahil madami ako napagtanto.
Disyembre 13, 2021
Ito na ang araw ng kaarawan ng pamangkin ko, alas 7 ng umaga nagising ako pumunta sa kwarto
ng aking pamangkin at binate ito ng Maligayang Kaarawan at nagluto ng almusal namin. Paka luto ko nag
almusal na kami, pagkatapos ay naligo na rin ako, inayos ko na ang mga gamit na dadalhin sa “venue” at ang
regalo na ibibigay ko sakanya. Mga 9 ng umaga pumunta na kami doon at tumulong ako sap ag desinyo ng
“venue”. Nakakapagod na masaya kahit kasama ko mga pamilya ko, at saka ayos lang kasi para naman iyon sa
pamangkin ko. Ako kasi ang laging kasama niya dahil ang mama niya nasa ibang bansa at ang papa niya iniwan
na siya nang maliit pa lang siya, pinagtabuyan siya dahil hindi daw siya lalaki. Umiyak ang pamangkin ko dahil
namimiss niya na daw mama niya, sabi ko konting tiis na lang at uuwi na ang kanyang mama. Sinorpresa siya
ng kanyang mama ng mga package puno ng gamit niya sa pag – aaral at mga laruan. Kahit papano naibsan ang
hinanakit niya sa puso. Naging masaya at memorable ang araw na ito. Pagtapos ng lahat umuwi na kami at
nagpasalamat sa Diyos sa masayang araw na ito.
Disyembre 14 2021
Itong araw naman na ito ay mahalaga para saakin dahil kaarawan ito ng isang taong napakamalapit
sa puso ko. Kaibigan ko siya mula grade 12, espesyal siya na tao para saakin dahil siya ay laging nandyian para
saakin sa oras ng kagipitan at kasiyahan. Mayroon din akong biniling regalo para sakanya, Nakausap ko siya sa
selpon bago ako pumunta ng school dahil sinabihan niya ako na pumunta daw sa kanilang bahay dahil may
inihanda siyang kahit konting handa sa kaarawan niya. Umaga ay pumunta muna ako sa eskwelahan dahil may
aayusin na mga papeles para sa aaplayan kong financial assistance. Nakakapagod ang pila pero ayos lang dahil
may makukuha naman ako. Mga 12 ng hapon na ako nakauwi dahil sa pila sa accounting. Pag uwi ko inayos ko
muna ang mga dadalhin ko para sa pagpunta sa bahay ng kaibigan ko. Pagtapos ay kumain na ako, naghugas ng
mga pinggan. Mga 1 ng hapon ay natulog ako dahil puyat din, nagising ako mga 3:30 ng hapon, sabay nag
meryenda at naligo na din dahil 4:30 ng hapon ay pupunta na kami sa bahay ng aking kaibigan. Naghintayan
kami sa Savemore na Malaki, kasama ko sina Cabrea at Lubong at iba pa naming mga kaibigan. Nang
makarating na kami binati ko siya ng Maligayang Kaarawan at binigay ko na ang regalo ko sakanya. Kumain
kami, nag kwentuhan, at nagkantahan. Masayang nagsama sama ulit sa halos tagal ng panahon. Di parin
nawawala ang saya pag sila ang kasama. Mga 8 ng gabi umuwi na kami, nakisabay ako sa sasakyan nila
Lubong dahil wala ng masasakyan. Pag uwi ko medyo pagod pero okay lang. Mga 9 gumawa ako ng modyul at
di ko na namalayan ang oras nakatulog na din ako.
DIsyembre 15, 2021
Ang araw na ito ay ordinaryong araw lang, pagod pero masayang araw. Buong araw gumawa lang
ako ng mga modyul at activities dahil finals na kailangan ng matapos alhat dahil mag ki Christmas break na
busy na ang lahat. Kaya naman buong araw akong nag modyul upang matapos ko na agad ang mga gawain para
wala ng iisipin pag sapit ng pasko. Ayoko na din kasing may iisipin pa ako habang pasko kaya lahat ay
tinatapos ko na, bawas na rin sa mga gawain. Nakakaantok dahil sa panahon, sa papalapit na bagyo, malamig at
umuulan pero di ko pinansin dahil iniisip ko na may tatapusin pa ako kaya tuloy tuloy lang. Pag sapit ng 11 ng
umaga nakasaing na ako at nakaluto na ng ulam, mga 11:30 kumain na kami at nagsalo salo sa niluto kong
pagkain. Pagtapos namin naghugas na ako ng mga pinggan at pag katapos balik na ulit sa mga modyul. Yun
lang ang ganap sa araw na ito.
Disyembre 16, 2021
Nakakatakot tong araw na ito dahil 3 palang ng madaling araw nagising na ako dahil sa kwarto ng
kapatid ko sumabog bigla ang saksakan ng kuryente. Sobrang natrauma siya dahil ang lakas ng pagsabog dahil
pala sa sobrang ulan sa taas ng kapitbahay naming na hindi natapos bumabaha ng tubig tapos sinabihan nap ala
ni appa yun dati na wag pupukpukin ng pupukpukin ang dingding dahil baka kako yung pader na naming yung
pinupokpok at masira na, mabutas. Yun nga talaga ang nangyari kaya nung bumaha yung tubig sumasagom sa
dingding malapit sa may saksakan ng kuyente kaya sigaw ng sigaw kapatid ko dahil sa pagsabog, ilang beses
sumabog, dahil magkatabi lang ang kwarto naming ang ginawa ko nag tsinelas ako agad kumuha ng tuwalya at
inalis yung saksak ng electric fan kasi baka magkasunog pa. Kahit sobrang takot ako ginawa ko parin. Iyak ng
iyak kapatid ko at si papa pinatay muna ang breaker para di mag lala. Kinaumagahan kinausap ni papa ang may
kapitbahay naming at inayos niya din ang saksakan. Buong araw wala kaming kuryente. Kaya di ako nakagawa
ng modyuls pero dahil bumalik na din kinagabihan tuloy ulit ako sap ag modyul.

Maikling kwento sa sarili


“Ako sa gitna ng pandemya”

Mahirap ang mga pagsubok na napagdaanan ko, iniisip ko na baka mahawaan ako ng sakit kahit
nasa loob lang ako ng bahay. Maraming beses din na kinapos kami sa pera at kinailangan ng tulong ng ibang
tao. Nagpapasalamat ako sa Dyos na hanggang ngayon malakas at buhay parin ako sa lahat ng pinagdaanan ko.
Ilang beses din kami na lockdown sa bahay. Pero malaki talaga ang pasasalamat ko dahil wala akong meyembro
ng pamilya ang nawala saakin. Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig natin sa kasalukuyan. Ngayong
dinadagsa tayo ng masasamang balita, mahirap umiwas sa pag-aalala para sa iyong sarili, maging sa mga mahal
sa buhay. Kahit sa mga panahon ng kasaganahan, karaniwa’y mayroon pa ring pag-aalala at pagkabalisa, at
kapag ito ay nangibabaw, maaari itong manaig. Nahirapan akong ibalik ang sigla ng aking buhay dahil sa labis
na takot at pag –aalala sa mga taong mahal na mahal ko. Dumating sa punto na lagi akong umiiyak, hindi na
ako umuusap, wala ng progress sa mga ginagawa ko, ang mga bagay na masaya kong ginagawa nawawalan na
ako ng gana. Ang hirap hirap bumangon sa araw araw na may inaalala ka, may takot ka, may
pinangangambahan ka. Pero nanatili ang pagmamahal ng Diyos sa puso ko, kahit gaano naging mahirap ang
buhay nalagpasan ko at ng pamilya ko ang mga pagsubok dahil sa labis na pagmamahal ng Diyos. May mga
panahon talaga na pakakabahin tayo ng DIyos dahil sa mga nangyayari pero di niya tayo bibiguin,
kinakailangan lang natin kumapit sakanya at magtiwala dahil siya lang ang may kakayahang baguhin tayo.
Kaya sinabi ko sa sarili ko na wala na akong kakatakutan dahil alam kong may plano ang Diyos para saakin.

You might also like