You are on page 1of 5

Gawain 1:

1. Paano mo mapapahalagahan ang personal na sanaysay?


Para mapanatili ang daloy ng mga sanaysay ay dapat lamang na malinaw ang bawat
pagpapahayag upang maging epektibo sa mga tagapagtanggap o mambabasa ang
proseso ng komunikasyon. Ipapanatili kong mahusay ang bawat salitang aking isusulat
upang maging maayos din ang daloy ng aking paggawa nito. Dahil ang pagsulat ng
sanaysay ay nakabatay kung ano ang paksang aking isusulat, kung ito man ay may pagka-
maaliw, o may mga damdamin na isasanaysay.

2. Ano-ano ang mga anyo ng personal na sanaysay? Ibigay ang maikling katangian at
kahulugan nito.
 Pormal – sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng
masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. Inaakay ng manunulat ang
mga mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at
kumikilos pagkatapos.
 Di-Pormal – sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang
araw-araw at personal. Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga
karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o
pakikisangkot niya sa mga mambabasa.

Gawain 2:

Mungkahing gawain sa mga baguhang mananaysay (Pumili lamang ng tatlo).

 Magmasid at kilalanin ang inyong mga kapitbahay at sumulat ng sanaysay na


naglalarawan ukol sa inyong pananaliksik ng kanilang buhay at paniniwala.
 Ipagpalagay ninyo na kayo ay isang pusa. Paano kaya kayo mabubuhay bilang isang
pusa sa tahananng mapag-arugang pamilya? Sumulat ng sanaysay na nagsasalaysay
ukol sa paksang ito.
 Kung ikaw ay nabuhay sa isang panahon, anong panahon ang iyonh pipiliin at
isalaysay ang iyong buhay sa panahong iyon.
“Magmasid at kilalanin ang inyong mga kapitbahay at sumulat ng sanaysay na naglalarawan ukol sa
inyong pananaliksik ng kanilang buhay at paniniwala.”

Isa sa mga bagay na nangyari sa ating mundo ang nagbukas ng maraming opurtunidad para
makatulong tayo sa kapwa ay ang pandemyang nararanasan natin ngayon, nariyan ang mga
kapitbahay namin na handang magtulungan sa kabila ng pagsubok ng ating bansa. Sa mga may
nakaka-angat na buhay ay walang pag aalinlangan na tumulong sa kapwa. Kahit na pare-pareho natin
na nararanasan ang pandemyang ito ay mas nanaig pa rin ang pakikipag tulungan ng bawat isa.

Nariyan din ang pagpapatupad ng Bayanihan Act, na siyang nagbibigay ng ayuda at ang
Community Pantry o tulong sa bawat mamamayang Pilipino. Ang Community Pantry ay isang sumikat
na konsepto at ito’y simpleng ideya lamang na, magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa
pangangailangan. Malaking tulong na ito lalo na sa mga taong hikahos din.

Naging mas masaya ang lugar na may ganitong konsepto dahil natutulungan nila ang mga
taong nangangailangan kahit sa kabila ng pandemya ay nagtutulungan ang bawat tao. Naging maayos
naman ang resulta sa kanilang ginawa dito sa aming lugar at iyon ang naging daan upang mas
makilala namin ang bawat tao dito, iyon din ang naging paraan upang maging masaya ang aming
lugar.

“Ipagpalagay ninyo na kayo ay isang pusa. Paano kaya kayo mabubuhay bilang isang pusa sa tahanan ng
mapag-arugang pamilya? Sumulat ng sanaysay na nagsasalaysay ukol sa paksang ito.”

Kung ako man ay magiging pusa sa isang tahanan na may mapag arugang pamilya, marahil
ako ay magiging masaya sa naging buhay ko. Kahit ang pamilyang mag aalaga sa akin ay hindi man
kaangatan ang buhay ay magiging maligaya pa rin ako sapagkat sa kabila ng kahirapan ng bawat tao
ay nagbibigay pa rin sila ng oras para sa akin bilang isang pusa. At bilang isang pusa, gagawin ko
naman ang aking makakaya upang maging magaan ako sa kanila. Lalambingin ko ang aking pamilya
upang mawala ang kanilang problema na nararanasan nila.

Kung ako man ay magiging pusa, ako na rin siguro ang magiging ma- swerteng nilalang dito sa
mundo. Sapagkat sila na ang mag aaruga sa akin at higit sa lahat wala akong mararanasang problema
sa aking sarili dahil ang tanging iisipin ko lamang bilang isang pusa ay kung paano nila ako papakainin
o kung ano ang kanilang ipapakain sakin. At pagkatapos na iyon, ako ay matutulog na lang sa tabi o
kung saan man ako kumportable sa aking pagtulog.

Kung sa gabi naman bilang isang pusa, mayroon akong tungkulin na dapat kong gawin. Ang
dapat ko lang naman gawin ay ang pagmasid sa paligid kung may daga na umaaligid sa paligid. Kapag
may makita naman akong nilalang agad ko itong huhulihin upang hindi na ito makaperwisyo sa aming
tahanan. Ngunit bilang isang pusa, sana naman ang aking pamilya na nag aalaga sa akin ay wag
magalit sa akin kapag sa tuwing gabi ay minsan maingay ako, sapagkat hindi lamang ako mapakali sa
nangyayari bilang isang pusa. Pero bilang isang pusa, ako ay mananatiling mabait sa aking pamilya.
“Kung ikaw ay nabuhay sa isang panahon, anong panahon ang iyong pipiliin at isalaysay ang iyong
buhay sa panahong iyon.”

Bilang ako na nabuhay sa isang panahon, pipiliin ko ang panahon kung saan ako ay bata pa.
Ito ang aking pinili dahil sa panahong ito, tanging laro lamang ang aking iniisip at walang problemang
dinaramdam. Bilang isang bata noon, wala akong iniisip na iba kundi ang makapaglaro sa aking mga
kaibigan. Gumala kung saan ko gusto at makipaglaro na lamang ang tanging gagawin ko.

Masaya ang panahon bilang isang bata noon, kahit na pasaway ako minsan sa aking
magulang ay masaya pa rin ako bilang isang bata. Tanging paglalaro sa kalye, maligo sa dagat at
makisali sa larong luto-lutuan, bahay-bahayan at kung ano-ano pang pagkukunwari na laro ang aking
libangan kasi wala akong ginagawa noon kundi magpakasaya sa paglalaro sa aking mga kaibigan at
pinsan.

Kung ano man ang mga karanasan ko noon ay mananatili nalang itong alaala na hindi ko pwedeng
balik balikan pa. Masaya na rin akong naging bata ako sa panahong iyon. Masarap alalahanin at balik-
balikan ang mga masasayang ala-ala nong bata pa tayo.

Gawain 3

1. Paano mo mapapahalagahan ang dulang pang-entablado? Ipaliwanag ng masinsinan.

Bilang isang Pilipino, pahahalagahan ko ang dulang pang-entablado sa pamamagitan ng


paggalang at pag respeto nito. Dapat nating igalang ang dulang ito upang sa mga susunod na
henerasyon ay tuloy-tuloy pa rin ang paggamit nito ng maayos at higit sa lahat rerespetuhin
natin ito upang maging matatag ang konseptong ito. Magiging maayos ito lagi kapag pare-
pareho natin itong igagalang at irerespeto bilang isang Pilipino.

2. Ibigay ang katangian at kahulugan ng Elemento ng Dula at mga anyo nito.

 Tauhan – ito ang siyang nagbibigay ng buhay sa mga karakter ng isang dula. Sila’y
nagpapalabas ng mga emosyon ng karakter na nakasulat sa papel.
 Tagpo – ito ay nagbibigay ng mas malalim na konteksto sa isang dula at iniuugnay nito
ang kilos gawi at paniniwala ng mga tauhan.
 Banghay – ito ang pagkakaayos ng mga eksena ayon sa istrukturang napili ng
mandudula.
 Tema – ito ang natatanging paksa na napili ng mandudula. Mahalagang pumili ng mga
temang makabuluhan, bago, may panlipunang nilalaman at hango sa ating
pagkabansa.
 Wika – ito ay ang paraan ng pagbigkas at pakikipagtalastasan ng mga tauhan sa isa’t
– isa. Maaring pormal, rehiyunal, balbal ang wika ng mga tauhan batay sa karakter
nila.
 Estilo – ito ay paraan ng mandudula sa pagtatanghal niya sa kanyang teksto.
 Tunggalian – ito ang paglalabanan ng mga ideya at paniniwala ng mga tauhan
 Ispektakulo - ito ang natatanging elemento ng dula na hindi matatagpuan sa mga
nalathalang mga anyo

Gawain 4

1. Sumulat ng maikli ngunit makabuluhang dayalog ng mga sumusunod:


a. Kasintahang nais nang makipaghiwalay
-Sarah: Mahal, malapit na ang ating anibersaryo. Ano ang ibibigay mong regalo para
sa’kin?
-Kent: alam mo Sarah, may nais akong sabihin sayo.
-Sarah: ano iyon mahal?
-Kent: hindi ko na kaya ang pangloloko ko sayo, Sarah. May bago na akong iniibig ngayon
at matagal na kaming may karelasyon.
-Sarah: Ha? Paano ako? ...iiwan mo akong mag-isa? Hindi ko kaya yon mahal...
-Kent: patawad, ngunit kailangan na kitang bitawan.

b. Tandang na nanliligaw sa isang inahan

c. Babaeng nagpahayag na nanganak siya ng hito at ahas


-Babae: aling Remy... wag ka sana magugulat sa sasabihin ko.
-Aling Remy: Bakit? Ano ba ang sasabihin mo?
-Babae: Huwag mo sana ipagkalat dito sa ating lugar, habang ako ay nanganak ay
nanganak din ako ng hito at ahas...
-Aling Remy: ano?... nakakagulat nga iyan at sa buong buhay ko ay ngayon ko lang narinig
ang sinabi mo na may anak kang hito at ahas.
-Babae: Huwag mo na sana ipagsabi sa ibang tao, upang hindi magkagulo ang mga tao.
Sayo ko lang ito sinabi dahil may tiwala ako sayo aling Remy...
-Aling Remy: makakaasa ka... ngunit mas makakabuti ito sa inyo kung lilisanin niyo ang
lugar na ito at pumunta kayo sa lugar kung saan kayo magiging ligtas.
-Babae: marahil tama po kayo, at ang ninanais niyo ay gagawin ko din ngayon para sa
aming kaligtasan... maraming salamat sa iyong patnubay.

d. musikerong may asawang bingi

e. dalagang inang ipapaampon sa dating nobyo ang sanggol

f. ipapaalam ng doktor na may malubhang sakit ang kanyang pasyenteng kaibigan


-kaibigan: Dok, kamusta po? Ano po ba talaga ang aking sakit? Lagi na lang akong
nakakaranas ng hindi maganda.
-Doktor: kaibigan, huwag kang mag alala... pagtibayin mo lang ang iyong loob gagawin ko
ang lahat upang ikaw ay gumaling na.
-Kaibigan: ngunit Dok, maari mo na bang sabihin sa akin agad kung ano ba talaga ang
aking sakit?
-Doktor: kung iyan ang kagustuhan mo, masusunod. Subalit huwag kang mabibigla sa
aking sasabihin.
-Kaibigan: Oo sige, tatanggapin ko kung ano man ang aking sakit.
-Doktor: Kaibigan, mahal ka namin ng mga kaibigan natin, mayroon kang sakit sa Puso at
ito ang magdudulot sayo sa pagkasawi mo. At bilang na lang ang mga araw mo dito sa
mundo upang ikaw ay mabuhay.

g. magkaaway na nakulong ng dalawang oras sa loob ng elevator


-Patrick: Naging malas na ang araw ko dahil sayo John, Huli na ko sa trabaho ko. Tingnan
mo ang nangyari sa atin dito, nakulong na tayo dito sa elevator!.
-John: Hindi lang naman ikaw ang mahuhuli sa trabaho dahil pareho tayong nakulong dito.
Wala tayong magagawa kundi mag antay na maiayos nila ang elevator, kaya huwag ka
nang magalit dyan.
-Patrick: ikaw lang naman ang naging dahilan kung bakit nag kanda malas-malas ang araw
ko ngayon, kung hindi ka sana sumabay dito, eh ‘di sana walang mangyayaring hindi
maganda sa elevator. Ilang oras na tayong nakakulong dito!.
-John: kalma ka lang Patrick, maaayos din ito at isasaalang-alang na iyan nila na tayo sa
trabaho natin dahil sa nangyari dito sa elevator. Kaya huwag ka nang magalit dyan at mag
antay na lang tayo ng rescue sa kanila.

h. isang tiyanak na gustong maging sanggol

You might also like