Professional Documents
Culture Documents
Pormal
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng
mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng
mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing
din itong maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling pananalita kaya
mabigat basahin.Pampanitikan din ito kasi makahulugan, matalinhaga,
at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw
ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso,
pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong
sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may
opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.
Tamang Pangangalaga ng Kabayo
ni: Bernadette Biko
pinaglagyan ng tubig. Kailangan din na malinis ang tubig at walang anumang bagay
na kasama nito. Sanaysay sa Filipino.
Ang mga doctor ng hayop ay maari ring hingan ng payo tungkol sa pag-iwas na
bumigat ang timbang ng iyong alagang kabayo. Kapag bumigat ang timbang nila,
maaari silang mahirapan sa kanilang araw-araw na activities. Bunga nito, ang
kanilang mga joints ay maaaring mapinsala bunga ng kanilang mabigat na
timbang .
Di-pormal
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay mapangaliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang
karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga
karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang personalidad ng may-akda ay
maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at
parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at
madaling maintindihan. Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang
tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito
sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Istorya ng Pinto
ni: J
Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak,
tindahan ng kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng
mga sinehan, restawran at mga motel maging ang mga pabrika ng tsokolate
at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentines Day ay binalot sa mga regalong
pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting saya ang pagbibigyan.
Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan.
At ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay nakamit sa
pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang
mahalagay tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air.
Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa
kapitbahay. Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng
bahay. Madilim-dilim pa at siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga
bahay sa lugar na ito.
Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na
kung saan ko hinasa ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi
natutulog ang oras. Laging maingay. Laging magulo. Libangan ng tao ang makipagaway sa kapitbahay.
Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin
ang lugar na iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa
araw-araw. Naroon nga ang ingay at gulo ngunit naroon din ang sayat ligaya na
dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang buhay. Gigising kang masaya at
matutulog na may ngiti sa mga labi habang sinasanay ang sarili sa pagtanggap sa
mga aberya.
Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali.
Tangay sa paligid ang katahimikan at sa umagay gigising kang kapiling ang
halumigmig ng simoy ng hangin. Okay na rin kahit paano. Dito ko naranasan ang
katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila. Narito ako ngayon sa isang
lugar na payapang namumuhay ang mga tao. Wala sa pusod ng laging
nagmamadaling lungsod.
Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil.
Hindi dahil sa wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang
siyang mahalin. Matamis mamuhay sa isang lugar na ang musika sa katanghalian
ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy. Masarap sa pakiramdam na ang
kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at liwanag ng buwan sa kabukiran.
Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa
buong magdamag.
Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay
na maraming pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa
pagkatao. Okay na rin kahit paano. Masasanay din akoNasasanay na rin ako
Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo
ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki
ng aking pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang
lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara. Laking katangahan!
Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina.
Noong bata pa rin ako (mga 6 o 7 taon), ang paborito kong gawin ay ang
pagbibisikleta. Araw-araw, pumupunta ako sa parke at umiikot ako sa aking village
gamit ng pulang bisikleta ko. Sayang-saya ako kapag nagbibisikleta ako dahil
parang walang tao sa buong mundo kaysa sa akin. Nang tumanda ako, nagsimula
ako sa pagsasali sa mga karera at fun run. Dahil bata pa ako, lagi akong natatalo
ng mga mas matanda. Lagi kong kasama ang aking tatay sa ganitong mga
paligsahan dahil mahilig din siya sa pagbibisikleta. Sa 2008, may isang
organisasyon na gumawa ng isang fun run para sa mga bicycle enthusiasts. Ang
tawag dito ay ang Tour of the Fireflies. Sinabi ng aking tatay na ito ay isang
mahabang ride para maging konsensya ang mga tao sa polusyon at ang kalikasan.
Ang dahilan daw ng Tour of the Fireflies ay dahil sa panahon niya, punong-puno ng
alitaptap ang kapaligiran nila lalo na sa gabi. Ito daw ay isang senyas na malinis
ang kalikasan. Sabi ko na gusto kong sumali dito. Hindi ko alam kung gaanong
kahirap ang ito.
Bumangon kami ng 5:00. Naghanda kami ng ating gamit at kumain kami ng mabilis.
Inilagay ng tatay ko ang aming mga bisikleta sa likod ng aming pickup at umalis na
kami. Dumating kami sa Tiendesitas ng mga 6:30. Sisimula ang karera sa 7:30 pa
kaya chill lang kami kasama sa mga kamag-anak namin. Lumipas ang ilang minuto
at naghanda na kami sa simlua ng karera.
bagbabago kaya magsikap tayo para sa ating inang bayan dahil tayo at ang
mga susunod pang henerasyon rin ang makikinabang dito.
(3) mapagdili-dili, (4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o nangangaral, (6)
nagpapaalala, (7) editoryal, (8) maka-siyentipiko o makaagham, (9) sosyo-politikal,
(10) sanaysay na pangkalikasan, at (11) sanaysay na bumabalangkas sa isang
tauhan.
Halimbawa ng Sanaysay na Nangangatwiran
Hindi
Apektado
(SANAYSAY
SA
FILIPINO)
ni:
Maaaring relihiyon lang ang hindi apektado ng global economic crisis sapagkat sa panahon ng
krisis sa ekonomiya ng Pilipinas, o ng alin mang bansa sa mundo, mas nagiging relihiyoso ang
mga tao. Sa panahong nararamdaman na ang pait ng buhay, ibig umigib ng sagradong tubig
upang maipanulak sa nalalasahan. At sapagkat hindi makakuha ng sapat na tulong galing sa
mga taong nakikita ng mata at nahahawakan ng kamay, isasalin na lamang ngayon ang pansin
at
pag-asa
sa
pananampalataya
at
mga
paniniwala.
Ang imaheng nasa espiritu ng relihiyon, maging ito man ay kasing-negro na katulad ng Nazareno
sa Quiapo o kasing-tisoy ng imaheng ipinaparada sa Pampanga, o ang walang pigura ng mga iba
pang samahan, ay nakikitang isang matibay na kakapitan sa panahon ng kagipitan. Mayroon
itong isang hiwaga na sa oras na ikaw ay manampalataya, ikaw ay makatatanggap ng siksik,
liglig at umaapaw na biyaya. Sapagkat ibig paniwalaan na sa oras ng bagyo at baha ay may
isang
rescue
officer
na
maaring
magligtas
sa
mga
nasalanta.
Kaya nga, sa patuloy na pag-usbong ng ibat ibang relihiyon, patuloy rin sa pagdami ang mga
nagiging tagasunod. At sa patuloy na panganganak sa mga nananampalataya, maliwanag na
sandamukal
na
abuloy
para
sa
mga
namumuno.
Sa bahay-sambahan, kung ikay dadalo at mag-aaral ng mga banal na salita, (bible study o
prayer meeting sa iba) hindi maaaring hindi ka mag-aabuloy. Bahagi ito ng pananamplataya mo
bilang isang Kristiyano. Bahagi ito ng aral o batas na naisubo sa iyo magmula pa sa iyong
kabataan. Itinuturo ito maging sa paaralan. At ito rin ang ipinangaral ng mga mananakop
mahigit limang daang taon na ang nakalilipas. Kahit barya na lang ang madudukot mo sa bulsa,
hindi makakalimutan ang pagbibigay. Sapagkat sa pagbibigay, maipakikita mo na ikaw ay
nakikibahagi sa mga gawaing nakaatang. At sinasabing ang hindi pagbibigay ay pagnanakaw
sa
nasa
Itaas.
Bibili ka pa ng kandila sa loob. Ititirik ito sa mga tulusan sa paniwalang matutupad ang iyong
mga kahilingan. Para magkaroon ng bisa, (o upang alisin ang konsensya sa hindi pag-aabuloy)
maliwanag ang limang pisong hulog sa donation box na nasa tabi. Kung medyo hindi ka
nakuntento at naghahanap ka pa ng mas mabisang makakapitan, hindi mo paliligtasing bilhin
ang mga rosaryong nasa eskaparate, ang mga maliliit na kuwintas ni St. Martin de Porres para
sa mga maysakit at ang pigurin ni Sto. Nio na ibat ibang kulay, outfit at design. Mas mahal ng
kaunti ang mga nasa kanan sa dahilang itoy nabasbasan na. May power na taglay, ika nga.
Nakahilera rin ang mga printed materials para sa mga mahihilig magbasa. Naglalaman ito ng
sari-saring dasal, istorya, kwento, bulong at novena para sa ibat ibang santo at santa. Iba ang
dasal kay Santa Maria, iba naman ang panalangin para kay San Pedro. Siyempre pang may
katumbas na halaga ang bawat isa. Depende ang presyo sa sukat at kapal ng babasahin.
Depende sa dami ng mga pahina at depende rin sa kintab, kapal at uri ng papel na ginamit.
Kung gustong maisakatuparan ang mga sakramento at upang mahigpit na makakapit upang
makatanggap ng siksik, liglig at umaapaw na mga biyaya, susundin mo ang mga alituntunin ng
batas. Sapagkat hindi mo gustong mawalan ng bisa ang mga banal mong gawain.
May sobre para sa binyag. Pwera dito ang entrance fee na binayaran ng mga magulang kapag
ililista ang pangalan ng bata. Ang sobreng puti ay para sa mga Ninong at Ninang at iba pang
mga kasama. Kung kapamilya ka, o kahit kapuso pa, hindi ka makaliligtas ng sobreng ito.
Kung nagparamdam naman ang lolo mong namatay, kailangang magpamisa para sa ikatatahimik
at ikaaahon ng kaluluwa sa purgatoryo. Doon sa sekretarya ang punta mo. Gagawa ka ng
appointment para mai-book ang lolo mong namatay sa mga iaahon mula sa purgatoryo. Tatlong
klase ang presyo sa tatlong klase ng pamisa. First Class, Business Class at Economy Class. Kung
gusto mong maging priority ang lolo mo at hindi chance passenger, first class ang kunin mo.
Pero,
natural,
dahil
first
class
ito,
mas
mataas
ng
kaunti
ang
pamasahe.
Kung nagbabalak magpakasal, may dalawang klase naman, primera at segunda. Depende ang
price tag sa dami ng bulaklak, sa hilatsa ng red carpet at sa lakas ng boses ng magkakasal.
Mamimili ka rin kung may kasamang singer at isang piyanista. Sa primera klase, ala-Celine Dion
ang boses ng kakanta. Sa segunda, medyo pasmado ang kamay ng piyanista. Ang show charge
ay
lumalabas
sa
iyong
chit
bago
pa
simulan
ang
seremonya.
at
pagkupkop
sa
kanilay
itinuturing
na
tungkulin
ng
gobyerno?
Hindi masama ang relihiyon. Walang masama sa pananampalataya. Ngunit higit sa anumang
dapat isaalang-alang, kinakailangan ang batas na tunay upang hindi mawalan ng kabuluhan ang
mga paniniwala. O masilo sa bitag na inihahanda at iniuumang at inuhuhugis ng mga
namumuno.
Apektado sa krisis ang lahat ng negosyo, pati ang pamahalaan. Pero, relihiyon lang ang hindi
apektado. Maaaring hindi maghihirap ang mga relihiyon. Sapagkat sa patuloy na paghahanap ng
mga tao ng makakapitan sa oras ng kagipitan, patuloy silang magbibigay ng abuloy dahil sa
kanilang mga pananampalataya. At sa patuloy na paglalagak ng sarili sa kani-kanilang
pananampalataya, patuloy ring dadagsa ang mga tao upang busugin at bundatin ang mga
pinuno ng relihiyon. Mga pinunong nasanay na mangaral kapalit ng pagtanggap ng mga
kapakinabangan. Mga pakinabang na isasampa nila sa kanilanbg mga sikmurang tila butas at
walang
kabusugan.