You are on page 1of 144

BITTER

By Don Vittorio C. Villasin

1
BITTER
By Don Vittorio C. Villasin

Copyright 2012 PSICOM Publishing Inc.


All Rights Reseved
First Printing 2012
Published and Printed by PSICOM Publishing Inc.
Quezon City, Philippines

For Comments and Suggestions,


Text 0918-9305034 Smart or 0905-2960444 Globe

Please visit us on facebook:


facebook.com/psicompublishing

2
This is a work of fiction. Any resemblance to persons
(living or dead) are purely coincidental and will never be
used for the pursuit of creative excellence. I’m just saying,
just so it’s clear.

BAWAL ANG ASSUMING. ANG MGA ASSUMING


NA CHARACTER SILA SA AKDANG ITO AY GAGAWING
HOPIANG AMPALAYA.

3
BABALA: Ang librong ito ay punong-puno ng mga
kuwento at salitang mapait. Para sa kapakanan ng mga
mambabasa, minabuting palitan ang lahat ng mga salitang
“vulgar” ng mga matamis na salita tulad ng marshmallow,
chocolate truffle at cupcake. Magandang araw po sa
inyong lahat at laging tandaan, P******* ang pag-ibig. Este,
marshmallow pala. #bitter

4
Ang Buhay at ang Nakasusulasok
Nitong Nilalaman:
Pag-Aalay.........................................................................................7
Pasasalamat....................................................................................8
Foreword.........................................................................................9
Panimula.......................................................................................10
Hindi Ko Siya Mahal Bwiset Siya........................................12
Ang Katotohanang Lumulutang Sa Tubig.......................14
Pahiram Na Kasi!.......................................................................16
Wala pang 5 minutes!..............................................................19
Ang Bula ng Kagandahan.......................................................22
Sorry, I Don’t Know You..........................................................31
Ilan sa mga Babae sa Buhay Ko...........................................35
Ang mga Sikat kong Kaklase.................................................39
Si Noy at si Jabberwocky........................................................41
Mga Dapat mong Malaman na Hindi mo Kailangan...45
Akala at Pangarap.....................................................................50
A Crazy Freakin’ Thing Called Love...................................56
May Mga Taong….......................................................................59
Adobong Pag-Ibig......................................................................66
Ang Whitelady at ang Ipis.....................................................73
Burger With Cheese.................................................................80
H.H.W.W (HaHa! WaWa!).......................................................89
Araw ng mga Puso................................................................. 121
Nilagang Kangkong............................................................... 129
Alak, Alaala at Fountain....................................................... 136

5
Pag-Aalay

Ang munting librong ito ay iniaalay ko sa lahat ng


nangyari na pilit tinatago;

Sa mga papel na nagamit na parang kumot at tintang


ibinuhos na parang luha;

Sa mga pangarap na sumigla at ‘di kalauna’y nalanta,


natuyo at nilipad papalayo sa himpapawid ng kawalan.

Sa mga salitang nasabi ng sadya, at hindi sadya na


hindi na mababawi pa;

At sa pagsisisi na hindi pinagsisisihan.

6
Pasasalamat
Lubos kong pinasasalamatan ang mga sumusunod:

Ang hari ng liwanag na siya ring inhinyero ng buhay.

Ang PSICOM Publishing na nagbukas sa akin ng pinto,


partikular kay Mr. Arnel Gabriel, Mr. Alex Cruz at Ms. Khuey
Garces na nakinig at narindi sa mga kakulitan ko.
Kanila Ma. Cecilia V. Cortez (ang aking ina), Lourdes
V. Cortez (ang aking lola), Joseph Gabriel V. Cortez, Maria
Vicella C. Villasin (ang aking mga kapatid), ang mga tiyuhin
kong sina Tito Ding, Tito Bong at Tito Jumbo, ang Godfather
ng Cortez Family na si Ricardo B. Cortez, at siyempre, ang
aking ama, Victor Villasin. Kung wala kayo ay wala ako, at
wala rin ang librong ito.
Sa Facebook Page na Kuwento ng Bawat Kabataang
Pilipino, kung saan ang ilang mga kuwento ay unang
nabasa. Salamat na rin sa mga co-admin na sina Jabil, Ren-
Ren Pineda, Sheilla May, Xai Ann Pinky, Lisl Katherine, Vina
Lynn Dalluay, Emmanuel Pimentel, Darwin Medallada.
Sa mga tropa ko na sina Bryan Bugas, Marco Raphael
Hernandez, Jayson Erazo, Levin Robiego, Adrian Marquez,
Arnel Espiritu, Gil Nuñez, Ryan Tiu, Niño Edjoc at sa
marami pang iba.
Sa mga schoolmates ko sa National Teachers College na
nakuhaan ng ilang inspirasyon.
At sa mga taong nakasalimuha ko sa ilang taon kong
paglalakbay sa bilog at lupang mundo.
Maraming Salamat.

7
Foreplayword
Lasing ako nang tawagan ako ni Don Vittorio at inutusang
gawan ko ng foreword ang pinaka-unang libro niya. Lasing
ako kaya pumayag ako. Pumayag ako dahil nga lasing ako. At
habang ginagawa ko ang foreword na ito eh may hangover
pa ako at pinagdudusahan ang allergy na nakuha sa pag-
inom ng alak.

Sa pagkakaalam ko, matagal ng don ng mga bitter si Don


kaya masasabi kong na-master na niya ang pagrereklamo.
Napapanahon ang mga kuwentong ampalaya ni Don dahil
usong uso ang salitang ‘bitter’ ngayon. At dahil nabanggit na
lang rin naman, maikukumpara ko ang akdang ito sa alak.
Dahil ang mga kuwentong ito ay parang alak. Makakarelate
ka sa title pa lang at mauudyok na basahin ito. Matatawa
ka na parang unti-unting nalalasing habang narerealize na
may punto ang kanyang mga sinasabi. Ibinilad ni Don ang
katotohanan, ang masakit na katotohanan, na ang pag-
ibig ay isang malutong na CUPCAKE! Na ang anti-gullible
na definition ng pag-ibig ay kaparehas nga ng alak. Alam
mong mapait pero susubok kang uminom, hanggang sa
magustuhan mo ang lasa. Hanggang sa maadik at malasing
ka. Hanggang sa magmukha kang tanga. Hanggang sa
makaramdam ka ng kasumpa-sumpang sakit ng ulo at
mangangakong hindi ka na ulit iinom kahit kailan. . . pero
susubok at susubok ka pa rin. Iibig at iibig ka pa rin, kahit pa

8
gaano kagago ang mundo. At kahit pa alam mong ang true
love ay para lamang sa masuswerteng tao.

Di ko na hahabaan pa dahil wala na rin naman akong


masabi. Tama na ang satsat, tumagay na tayo at gawing
pulutan ang kanyang aklat.
- Khuey Garces
Victim of love
Editor

9
Panimula
Hindi talaga ako marunong gumawa ng introduction.
Ay, mali. Marunong pero hindi ko alam kung papaano
sisimulan. Kahit sa mga baby thesis at research paper ko
ngayong college, wala talaga akong maisulat. Sabi nila, sa
panimula raw ipapakilala sa mga mambabasa ang librong
kasalukuyan nilang hawak-hawak. Sabi ko, a okay. BOOM!
Wala na. Wala na akong masabi. Nagta-type na lang ako
rito para humaba itong binabasa mo at magmukha siyang
pormal na introduction. Wala naman kasing nagsabi na
gumawa ako ng panimula. Ako lang naman ang nagpapaka-
trying hard dahil siyempre unang libro ko ito at karamihan
ng librong nababasa ko e may panimula. Ang aangas nga
mga introduction nila e. May sense. Siguro dahil may sense
ang mga libro nila. At dahil walang sense ang introduction
ko, wala ring sense ang nilalaman nito. Malamang.

Binili mo ang librong ito. Tsk. Sayang na pera mo, sayang


pa oras mo. Ngayon pa lang, sinasabi ko na: ibaba mo na ang
librong ito, and slowly walk away. Ipagkalat mo na nahanap
mo na ang solusyon sa mga extrang pera na hindi nagagastos.
Dapat, ang sobrang pera na hindi kailangan ay pinambibili
ng isang walang kwentang bagay na hindi mo rin kailangan.
Ergo, ang librong ito.

Maaring nagtataka ka na, may pupuntahan ba ang


librong ito? Wala. Kanina ka pa nga nagbabasa ng isang
panimula kuno na tunog automated writing na parang

10
ewan lang. Pero para maaliw ka at maka-consume pa ako
ng maraming wordcount, pagmumukhain ko nang parang
pormal na panimula ang iyong binabasa.

Ang hawak mong libro ay kalipunan ng mga maiikling


kuwento tungkol sa ilang nakakabwisit na pangyayari sa
buhay ng ilang mga tao. Mga gunitang tila nagpapakita ng
angst, pagkabwisit, hatred, pagka-dismaya, panghihinayang,
pagtataka at pagiging bitter na parang mga buwitreng
lumilipad sa kamalayan ng isang tao. May ilang personal na
naranasan, may ilang gawa-gawa lang at may ilang nasungkit
at nadampot sa paglalakbay ko sa buhay.

Sa mga naunang talata, nais kong maipakita sa inyo ang


kawasakan ng mga mababasa ninyo dito: mga piyesang ang
layunin ay mailabas ang isang kapangyarihang emosyonal na
maaring nakatago sa mga sulok-sulok ng ating kamalayan;
mga bagay na lumulutang sa tubig; mga sabon na hindi
binabanlawan. Oh, you get the picture. Basta ganun okay?
At para magtunog cool, mag-iiwan ako ng medyo witty na
phrase sa ibaba.

Hindi mabuti ang daan ng buhay at ng pag-ibig. Diretso


man, ito nama’y lubak-lubak, bako-bako, bato-bato o kung
minsa’y nag-iiwan ng isang malawak na bangin, madilim at
malalim.
Okay na? Hehe.
-DVCV
Bacoor, Cavite, 2012
11
Hindi Ko Siya Mahal, Bwiset Siya

Dear diary,

HINDI KO SIYA MAHAL.

Totoo naman e. Hindi ko talaga siya mahal. As in kahit kailan


hindi ko naisip na mamahalin ko siya. Bakit, sa tingin ba niya
nai-inlove ako tuwing magkasama kami? Sa tingin ba niya
kinikilig ako kapag hinahawakan niya ang kamay ko? Sus.
Wala ‚yun. Ganun lang talaga ako ka-sweet sa mga tropa
kong girls. Kahit kaninong tropa ko ginagawa ko ‚yon. Sila
lang naman ang may sabi na may gusto daw ako kay Lyla.
E wala nga! Bakit ba mas marunong sila, mga bwiset nila?
Bakit sila pa ang magsasabi na may gusto ako kay Lyla e mas
alam ko ang nararamdaman ko? Mga bobo pala sila.
Hindi ako affected. Nakakapikon lang kasi. Close
friends lang talaga kami.
FRIENDS lang kami kaya wala akong pakialam kung
nililigawan siya ngayon ni Alfred. Wala akong pakialam
puto pag-umpugin ko pa sila e. MAGSAMA SILA! WALA
AKONG PAKIALAM!

HINDI KO MAHAL SI LYLA. PERIOD. Wala. Wala akong naging


feelings sa kanya. Sus. Porket sweet ba, may meaning agad?
Porket lagi bang magkasama, may gusto agad? Hindi ‘yun
nababase sa lahat. MGA TAMANG HINALA KAYONG LAHAT

12
MGA SIRA ANG ULO NYO. Tapos ang lakas-lakas mang-asar.
Puto. Badtrip. HINDI KO MAHAL SI LYLA. Masaya ako para sa
kanila ni Alfred. Sus. Alam ko namang sila na.

AND SO WHAT? HINDI AKO AFFECTED. KAHIT MAG-


ANUHAN PA SILA WALA AKONG PAKIALAM DAHIL WALA
NAMAN TALAGA AKONG PAKIALAM KUNG MAGING SILA
MAN O HINDI.
Hindi ako nasaktan. Bakit ako masasaktan e wala
nga akong feelings kay Lyla? Trufflechoco nila! Sus.
Ang dami-daming babae d‘yan na pwede kong landiin.
Tomorrow is another girl. Sus. Si Lyla. Ni hindi ko nga
siya naiisip ngayon e. Sus. Trufflechoco siya.
Akala ko...Wala! Wala akong pakialam! Magsama-
sila ng kalbong lalake na ‘yon! HINDI KO SIYA MAHAL
PUTOBIBINGKA SILA!
MAGSAMA SILA.
DOUBLEDUTCH NILA, MAGHI-HIWALAY DIN SILA!

13
Ang Katotohanang Lumulutang
Sa Tubig
Layunin ng sulating ito na ipakita sa mga mambabasa ang
kaibahan ng KATOTOHANAN sa KAPLASTIKAN. Maaring
may prior knowledge na ang mambabasa sa mga dalawang
terms na ito, pero gaya nga ng sinabi ko e...teka, tama na ang
satsat. Onwards...

ALFRED: Paolo, kamusta?


PAOLO: Okay lang naman pre, anu bang balita? (mukha
ba akong okay? Akala ko may something kami ni Lyla, tapos
malalaman kong kayo pala ang may something. Ok ba ako? O
talagang tanga ka lang?)
ALFRED: Eto, masaya. Sinagot na ako ni Lyla e.
PAOLO: O, talaga? Kailan ka niya sinagot? (anong nakita
niya sa’yo at bakit ka niya sinagot? O ginayuma mo lang si
Lyla?)
ALFRED: Nung tuesday lang.
PAOLO: Wow. Masaya ako para sa inyo. (Gustong-gusto
ko kayo itapon sa kumukulong tubig at duraan.)
ALFRED: May itatanong sana ako e, may something ba sa
inyo ni Lyla dati?
PAOLO: Sus naman pre, kapatid lang turing ko kay Lyla.
Hindi ko tataluhin ‘yon. (Akala ko nga magiging kami e,
pucha, M.U na kami e. Namuhay lang pala ako sa pantasya

14
na ikaw din ang makikinabang.)
ALFRED: Ay, ganun ba? Sige pre, salamat.
PAOLO: Sige. Kita-kits na lang. (Pakasaya ka. Cupcake ka.
Iwanan ka sana ni Lyla.)
Ang mga gustong isagot ay nasa parenthesis.
Pero hindi ito masabi.
TANONG: Kailan natin nasasabi ang mga hindi natin
nasabi?
SAGOT: Simple lang. Kapag nakatalikod na ang tao.
Tama?

15
Pahiram Na Kasi!
Isang araw, may dalawang magkaibigan na lalake.
Ang isa ay papangalanan nating Andres. Si Andres ay
napapabilang sa isang pamilyang hirap sa buhay. Tricycle
driver ang kanyang tatay, at ang nanay naman niya e bukod
sa mag-luwal ng anak e wala nang ibang trabaho kundi ang
pagiging isang normal na maybahay.
Ang pangalawa ay papangalanan nating Emilio. Siya ang
kabaligtaran ni Andres. Siya’y napapabilang sa pamilyang
medyo hindi naman problema ang pagkakaroon ng pera.
Empleyado sa isang bangko ang tatay ni Emilio. At ang nanay
naman niya ay nagma-manage ng isang eatery sa may kanto
ng Recto.
Pero kahit may pagkakaiba sila, magkaibigan sila. At
gaya ng ibang magkakaibigan, natuto silang mangarap.

Nag-umpisa ang pangarap na ito sa panunuod ng mga video


sa YouTube.
“I-search mo nga ulit si Rodney Mullen...“ request ni
Andres habang nakikinood sa laptop ni Emilio.
Panunuorin nila ang video ng isang lalakeng nag-i-
skateboard.
Idolo nilang dalawa ang mga nag-i-skateboard.
At doon namuo ang pangarap nilang magka-skateboard.
Siyempre, si Andres, medyo nag-aalinlangan sa

16
pagbili nito, gayong wala naman siyang pera. Pero, pwede
naman  mag-ipon.  Kaso, ang mahal ng skateboard. Baka
umiyak ang tricycle ng tatay niya sa sobrang pagkayod para
lamang mabili ito.
Samantala, si Emilio, medyo hindi  pinoproblema
ang pambili dito. Alam niyang kaya ito bilin ng kanyang mga
magulang, kailangan lang niya magpa-good shot.
At isang way ng pagpapa-good shot ay ang
pagmamayabang ng mga grades sa card.
At hindi nagtagal, nabili na nga ng mga magulang ni
Emilio ang skateboard.
Kaya...

Isang umaga, may maingay sa kalye. Dumungaw si Andres sa


labas ng bahay nila at nakita niya si Emilio na nakasakay sa
isang skateboard.
Nanlaki ang mga mata niya, pero hindi na siya nagtaka
dahil alam niyang makakayang bilin ni Emilio ang skateboard.
Tumakbo si Andres palabas ng bahay nila. “Wow, ayos,
nakabili ka na!”
“Oo, kagabi lang. Nagulat nga ako, dala ni tatay e.” sabi
ni Emilio.
“Wow! Gayahin mo nga si Rodney Mullen!»  request ni
Andres.
Sinubukan ni Emilio na palundagin ang skateboard pero
hindi ito lumundag.
“Ako nga pahiram...” sabi ni Andres.

17
“Ha?” natigilan si Emilio.
“Pahiram ako. Pasubok lang.” ulit ni Andres.
“Wag, kasi, baka masira e.” sagot ni Emilio.
“Bago lang yan, masisira ba naman agad yan?” sabi ni
Andres.
“Bakit ba mas marunong ka pa sa akin? Ayoko nga
ipahiram e.” sabi ni Emilio.
Nagpaubaya na si Andres at pinanood ang kaibigan na
paandarin ang skateboard sa kalsada.

Sinusubukan pa rin ni Emilio na i-ollie ang skateboard para


lalong ma-inggit si Andres.
Ollie.
Talon ang skateboard.
Kaso may bato.
PAK!
Sumubsob ang mukha ni Emilio sa lapag, basag ang
ilong, at may sugat ang mukha.
“Oy, Emilio!” sambit ni Andres, tumatakbo na papalapit
sa kaibigan upang matulungan.
Pumara siya ng tricycle. Sinakay niya doon si Emilio
upang dalin sa pagamutan.
Habang nasa biyahe, may mga salitang bumubulong kay
Andres. At habang tinititigan niya ang injured na kaibigan,
mas lalong lumakas ang mga bulong na ito.
“MACAPUNONGTATAY mo, ang damot mo ha. Buti nga
sa’yo.”
18
Wala Pang 5 Minutes!
Alas-onse na ng gabi. Gutom na siya. Bwiset kasi. 5:30 ng
hapon ang tapos ng klase niya, pero napa-gabi siya dahil ni-
require sila na um-attend ng isang seminar. At dahil sa bulok
na mga gamit sa auditorium ng school nila, mangilan-ngilang
beses na hinto ang pagsasalita ng speaker kaya tumagal ang
seminar. Peste talaga. Wala rin naman siyang nakuhang
maganda sa seminar kundi ang libreng ballpen, papel para
sa notes, at isang “Certificate of Participation”. Tungkol sa
formality ang seminar. Paano maging professional sa pang-
araw-araw na buhay. Sa totoo lang, maganda ito, kaso sa mga
oras na ito e hindi niya gaano ma-appreciate dahil sa gutom
na nararamdaman.
Sa totoo lang, magagamit niya talaga ang formality at
professionalism dahil sa kurso niya. Alam din naman niya
sa sarili na kulang pa ang alam niya sa mga ganitong bagay.
Tumawid siya sa kalsadang mapanghe. Kadiri talaga
ang mga kalye sa Metro Manila sabi niya sa sarili. Hindi mo
minsan maintindihan kung aspalto pa ba ang inaapakan mo
o mga matitigas na tae na lang. Maselan siya sa katawan. At
lalong umiinit ang ulo niya kapag feeling niya e nadudumihan
siya. Buti na lang at ang inuuwian niya e probinsya. Medyo
maaliwalas pa ang hangin.
Sumakay siya ng jeep. Badtrip nga lang at puno ng
pasahero. Nakapagtataka nga dahil alas-onse na pero ang
dami pa ring bumabiyahe. Sumiksik siya sa jeep, katabi
ang isang matandang mukhang may tubercolosis. Meron
nga, dahil panay ang ubo nito. Halos hindi humihinga si
19
Ben. Natakot siya at baka masinghot niya ang mikrobyo na
nasa laway nito na bumubuga sa tuwing umuubo ito. Kadiri.
Malas.
Bumaba siya sa jeep. Pinagpag ang uniform. Biglang
dumaan ang isang truck na smoke belcher ang tambutso.
“GINATAANGBILOBILO!” napamura siya sa isip. Diring-diri
na siya sa paligid niya. Pati na rin sa sarili niya. Feeling niya
nanglilimahid na siya sa dumi.
Kinuha niya ang panyo at pinunas sa mukha. Badtrip.
Paano ka kaya magiging malinis sa isang bayang napaka-
dumi at napaka-baho? Tsk. 
Kinuha niya ang wallet. Wala na siyang pera. Sakto na
lang pang-bus ang pera niya, plus konting barya. Balak sana
niyang kumain para maibsan lang ang gutom. Pero dahil nga
kakapiranggot na lang ang natitira niyang pera, bumili na
lang siya ng isang candy sa takatak boy na nasa may istasyon
ng bus. Binulsa niya ang candy bago sumakay ng bus.
Amoy pawis sa loob ng bus. Nakatakip ng panyo ang
kanyang mukha nang siya’y umupo sa isang bakanteng
upuan. Nilapitan siya ng konduktor. “Boss, saan kayo?”
tanong nito.
“Sa may…” sagot ni Ben. Inabot niya ang bayad sa
konduktor, at inabutan siya ng ticket ng konduktor.
Napansin niya na ang dumi ng kamay at kuko ng
konduktor. Dalawang daliri lang ang ginamit ni Ben para
kunin ang ticket dahil sa pandidiri.
Umandar ang bus. Kinuha ni Ben ang candy mula sa
kanyang bulsa, at binalatan ito upang isubo.

20
Biglang napa-preno ang bus dahil sa isang maisconyelong
driver ng motor na nag-overtake.
Nabitawan ni Ben ang candy na binalatan at nahulog ito
sa lapag.
Kinapa ni Ben ang lapag at hinanap ang candy. Nang
makita niya ito, napansin niyang nabalutan ng alikabok ang
candy.
Pinunas niya ang candy sa kanyang polo, at hindi nag-
dalawang isip na isubo muli ito. Ang sarap talaga ng candy,
manamisnamis.

21
Ang Bula ng Kagandahan

I
Maraming nagkakagusto sa’yo pero hindi mo sila pinapansin.
Siyempre, rare breed ka. Kinukuha kang model sa mga
magazine. May mga kumukuha sa’yo para maging artista
sa kanilang indie film. Kaso, nag-aaral ka pa. Pero at least,
‘pag nakatapos ka, alam mo nang maganda ang future mo.
Dadalin ka ng gandang mukha mo at ng ganda ng katawan
mo sa iyong mga pangarap.
Maraming nagkakagusto sa’yo. Marami kang manliligaw.
Hindi nawawalan ng bulaklak ang flower vase na nasa mesa
sa tabi ng kama mo sa’yong kwarto. Araw-araw may naga-
add sa’yo sa Facebook. Tadtad ng comments ang mga album
mo. Tadtad ng likes ang mga picture mo. Tadtad ng likes
ang mga status mo, kahit na isang letra lang ang isulat mo.
Marami kang kaibigan. Sa bawat party ng mga kaibigan mo,
lagi kang kumbidado. At sa mga party na ‘yon, lagi’t laging
may humihingi ng cellphone number mo. Nasanay ka na rin.
May makikita kang guy nakatitig sa’yo. Ngingitian mo siya, at
matatawa kasi lagi silang yumuyuko. Maya-maya, lalapitan
ka na at hihingin ang cellphone number mo. Ibibigay mo
naman. Wala namang masama e. Minsan, ‘yung nanghingi ng
number mo e magpapa-picture pa. Sige, tamang pose lang.
Pagkatapos, tuloy na uli ang buhay.
Isa na nga sa mga party na ‘yon e nung nakilala kita.

22
Nasa malayo lang ako, pinanonood ka. Pahigop-higop lang
ako sa Red Horse Stallion na tangan-tangan ko. Medyo
mapait kasi nawawala na ang lamig. Kung lumalamig man,
‘yon e dahil sa mga palad ko na nanlalamig, nanginginig at
pinagpapawisan. Gaya siguro ng ibang lalake na nakakakita
sa’yo, gusto rin hingin ang number mo. Gusto ko rin magpa-
picture sa’yo. Pero ‘di ko magawa. Takot ako e.
Hindi ko alam ang pangalan mo. And for that, hindi
ko alam ang appropriate way para i-approach ka. Pwede
sigurong lumapit lang ako at sabihin na ang ganda ng gabi at
kasing ganda mo pero magmumukha akong timang. Siguro,
isang simpleng “hi” lang e pwede na. Pero, hindi na rin. ‘Wag
na lang. Ayoko. Naiisip ko noon na siguro, dapat makuntento
na lang ako sa ganitong pasulyap-sulyap na lang sa’yo. Savor
this moment, ika nga.
Nang bigla kang tumingin sa’kin. At ngumiti.
So, pinagmamasdan mo rin pala ako? O, ganun ka lang
talaga? Pero gusto kong malaman mo na the moment I saw
you looking at me and smiling like that, parang nagkaroon
ako ng tapang na lapitan ka. Kaya ang ginawa ko, nilapitan
kita.
“Hi,” sabi ko. Inabot ko ang kamay ko.
Nagulat ako ng kunin mo ito. “Veronica. Vern for short.”
“Vern,” inulit ko pa. Hindi ko alam kung ano ang isusunod
kong sabihin. “Hi, Vern.”
Ngumiti ka. Humigop ka mula sa iniinom mo. “So, ka-
ano-ano mo si Dave?”
“Ka-tropa ko lang ‘yun. Nagpa-party, e. Siyempre, papa-

23
miss ba ako,” sagot ko naman.
Ngumiti ka. Habang nakatitig ako sa mukha mo, sa mga
bilugan mong mata at sa pulang kurba ng iyong mga labi,
iniisip ko kung ano ba dapat ang una kong banat bago hingin
ang number mo.
“Um, Vern—”
Bago ko pa man makumpleto ang sasabihin ko, sinabi
mo na ang number mo. At agad ko itong nilagay sa contacts
ng phone ko. Pagkatapos nun, nag-usap pa tayo. Nagka-
kuwentuhan.
--Kamusta ang studies?
--Kamusta ang buhay?
--May raket ka ba?
–-Nakarating ka na ba sa ganitong bar?
–-Anong madalas mong iniinom dun?
--Si Dave, mabati ‘yan. O, niligawan ka rin niya dati?
Nagkatawanan tayo. Nag-enjoy tayo sa party na ‘yon.
Nakilala kita. Nakilala mo ako. Umuwi ako nang bahay baon-
baon ang number mo, ang mabilis na tibok ng aking puso, at
ang lalamunan kong tuyo na parang disyerto.

II
Isang gabi, tumawag ka sa’kin. Wala lang, kuwentuhan lang.
Kahit may pasok pa ako kinabukasan, kinausap kita. Sabi
mo kasi, kailangan mo ng makakausap. Wala ka naman

24
sinabi kahit ano. Ako lang ang nagdadadaldal. Nakikinig
ka lang. Sasagot at sasabat minsan. Wala akong tinanong
na kahit ano. Kung may problema ka man o wala. Hindi ko
na pinakialaman. Tingin ko kasi dagdag pogi points ‘yon.
Sa totoo lang, noong mga oras na ‘yon, pinagbabalakan na
kitang pormahan.
Nang gabi mismong ‘yon, habang kinukwento ko ang
isang pangyayari nung minsang naglalaba ako ng damit at
napatitig ako sa mga bula, bigla kang sumabat.
“Punta ka dito. Inuman tayo.”
Kunwari hindi ko maintindihan.
“Ha?”
“Ayaw mo, okay lang.”
Agad-agad akong nagbihis. Tulog na ang mga tao sa
bahay kaya nakaalis ako ng walang paalam. Isang jeep lang
ang layo ng bahay mo sa’kin. Through text, tinuro mo sa’kin
ang daan papunta sa bahay niyo. Sunod lang ako. Pagdating
ko sa bahay niyo agad kong napansin ang isang magarbong
sasakyan na naka-park sa tapat niyo. Kumatok ako sa gate
niyo. Dalawang katok lang, bumukas na agad ang gate.
Bumungad sa’kin ang mukha mo. “Shh!” ani mo, habang ang
hintuturo mo e nasa pagitan ng iyong mga labi. Umakyat
tayo sa kwarto mo.
“Asan ang parents mo?”
“Wala. Mag-isa akong nakatira dito,” sagot mo.
“Ah. E bakit kailangan pa nating maging tahimik?”
“Tulog boyfriend ko.”

25
“Dito natutulog boyfriend mo?”
“Ngayong gabi lang.”
So, may boyfriend ka na pala. Hindi ko man lang
namalayan. Agad nadurog ang mga pangarap ko na
pormahan ka.
Sa terrace tayo nag-inom. Beer in can. Presensya, tawa
at ngiti mo lang ang pulutan ko. Tulad nung magkausap tayo
sa telepono, ako lang ang nagku-kuwento. Nakikinig ka lang.
Sasagot ka lang ‘pag gusto mo. Ang ganda mo nung gabing
‘yon. Hindi ko malilimutan. Kahit nagsasalita ako, ang mga
mata ko’y pinagmamasdan ka lang.
“Ikaw, kwento ka naman,” sabi ko. Hindi naman dahil
sa nag-sawa na ako sa pagsasalita, pero gusto kong ikaw
naman. Gusto kong magkuwento ka naman sa’kin. Pero
hindi ka nagsalita. Tumayo ka at dinungaw ang terrace: ang
mga ilaw na mga brilyanteng kalat-kalat sa siyudad; mga
bahay na tulad ng mga naninirahan sa kanila’y tahimik, tulog
at nananaginip; at ang buwan na isang magandang bula,
nakalutang sa itim na kurtina ng langit.
“Alam mo, ‘pag nakatapos ako ng pag-aaral, magiging
artista na ako,” sabi mo bigla.
“Maganda ka naman e,” sabi ko. Totoo ‘yon.
Natawa ka. “Hindi ako maganda.”
“Anong hindi? May mga agent ba na lalapit sa’yo at
kukunin kang model o cast ng pelikula kung hindi ka
maganda?” sagot ko. “Pipila ba ang manliligaw sa’yo kung
hindi ka maganda?”
“Maganda ako, oo,” sabi mo, mabagal ang boses mo.

26
“Pero hindi ako maganda.”
“Lasing ka ba?” sabi ko, matawa-tawa na. Sa likod ng
aking isip, pilit kong inaalam ang ibig mong sabihin.
“Kung lasing ako, hinahalikan na kita,” hindi ko alam
kung nagbibiro ka o ano, pero mas pinili kong isipin na
nagbibiro ka nga lang.
“Sana lasing ka na,” sabi ko, pabiro lang din.
Ngumiti ka lang, umupo, at nagbukas pa ulit ng beer.
“Kwento ka na,” sabi mo. At nag-kwento ako. Kahit ano lang.
Tungkol sa buhay ko. Tungkol sa mga bagay na napapansin
ko. At nakinig ka lang, pasulyap-sulyap lang sa buwan.
Natapos ang inuman natin at ang gabi nang hindi ka
nala-lasing.

III
Tinatawag kita pero hindi ka lumilingon. Alam kong naririnig
mo ‘ko, pero sa tingin ko nagbi-bingi-bingihan ka. Sayang,
ililibre pa naman sana kita ng kape. Sino ba ‘yung kasama
mo? Lolo mo? Ang sweet mo naman. Sinamahan mo si Lolo
mo na mag-shopping? Bilib din naman ako sa Lolo mo. Ang
tanda-tanda na, malakas pa rin mag-shopping. Pero sana
lumingon ka man lang. Pinakilala mo man lang sana ako
sa Lolo mo. Anyway wala namang masama, ‘di ba? Friends
naman tayo. And for sure, alam na rin ni Lolo mo na may
boyfriend ka.
Kaya lang naman ako nasa mall na ‘yon e kasi ako ang
inutusan ng nanay ko na mag-grocery. Gawaing babae nga

27
‘yun e. Pero pumayag ako kasi trip ko rin naman mag-mall.
Napaka-small world nga naman. Ikaw pa nakita ko. Kaya rin
kita tinatawag nung nakita kita mula sa ‘di kalayuan e para
na rin kamustahin ka. Simula kasi nung gabi na nagpunta
ako dyan sa inyo e hindi ka nagte-text or tumatawag. Pero
‘yun nga, ‘di mo ko narinig o talagang nagmamadali ka.
Kunsabagay, may kasama kang matanda.
Ilang taon na ba ang Lolo mo? Ang bata pa tignan. Parang
50 something lang. Ilang taon ba nag-asawa ‘yan? Ayos e.
“Hindi ko siya Lolo,” sabi mo bigla. Dito tayo sa kwarto
mo nag-inom isang gabi.
“E, ano?” ang tanong na dapat pala ay hindi ko na
itinanong at sa halip ay kinalimutan ko na lang.
Doon ka umiyak at bigla akong niyakap.

IV
Gusto kong malaman mo na para sa akin ay maganda ka.
Maganda ka sa panlabas. Ang mahaba mong buhok na
gustong-gusto kong haplusin. Ang mga labi mong pirming
mapula na perpektong open parenthesis sa tuwing ika’y
ngumingiti; mga mata mong bilugan at kumikinang na
parang sanlibong ilaw. Maganda ka. Mahal kita. Pero, hindi
mo ako kailangan.
Siya, kailangan mo. Para masustentuhan ang mga
pangarap mo. Ngayon alam ko na kung bakit ang dami mong
binasted. Ngayon, naiintindihan ko na. Maganda ka nga,
pero mas pinili mo ang pera.

28
Kailangan mo ang pera dahil sa kagustuhan mong
yumaman. Hindi mo kailangan ng pag-ibig. Nahanap mo sa
isang editor ng isang sikat na men’s magazine ang kailangan
mo. Kaso, para maibigay niya ‘yon, may kailangan din siya
sa’yo.
Salamat at sa unang beses, nag-kwento ka sa’kin. Ako
naman ang nakinig. Pinakinggan ko ang iyong hinagpis. Pero
hindi ko narinig mula sa’yo ang pagsisisi. Tama ka, maganda
ka nga, pero hindi ka maganda. Naiintindihan ko na ngayon.
Kinuwento mo ang mga gabi na nandidiri ka sa sarili mong
laway. Ibinahagi mo ang kwento ng iyong mga pangarap.
Mga pangarap na binubuo mo sa tuwing darating ang
mamahaling kotse sa harap ng bahay mo, at may papasok
sa kwarto mo.
Nang marinig ko ang kwento mo, hindi ko alam kung ano
ang mararamdaman ko. Umalis na lang ako.
Ngayon ko naisip na gusto kong tumawa. Gusto kitang
tawanan. Ngunit nangibabaw bigla ang awa. Hindi mo
naman kailangang gawin ‘yon. Andito ako. Andyan ang mga
nakapila sa’yo. Marami pang paraan. Pero wala na akong
nagawa.
Pangit ka palang talaga.

V
Ngayon, model ka na. Artista ka na. Sikat ka na. May
telenobela ka sa T.V. Maganda naman ang ratings ng mga
shows mo. Bibihira na nga lang ako manood ng T.V ngayon,

29
medyo busy na kasi ako sa trabaho. Pero, whenever I get
the chance, pinapanood ko ang mga show mo. Pinapanood
ko ang ilang talk show kung saan nagge-guest ka minsan.
Tuwing makikita ko ang mukha mo sa screen, inaalala ko
noong mga panahong nakita kita doon sa party. Yung inuman
natin sa terrace ng bahay mo dati. Ang galing. Parang kailan
lang. Ngayon, nasa entablado ka na. Marami kang fans. Mas
marami kaysa noong dati.
Tuwing ngumingiti ka sa T.V, tinatanong ko sa aking
sarili kung talaga kayang masaya ka sa kung anong mayroon
ka ngayon. Iniisip ko na sana may nararamdaman kang
pagsisisi. Ewan. Sana, kahit papano, naalala mo na maraming
nagmahal sa’yo, pero mas pinili mong mamera. O, siguro,
minahal mo rin talaga ‘yung matandang ‘yon.
Hay, ewan. Siguro miss lang din kita. O siguro, napikon
lang ako sa’yo. Pero, ilang taon naman na nang mangyari
‘yon. I’m sure ‘pag nagkita tayo, hindi mo na ako makikilala.
At if ever that happens, pa-autograph ha?
Minsan, kapag ginagabi na ako ng uwi, napapatingin
ako sa langit. Wala lang. Muni-muni. Kunwari nagpapaka-
figurative sa buhay na mayroon ako. All of a sudden, maalala
kita. Bigla lang lalabas ang mukha mo. Tapos mapapatingin
ako sa buwan.
Napag-isip-isip ko na wala nga talagang permanente sa
mundo. Ang kagandahan ng buwan ay mawawala rin kapag
lumabas na ang araw. Nawawala na parang bula.

30
Sorry, I Don’t Know You
Ito ay ilang mga pangyayari sa buhay ni Judon na kinuha
mula sa kanyang diary.
=========
February 28, 2008

Dear Diary,
Ang saya-saya ng Junior’s Ball namin. Junior lang kasi sa
sobrang dami ba naman ng 3rd year high school sa school
ko, hindi kaya ang Junior-Senior’s ball. Paano ba naman
hindi dadami e walo ang branches ng school ko. Pero
gayunpaman, exciting kasi pwede kong makasayaw ang iba’t
ibang student from other branches. Kailangan ko nga lang
labanan ang hiya ko.
Ang ganda. Nag-start yung program mga bandang 6pm.
And then kainan. During that time ini-spot ko na ang mga
girls from other branches na pwede kong isayaw. Pero
siyempre, unahin muna ang mga classmates ko ngayon. Pati
na si Crush. Ayieeee!!!
So ayun nga. Sinayaw ko na lahat ng classmates ko, pati
si crush (kilig much). So, eto na. It‘s time for the challenge.
Kailangan ko mag-sayaw ng taga-ibang branch bago matapos
ang gabi.
At may nakita ako! Taga main branch ng school namin.
Inaya ko siya sumayaw at pumayag naman siya. Hindi naman
siya gaanong cute...pero hindi din siya ganoon ka pangit.
31
Pero okay na rin. Ang name niya Heather. Wow. Astig. Yung
mga ganyang name parang hindi akma sa Pilipinas. Pero
who gives a damn? Ayun, okay naman ang sayaw namin at
ang naging conversation namin. Hindi ko nga lang nahingi
number niya. Okay na yun. Basta alam ko na taga-main
branch siya. Haha.
So after all the dances, oras na para umuwi. Nag-inuman
kami ng ilang tropa ko, and then derecho uwi mga bandang
7am, at natulog.
=========

March 16, 2008

Dear diary,
Ayun nga. Lilipat na talaga kami ng bahay. Buti na lang,
sa lugar na ‘yon andun ‘yung main branch ng school ko.
Isa sa mga pinaka-corny na branch ng school ko. Hayzzzz.
Mami-miss ko ang old classmates ko. Pero siguro, dapat na
rin akong maging happy dahil magiging new environment
ang senior year ko. Oras na para kilalanin ang iba pang tao.
=========

June 06, 2008

Dear Diary,
First day of classes ko sa Main Branch kanina. Super
hiya ako. Lahat sila magkaka-close, at ako isang paslit na nasa
sulok. Hindi ko sila kinikibo. Nahihiya ako. Inaabangan ko si
Heather, yung nakasayaw ko nung Junior’s Ball. Kaso hindi ko
32
makita nung umaga. Pero nung lunch, nakasalubong ko siya
sa canteen. Binati ko naman siya. Tinanong ko kung naalala
ba niya ako, na ako yung nakasayaw niya nung Junior’s Ball.
Chocolatecupcake na buhay ‘to oo, alam niyo ba kung ano
ang sabi sa akin? “I’m sorry, I don’t remember anything.”
Aba! Tanginang ‘toh, naging ingglesera na? And after
niya sabihin ‘yon, nag-walk out ba naman. Aba. May attitude
si Ate. Sus. Yaan mo siya. Feeling maganda mukha naman
tindera ng lupa (pero aaminin ko, naging crush ko siya
noong Junior’s ball.)
=========

August 24, 2008

Dear diary,
Marami na akong kaibigan. Whohohoho. Okay din
naman pala dito sa Main branch e. Sa umpisa lang bulok.
=========

December 12, 2008

Dear diary,
Wow! Ang saya-saya ko. Nanalo akong First Place
sa ginanap na Poem Writing Contest sa school namin.
May medal nanaman ako! Hahaha! Sikat nga ako sa school
kanina. Akala mo tumatakbo akong president sa student
government. Haha.
At eto pa, si Heather hinarang ako kanina sa may canteen.

33
Sabay sabi sa akin “Hey, ‘Di ba nakasayaw kita nung Junior’s
Ball?”
Ah, lechefluta? Nung ga-alikabok pa lang ako dito sa Main
Branch, hindi mo ko kilala. Ngayon, biglang nag-iba ihip ng
hangin? Ano ako, bukayo? Kaya ang sabi ko sa kanya: “Sorry,
I don’t know you. Baka iba yung nakasayaw mo.” sabay walk
out.

34
Ilan Sa Mga Babae Sa Buhay Ko
Wala na akong maisip na kuwento. Ay teka, meron pala. Ang
gulo nanaman ng isipan ko ngayong gabi. Bumabalik kasi
ang mga pesteng alaala ng nakaraan.
Okay.
Ummm...
Nung first year high school ako, nakilala ko ang isang
babaeng nagnga-ngalang CK. Hindi ko siya pansin nung una
dahil sa totoo lang wala naman siyang kwentang estudyante
at ang subject lang na pinaka-magaling siya e sa values
education. Kaso nung linggo ng wika namin, nakita ko ang
taglay niyang ganda.
 Alam mo yun, yung para bang dati e mukha lang siyang
tira-tira na binalot sa dyaryo tapos sa isang iglap e para
na siyang rosas na tumubo sa hardin na puro damo. As in
ang tingin ko sa kanya e naging kakaiba. Nabighani ako.
Pero nilihim ko muna ang pagtingin ko. HINDI AKO TORPE.
HINDI AKO MAHIYAIN. PAPATAYIN KO ANG MAGSASABING
MAHIYAIN AT TORPE AKO.
So ayun, naging magkaibigan kami. As in super close.
Tulungan kami sa mga gawain sa school, at tinuturuan ko
din siya mag-english. Ako naman e tinuruan niya ng sign
language, yung sa translation ng letters sa daliri. Yun. At dahil
nga tinuruan niya ako ng ganun, iyon ang ginamit kong way
para umamin sa kanya. Oo, sa sign language ako nagsabi sa
kanya ng „I love you“. Tapos alam nyo ba kung anong ginawa
niya? Nakipag-high five lang sa akin! Bad trip na ‘yan. Sabi ko

35
„Hoy, tanga totoo yun,“ tapos sagot niya „Alam ko,“ E di okay!
Anak ng cookiesncream, halos lumabas ata puso ko nun sa
sobrang saya.
Kaso, nung sumunod na araw, hindi na niya ako pinansin.
Ayyyy.
Ako naman, na-guilty. Siyempre feeling ko nasira
friendship namin dahil sa pag-amin ko sa kanya.
Anak ng minatamis na buko talaga. Hays. Kaya simula
nun, nagka-trauma na ako sa pag-amin sa babae. Pilit ko
siyang hinabol, kaso hindi na na-revive yung dati naming
friendship. Bakit ba umiiwas ang babae kapag ganun? Dahil
ayaw nila sa guy? Ilang? Sus.
HINDI NAMAN KAGANDAHAN MAI-ILANG PA.
PASALAMAT NGA SIYA MAY NAGKA-GUSTO SA KANYA E.
SABUNUTAN KO SIYA NG KALIWA‘T KANAN E.
Nung fourth year high school ako, nagka-gusto ako
sa isang babaeng ang pangalan ay Poison. Ang cute niya
talaga. Naalala ko nga pina-print ko pa yung picture niya sa
friendster e. Mabait siya. At matalino. Oo, matalino. Hindi
naman niya kayang i-solve ang integration ng X with respect
to X in point A and B of two subsets in a Topology, pero
magaling naman siya sa academics. Kaya nahumaling talaga
ako sa kanya. PERO HINDI KO ITO INAMIN.
Tapos, anak ng tupang kumakain ng Selecta Magnum,
kumalat ba naman sa campus na may gusto raw ako sa
kanya. Tapos, ang anak ng minatamis na saging na babaeng
ito naman, biglang hindi na ako pinapansin. Langya. Kapal
ng mukha e. Paano kung wala naman at nang-aasar lang ang
mga classmate ko? Taena. Na-ilang agad. Bad trip. Wala pa
nga ako sa „AMINAN“ stage e, tapos ganun agad?

36
Pero may nangyari. Nung christmas party, siya nabunot
ko para sa exchange gift. Kaso, dahil ako ay miyembro ng
mga „MAY SAKIT SA BULSA“ club, ang naregalo ko lang sa
kanya e 200php na stuff toy sa blue magic. Yung nilalagay sa
dashboard ng jeep.
Bwiset.
Gusto ko na din sana aminin feelings ko sa kanya. Para na
rin siguro lalo niya akong iwasan at para na rin ma-confirm
niya na may picture niya ako na wallpaper ko sa cellphone,
na minsan nag-GM ako na siya lang dinadaanan, at minsan e
kinakausap ko siya pag nakatalikod. At nung dumating ang
aming Senior‘s Ball, nagkaroon ako ng chance.
DarkMochaFrappe! Malapit na matapos ang sayawan
nun, at hindi ko pa nasasayaw si Poison. Hinahanap ko siya,
pucha di ko makita. Ay, hindi. Nakita ko pala.
So ayun, sinayaw ko. Tapos nagmamadali siya. Naka-
kontrata daw kasi siya sa isa naming classmate na yun ang
last dance niya. Aba, sa loob-loob ko, ano ka parang laruan?
Hoy, ako muna tangerine ka.
So, kailangan masabi ko na. Una kong banat, “Sayang
hindi tayo naging close.” Tapos: “Siguro...sa 10 months
nating magkasama, mga 6 months siguro kitang minahal.
At ngayon, na-realize ko na baka forever.“ Anak ng chocnut!
Palong-palo!
Tapos alam niyo ba kung anong ginawa niya?
„Teka...isasayaw ko pa si toto e.“
PUSANG BANANA TALAGA! Bigla niya akong binitawan
at iniwan sa gitna ng dance floor. Gusto ko sana apakan yung
gown niya e. Tae.

37
At sa mga sumunod na araw, hindi na niya ako pinansin.
Dumaan ang DALAWANG GRADUATION PARTY(IES) pero
ni „Hi“ o „Hoy, SWIRLY ng ina mo!“ wala akong narining na
sinabi niya.
Kaya, tinanggal ko siya bilang friend sa Facebook. Dahil
lahat ng status ko noon e puro tungkol sa kanya.
So, ayun. Eto ako. Umiinom ng kape na walang coffee
mate at asukal. Kumakain ng hilaw na mangga. Kumakain ng
balat ng dalandan. At pag naalala ko sila, natutuwa ako dahil
nagkaroon nanaman ako ng rason para papakin ang powder
ng kape.
Si CK ngayon, ayon sa balita e nagkaroon ng boyfriend na
iniwan siya (HAHAH! BUTI NGA!)
Si Poison naman, hindi na ata nagka-boyfriend dahil
wala raw siyang inatupag kundi makinig sa mga koryanong
parang walang T*** kapag kumakanta (plus the fact na hindi
pa maintindihan).
At ako, eto tinatawanan sila at sinasabi na „E KUNG SA
KIN KAYO NAPUNTA? E DI SANA TAYO PA DIN NGAYON?
BWAHAHAHAHAHA!!!!“ pero binabawi ko ang sinabi kong
yon dahil naniniwala ako na ang love story ng buhay ko e
nakasulat na sa kuwento ng buhay at siguro ganito dapat
muna ang mangyari.
Tanggap ko naman ang nangyari...tanggap ko kung
paano tumatakbo ang istorya.
Pero minsan...parang ang sarap...i-edit.
Di ba?

38
Ang Mga Sikat Kong Kaklase
Eto ay ilan sa mga kaibigan ko na sikat sa school at ni minsan
ay hindi ako na-inggit sa kanila. Ni minsan nga e hindi ko rin
pinangarap na mapunta sa akin ang mga meron sa kanila.
Hindi ako ganun. Tanggap ko naman ang meron ako.
Nung elementary ako, honor student ako. Yun nga lang
lagi akong pang 2nd dahil ang korona ng pagiging 1st honor
e laging napupunta sa classmate kong si Beki. Si Beki ay
bading, pero matalino. Madaming nagkakagusto sa kanya na
babae kaso nga dahil bading siya, kadalasan e nauuwi lang
sa pagkakaibigan ang lahat. Masaya naman ako para kay
Beki dahil madami siyang kaibigan at kilala siya sa school
bilang number one student. Wala akong naiisip na masama
tungkol sa kanya. Last year, nalaman ko na nag-exam siya
sa UP tulad ko. Hindi ako pumasa pero siya pumasa at
ngayon napagbabalitaan na nagdo-dorm siya sa Quezon
City dahil nga sa U.P Diliman siya nag-aaral ngayon. Masaya
ako para sa kanya at ni minsan e hindi ko naisip na sana
e masagasaan siya kapag tatawid siya at magka-amnesia
siya para makalimutan niya ang lahat ng natutunan niya at
ikahiya siya ng pamilya niya o kaya e biglang may lumabas
na sinkhole sa ilalim ng U.P Diliman at lamunin siya ng lupa
at hindi na makita kalian pa man.
Nung high school ako, mayroon akong classmate na
ang pangalan ay Australoid. Magaling siya sa math at kahit
pangit siya e malakas ang sense of humour niya kaya lapitin
din siya ng babae. Mahina ako sa math noong mga araw
na yon (at hanggang ngayon) dahil tinulugan ko lang ang
39
intermediate algebra without knowing na lahat ng basic
e nandoon. Proud naman ako sa tropa kong si Australoid
dahil ang galing niya sa Math at kilala siya sa school namin
bilang math wizard at hindi ko naiisip na sana e bigla siyang
matisod at madapa at ma-damage ang mukha niya para mas
lalo siyang tawanan ng mga tao pero hindi na dahil sa sense
of humour niya kundi dahil sa katangahan niya at maging
dahilan ito ng pagkawasak ng buhay niya dahil buong buhay
siyang tatawanan ng mga tao.
Lastly, may classmate akong ang pangalan ay Egoy. All
around guy siya. Magaling sa academics, magaling sumayaw,
magaling mag-chess, magaling mag-drawing, magaling sa
sports, at campus heartrob. Mabait din siya at approachable
at humble kaya lapitin siya ng mga babae at sikat sa buong
school habang ako naman e simpleng commoner na nagre-
recite lang kapag tinatanong. Masaya ako at naging kaibigan
ko si Egoy at hindi naman ako bitter sa kanya dahil ni-minsan
e hindi naman sumagi sa isip ko na sana e masunog ang
mga project at homeworks na kailangan ipasa para maka-
graduate siya. Kahit minsan hindi ko inisip na patirin ang
paa niya para mapilay siya at hindi na siya makapagsayaw o
kaya e nakawin ang chess set niya o kaya e baliin ang kamay
niya para hindi siya makapag-drawing o kaya e ipabugbug
siya para hindi na siya makapag-basketball at volleyball o
kaya e budburan ng chalk ang mukha niya para tubuan siya
ng maraming an-an para pumangit na siya.
Wala akong iniisip na masama sa mga classmate kong
ito dahil mga kaibigan ko sila. Proud ako sa kanila at sa mga
naging part nila sa school life ko.

40
Si Noy At Si Jabberwocky
Third year high school ako nang magka-gusto ako sa isang
babaeng ang pangalan ay...ummm....itago na lang natin siya
sa pangalang Jabberwocky. Hindi naman siya ganun ka-
ganda o ganun ka-pangit pero it so happens kasi na may
gusto ako sa kanya nun dahil sa dahilang hindi ko malaman-
laman kung ano at kung bakit. Pesteng pag-ibig kasi e noh?
Abala ang mga tao sa kahahanap ng buhay sa Mars pero
ang misteryo ng hindi maipaliwanag na pagka-humaling sa
isang babae hindi nila malaman-laman ang sagot. Anlabo
din ng mga tao minsan e. Kung ano ang mahirap, yun ang
pinapasukan. Kung ano ang madali, binabalewala. (OBJECT
OF DESIRE! NAKS!)
Anyway, back to the topic tayo. So, niligawan ko si
Jabberwocky. Pumayag naman siya e. At isa sa mga theory ko
noong mga panahon na ‘yon e kapag pumayag ang isang girl
na ligawan mo siya, medyo may 45% na chance ka na. Kaya
medyo natuwa ako. So, sige. Ligaw. Ayan. Usap-usap. Text-
text. Libre-libre. Buhat-buhat ng gamit na laging mabigat.
Okay naman ang flow. Hanggang sa dumating ang isang unos.
May best friend akong lalake na itatago na lang natin sa
pangalang Noy. Si Noy ay di hamak na mas gwapo sa akin,
yun nga lang bobo. Pero sikat pa din siya sa school. Hindi ko
nga alam kung bakit e. Talaga sigurong basta may mukha ka
kahit wala kang utak, papatusin ka ng mga langaw. So ayun.
Alam ni Noy na nanliligaw ako kay Jabberwocky. At inu-ulit
ko, mag-BEST FRIEND kami ni Noy. As in dikit ha. TROPA
talaga.
41
Isang araw, ginanap ang field trip namin. Nung nasa stop
over kami, nakita ko magkausap si Noy at si Jabberwocky.
Wala lang naman sa akin ito. 
Tapos nung nasa bus na kami, naki-text sa akin si Noy.
Edi text siya. Pagkita ko sa sent items, nakita ko na tinext
niya pala si Jabberwocky. At ang sabi niya „i love you“.
Ay pucha! Nagwala ako sa bus. Talaga. As in parinig ako
ng parinig. At doon, sa tingin ko, nadurog ang pagkakaibigan
namin ni Noy.
Hindi kami nag uusap ni Noy hanggang sa dumating ulit
ang pasok. Bwiset ako sa kanya. Second time nang nangyari
sa akin ang ganito na taluhin ng tropa ang dinidiskartehan ko.
And to think, BEST FRIEND ko pa ha. Nagsimula nanamang
umulan ng pighati sa silong ng aking kasiyahan.
Hanggang dumating ang araw na October 14. Lunch
break nun. Tapos na ako kumain (ang totoo niyan e hindi ko
naman naubos ang baon ko at pina-buraot ko lang sa mga
kaklase kong dukha) at nakatambay lang ako sa classroom,
nakatunga-nga sa kawalan na ayokong makita, nang bigla
akong tinawag ni Noy.
„Pare!“ sabi niya.
Siyempre, medyo umandar nanaman ang lumulutang sa
tubig na ugali ko kaya sumabay lang ako. „O, bakit tol?“ sagot
ko.
„Kausapin ka namin ni [jabberwocky].“ sabi niya.
„Halika!“
Sabi ko, „Bakit, tungkol saan?“
“Basta halika na.” sabi niya sa akin. Dinala niya ako sa

42
isang bakanteng classroom. Pagpasok ko, nakita ko doon si
Jabberwocky, nakaupo.
“Hoy,” sabi niya. “Upo ka dito.” Tinuro niya ang isang
upuan na sa tabi niya.
Upo naman ako.
Sabi ko, «O, bakit, anong meron?»
«Kasi...» pa-umpisa ni Jabberwocky, pero bago siya
matapos alam ko na ang sasabihin niya.
“Na ano? Na kayo na ni [Noy]?” sabi ko.
Tahimik silang dalawa. Tahimik kaming tatlo.
Ilang anghel na ata ang dumaan bago nagsalita uli si
Jabberwocky.
«Kasi, ayaw ko sa’yo e.» sabi ni Jabberwocky sa akin.
Realidad. «Okay lang yun. Huwag ka mag-alala. Masaya
ako para sa inyo.“ sabi ko. Tinanggap ko ang mga sinabi niya
ng buong puso at kaluluwa. Wala sa isip ko ang pagiging
bitter noon. Wala talaga. Walang biro. Tinanggap ko ang
sakit. Pero wala akong karapatang mag-reklamo. Sino ba ako
sa buhay niya para magkaroon ng ganung karapatan.
„Okay lang talaga...“ sabi ko ulit.
Nag-shake hands kami ni Jabberwocky, at bigla akong
niyakap ni Noy.
Umalis ako ng classroom at sinabi ko sa sarili ko
„Binitawan ko ang isang babae para sa kaligayahan ng aking
kaibigan.“
Minsan siguro, totoo nga. Love is sacrifice.

43
Nung gabi, pag-uwi ko sa bahay, hindi ako makatulog.
Nag-sound trip muna ako. Hindi ako gaano mahilig sa senti
songs noong mga panahon na ‘yon, pero nagulat ako sa
napakinggan kong kanta na hindi ko naman pinili ng sadya.
Umbrellas and Elephants by Cinematic Sunrise. Ayos. At
unti-unti kong naramdaman ang antok. At bago pumikit ang
mga mata ko, bigla kong naisip:
“Bakit siya pa, bakit hindi na lang ako?”

44
Mga Dapat Mong Malaman Na
Hindi Mo Kailangan
May mga pangyayari sa buhay natin na gumigising sa tunay
nating pagkatao. Kung hindi naman, minsan ito ang nagiging
daan para malaman at makilala natin ang ang ating sarili.
Simula nung iniwan ako ni Aileen, nalaman ko na:

- Nawawala ang anghang ng sili kapag nilagay mo sa ref


ng tatlong linggo.
- Nagiging itim ang kulay ng sili kapag iniwan mo sa ref.
-  Mas maanghang ang sili kapag iniwang nakabilad sa
araw.
-  Pwedeng ipalaman sa pandesal ang sinangag (pero
hindi ko sinabing masarap!).
-Hindi kinakain ang balat ng sineguelas.
-Hindi kinakain ang balat ng rambutan at lanzones.
-Hindi pwedeng lunukin ang buto ng santol at sumigaw
ng darna.
-Hindi lahat ng bunga na nakikita ay pwedeng kainin.
-Masarap ang katas ng santan.
-Walang sustansyang nakukuha sa pagpapak ng alateris.
-Masarap i-terno sa sinigang na baboy ang ketchup
-Hindi na kape ang tinimplang kape kapag nilagyan ng

45
creamer at asukal
-Hindi masarap ang pandesal kapag sinawsaw sa kapeng
walang creamer at asukal
-Walang sino man ang kayang i-drawing ang perfect na
shape ng pusod.
-Hindi cool ang pagkutkot ng pusod sa harap ng
maraming tao.
-Hindi pwedeng magkasabay ang pagdighay at pag-utot.
-Ang tagalog ng „beach“ ay „Aplaya“.
-Ang english ng „Gulaman“ ay „Gulaman“
-Ang meaning ng love ay hindi lang yung alam mong
meaning.
-Kaya pala blue ang logo ng Facebook e dahil sa red and
green colorblind ang founder nito.
-Hindi epektib ang paglagay ng vicks sa ilong kapag
masakit ang paa mo.
-Mas masarap kumain nang madumi ang kamay dahil
nae-enhance ang lasa ng ulam.

At higit sa lahat nalaman kong:


-Hindi pala ako mahalaga sa kanya.
-Hindi niya talaga ako minahal.
-Wala nang magmamahal sa akin kahit kailan.
-Hindi lahat ng babae ay iibigin ka.
-Hindi lahat ng babae ay iibigin mo.

46
-Hindi lahat ng maganda ay babae.
Lahat ‚yan nalaman ko simula nung umalis siya sa piling
ko.
=========

„Ang bitter-bitter mo.“ sabi ng isang kaibigang babae.


„Mukha ko lang ang bitter pero hindi ako bitter,“ sagot
ko.
„Sus, iniwan ka lang ni Aileen ganyan ka na?“ sabi niya.
„Alam ko namang hindi niya ako minahal. Tangina, sa
mukha ko ba namang ito e.“ sagot ko.
„Bitter ka talaga!“ sabi niya.
„Sige nga, ikaw, kaya mo ba akong mahalin?“ hamon ko.
Umalis ang kaibigan kong babae na yon at iniwan ako.
Tsk. Tsk. Tsk. Kita nyo na? Bukayong buhay ‘to oo.
=========

Naniniwala ka naman ‘di ba? O, ‘yun naman pala e. E di siya


na lang ang kausapin mo. Tutal naniniwala ka naman na
andyan siya palagi kapag kailangan mo ‘di ba? ‘Wag na ako
ang kulitin mo. Nakakasawa ka kasing pakinggan. Paulit-ulit
lang naman ang sinasabi at kinukuwento mo. “Alam mo ba,
sobra akong blessed kasi…” yeah, I get it, all right? Hindi mo
na kailangan ulit-ulitin sa akin. Maging thankful ka nalang
kasi you already found your answers. Ako, hinahanap ko pa
‘yung akin. Swerte ka at nasinagan ka na ng liwanag na alam
kong matagal-tagal din bago mo nahanap. Ako, marami pa
akong tanong at kailangan hanapin dito sa buhay ko.

47
Ano ang mga hinahanap ko? ‘Wag na. Hindi mo na
kailangang malaman. Basta ang mahalaga, na sa’yo na ang
mga sagot mo. Kasi, maaring parehas tayo ng problema pero
magkaiba tayo ng sagot na hinahanap. Siguro kuntento ka na
sa mga nahanap mo, pero ako alam ko sa sarili ko na hindi
magkatulad ang sagot natin. Parehong problema, magkaiba
ng sagot. Eto ang problema kapag pinapatulan ko pa ‘yang
mga kuwento mo about sa mga “kaliwanagan” na sinasabi
mong na-receive mo e. Hindi magtutugma kahit kailan ang
mga pinaniniwalaan at sinasandigan nating dalawa dahil
ikaw ay nabubuhay ng ayon sa gusto mo. Mas sanay kang
subuan kaysa matutong gumamit ng kutsara’t tinidor. Ikaw
‘yung tipong mas trip magpalipad ng saranggola habang ako
naman e mas gustong alamin kung bakit nga ba lumilipad
ang saranggola.
Hindi ko naman sinasabing mas matalino o mas
magaling ako sa’yo. Ang sinasabi ko lang e mas interesado
akong alamin ang mga bagay-bagay kung sa’n wala kang
pakialam. Kasi para sa’yo, itong mga pino-problema ko e
alikabok lang sa libro. Samantalang sa’kin, ang mga nahanap
mong mga “sagot” e simpleng bituin lang sa langit. Na-gets
mo ba itong mga sinasabi ko? Please lang, ma-gets mo na.
Pagod na ako sa kakapaliwanag sa’yo ng mga bagay-bagay e.
Lahat kasi ng pinapaliwanag ko, para sa’yo e mali, kaya lagi
mong kinokontra. Ako, hindi naman kita kinokontra ‘di ba?
Wala nga akong sinabi na mali ang mga pinaggagagawa mo
e. Kung saan ka masaya, d’yan ka. ‘Wag mo na akong idamay.
Kasi ako, may sarili rin naman akong isip at mga paa para
gawin at hanapin ang mga sagot na alam kong para sa’kin.
Paulit-ulit na ako rito a.
Basta, ang mahalaga, nakuha mo ang mga hinahanap
48
mo. Period. Ako, ang hihingin ko na lang sa’yo e sana
suportahan mo ang mga gagawin kong pagkilos para
mahanap ko na ang mga gusto ko. Kasi sa totoo lang, hindi
ka nakakatulong. Hinuhusgahan mo lang ako dahil iba ako
sa’yo. Tulungan mo na lang ako. ‘Wag ka na maging pabigat.
Siguro naman, nabasa mo ‘yung libro na pinapabasa diyan sa
samahan niyo ‘di ba? Porke ba magkaiba tayo ng paniniwala,
tatalikuran mo na ang pagkakaibigan natin? Masama na
ba akong tao agad? Isipin mo ng mabuti, pare. Pareho tayo
ng problema, pero magkaiba ang sagot natin. Nahanap mo
na ang sa’yo. Hinahanap ko ang akin. Magkaiba man, pero
papunta pa rin naman tayo sa iisang bagay, ‘di ba? Galangin
mo na lang ang pinaniniwalaan ko, kasi pare, nirerespeto ko
naman ‘yung sa’yo e. Nagiging personal lang kasi pare, may
ego rin naman ako. Intindihin mo na lang ako. Kasi ako, kahit
sawang-sawa na ako, iniintindi pa rin kita. Tandaan mo ‘yan.
Sige, pre. Mag-iingat ka palagi.

49
Akala At Pangarap
Maraming namamatay sa maling akala. Buti na lang, sa
dinami-dami ng inakala ko, hindi pa ako namamatay.
Akala ko kaya kong buhatin ang 50lbs na barbel.
Akala ko kaya kong laklakin ang isang boteng matador.
Akala ko lahat ng susulatin ko e babasahin niya.
Akala ko lahat ng susulatin niya e babasahin ko.
Akala ko matatapos na ang mundo kahapon.
Akala ko kaya kong magsulat sa ilalim ng dagat.
Akala ko marunong akong gumamit ng baril.
Akala ko hindi ka mamamatay kapag sinabit mo ang paa
mo sa ngipin ng crocodile.
Akala ko pwede ang gulong na triangular in shape.
Akala ko strawberry ang flavor ng tang orange.
Akala ko masarap ang lasa ng candle wax.
Akala ko totoong flower yung mga flower sa birthday
cake.
Akala ko hindi ako matatakot sa ipis.
Akala ko may sustansyang nakukuha sa pakwan.
Akala ko mabaho ang langka at ang durian ay mabango.
Akala ko ang english ng “talampas” e “upper hill”.
Akala ko ang retina ay unahan ng mata.

50
Akala ko hindi tinutubuan ng buhok ang pilik mata.
Akala ko hindi ako ga-graduate ng high school dahil
nam-bully ako ng isang grade 6.
Akala ko kapag nag-basketball ako mamahalin niya ako.

Akala ko kapag natuto ako ng gitara mamahalin niya ako.


Akala ko kapag gumamit ako ng gatsby wax mamahalin
niya ako.
Akala ko kapag marami akong pera mamahalin niya ako.
Akala ko kapag nagkaron ako ng motor mamahalin niya
ako.
Akala ko kapag natuto ako ng drums mamahalin niya
ako.
Akala ko kaya niya akong mahalin.
Akala ko may inaakala ako.
Akala ko kapag uminom ka ng gin na may halong red
horse at matador at generoso e makakalimutan ko siya.
Akala ko mamahalin niya ako dahil mahal ko siya.
Ang dami kong inakala.
Coffecrumble na akala.
Madami daw ang namamatay sa maling akala.
Akala mo lang yun.

=========

Ang dami nating pangarap. Naalala mo pa ba? Plano nating

51
tumira doon sa Cordillera, malayo sa siyudad; sariwa ang
hangin, tahimik, tapos magtatanim lang tayo ng gulay sa
bakuran. Simpleng buhay lang. ‘Di ba, sabi mo pa nga dalawa
lang ang anak natin. Para kamo madali mapalaki, madali
alagaan.
Doon pa tayo sa quadrangle ng school nagke-kwentuhan
noon. Nasuspende kasi ang klase dahil sa ulan. Hindi na
tayo makauwi no’n kasi naging ilog na ang mga kalye at
tumirik na parang mga bato ang mga sasakyan. Nakaupo
lang tayo, hinihintay na tumigil ang ulan. Tayong dalawa
lang ang nagmamay-ari sa mundo. Masigla ang mga ngiti at
tawa mo, samantalang hindi ko naman maintindihan ang
nararamdaman ko. Basta, ang saya ko. At alam ko, masaya
ka rin.
Pero, gaya ng ulan, ang pagmamahalan natin ay natapos.
Umuulan din noong nakipag-break ka sa’kin. Sabi mo,
parang walang nangyayaring bago. Sabi mo, hindi ka na
naggo-grow. Isa lang ang tanong ko sa’yo: “Bakit ka susuko?”
iyon lang. Pero wala akong nakuhang sagot. Ginusto mong
umalis. Ginusto mong tapusin ang lahat. Kaya pinilit kong
gustuhin na rin ito. Ginusto kong sumaya ka. Pinalaya kita.
Sa paglisan mo, itinanim ko sa aking damdamin na gaya ng
ulan, babalik at bubuhos kang muli sa buhay ko.
May mali akong nagawa. Mali man, pero ginusto ko.
Habang ikaw ay lumaya at umibig sa iba, nanatili akong
nakapako sa’yo. Wala akong inibig na iba kundi ikaw. Umikot
sa’yo ang mundo ko. Hindi kasi kita makalimutan. Sinubukan
ko, pero sa huli ay naiisip kong niloloko ko lang ang sarili ko.
Kahit may bago ka na, pinilit kitang bumalik sa’kin. Gago na
kung gago. Naalala mo nang sinabi ko sa’yo na handa akong

52
gawin ang lahat, bumalik ka lang sa’kin? Siyempre, dahil
may mahal ka nang iba at tila ako’y nalimot mo na, hindi ka
pumayag. Nagpakatotoo ka.
Pero hindi lang pala ako gago. Tanga pa. May mga
nagmahal sa akin, pero tinalikuran ko sila. Ikaw lang kasi ang
mahal ko. Alam ko na maari kong magawa na makalimutan
at makagalaw paalis sayo kapag hinayaan ko ang puso ko
na umibig muli. E, tanga nga e. Ayaw na kasi kita kalimutan.
Ayoko ng iba.
Naging magkaibigan tayo.
Pinanood kitang umiyak. Pinanood kitang masaktan.
Akala ko maiisip mong nandito lang ako sa tabi mo, iniibig
ka pa rin. Akala ko na sa pagbuhos ng mga luha mo ay muling
bubuhos ang ulan at magsisimula tayong mangarap muli.
Tumangis ka, ngunit hindi ka naibalik sa akin ng mga luha
mo. Sinabi ko na lang sa’yo na hihintayin kong mahalin mo
ako muli. At totoo ‘yun. Iyon na lang kasi ang naisip kong
paraan. Ang maghintay. Alam kong babalik ka. Alam kong
darating ang araw na iibigin mo akong muli.
Muli kitang pinanood na umibig ng iba. Nakita ko ang
inyong mga halik. Pinilit kong damahin ang mga yakap mo sa
kanya, iniisip na ako ang nakabalot sa iyong mga makikinis
na braso. Pinipilit kong ‘wag isipin na ginagawa niyo rin ang
mga ginagawa natin dati tuwing gabi. Pwede kong isipin,
malaya ako, pero naka-apak pa rin ang mga paa ko sa lupa.
Sa aking isip, tayong dalawa pa rin ang magkasama. Ngunit
dito sa lupa, nag-iisa ako. At ikaw, malayo at wala sa akin.
Nawala kang bigla. Tine-text at tinatawagan kita pero
hindi mo ako sinasagot. Nagtapos ako ng pag-aaral nang
hindi nalalaman kung saan ka napunta.
53
Hinanap kita. Hindi ko na alam kung saan ko iyayapak
ang aking mga paa pagka’t sa pagkawala mo’y nagugunaw
na ang lupang inaapakan ko. Nakausap ko ang iyong mga
magulang. Umalis ka raw at nakipag-tanan. Nagulat ako.
Minsan na rin nating sinubok na gawin ‘yon. Pero hindi
natutuloy. Pero sa iba, nagawa mo.
Matagal kang nawala. Sa mga panahon na ‘yon, sinabi ko
na sa aking sarili na hindi ka na talaga babalik. Na tanggapin
ko man o hindi, talagang wala ka na. Isa kang bituin na
dumaan lamang sa aking langit. Sinubukan kong umibig
muli, pero sa’yo at sa’yo pa rin ako bumabalik. Pinilit kong
kalkalin ang langit para sa isang bituin na nawawala. Wala
ka na. Nawala ka nang talaga.
Hanggang isang araw, umuwi ka sa inyo. Binisita kita
agad-agad. Inalam ko ang lagay mo. Masigla ang mga ngiti
mo, parang walang nangyari. Nagkasama tayong muli.
Naglakad-lakad tayo sa ilalim ng mga ulap. Pinanood natin
ang paglubog ng araw. Akala ko, ito na ang simula ng iyong
pagbabalik. Akala ko, magbabalik ka na sa akin. Akala ko ito
na ang simula ng panibagong “tayo”.
“Buntis ako,” sabi mo.
“Nasaan ang ama?” ang tanong ko.
Umiyak ka. Umiyak at umiyak. Wala akong ibang nagawa
kundi ang yakapin ka. Wala akong ibang nagawa kundi
intindihin ang mga sinasabi ng iyong mga luha. Hindi alam
ng mga magulang mo. Ako lang ang napagsabihan mo. Buntis
ka at wala kang asawa.
Nagalit ako sa’yo. Ano bang pinaggagawa mo sa buhay
mo? Doon ka nagsimulang masira, alam ko. Pagka’t doo’y

54
nakita mo ang bunga ng lahat. Ngunit, ako ang hindi mo
nakita. Hindi mo ba naisip na naroon pa rin ako, hinihintay
ka, iniibig ka pa rin? Handa akong maging ama ng anak
mo. Handa ako sa kahit ano, magbalik ka lang sa’kin. Pero
hindi mo naisip. Hindi mo ako naisip. Alam kong wala akong
karapatang manumbat pagka’t hindi mo ako minahal. Sa
pagdurugo ng kalangitan, sa iyong pagtangis, sa paglalakad
ko sa aking mga akala noong araw na iyon, tumalikod ako
at umalis. Binigyan kita ng mga araw para makapag-isip.
Inaasahan kong maiisip mong kailangan mo na ako. Akala
ko ganoon ang maiisip mo.
Nalaman ko na lang na ililibing ka na pala. Umuulan
din noon, at kasama ng bawat patak ng ulan ang aking mga
luha. Kasama ng aking mga luha ang mga tanong kung bakit
mo nagawang gumamit ng alambre para malaglag ang nasa
iyong sinapupunan, at kung bakit mo ako nagawang iwanang
muli.
Ang mga sagot ngayo’y baon-baon mo na sa kung saan
ka man papunta. Sa paglisan mo ngayon, hindi ka na talaga
babalik. Babalik ka man sa aking isip, nakaapak pa rin ako
sa lupa kung saan sa bawat buhos ng ulan ay magsisimula
akong mangarap muli. Ako na lang, mag-isa.

55
A Crazy Freakin’ Thing Called
Love
MAMA: O, akala ko ba ayaw panuorin yang Crazy Little Thing
Called Love?
AKO: Ayoko nga. Tinignan ko lang kung maganda yung
kopya.
MAMA: E patapos na yan e!
AKO: Siyempre need ko din i-check kung tama yung grammar
ng mga subtitles.
=========

Hindi po ito movie review. Ayoko nun. Asiwa ako sa mga


ganun. Mas hilig ko kasing i-kwento yung karanasan ko
habang pinapanood ang isang palabas.
Hindi ako mahilig sa mga romantic movies. Oo, mahilig
ako, pero kadalasan foreign. At Oo, ayoko, kasi hindi naman
talaga makatotohanan at mas gusto ko lang i-untog ang
sarili ko sa pader sa tuwing nakakapanood ako ng mga
romantic movies. Hindi naman totoo ang mga nangyayari
sa mga romantic movies na yan. Puro ka-boksteran lang.
Talksweet kumbaga. Fictitious fiction. WALANG KWENTA.
YUN ANG DAHILAN KUNG BAKIT AYOKO MANOOD NG MGA
ROMANTIC MOVIES. 
Pero sige, aamin na ako. Despite sa belief ko na ganyan
nga, na puro cheche bureche lang ang mga romantic movies,
nanood pa din ako. 

56
Noon, ang pinapanood ko e yung „First Time“ yung show
sa channel 7 tuwing hapon. Dun ako kinilig ng todo kasi nasa
school ang setting, and nung mga panahon na yun e campus
love affair ang nararamdaman ko. Ayun, hindi ko na ike-
kwento kung paano ko sinakal ang kapatid ko nung nilipat
niya yung channel habang umaamin na si Sarah kay Baste.
Back to topic na tayo.
Nitong first year, second semester ko sa college, nalaman
ko ang palabas na  Crazy Little Thing Called Love. Irita ako
nung una. Paano, Thai ba naman ang language. Tapos mali-
mali yung grammar ng subtitles kaya naging malabo ang true
meaning. Kaya, walang impact sa akin nung una. Hindi ko
pinanood in other words. Busy ako sa thesis ko sa TH-CON
1 (Child and Adolescent Development) (At oo, nagmukha
akong grammar nazi sa statement na yan).
Makalipas ang ilang buwan, pinanood ko siya sa YouTube.
Yun. Dun na nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Nam.
Anak ka ng marshmallow Nam. Bakit ba kasi pinagpipilitan
mo ang sarili mo kay P’Shone e mukha namang tinapa yun?
Ha? Ha? Tapos eto namang si P’Shone malaki rin ang ulo
hinayaan lang gumawa ng kung anu-anong katarantaduhan
si Nam para sa kanya. 
Hehehe.
Hindi po. Hindi po ako bitter sa palabas. Nakaka-sorya
lang yung konsepto na kailangan mo munang gumwapo
o gumanda para lang maging mahal ka ng mga tao. KUNG
SABAGAY TOTOO NAMAN YUNG ANAK NG TIKOY NA
KONSEPTO NA YUN!!! GRRRRR!!!! NAGIGING INCREDIBLE
HULK NA AKO HABANG NAGTA-TYPE!!!!
Pero gaya ng sabi ko kanina, hindi naman po totoo yung
57
nasa pelikula. Siguro, may percent na nangyayari din yun.
Siguro mga .545320 percent lang. Yun.
Nakita ko lang sa movie yung nangyayari sa akin. Kaya
siguro apektadong apektado ako. Hehe. 
Pero in fairness, nakakakilig yung movie. Lalo na nung
umamin si Nam, tapos epic failure dahil nahulog siya sa Pool!
Wahahaha. Kapag sa akin nangyari yun, hindi ko sasabihing
okay lang ako. Sasabihin ko “LOLLIPOP ka tinulak mo ko
badtrip ka. Dahil dyan penge ng kiss.”

So, ayun, maganda yung movie. At mas lalo akong natuwa


nung nalaman kong may part 2 at part 3 siya. Haha. 

Sa ngayon, eto ako, iniisip na sana e pwede ring mangyari


sa akin yung ganun...malay natin di ba?

...

“I joined a classical drama club, be a drum major, and get


better at studies, all of them because of you. But you know
what, now that I think about it, I should have done something
more, something that I should have done in the first place.
And that is to say to you that...I love you P’Shone.” -Nam, A
Crazy Little Thing Called Love.

“Alam mo bang mahal kita? Hindi mo alam? Sige, mag-


Facebook ka na lang. Fruitos.” -Don Vittorio C. Villasin

58
May Mga Taong…
Nineteen years na akong nabubuhay sa mundong ito.
Napaka-ikli pa kung tutuusin. Siyempre, halos one fourth
ng buhay ko dito sa lupa e walang kamalayan (pagkabata)
at etong may kamalayan na, medyo hindi pa naman sulit. In
short, wala pa akong karapatan para husgahan ang buhay.
Wala pa akong karapatan para sabihan ng isang matigas
na “F*** you!” ang mundo. Pero siyempre, may mga mata
rin naman ako. At pwede kong masabi na kahit papaano e
nagamit ko naman sila para sa tamang mga gawain.
Sabihin na nating may mga na-obserbahan ako. Kung
may katuturan man, dun ako hindi sigurado.
Ang dapat na title ng sulating ito ay “Bakit may mga
taong...” pero dahil galit ako sa tanong na bakit at hindi ako
naniniwala na may konseptong “bakit” sa mundong ito,
naging iba ang pamagat. Tinanggal ko yung “bakit”.
May mga taong nagtetext sa sinehan.
May mga taong nag-uusap sa sinehan.
May mga taong umoorder ng mainit na kape tapos
palalamigin.
May mga taong hindi nagme-medyas tapos magrereklamo
kung bakit puro paltos ang paa nila.
May mga taong sumasagot sa mga tanong sa game show
sa TV pero ayaw naman sumali sa mismong game show.

59
May mga taong nang-aasar pero pag sila ang inasar e
ayaw na ayaw.
May mga taong sasabihin sayong panget sila pero ang
daming picture sa Facebook.
May mga taong gwapo pero tanga.
May mga taong nakikipagusap sa cellphone gamit ang
headset kaya nagmumukha silang baliw na nagsasalita mag-
isa.
May mga gustong lumipad pero may fear of heights
naman.
May mga taong kumakain ng bulate, pero hindi
binubulate.
May mga taong gustong mamatay pero pag nabuhay
lubos ang pasasalamat.
May mga taong walang magawa kung minsan.
May mga taong ayaw iabot ang bayad mo sa jeep.
May mga taong nagpapatugtog ng malakas sa jeep at
LRT tapos kapag sinasabayan mo yung kanta na naririnig
mo mula sa gadgets niya, biglang papatayin.
May mga taong epal na habang kumakanta ka sa karaoke
e sasabayan ka, samantalang kapag inaabot mo naman yung
mic sa kanya ayaw naman kumanta.
May mga babaeng nagsusuot ng bikini pero ayaw
maarawan.
May mga babaeng nagsusuot ng bikini tapos mahihiya
sayo kapag nagpa-picture ka.

60
May mga taong takot sa dilim, pero pag may ibang
ginagawa sa dilim e nalilimutan ang takot.
May mga taong ang tagal maligo.
May mga taong nagtitimpla ng kape tapos tatadtarin ng
asukal.
May mga taong pupunta sa isang sosyal na lugar tapos
ay kakawayan ka na akala mo e artista ka.
May mga taong ang hilig sumabat kahit hindi naman sila
ang kausap.
May mga taong bigla na lang ngingiti sa di malamang
kadahilanan.
May mga taong nagshe-shades sa loob ng mga mall.
May mga lalakeng nakapila sa female lane ng LRT.
May mga taong nagsasalamin kahit hindi naman malabo
ang mata (tulad ko).
=========

Marami pa akong na-obserbahan. Pero ang hirap lahatin


e.

=========

May mga babaeng likas na magaganda.


May mga taong ang bilis ma-in love sa kanila.
May mga babaeng akala mo e okay lang na ligawan sila.
Akala mo lang.

61
Karamihan ng tao ay tumitingin sa panlabas na anyo.
Karamihan ng tao ay kasinungalingan lang ang panlabas
na anyo.
May mga taong akala mo mahal mo na.
Pero ang pinaka masakit sa lahat...
May mga taong akala mo mahal ka.

=========

Bakit, akala mo cool ka? Akala mo “in” ka na? Pwes, ngayong


pa lang sinasabi ko na sa’yo na mukha kang longganissa. Oo,
I’m serious. Mukha kang tocino na pinaarawan.
Gusto kong malaman mo kung gaano umusok at kumulo
ang dugo ko noong minsang sumama ka sa’kin sa mall nung
imi-meet ko ‘yung ka-text ko. Sabi ko sa’yo, kaya ko naman
mag-isa. Pero nagpupumilit ka. Sige, tutal tropa naman tayo,
isasasama na kita. Kaso, ang talagang nag-painit sa ulo at
nagpadama sa’kin na gusting-gusto talaga kita batukan e
nung nag-sando ka. ANAK NAMAN TALAGA NG—ewan!
Bakit magsasando ka sa mall, pare? Para ipakita na gumastos
ka ng limpak-limpak na pera sa pagbubuhat mo sa Gym na
pagmamay-ari nung bading sa may kanto natin? E kaya ka
lang naman nakakapag-gym dun e dahil sa nilalandi mo
‘yung may-ari. Asiwang-asiwa ako sa’yo, tsong. Ginagamit mo
ang hitsura mo para ma-manipula pati negosyo ng tahimik
na naghahanapbuhay. E, isa rin kasing hayok sa laman ang
bading na ‘yon. Pareho lang kayo.

62
Pagdating natin sa mall, nakasando ka na nga, naka-
shades ka pa. Pare, shades ang tawag d’yan. Pangharang
sa mataas na araw. May araw ba sa mall? Promise, lahat ng
nakaksalubong natin noon e pinagtatawanan ka. Hindi ka
cool pare. Hindi ka “in”. Basura ka.
At hindi ko maintindihan kung bakit ang dami-daming
babae ang nagpapakamatay para sa’yo. At kung bakit sa’kin
wala.
=========

Ikaw namang babae ka, isa ka rin e.


Dati-dati mahinhin ka lang e. Top of the class ka pa.
Kaya nga kita crush noon e. Cute ka, pero simple ka lang.
In-add kita sa Facebook. Dalawa lang ang photo albums mo.
“Profile Pictures” at “Wall Photos” lang. Hindi ka rin gaano
nagi-status. Simple nga. Bihira ka rin magsalita sa personal.
Tipong loner type. Kaya type kita noon. Simple ka lang.
Mahinhin. Hindi maarte. Magdanda. Marikit.
Siyempre, hindi lang naman ako ang naka-diskubre
ng kagandahan mo. Pati ang iba pang tao sa school. Pero
natuwa ako kasi you stayed the same. Parang wala lang sa’yo
ang lahat. Hanggang sa kinuha kang Muse ng team natin sa
intrams.
Doon lalong naging bukas ang kagandahan mo. Mas
nakita ng madla. Noon, hindi ako nag-worry. Ang tingin
ko kasi, hindi ka tulad ng ibang babae na lumalaki ang ulo
once na napuri or pinilahan na ng manliligaw. Kaso, habang
pinapanood kong hiyawan ka ng mga tao sa stage, sinabi ko

63
sa sarili ko na, wala na. Ito na.
At tama nga ako.
From 2 photo albums, nagulat ako at naging 10 albums ka
na! At, hanep a, yung 10 albums na ‘yon e puro pagmumukha
mo lang! ANONG NANGYARI?! BAKIT NAGING VAIN KA
NA? Tinignana ko mga pictures mo. As in. IISA LANG ANG
BACKGROUND MO KADA ALBUM. My god. At ang masama
pa, edited pa ‘yung iba. Grabe ka naman, ateh! Yayaman ka
ba ‘pag binalandra mo ang mukha mo sa Facebook?
Alam kong walang masama dahil inilalabas mo lang sa
buong mundo kung sino ka. Pero, sa tingin ko hindi effective
e. Dahil hindi ka nila nakilalang talaga. Ano ba, lumaki ulo
mo porket may mga nagsasabi sa’yong reyna ng kagandahan
at dinapuan ka na ng mga langaw na sabik na sabik sa tae?
Biglang tumaas ang self-confidence mo, pero to the point
that it already became something very irritating. Ano ba,
defense mechanism mo ang pagpipicture ng mukha mo?
Laban saan? Sa mapanghusgang lipunan na hindi ka “in”
noon?
Pwes, ito ang masasabi ko sa’yo. Walang nagbabago
kapag tinatadtad mo ng picture ng pagmumukha mo ang
mga album mo. Pinamumukha mo lang sa’kin na isa kang
attention-seeking na malandi na gustong-gustong hinahada
ng mga lalake sa FB. Bakit, model ka ba na binabayaran?
Hindi naman, a. Wala kang napapala sa ginagawa mo. Paano
na lang kapag tumanda ka, at pinakita mo sa mga apo mo
ang mga pictures mo na ‘yan?
“Lola, where was this photograph taken?”

64
“On my room, I was 18 years old then.”
“Wow. What about this one?”
“Still in my room. Ten seconds after the first one was
taken.”
Tignan mo. Ang ganda ba? Isipin mo muna bago ka mag-
picture. Inimbento ang camera para ma-capture ang isang
moment, frozen in time. At hindi para ipakita mo sa buong
mundo na gusto mong magpapansin.

65
Adobong Pag-Ibig
  
“Ang takaw mo.” Sabi ko, naka-ngiti, habang pinapanood
siyang kumain. Ga-bundok na kanin ang nilagay niya sa
kanyang plato, at ga-dagat na sarsa ang pinaligo niya rito.
Kung titignang mabuti, parang bundok na nagugunaw sa
bagyo ang laman ng plato niya.
 “Shut up!” sabi niya sa’kin. May inis ang boses. Ay, alam
na. May problema nanaman nga ang babaeng ito. Sabagay,
hindi naman niya ako dadalawin o maaalala kundi dahil
doon.
Lagi nang ganito si Leslie. Basta’t may sapi ng kung
anong ka-epalan at problema, ite-text ako at magpapaluto ng
adobo. Hindi naman ako nagre-reklamo. Best friends kami
since high school. Although may iba pa siyang mga kaibigan
na guys bukod sa akin, mas malapit siya sa’kin. Ako lagi ang
sinasabihan niya ng kung ano-anong ka-bwisitan niya sa
mundo. At ako naman ang dakilang taga-pakinig sa lahat.
Minsan nga, nagsa-sawa na ako sa mga kwento niya. Pauli-
ulit lang naman kasi. Bwiset siya kasi hindi siya binigyan
ng extra allowance ng erpat niyang OFW para makabili siya
ng bagong bag at cellphone. Bwiset siya kasi yung ermat
niya mas pinapaboran ang bunso niyang kapatid kaysa sa
kanya. “My God, Leslie. Hindi ka na bata!” sasabihin ko, pero
duduraan lang niya ako ng kanin sa mukha. Matatawa lang
naman ako. Ngunit kadalasan, ang problema niya ay umiikot
sa mundo ng pag-ibig.
Maganda si Leslie. One hot chick. Nagta-trabaho bilang

66
model sa isang papasikat pa lamang na magazine. At normal
ng sabihin na lapitin siya ng mga lalake. Kaso, gaya nga
ng sinasabi ko sa kanya, hindi siya lapitin ng magandang
kapalaran.
Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses
na siyang nagpunta sa akin para lamang sabihin na iniwan
nanaman siya ng isang lalake. Kumbaga e kung tatanungin
mo siya, hindi na rin niya mabilang kung ilan na ang naging
boyfriend niya. Madalas, ite-text niya ako kung pwede daw
ba siyang pumunta dito sa bahay ko para magpalipas ng
masamang loob. Matik na, kahit sabihin kong hindi, pupunta
pa din siya. Uumpisahan ko nang magluto. Adobo lagi ang
request niya, at kahit kailan ay hindi ito nagbago. Pagdating
niya sa bahay, hindi niya ako kakausapin. Ni hindi man
lamang nga siya tatawag sa gate e. Diretso agad siya sa loob.
At malas pa kapag umuulan, maputik sa labas. Hindi niya
iniiwan ang sandals o sapatos na soot niya sa labas. Kaya ang
mangyayari e susundan ko siya ng basahan. Hindi ko naman
magawang magalit o mainis sa kanya. Kasi, kaibigan ko siya,
at mahalaga siya sa akin.
Hindi ako naniniwala sa karma, pero sa tingin ko
may koneksyon pa rin yung ginawa niya sa akin noon
sa nangyayari sa kanya ngayon. Naging girlfriend ko si
Leslie noong high school pa kami. Siya ang unang babaeng
niligawan at sinuyo ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro
dahil sa nahumaling lang ako sa pagiging hot niya noon.
Bilugang mata, mahabang buhok, makinis na balat,
mapulang labi. Sabi nga ng mga tropa ko noon, jackpot daw
ako kay Leslie. Nagulantang nga silang lahat nang malaman
na kami na. Maski ako, hindi makapaniwala. Pero mahirap
pala magmahal ng maganda. Marami kang kaagaw. Dahil
67
lapitin siya ng mga lalake, hindi ko nakuhang ‘wag mag-
selos. Sabi niya, bakit daw ako magseselos kung may tiwala
naman daw ako na ako lang ang mahal niya. Sabi ko naman,
e pa’no kung hindi pala. Ayun. Tapos ang usapan. Hindi ko
alam kung ginawa niya lang palusot yung pagseselos ko para
magkahiwalay kami. Alam ko naman kasi na hindi niya ako
minahal. Kung bakit niya ako sinagot, at kung bakit pumayag
siyang may mangyari sa amin noon e ilan lamang sa mga
tanong na hindi ko nakuhanan ng sagot. Tinanong ko siya
kung bakit, at ang sinagot niya sa akin “I’m just a girl having
fun.”
Sinumpa ko siya. Nagpaka-lasing ako sa Royal at Nova.
Hanggang isang araw, tropa na kami uli. Kalimutan na lang
daw namin ang nakaraan. Okay, sabi ko. Mas maganda nga.
Pangit nga naman ‘yung hindi mag-move on. Galaw-galaw
din, baka mai-stroke. At sa totoo lang, lalo na nung nag-
college ako, nalaman kong napakadami pa palang babae sa
mundo, at kailanman ay mukhang hindi sila mauubos.
Naging masaya ako nung college. Magkahiwalay kami
ng pinasukan na eskwelahan ni Leslie, pero nanatili ang
communication at bondings namin. Nakilala ko ang MGA
boyfriend niya, at ang MGA NAGING boyfriend niya. Walastik
nga ‘tong si Leslie. Ang lakas manghatak. Pero, ahem, nasa
akin pa din ang huling halakhak. Dahil kung totoo ang mga
kwento sa akin ni Leslie, wala ni isa sa mga lalakeng ito ang
nagbigay sa kanya ng happy ending. Hindi ako bitter ha.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi nadadala si
Leslie. Pupunta dito sa bahay ko, at habang sumusubo siya
ng kanin at ulam, i-susumpa niya ang mga lalake. Sasabihin
niya na lahat ng lalake manloloko, sinungaling, sex lang ang

68
habol, kung tratuhin ang mga babae e parang disposable
diaper na matapos gamitin e itatapon na lamang at marami
pang iba. Sa loob-loob ko naman, sinasabi ko “Langya
ka e ako nga ginanun mo rin.” Pero siyempre, hindi ko na
sasabihin. Gaya nga ng sabi nila, tao din naman siya. Wala
lang masisi sa pansariling katangahan kaya kung ano na lang
ang masabi.
And besides, mabilis naman siyang nakakahanap ng
kapalit. Punyeta naalala ko pa nga dati e, halos i-sabaw niya
ang luha niya sa kanin dahil lamang sa isang lalake. Tapos,
makalipas lang ang ilang araw, may bago nanaman siyang
ka-“in a relationship” sa status niya sa Facebook. Wow ha.
Ang haba pa rin talaga ng buhok ng tropa kong ito.
Kahit minsan hindi ko sinabi sa kanya na kung pwede
maging kami na lang. Baka kako this time, mahalin na
niya ako. Tutal, after all these years ako lang ang balikat
na dinantayan niya. Ako ang chef na nagpalamon sa kanya
ng ilang kilong adobong manok na paborito niya (na wala
pa din ibang gumagawa sa kanya). Pero, ang pag-ibig kasi
ay hindi parang physics na ang mahalaga ay ang volume,
density at mass ng binibigay mo. Hindi nasusukat ang pag-
ibig na parang math. Ang problema sa pag-ibig ay walang
formula. Sa mas simpleng depinisyon, ang pag-ibig ay hindi
sukatan. At hindi rin kasing sarap ng adobo.
Sana naiisip din ni Leslie ang mga nagawa ko sa kanya.
Sana naiisip din niya na kahit tinapon niya ako noon e andirito
pa din ako para sa kanya. Ni hindi nga ako nagrereklamo.
Ano kaya one time na i-text niya ako e tumanggi akong
pumunta siya? Tablahin ko kaya siya minsan? Punyeta,
lalake ako, dapat may pride akong sin-tigas ng bato. Siguro,

69
sa imahinasyon lang ang lahat ng ito. Pa’no ba naman, kapag
andyan na ang text ni Leslie, tumatakbo na agad ako sa
palengke.
“Ano nanaman ba? Lalake nanaman?” tanong ko. Nag-
sindi ako ng yosi.
“Wag ka nga mag-yosi sa harap ko. Ang baho kaya!” sagot
niya.
Aba, nagsalita ang mahina manigarilyo. Pambihira e daig
pa nga ako manigarilyo ni Leslie. Para siyang tambutso ng
tren kung makabuga at makahithit ng usok. Tumayo ako sa
kinauupuan ko at lumabas sa garahe. Bahala siyang kumain
dyan. Basta ako maninigarilyo ako.
Pero, ano nanaman kaya ang kinapuputok ng butsi
nitong taong toh? Sinapian nanaman talaga. Ako pa ang
idadamay sa kabwisitan. Aba, teka, bakit nagrereklamo
na ata ako ngayon? Hmm..siguro pagod na din ako. Lagi
nalang kasing ganito. Nakakainis na. Para akong basahan na
matapos labhan at gawing maputi e biglang ipampupunas sa
taong grasa.
Tanga ba ako? Mas pinili ko bang maging tanga? O gusto
ko talagang maging tanga? Kung ano man ang sagot diyan,
bakit naman kaya? Dahil after all these years mahal ko pa
din si Leslie at hindi na ako nagkaron pa ng girlfriend since
iniwan niya ako?
Hindi ba talaga rasyonal ang pag-ibig, o sadyang wala
lang magawang katwiran ang mga tao ukol dito? Ibig kong
sabihin e may mga tinatawag tayong bawal na pag-ibig.
Halimbawa e lalake sa lalake. Masasabi nating imoral ang
ginagawa nila, pero masisisi mo ba sila? Hindi nga siguro

70
rasyonal ang pag-ibig. Kung tao nga mismo hindi rasyonal
kung minsan e, ang emosyon pa kaya nila? Parang kapag
nakita ng isang bata ang isang umiiyak na tao. Lagi nilang
sinasabi na lahat ng umiiyak e malungkot, pero lingid sa
kaalaman nila na may mga tao palang umiiyak kahit hindi
malungkot.
Ewan. Magulo. Ayoko na isipin. Hindi naman ako isang
pilosopo. Bumalik na ako sa laoob ng bahay. Kumakain pa
rin si Leslie. Bilib nga ako sa kanya e, kahit kain ng kain,
name-maintain ang figure. Hindi rin siya mahilig sa makapal
na make-up.
“Let me guess,” pa-umpisa ko, “Failed love and sex story
nanaman ba ang maririnig ko, o something like that?”
“Nothing like that.” Sagot niya.
“Okay.”
“Sa lahat ng naging boyfriend ko, siya ang pinaka-
special.”
“Lahat naman ata e. Ako lang ata ang hindi naging special
sayo.”
“Shit ka ha? Wag mo kong ine-interrupt kapag nagsasalita
ako!”
“All, right. Sorry. Sorry.”
“Siya lang yung nagbigay sa akin ng cellphone. Nanlibre
sa akin sa panonood ng  Transformers 3D  at ang tanging
boyfriend na nadala ko sa bahay.”
“You mean, nakilala siya ng parents mo?”
“Oo! And even my brothers and sisters.”

71
“O, e anong nangyari?”
“Nagplano na kami ng kasal. Binigyan na niya ako ng
singsing. Last week siya nag-propose.”
“Hindi ko ata nabalitaan yun a. What happened, then?”
“NALAMAN KO NA MAY UNA NA PALA SIYANG ASAWA!”
sumigaw si  Leslie.
“Whoah, relax. Bakit ka niya aayain ng kasal kung may
asawa na pala siya?”
“Hindi naman siya kasal dun. Pero may tatlo na silang
anak! Siyempre, na-konsensya naman ako, di ba?”
Himala, nagka-konsensya ang gaga. “So anong ginawa
mo?”
“Sinabi ko na mas mabuti kung magka-layo na kami.”
“Pumayag siya?”
“Oo. And up to now, hindi na siya nagpaparamdam.”
“So anong problema mo?”
“Nabuntis ako ng gago!” humagulgol si Leslie.
Hindi ko alam kung ngingiti ako o maawa.

72
Ang Whitelady At Ang Ipis
Nagkakilala kami noong isang gabing umuulan.
Naglalakad ako noon, mabagal lang dahil ayokong may
sumingit na lupa sa paa ko, dala-dala ang isang pink na
payong, habang papauwi galing sa bahay ng tropa ko. Na-
appreciate ko ang ambiance ng gabi. Kapag tinignan mo ang
langit, puro ulap o kawalan ang makikita mo. Walang buwan.
Gustong-gusto ko ang tunog ng ulan sa aking payong, pati na
rin ang malutong na tunog ng aking yapak sa basang aspalto.
Tahimik ang lahat.
Silence.
Tapos bigla-bigla ay may sumigaw: “KUYA! PASUKOB
NAMAN!”
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang babae,
naka-puting damit at natatakpan ng mahabang buhok ang
mukha. Nakita kong tumatakbo siya papunta sa akin.
Isa lang ang pumasok sa isip ko: “STICK-O! WHITE
LADY!”
Kumaripas ako ng takbo, pinipilit ko ding ‘wag sumigaw.
Nagtayuan ang balahibo sa aking katawan. Sumulyap ako
sa likod at nakita kong hinahabol niya ako. Tuluyan na
akong nagta-tatalon. Adrenaline rush na. “KUYA PASUKOB
LANG!” muling sigaw ng white lady. Nagdasal ako sa isip
habang mabilis pa ring tumatakbo. Wala na akong pakialam
kung ano ang mabangga ko basta matakasan ko lang ang
nakakatakot na white lady na ito. 

73
Takbo.
Takbo.
Takbo!
Basa na ako sa ulan. Hanggang sa bumigay na ang mga
paa ko. May na-apakan akong hindi ko alam kung ano, basta
napa-dausdos ako sa basang aspalto. Nasugat ang tuhod
ko, nabitawan ko ang payong, at tuluyan akong nabasa, as
in basang basa sa ulan. Pero hindi ako doon nag-alala. Mas
nag-alala ako sa lagim na nasa likuran ko na lamang. “Kuya,
anong problema mo? Pasukob lang e. Ang damot mo. Buti
nga sa’yo.”
Muli ko siyang tinignan. Hindi pala siya white lady. Tao
pala. Isang babae. Tumayo ako, medyo iika-ika at inalalayan
niya ako. “Pasensya na. Nagulat ako e, akala ko kasi kung ano
ka na.” sabi ko.
Natawa siya. “Haha. Ganun ba? Pasensya na rin. Galing
kasi ako sa tindahan tapos biglang bumuhos ang ulan.” sagot
niya.
Pinulot ko ang payong. “Saan ka ba sasabay?” tanong ko
sa kanya.
“Hindi mo na kailangan yang payong. Basa ka na din e.”
sagot niya. Tinignan ko ang sarili ko. Oo nga. Parang kaa-
ahon ko lang sa swimming pool. “Tsaka dito na rin yung
tinutuluyan ko.” tuloy pa niya, habang nakaturo sa apartment
building sa tabi namin.
“Ah, ganun ba...” umpisa ko, magpapaalam na sana kaso
bigla niyang pinutol.
“Tuloy ka muna, lagyan natin ng betadine yang sugat

74
mo.” aya niya.
“Hindi na.” tanggi ko, “I can manage.”
“Ay naku. I feel responsible for it. Sige na. I insist.” pilit
pa niya.
Since kailangan ko din ng masisilungan dahil daig ko
pa ang basang sisiw, pumayag na ako. Pumasok kami sa
apartment building at pumunta sa kwarto niya. Nahiya ako
dahil nabasa ko yung hallway pati na rin ‘yung doormat
sa entrance ng kwarto niya. Parehas kaming basa. Natawa
pa nga ‘yung guard sa amin e. Dumeretso ako sa banyo.
Naghubad ng damit at pinigaan ito. Pinahiram niya ako ng
twalya, at nag-tuyo ako sa loob ng CR.
“Pwedeng makahiram ng shorts?” tanong ko habang
nasa loob ng CR.
“Wala akong extrang short.” sagot niya.
“Kahit boxer shorts?” tanong ko ulit.
“Wala nga.” sagot niya, “Dalian mo at magbabanlaw din
ako!”
“Teka lang at wala akong salawal.” sabi ko, nag-aalala.
“Palitaw, itapis mo na lang ‘yung twalya.” sabi niya
habang kinakalampag ang pinto ng CR.
“Hindi pwede! Ano ba?!..” sabi ko, nagpa-panic na. Basa
ang shorts ko, pa’no na toh? Magtatapis lang ako? Parang
hindi ko carry. Tae. Exposed.
“Isa! Kapag hindi ka lumabas d’yan sisipain ko ‘yung
pinto!” banta niya.
“Teka lang sab--”

75
BANG! Tuluyan niyang sinipa pabukas ang pinto. Naging
rush ang pagbalot ko ng twalya sa maselang bahagi ng aking
katawan. “Labas!” sabi niya. Labas naman ako. Pero dahil
sira na ang pinto, ayaw na nitong sumara. Umupo ako sa
sofa sa sala nang naka-tapis lang. Tangina, ano ba ‘tong mga
biglang nangyari?
Maya-maya pa ay lumabas na siya ng CR. Naka-damit na
tuyo na siya. Tumingin siya sa bintana. “Ayaw tumigil ng ulan
ah.” sabi niya, may halong tawa. Nagtaka ako. “At mukhang
hindi ka rin makakauwi kahit tumigil pa ang ulan. Wala kang
damit e.”
Natawa ako. Oo nga, hala naman magta-takbo ako sa
kalsada nang nakatapis lang, baka bigla akong damputin ng
mga tanod at pagkamalang baliw.
“Wala ka ba talagang mapapahiram d’yan na pwede kong
ipangsaplot?” tanong ko habang nilalagyan niya ng betadine
ang sugat ko sa tuhod.
“Meron ako d’yan extrang bra at panty. Gusto mo?” sagot
niya. Nagkatawanan kami.
“I’m Chris.” pakilala ko habang nakalatag ang aking
palad.
“I’m Donna.” sagot niya, habang shine-shake hands ako.
Ngayon sa liwanag, mas nakita ko ang istura niya. Ang
haba ng buhok niya. Siguro hanggang pwet ‘yon. Maputi at
makinis ang balat. Pula ang mga labi. At maganda.
Chicks, powtek.
“Dito ka matutulog?” tanong niya.
“Wala naman akong choice e. Hindi rin ako makakauwi

76
dahil basa lahat ng damit ko.” sabi ko.
“O, sige, tabi na tayo sa kama.” sabi niya.
“Ano? Bakit?” sabi ko.
“Anong bakit? Ayaw mo ba?” tanong niya.
“Hindi ba parang...awkward?” sabi ko.
“O, kung ayaw mo, d’yan ka sa lapag.” sabi niya.
Pumayag ako. Binigyan niya ako ng kumot na panlatag
at isang unan.
“Maraming ipis d’yan.” sabi pa ni Donna.
“Haha. Tingin mo sa’kin, takot sa ipis?” sabi ko, medyo
may halong ka-plastikan dahil takot talaga ako sa ipis.
“’Wag kang aakyat dito sa kama kapag may gumapang
sa’yo d’yan ha.” panakot ni Donna.
Humiga na ako. “O, matutulog ka na?” tanong n’ya.
“Hindi pa. Gusto ko lang mag-unat.” sabi ko. Ube, first
time ko gagawin toh. Matutulog nang naka-tapis lang. Wala
pang kumot. Parang hindi ako sanay. Sa bahay nga tuwing
matutulog ako hindi kumpleto kapag walang kumot. Hindi
rin ako natutulog nang naka-boxer shorts lang. Iba e. Parang
exposed na exposed ‘yung alaga ko.
“Patayin ko na ‘yung ilaw ha.” sabi niya. Pumayag ako.
Nagdilim ang kwarto.
Wala pa ring tigil ang ulan. Ang ingay sa bubong.  Akala
mo e nira-ratrat ng bala ang yero sa taas. Hindi pa ako
inaantok. Parang nagkaroon ako ng trauma sa dilim. Pucha.
Mapag-kamalan ko ba namang white lady ang isang babae.
And take note, kasama ko na siya ngayon. Ay, anak ng

77
cupcake--! Paano kung totoong ngang multo tong si Donna?
Vanillasundae naman. Baka mamaya kakainin na ako nito ah.
Bigla kong naramdaman ang lamig ng gabi. Pandan! Natakot
ako bigla ah. Sumulyap ako sa kama. Nakita ko naman siya,
mukhang tulog na ata. Ang bilis naman niyang makatulog.
Pagod din siguro. Nagtatakbo din kanina e. Haha. Bigla
akong natawa. Naghabulan kami sa ulan.
Anak ng—, ano ‘yon?
May narinig akong gumalaw. Parang kumakaluskos.
Pandan! Antahimik kasi kaya kung ano-ano naririnig ko.
Medyo tumahan pa ang ulan, kaya parang mas lalong
tumahimik. Eto ang hirap kapag tahimik e. Kapag may
bumasag sa katahimikan, alam ko kagad. Nag-aalala ka
kagad. Bumangon ako. May narinig talaga ako e. May iba pa
kayang tao dito sa kwarto niya? Oo nga, wala naman siyang
nasabi kanina kung may kasama siya dito o wala e. Baka tao
‘yun.
“AY! DOUBLEDUTCH!” napasigaw talaga ako. Nahubad
ko ang twalyang tinapis ko sa aking bewang. May IPIS!
GRRRR!!! Pumunta sa singit ko. BUKOPANDAN! Napalundag
ako sa kama. Nagulat si Donna.
“O, bakit?” tanong niya parang medyo naalipungatan.
“MAY IPIS!” sabi ko.
Tumawa si Donna. “Sabi sa’yo e.”
Binuksan niya ang ilaw.
Wala akong twalya. Naiwan ko sa lapag.
“BULLBUKO! Sorry!” agad-agad akong pumunta sa lapag
at nagtapis muli.

78
“Ano ba ‘yan, dito ka pa nagbo-bold.” sabi ni Donna, may
halong tawa. “Tabihan mo na kasi ako dito sa kama.”
Sumunod na ako. Mahirap na, baka gapangin ulit ako.
Humiga kaming dalawa. Pinatay niya ang ilaw sa lampshade.
Back to the darkness.
Kadiri talaga. Ang dumi-dumi ng ipis, gagapang pa doon
sa pinakatatago kong parte ng katawan. Badtrip.
Kaso, biglang may kumakaluskos nanaman. At papunta
nanaman sa aking alaga.
“ANAK NG PU--” magwawala nanaman sana ako kaso
bigla akong natigilan.
Binuksan ni Donna ang lampshade, at bigla siyang
pumatong sa akin. “Anong problema?” tanong ni Donna.
“Akala ko ipis e.” sabi ko, may halong biro.
“Kanina akala mo white lady ako, ngayon naman ipis?”
sabi niya.
Hindi na ako nagsalita. Pinatay niya ang lampshade.

79
Burger With Cheese
 
Bumaba ako ng jeep. Alas-otso na ng gabi. Usually, alas-siete
pa lang dapat nakauwi na ako, pero dahil sa bwisit na trapik
sanhi ng ginagawang tubo ng “malinis na tubig” sa mga kalye
dito sa amin, nagkanda-pila-pila ang mga sasakyan. Kaya
eto, kumakalam na ang sikmura ko. Tumawid ako papunta
sa kabilang dako ng kalye. Kinuha ko mula sa bulsa ang
puti kong panyo (na ngayon ay medyo grey na ang kulay)
at pinunasan ang mukha kong nagla-langis. Dahil wala nang
natira sa baon kong pera, naglakad na lang ako pauwi sa halip
na mag-tricycle. Maliwanag naman ang kalsada, salamat kay
Mayor na naisipang maglagay ng mga poste ng ilaw, kahit na
mangilan-ngilan lang naman ang hindi pundido sa mga ito.
 
Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating na ako
sa bahay. Nag-mano ako kay Inay, sabay tanong kung ano ang
ulam pang-hapunan. Kapag ganitong medyo late na akong
umuuwi, nauuna na silang mag-hapunan, kaya pinagtitirhan
na lang ako ng ulam at ako na lang ang mag-isang kakain.
‘Yun nga lang, kadalasan e wala nang natitirang pagkain kaya
magti-tiyaga ako sa instant noodles o canton o kaya naman e
de-lata. Pero buti naman ngayon at may natira kahit papano:
longganissa at konting sabaw ng nilagang baka. Lalo akong
minura ng aking sikmura. Agad-agad akong nagtungo sa
kwarto ko at nagbihis ng pambahay.

80
 
Bago ako lumabas ng kwarto, sandali akong tumingin sa
salamin. Lanta ang itsura ng mukha ko. Isang nakapapagod
na linggo kasi ang nagdaan. Ang daming ginawa sa paaralan,
palibhasa kasi e nalalapit na ang finals. Buti na lang at walang
pasok bukas; makakapag-pahinga kahit papano.
 
Sumunod akong pumunta sa banyo. Naghilamos. Kinawawa
ng polusyon sa paligid ang kutis ng aking mukha; dagdag
pa ang puyat at mga ka-bwisitan sa buhay. Ano nanaman ba
‘tong mga naiisip ko? Siguro gutom lang ‘to. Kaya pagkatapos
maghilamos, dumiretso na ako sa kusina at kumain para
manatiling buhay.
 
Nang mabusog na ako at ang giyera sa sikmura ko ay napalitan
na ng malalakas na dighay, lumabas ako at nanigarilyo. Naisip
ko ding maglakad-lakad. Ewan ko ba, pero kahit pagod na
ako e lagi akong may lakas para magliwaliw. ‘Yun nga lang,
pangit ata ang gabi ngayon. Maalinsangan kasi. Wala kahit
na matipid na bulong ng hangin. Pero tinuloy ko lang ang
pagpapausok at paglalakad.
 
Parang ang sarap tuloy uminom ng serbesa ngayon. Yung
madaming bula at yelo. Kung may pera lang sana ako, iinom
ako e, saka mag-aaya ako ng isang tropa. Kaya lang hindi
aabot ang pera ko. Pangit naman uminom mag-isa kasi wala
kang kausap. Wala ka rin mapag-sasabihan ng problema. E

81
teka, bakit ko ba kailangan ng kasama? Wala naman akong
problema e. Pramis, wala talaga.
 
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala pa ring hangin. Nagla-
langis ulit ang aking mukha. Ubos na ang sigarilyo ko, at
siguro oras na para bumalik sa bahay. Pero bago pa man ako
umikot pabalik, natanaw ko ng di-sadya ang burger stand sa
may kanto.
Isang malaking bahagi ng aking puso ang burger stand na ito.
Inaninag ko kung sino ang tinderang naka-duty., kaso hindi
pala si Mylene. Sayang, gusto ko pa naman siyang makita.
Kahit papaano, nami-miss ko din siya. Nami-miss din kaya
niya ako? Kamusta na kaya siya? At kamusta na kaya…sila?
Grrr…change topic!
 
Pumunta ako sa isang sari-sari store at bumili ng isang
boteng beer, isang yelo, tatlong maliliit na pakete ng mani,
at tatlong stick ng sigarilyo. Sakto lang ang pera (mga tira-
tira sa baon ko na tinago ko sa alkansyang baboy). Mag-isa
akong iinom ngayong gabi. Siguro doon na lang sa garahe ng
bahay namin ako iinom. Mas walang sagabal pagka’t tulog
na (siguro) ang mga tao sa bahay. Pagdating doon, kumuha
ako ng baso. Tinibag ko ang yelo at nilagay ang maliliit na
piraso sa baso. Binuksan ko ko ang bote ng beer. Binuhos sa
baso. Pinalamig. Lagok. Sarap! Walang pakla ang beer kapag
malamig na malamig.
 

82
Malamig. Parang love life ko. Bakit ba kasi naimbento ang
love na ‘yan? Bakit sa mga hayop, walang love? Basta magka-
kastahan na lang sila dyan tapos e wala na. Sana ganun din sa
tao. Madali kalimutan. Kaso hindi e. Halos tatlong buwan na
kaming hiwalay, at hanggang ngayon e para siyang pesteng
namamahay sa puso at isip ko. Wala kaming communication.
Binura na niya ang cellphone number ko. Nalaman ko ito
noong minsang nag-text ako sa kanya at ang ni-reply niya e
“Hu u?”. At ako, binura ko na din ang number niya kahit na
memorize ko naman ito.
 
Noong unang panahon, nakilala ko si Mylene. Gabi noon, at
walang natirang ulam sa bahay. Pati kaldero ng kanin, taob.
Kaya, binigyan ako ng nanay ko ng pera. Mag-lugaw na lang
daw ako. Aba, ano ‘ko bale? Di ako mabubusog sa lugaw.
Kaya siyempre, ang lolo niyong masiba e nag-hanap ng ibang
mabibilhan ng makakain. At iyon nga, nakita ko ang burger
stand sa may kanto. Blessing nga e. Bakit? Dahil open sila ng
24 hours. At magandang babae ang naka-duty.
“Miss, magkano isang burger?” tanong ko.
Humarap sa akin ang isang naka-ngiti ngunit halatang
pagod na mukha. “35 pesos po sir!” 
Kay gandang lahi. Lalo tuloy akong ginanahang kumain.
Sa left side ng chest niya e may naka-pin na nameplate kung
saan nakasulat ang “Hi! I’m Mine”.
“Mine talaga ang name mo?” tanong ko, nakatitig sa
kanya.

83
Nagulat naman ako nang sumagot siya. “Ay, hindi po.
Mylene po talaga ang name ko. Nickname lang ‘yan.”
“A, ganun ba.” sabi ko. E medyo sinapian na ata ako ng
kung anong espiritu kaya dagdag ko pa: “Hi, Mine. I’m yours.”
inabot ko ang kamay ko.
Natuwa siya. “Sir, gutom lang ‘yan.”
Baka nga. Magkano uli ang isang burger?” tanong ko ulit. 
“35 pesos po.”
“Ang mahal naman!” sabi ko. Di siya sumagot, nakatingin
lang siya sa’kin. “Magkano kapag may cheese?”
Ay, sir! Mas mahal po ‘pag may cheese.” sagot nya.
“Okay lang, mas mahal naman kita e.” sabi ko. Banat
galore.
Napangiti at natawa siya. “Si Sir talaga o, gabing-gabi na
bolero pa rin.”
“E totoo naman e.” sabi ko. “Sige, isang burger with
cheese…saka puso mo.”
 
Ayun. Sa ganoon kami nagkakilala. Hanggang sa gabi-gabi
na akong pumupunta sa burger stand na ‘yon kahit na
ako kakain. Memorize ko ang mga oras at araw ng duty
niya. Dadalawin ko siya at magke-kwentuhan kami. Kaso,
pagdating ng alas-dose, umuuwi na ako dahil may pasok ako
kinabukasan. Nahingi ko ang cellphone number niya kaya
nakakapag-text at nakakapag-usap kahit papaano. Lahat
naman nagsisimula sa pagiging magkaibigan e. Mainam ‘to

84
para makilala ng dalawang tao ang isa’t isa. Hanggang sa ang
pagiging magkaibigan ay nauwi sa ligawan. Tapos sa madalas
na pag-labas kapag wala siyang duty na sumasakto naman
sa mga araw na walang pasok. Naalala ko pa nga, nung first
date namin, nilibre niya ako ng large na pearl shake. At ako,
nilibre ko siya ng buy-one-take-one na burger with cheese.
Laugh trip lang ata ang nagyari sa amin noon. Masaya kami.
 
Sinagot niya ako noong nasa loob kami ng sinehan. Napa-
sigaw ako noon. Buti na lang at horror yung pinapanood
naming palabas at sumakto ‘yung sigaw ko sa isang
nakakagulat na scene ng palabas kaya okay lang dahil may
mga kasabay akong sumigaw. So, naging kami. And we lived
happily ever after. Toink. Sana lahat ng kwento ganyan ang
katapusan e, no? Kaso hindi e. Iyon ang katotohanan ng
buhay. At ng pag-ibig.
 
Nung naging kami, masaya. Mas masaya. ‘Yun e nung unang
tatlong buwan. Bawat araw e may nangyayaring bago. Pero
habang tumatagal, nadama ko at alam kong nadama niya
na medyo tumatabang na ang relasyon namin. Naging busy
ako sa paaralan—kaliwa’t kanang mga gawain, projects at
iba pang requirements kaya ang nangyari e bagsak na ako sa
kama sa bahay. Aaminin ko, nawalan ako ng time sa kanya.
Pero bumabawi ako. Kapag walang pasok, at magkasama
kami, sinusulit ko. Sinusulit namin. Siyempre, alam niyo
na ang ibig kong sabihin—‘yung mga 5 hours na nasa loob
ng kwarto dun sa building na may babaen may hawak na

85
pamaypay. Kaya, kahit nawawalan ng time, bumabawi ako.
Hanggang sa tuluyan atang naging busy ako. At naging busy
din ata siya…sa iba.
 
Isang gabi, 7th monthsary namin, at hindi niya ako tinetext.
Tinawagan ko siya, pero ibang boses ang sumagot. Akala ko
nanay niya. Sinabi na tulog na raw si Mylene, tapos biglang
baba. Siyempre, nagtaka ako, kasi ang alam ko may duty
siya noong gabing ‘yon. Hindi ako nagdududa pero pumunta
ako sa burger stand. Nakita ko si Mylene, may kausap na
babaeng medyo mataba at maikli ang buhok. Nang lumapit
ako sa burger stand, nakita kong nagpaalam na ang kausap
ni Mylene.
“Sige, Mine, alis na ako.”
“Ay, sige, ingat ka.” sagot ni Mylene sabay smack sa lips.
Binaliwala ko.
Tumingin sa akin si Mylene. “O, ikaw pala.”
“Tinawagan kita, pero may nagsabing tulog ka na daw.”
“Ah, si Rusty ‘yon. Ayaw ng istorbo kapag nag-uusap
kami.”
 “Sinong Rusty?”
 “’Yung kasama ko kanina.”
 “Sino ba ‘yun?”
“Jowa ko.”
“Jowa? Ube Halaya ka ba?”

86
Nagalit ako siyempre. Kami pa e, tapos may iba na pala siya?
Ano ‘yon, gaguhan? Pero sinabi naman niya ang rason niya.
Nag-sawa na raw siya. Paulit-ulit lang. Punyeta! Ako nga
willing to hold on e. Tapos pinagmukha niya lang akong tanga.
Kaso, wala na akong magagawa. Natapos kami noong gabing
‘yon. Umalis ako, umuwi, basag ang katinuan sa mapaklang
alak at makating sigarilyo. Hindi ko na siya nakita pang muli,
o sinadya ko nalang atang ‘wag muna siyang hanapin.
 
Galit ako. Galit ako kasi pinaglaruan niya lang ako. Sa tinagal-
tagal naming pagsasama, inakala kong magiging matibay ang
kapit niya sa akin, pagka’t ganun ako sa kanya pero eto, siya
pa pala ang unang bibitiw. Siguro, kasalanan ko din. Hindi ko
na-manage ang time ko para sa mga priorities ko at para sa
kanya. Pero lahat naman pwedeng daanin sa mga pag-uusap
e…pero bwiset talaga. Nabo-bobo nga siguro ang tao kapag
in-love. O mas pinipili lang talaga ng mga in-love na maging
bobo dahil masaya sila dito.
 
Pero isa lang talaga ang hindi ko matanggap e: pinagpalit
niya ako sa isang tibo. Ano bang makukuha niya sa tibo na
‘yun? Pero, kung nagmamahalan ba naman talaga sila e, ‘di
ba? Anong magagawa ko? Wala naman e. Pero hindi! Hindi
ko pa rin matanggap!
 
Ubos na ang iniinom kong beer dito sa garahe ng bahay
namin. Nag-sindi ako ng sigarilyo, at sa pag-buga ko ng

87
usok, sumayaw ang isang pangyayaring isang taon na ang
nakalilipas. Tinignan ko ‘yung calendar sa cellphone ko.
Tama nga. 1st anniversary sana namin bukas. Magkikita
sana kami bukas, magkahawak kamay, magka-akbay, at baka
nasa loob nanaman ng kwarto ng limang oras. Kaso, mas
pinili niya yung tibo e. PUSANG ICE CREAM SILA! MAGKA-
ANAK SANA SILA!

88
H.H.W.W (HaHa! WaWa!)
Hi, kamusta? Ako pala si Dave, 1st year college student. Taga-
cavite ako. Napadayo lang ako dito sa Intramuros. Gusto ko
lang sana magpawala ng sama ng loob. Huwag kang mag-
alala, 18 na ‘ko.
Gusto ko sana ng kausap. Pwede ka ba? Kwentuhan lang
naman, kumbaga e S.O.T. Ay! Hindi ‘yung bastos. Sharing
of Thoughts lang. Inom na din tayo, para mas masarap ang
kwentuhan. Ay, hindi ka ba umiinom? Okay lang makinig ka
na lang sa’kin. Juice gusto mo? Sige na, libre ko na.
Teka, pa’no ko ba uumpisahan ang kwento ko? Pasensya
na ha, hindi pa din kasi ganun ka-klaro ang mga pangyayari
e. Hindi ko ine-expect na magiging ganun, at hindi ko din
matanggap. Hay. Ewan. Basta ike-ikwento ko na lang.
Ang dahilan lang naman ng lahat ay ang babaeng ito. ‘Yan
ang picture niya. ‘Ganda noh? Maganda talaga ‘yan. Hindi ko
nga alam kung bakit pagkatapos ng lahat ng nangyari, nasa
wallet ko pa din ang picture niya. Siguro nalimutan ko lang,
o talagang nawala lang ‘yung pakialam ko kung nasa akin pa
ang picture n’ya o wala na.
Mary ang pangalan niya. Magka-klase kami nung 4th
year high school. Wala naman akong pakialam sa kanya nung
una, in fact nung first day of classes nga namin wala lang
talaga siya sa’kin. Hindi siya kapansin-pansin. New student
lang kasi siya n’on, and hindi ako ‘yung tipo na kumakausap

89
kung kani-kanino agad. Hindi ako ganun ka-friendly nung
high school. At first impression ko sa kanya e isnabera siya.
Mataray. Nakakatakot biruin.
Wala akong gusto sa kanya. Nung una.
Unang beses kaming nagka-usap e nung isang beses na
nagkatabi kami sa upuan. “Alam mo ‘yung sagot sa number
6?” tanong ko.
“Hindi eh. ‘Di ako nakinig eh.”
At dun natapos ang una naming pag-uusap.
Naging close lang kami nung naging close din sila ng
bestfriend kong girl na si Samantha. Kaming dalawa ni Mary
ang nag-a-advice kay Samantha about sa namumuo niyang
feelings para sa tropa kong guy na si Paulo.
Nakakatawa at nakaka-aliw kaming dalawa. Nung una.
Haha. Naalala ko pa. Hindi pa uso noon ang Facebook.
Friendster pa lang. Doon ako adik noong una. Naabutan mo
pa ba ang Friendster? Haha. Pasahan ng testi. Pagandahan
ng layout. Ikaw ba ang gumawa ng layout mo? Aminin! Copy-
paste lang ‘yan sa friendster-layouts.com! Haha.
Anyway, balik tayo sa kwento ko. Isang gabi, in-add niya
ako bilang friend sa Friendster. Siyempre, suplado type ang
lolo mo, ‘di ko muna in-accept. Tiningnan ko muna ‘yung
profile niya.
Wow. All pink. Kikay si Mary. ‘Yung profile picture niya,
ang cute. Napangiti lang ata ako nung mga oras na ‘yon. At
eto pa, ang “About Me” niya: “I’m a simple type of ghurl but
I’m makhulet sometimes.” Hanep! “Makhulet” daw siya. Sa
90
spelling pa lang pwede ko na siya batukan eh! Haha. Tinignan
ko ‘yung mga pictures niya, at sa mga pose niya mukha naman
siyang mabait. Cute...mabait. ‘Yun siya. Walang anu-ano, in-
accept ko na ang friend request niya nung gabing ‘yon.
So, ayon. Naging friends kami. Hindi lang sa friendster
ha, pati sa totoong buhay. Ako, si Mary at si Samantha.
Magkakaibigan.
Until one day of August, may nangyari.
Ang classroom namin nung 4th year high school ay nasa
3rd floor ng high school building. Katapat ng high school
building ang 3-floor na elementary building. Lunch break
namin no’n. Tahimik kaming kumakain sa classroom dahil
‘yung canteen namin sa baba e puno ng mga estudyanteng
lumalamon. E biglang may sumigaw habang nakaturo sa
labas ng bintana:
“SINO ‘YON?”
Siyempre, na-intriga ako at ‘yung iba kong classmates,
tumingin kami ngayon sa bintana at nakita namin sa may
balcony ng elementary building: Si Mary at ang isa pa
naming classmate na si Ralph. Wala naman silang ginagawa
kundi nag-uusap lang.
E kami noon, isang grupo ng mga maloloko, nag-hiyawan
kami at pumalakpak. Nakita nila kami at medyo nahiya.
Hay! More tawa. Biro mo, naaalala ko pa ‘yon?
Pagbalik nila sa classroom, paparazzi na kami lahat.
Siyempre ako medyo pinarial ko ang pagiging epal ko
kaya nagbulalas ako ng “What is that scandal I have just

91
witnessed?”
Hanggang ngayon, hindi ko alam kung naging sila ni
Ralph o hindi. Pa’no ko malalaman e parehas silang mukang
tanga ‘pag tinatanong?
Kapag si Mary: “Mary...nice! Ralph pala ha!” sasabihin ko.
“Hala! Hindi ah...wala...” sasabihin niya, iiwasan ang mga
mata ko.
‘Pag si Ralph naman ang tatanungin ko:
“Bilib din talaga ako sa’yo eh. Isang usap lang kayo na
agad.” sasabihin ko.
Itataas niya ang ulo at kilay niya. “Parang ‘di mo naman
ako kilala n’yan.”
Tawa muna. “So, kayo na nga?” tatanungin ko.
“Tanungin mo siya.”
Anak ng pandesal. Pa’no ko kaya malalaman? Dalawang
negative forces pinagka-clash ko. Haha. Pero siguro nga,
naging sila or M.U lang. Alam mo ba ‘yung M.U? Mutual
Understanding. ‘Yun ‘yung sinasabi nila na “Parang kayo,
pero hindi” Pero ewan ko. Naniniwala ka bang may M.U? Ako
hindi eh.
Kapag nakita mo ang dalawang tao, boy at girl siyempre,
na magkatabi sa upuan, minsan magkayakap, laging
magkasama, ang sweet sa isa’t isa ‘yung tipo bang holding
hands while walking na ginagawa nila, tapos tatanungin mo:
“Wow! Kayo na?” tapos sasagutin ka nila ng: “Hindi. M.U pa
lang.” Parang ang labo eh. ‘Yung ginagawa ba nila e hindi

92
ginagawa ng mga mag-on? Kapag hindi kayo, or sige “M.U”,
may limitations. Anong limitations naman kaya? Walang
kiss? Kahit naman mag-on na hindi din required ang kiss ah.
Kasi minsan ‘yung kiss nauuwi ‘yan sa...haha, alam mo na.
Siyam na buwan na paghihirap. Haha.
Ah! Ang M.U siguro is ‘yung attached kayo sa isa’t isa
pero walang commitment. Libre ka pa din kumbaga. May
kalandian ka lang. At pwede ka pa din pa lang makipag-M.U
sa iba. Ayos!
Tama. Siguro ganun lang ‘yung kay Ralph at Mary. Minsan
kasi, ‘pag lunch time, aakyat ako ng classroom at makikita ko
sila magkayakap. Ita-taas ko lang ‘yung dalawang kamay ko
at sisigaw ng “SORRY!” Tapos magmamadali akong bababa
at yayayain ng kalokohan ‘yung mga classmate kong lalake.
“Si Ralph at Mary, mag-isa sa room.” Mabagal kaming aakyat
tapos gugulantangin namin silang dalawa. Haha. Maraming
beses nangyari ‘yon, one time nga na-caught in the act na
nagki-kiss eh. Haha.

So, ayon. Kalat sa section namin na mag-on si Ralph at Mary.


Pero ewan ko, bigla na lang nawala ang interes ko sa kanila
nung tumagal-tagal. Kumabaga e naglaho sila sa buhay ko.
Haha. 4th year students kami n’on. Graduating.
Hanggang sa isang araw, siguro mga mid-october,
kumalat sa section namin na wala na “sila”. ‘Yun e kung
naging sila nga. O M.U lang. Ewan. Basta napansin ko na
lang na hindi na sila nagkakasama ni Ralph, at si Mary ay
nakikihalubilo na ulit sa amin ni Samantha.

93
Sa totoo lang, simula kasi nung pumutok ‘yung issue
about kay Ralph and Mary, parang hindi na magkaibigan
sina Samantha at Mary. Tapos ngayon bumabalik si Mary,
siyempre parang nagaguhan si Samantha.
“Nung may lalaki ka, ‘dun ka lang. ‘Di mo ko naalala.
Tapos ngayong wala na kayo, naalala mo ‘ko uli?”
Oo, sige, sabihin na nating nagkaron ng konting alitan
sina Mary and Samantha.
Ako ang tumulay.
“Samantha, ‘yung lalake kailangan n’ya ‘yun kaya inuna
n’ya ‘yon. Ikaw, kailangan mo din ‘yun di ba?” sabi ko, may
halong biro.
Tawanan. At nag-bati na ang dalawang pusa. 

Mga bandang November 11 ata, nalimutan ko na eh,


basta sometime on that particular month, mga 1st week
or second week ata ‘yun, kinausap ko na si Paulo, ‘yung
kursonada ni Samantha.
“Tol...” bati ko, sabay upo sa desk sa tabi niya. “Alam mo,
matagal ka nang type ni Samantha.”
“Ulol. ‘Wag mo ‘kong gaguhin, Dave.” sagot niya.
“Ay, ayaw maniwala.” sabi ko, “Bakit, ayaw mo ba kay
Samantha?”
“Hindi naman sa ayaw, pero siya kasi ‘yung tipo ng babae
na sineseryoso. E sa ngayon gusto ko muna magpaka-wild.”
sagot niya, may halong tawa. Iniwan ko na siya.

94
“Uy!” hinila ako ni Samantha. “Ano’ng sabi?”
“Ako nang bahala.” sagot ko.
Nung nag-friendster ako nung araw na ‘yon, nakita ko
may testi sa’kin si Mary: “Be Careful Always” tapos may
picture niya. Wow. Ang cute.
Ayos pala ‘tong si Mary eh. Maputi. Pink ang lips. Haha.
Naging “paghanga” sa mukha yata ang nangyari sa’kin no’n.
‘Yon lamang. Walang iba pa.
Kinabukasan, isang trip ang naisip ko. At ang trip na ‘yon
ang nag-umpisa ng lahat.
“Paulo, patulan mo na si Samantha.” sabi ko, tumabi ulit
sa upuan niya.
“Cupake mo.” lang ang sagot ni Paulo.
“Sige na...sayo si Samantha, akin si Mary.” suggestion ko.
“Sus...baka nga ‘di ka makapag-paalam kay Mary kung
pwede mo siya ligawan e.” sagot ni Paulo.
Tinitigan ko siya sa mata. “Kapag nagawa ko, magiging
kayo ni Paulo?”
“Oo ba. Gusto mo ngayon na e. Basta dapat maging kayo
din ni Mary.” agree ni Paulo.
“Deal.” sagot ko.
Pero kalaboso ang lahat.
Cream-O, hindi ako marunong manligaw. At mas lalong
hindi ko kayang magtanong ng “Pwede ka bang ligawan?”
lalo na ‘pag in person. Hindi naman sa nahihiya ako, pero

95
parang hindi ko lang masikmura.
Pero wala eh, natulak na’ko sa stage eh. Kailangan ko
nang mag-perform, kundi tatawanan at mapapahiya lang
ako sa audience.Tsk! Bwiset talaga ako. Nung mga oras na
‘yon ha.
Since hindi ko kaya in-person itanong kung pwede ba ako
manligaw, ginamit ko muna ang internet. Nag-message ako
sa kanya sa Friendster. Sabi ko: “Hi! Um...may tatanong sana
ako sayo...umm...pwede ba kita ligawan?” Black Gulaman.
Walang formality. Direct to the point agad. Pero blank na ata
ang isip ko n’on.
`Kinabukasan, tinanong ko si Mary. “Nabasa mo na ‘yung
message ko sayo sa FS(friendster)?”
“Hindi pa ‘ko nakakapag-open eh.” sagot niya.
“Ay...ganun.” lang ata nasabi ko.
“Bakit, ano ba ‘yon?” tanong niya.
“Wala. Basahin mo na lang. Reply ka ah. Haha.” sabi ko.
So naghintay ako ng reply niya. 
Unang araw. Wala.
Pangalawang araw. Wala pa din.
Nung ikatlong araw, nilapitan na ako ni Paulo. “Anak ng
espasol naman, Dave. ‘Di ka naman sumusunod sa usapan na
ikaw mismo ang may pakana eh.”
“Tol naman, bume-bwelo pa ‘ko.” sinungaling kong sagot.
Bingo. Tsk. Nalintikan.

96
Wala bang internet sa kanila para hindi siya makapag-
friendster? O nabasa na niya pero dedman lang siya?
Tsk. Bwiset.
Kailangan kong tibayan ang loob ko. Kailangan ko na
siyang tanungin ngayon. Kung sabihin niyang hindi pwede
edi tapos. Kung oo, edi bahala na kung ano ang mga susunod
na mangyayari.
“O, eto na!” sabi ko bigla. Tumayo ako sa desk ko at
umupo sa desk sa tabi ni Mary.
“Mary, may tatanong ako sa’yo...”
Tumingin siya sa’kin pero ‘di siya nagsalita.
“Ayos lang ba kung ligawan kita?” tuloy ko.
Pansamantalang nanahimik ang paligid at huminto ang
oras.
Kumunot ang noo ni Mary. “Ha? Bakit ako?” tanong niya.
“Ha?...(“Hindi ko alam” sana ang isasagot ko eh)...e kasi
gusto kita.” sabi ko.
Bago siya sumagot, dumating ang teacher namin.
Panira.
Hindi ko alam kung anu nangyari na susunod, pero ‘di na
ata kami nakapag-usap after that e. Nag-uwian nalang ata.
Kinabukasan, nagkita-kita kami. Ako, si Samantha, at si
Mary.
“Uy, Dave nabasa ko na ‘yung message mo.” sabi ni Mary.
“O, ano namang masasabi mo?” tanong ko.

97
Tapos...
Tapos...ahmmm...
Tsk. ‘Di ko maalala kung ano sinabi niya eh, ‘di nga rin
ako sure kung may sinabi ba siya o nagtawanan lang sila ni
Samantha.
Basta naalala ko lang e intrams ng school namin. E nung
araw na ‘yon may laban ‘yung team ng section namin laban
sa isa pang section. E kapag may basketball game, ginaganap
ito sa may basketball court na nire-rentahan ng school
namin. Oo, pulube school namin. Walang sariling court.
Haha.
1pm ang umpisa ng game. Lunch time pa lang (12pm) ay
tapos na ang klase namin. Tanghaling tapat noon, mainit. At
medyo malayo din ‘yung court sa school namin.
Nag-tricycle kami. Ako, si Paulo, Samantha at ang isa pa
naming classmate na player ng team ng section namin na si
Allen.
Nagpahuli ako sa pagsakay.
Sina Samantha, Paulo at Allen nagmadaling pumasok at
nagsiksikan sa loob.
Kami ni Mary magkatabi sa likod ng driver.
Cool! Haha! ‘Di ko na sinayang ang oras, kinausap ko na
siya.
“Ano, Mary, liligawan kita ha.” sabi ko, naka-ngiti,
nakatingin sa kanya at mahigpit na nakakapit sa hawakan
para hindi mahulog.

98
“Ha?” sagot niya, “Ikaw bahala.”
Ewan ko kung Oo o Hindi sagot niya, basta sa pagkaka-
alam ko ‘yung panliligaw ko sa kanya e naging official nang
nag-start do’n.
Pero wala pa talaga akong “feelings” para sa kanya nung
mga oras na ‘yon.
Wala PA.
Pero naging bagong topic kami sa classroom. The fact
na si Dave Cortez ay nililigawan si Mary Del Rosario ay
nagmistulang bagong topic of interest ng mga classmate ko.
Si Paulo sumunod naman sa deal namin. Naunahan
pa’ko. Naging sila ni Samantha.
Ako, stuck up na. Hindi kasi ako marunong manligaw.
Anak ng espasol. Haha. Paano ba manligaw? Ang alam ko
kasi, once na pinayagan ka ng babae na ligawan siya, pasok
ka na sa level 1 ng pagiging “kayo”. Pero ngayon, ba’t parang
ang labo? Ewan. Hindi kop maintindihan. Parang nahihiya
akong kausapin si Mary.
Paano ba kasi manligaw?
Tinanong ko ang tropa kong babaero:
“Tol, pa’no ba manligaw?”
“Papakita mo lang sa babae na mahalaga siya sa’yo.”
sagot niya.
 
Leche. E pa’no nga? ‘Pag tinulungan ko siyang bitbitin

99
‘yung gamit niya paakyat at pababa ng hagdan, napapakita
ko ba na mahalaga siya sa’kin at inaalala ko siya? E ‘di ba
parang pinamukha ko lang na isa siyang mahinang nilalang
na nakakaawa ‘pag nakikita mong nagbubuhat? Parang ang
panget naman.
Tinanong ko ang tropa kong lasenggo:
“Ang panliligaw ‘yan ‘yung pagusyo mo sa isang babae.”
sabi niya, “Hindi dapat minamadali. Parang alak. Dahan-
dahan lang para mas masarap ang usapan.”
Naguluhan lang ako eh. May mga tao din naman na
minamadali ang alak a. At may mga kakilala din ako na isang
araw lang nagkita, sila na agad. Parang ‘yung kay Paulo at
Samantha.
Dahil kaya talagang may gusto si Samantha kay Paulo
kaya sinagot niya agad ito?
Tinanong ko ang tropa kong nerd:
“Di ‘ko masasagot ‘yan kasi wala pa akong nililigawa e.”
sagot niya.
Siguro nga. Tama siya. Iba-iba ang pananaw ng mga tao
sa panliligaw. Sari-sari ang mga definition. Sari-sari ang mga
paraan. May mga umaasa sa “cheesy lines” at kung anu-
anong mga cheche bureche.
Kaya kailangan maka-isip ako ng sarili kong way.
Something na mae-expose ko ‘yung best ko.
E pucha, sa’n ba ako magaling? Sa pagsusulat ng tula.
‘Yun lang. Hindi ako marunong mag-basketball. Wala akong

100
pakialam sa sports. Hindi ako marunong kumanta kaya ‘di
ko din siya pwede haranahin. Shawarma!
“Mary, I love you.” ibubulong ko sa kanya minsa. Tatawa
lang siya.
Ginawan ko siya ng mga tula. Love letter. At bibigyan ng
testi sa Friendster.
Pero hindi. Wala. Wala pa akong feelings noon para sa
kanya. Lahat e dala lang ng trip na pinagusapan namin ni
Paulo.
Hindi ko alam kung paano ako na-inlove sa kanya. Basta
bigla-bigla na lang dumating eh. Nakita ko na lang ang sarili
ko na gabi-gabing nag-o-open ng Friendster at tinitignan lang
ang mukha niya. Alam mo ‘yung feeling na sobra-sobrang
appreciation sa kanya? ‘Yun bang tinititigan mo na ‘yung
mga matang bale wala naman sa’yo dati, gusto halikan ang
mga mapulang labi na wala ka namang paki dati dahil wala
lang sa’yo ‘to...at ‘pag nandyan siya, parang iba ‘yung feeling.
Parang ang saya-saya mo, parang wala kang problema...
Eto ba ‘yung tinatawag nilang love?
Hindi ko alam e. Buong buhay ko wala akong niligawan.
Inaasar nga ako minsang bading or what. Minsan nga inaakala
ko na mismo na bading ako dahil hindi ako nagkakagusto sa
ibang girls...pero  bakit nagkataong ngayon...?
Ano ba ang love?
Hindi ko alam. Love for family, oo. Pero ‘yung love na
ganito, ‘yung nararamadaman mo para sa isang kaibigan...
hindi ko alam. Wala akong alam d’yan.

101
Tinanong ko ang tropa kong babaero at eto ang sagot
niya: “Love? Sa ganitong edad natin dapat hindi muna
sineseryoso ‘yan.”
Ha? Nasagot ba n’ya tanong ko? At saka kung ang love e
hindi sineseryoso sa ngayon, e kailan pa? Magagawa mo pa
kayang seryosohin ito pagdating ng araw?
Tinanong ko ang tropa kong lasenggo at eto ang sagot
niya: “Love?” lumagok muna siya ng Red Horse, “Parang
alak ‘yan: kahit maubos ang pera mo, basta’t gusto mo
pang uminom, sige lang. Kahit gumagapang, sumusuka, at
naglulupasay ka na...” Tagay muna siya. “Pag nagmahal ka
ganyan ka din...kahit mag-mukha kang tanga basta mahal
mo...wala kang pakialam. ‘Yun nga lang, hindi mo na inalala
sarili mo. Tapos iiwan ka din nung mahal mo...parang alak na
naubos...lugi ka pa...”
Hindi ko alam kung nasagot ba n’ya ang tanong ko. Dahil
wala ako gaanong napala ‘dun sa mga unang pinagtanungan,
tinanong ko ang tropa kong nerd at eto ang sagot niya: “Hindi
ko mabibigay sa’yo ang exact definition ng love. Iba-iba kasi
ang pananaw ng mga tao d’yan. Ikaw, dahil in-love ka, may
sarili ka dapat definition ng love. Kung ako ang tatanungin
mo, hindi din kita masasagot kasi hindi pa’ko na-iinlove eh.”
Sabagay.
Bawat tao eh may kanya-kanyang definition ng love. Sabi
sa bible: “Love is not selfish. It is kind...” Sabi naman ng mga
kakilala kong Born Again, “God is love”.
Ano kaya ang sa’kin?

102
Ikaw, tanungin kita, what is love?
Haha.
Sa’kin siguro...umm...
“Love is Mary”
Cupcake! Baduy ko talaga. Haha.
Pero ‘yun siguro ‘yung mga oras na naramdaman kong
mahal ko siya.
Hindi ko siya minahal ng dahil lang sa maganda siya.
Bukod doon, honor student siya. Talented dancer pa, at
magaling mag-drawing. ‘Yun tipo bang, “’Pag napangasawa
ko ‘to, swerte ako.”
At nung mga oras na ‘yon, iba na talaga ang tibok ng puso
ko.
Dumating ang christmas party namin, Wala akong pera!
Badtrip talaga. Balak ko pa naman regaluhan si Mary. Tsk.
Pero hindi lang ‘yon ang pino-problema ko nung party:
WALA SI MARY. “Nasaan siya??!!!” sinisigaw ko sa sarili
ko. Nagalugad ko na ng mata ko ang buong quadrangle ng
school namin pero wala talaga siya. Naisip kong tanungin si
Samantha.
“Nasa’n si Mary?” tanong ko.
“Na-late ng gising. Nag-text sa’kin. Papunta na daw.”
sagot ni Samantha.
Hirap ng walang cellphone. Tsk. Pero anyway, nakahinga
ako ng maluwag nung marinig ko ‘yon.
May binabalak kasi akong ibigay sa kanya. Isang card na

103
nakatago sa wallet ko na nakuha ko nung um-attend ako ng
isang book fair. Sa card na ‘yon nakasulat ‘yung Sonnet 80 ni
Shakespeare.
Baduy ko ‘noh? Puchero, kesa naman wala akong
maibigay sa mahal ko.
Ilang minuto ang dumaan, dumating na si Mary. At
naramadaman ko nalang ang mga mata ko na naka-titig sa
kanya. Iba pa din pala ‘yung itsura ng tao ‘pag sa picture at
‘pag live mong nakikita.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kaya kong iliko
‘yung daan ng bala sa baril, ala-WANTED. Hahaha.
Na-enjoy ko ang christmas party.
Pero wala pa sa kalahati ng program , naririnig kong
sinasabi ni Mary na uuwi na siya. At, ilang segundo lang
ang dumaan, tumayo na nga siya mula sa inuupuan niya at
nagsimulang maglakad papunta sa exit.
Nag-panic ako. Para akong natatae.
Kahit nililigawan ko siya, parang hirap akong kausapin
siya. Parang nahihiya ako.
At isa pa, HINDI KO PA NABIBIGAY ‘YUNG CARD TAPOS
AALIS NA SIYA?! 
Edi ‘yun nga. Uuwi na daw si Mary.
“Hoy!” bulyaw ko kay Samantha, “Ba’t uuwi na ‘yun?”
“Masama daw pakiramdam.” sagot ni Samantha.
Kinuha ko ‘yung card sa wallet ko. “Habulin mo! Bigay
mo ‘yan sa kanya.” sabay abot ng card kay Samantha.

104
“Ba’t ‘di ikaw magbigay?” kontra ni Samantha.
“Favor lang, please?” pakiusap ko. Tumayo si Samantha
at hinabol si Mary.
Hanggang ngayon, alam mo, hindi ko mainitindihan
kung bakit hindi ako ang nagbigay nung card. Nung mga oras
na ‘yon, nahiya ako. Para bang nawawala ako sa sarili ko ‘pag
ginawa ko ‘yun. Ewan. Hindi ko maintindihan.
Naiintindihan mo ba ang sarili mo kapag in-love ka? Ako,
aaminin ko nung mga oras na ‘yon na parang hindi ko kilala
ang sarili ko.
Maloko akong estudyante. Makapal mukha. Jackass daw.
Pero nung pinana ako ni kupido, nawala ‘to lahat.
Dahil umuwi na si Mary, naki-join na lang ako with my
other friends.
Tapos, habang nasa gitna ng kwentuhan at tawanan,
may nagsalita sa likuran ko.
Isang matamis na boses.
“Uy, Dave, thank you dun sa card ha.”
Lumingon ako. Si Mary pala ‘yung nagsalita.
Napatitig ako sa kanya. Parang nakita ko siya sa ibang
liwanag.
Anong nararamdaman ko nung mga oras na ‘yon? Parang
gusto kong lumundag at yakapin siya. Pero pinigilan ko sarili
ko.
Parang nagkantahan ang mga anghel sa langit.

105
“Dave?”
Nakatitig pa’ko sa kanya. “Ah...hehe. Wala ‘yun.”
‘Yun lang talaga ang nasabi ko. Walang kwenta talaga
ako...bad trip. Para akong nawawalan ng signal kapag kausap
ko siya. Ewan.
So, after ng party, nagka-ayaan ‘yung section namin mag-
inuman sa house ni Paulo. Hindi naman lahat sumama.
Nagulat ako nang makita kong sumama si Mary. 
Cool.
So, inuman kami. Siyempre, magkakatabi ang magkaka-
partner. Si Paulo at si Samantha, magkatabi.
At ako katabi ko si Mary. 
Kilig much! hahaha!
“Ano Samantha, masaya ka ba?” tanong ko.
“Naman.” sagot niya, hiyawan naman kami.
“Official na ba ‘yan?” tanong ko kay Paulo.
“Oo, kami na.” sagot ni Paulo. Pinakita pa niya sa’kin na
magka-holding hands sila ni Samantha. Hiyawan ulit.
“E, ikaw, Dave, masaya ka ba at nandito si Mary?” tanong
ni Samantha sa’kin.
“Siyempre naman.” sagot ko, sumulyap lang saglit kay
Mary na katabi ko.
“Ano bang status nyo ngayon ni Dave ha, Mary?” tanong
ni Paulo.

106
“Ha? Pareho kaming single.” sagot ni Mary.
“Ga’no ba ka-laki ang chance nitong si Dave sa’yo?”
tanong ni Paulo.
“Lahat naman may chance eh.” sagot ni Mary.
Hindi man niya nasagot ng eksakto ang tanong ni Paulo,
naghiyawan pa din kami.
Sa utak ko noon, pumasok ang mga expectations.
Naglalakad kami, magka-hawak kamay, sa tabing-
dagat, paglalaruan ang masinag na buhangin sa aplaya,
magkayakap habang sinasalubong ang lamig ng hangin,
uupo sa buhangin, panunuorin ang mga  alon na paroo’t
parito, at magda-dampian ang aming mga labi habang
papalubog na ang araw, at sa ilalim ng buwan kami ay hihiga,
pagmamasdan ang mga bituin, at unti-unti akong papatong
sa kanya...at...at...at...Wala!
May chance daw ako sa kanya! Super kilig ako dun. Kaya
na-enjoy ko ang inuman.
Nung uwian na, siyempre kinabukasan e christmas
vacation na namin, kaya bago mag-alisan ay nagpicture-
picture kami.
Nagpa-picture kami na kaming dalawa lang. Smiling.
Nakaupo sa upuan.
At may nakuha akong picture niya! Na-arbor ko kay
Samantha. ‘Yun ‘yung same picture na pinakita ko sayo
kanina, ‘yung antagal na sa wallet ko.
“Mag-ingat ka ha.” sabi ko bago kami tuluyang nagsi-

107
uwian at naghiwa-hiwalay. Ngumiti lang siya.
Eto na, pucha, christmas vacation na. At grabe, sobrang
miss ko siya! Magkalayo kami ng subdivision na tinitirhan
at wala akong cellphone! Badtrip talaga. Panay lang ang
comment ko sa kanya sa Friendster, ‘yung mga “All I want
for Christmas Is you.” Grabe. Picture na lang niya kinakausap
ko. Para akong tanga noon. Halimbawa, mag-isa lang ako sa
kwarto, kukunin ko ‘yung picture niya tapos sasabihin ko:
“Hindi ko alam kung bakit. Basta nagising nalang ako isang
araw, mahal na kita.”
Obsession? Hindi. “Childish Fantasy” pwede pa. Haha.
Grabe. Lasing ako sa pag-ibig.
Minsan nga, nahuli ako ng Mama ko na kinakausap ‘yung
picture ni Mary e. Ang sinabi lang niya e: “Pag yang picture
na ‘yan sumagot ‘yan, ‘wag kang tatakbo papunta dito sa’kin
ha.” Laugh trip lang ata ako noon.
Pero pagdating ng January at siyempre, ng bagong taon,
nag-iba ang ihip ng hangin.
“Wala ka pala e...” biglang bulong sa’kin ni Paulo, siguro
second week of January ‘yun.
“Ha?” sagot ko. Lunch break namin n’on, at busy ako sa
boneless bangus ko.
“Wala ka pala kay Allen eh...” tuloy ni Paulo.
“Bakit anong meron?” tanong ko.
Pero hindi ko na kailangan ang sagot ni Paulo. ‘Pag
tingin ko sa harap, magkatabi sa upuan sina Allen at Mary,
nagtatawanan.
108
Wala akong iniisip about dun noon.
Noon ha.
Baka nagke-kwentuhan lang sila. Baka nag-uusap lang
sila.
Aba’y malay ko ba?
Malay ko bang M.U na sila?
Oo. M.U na “daw” sila.
Pero hindi ako susuko. Mas nauna ako kaysa kay Allen,
kaya mas malaki ang chance ko.
E ang tanong...ganun ba ang criteria ni Mary sa pagsagot?
Kung physical appearance, talong-talo na’ko kay Allen.
Si Allen, gwapo. Maporma. Cool. Player ng basketball.
Magaling sa math.
Ako, maitim. Payat. Hanggang tula at english lang.
Paktay ka diha.
Pero hindi ako papatalo. Kailangan patunayan ko kay
Mary na mas deserving ako to have her.
Kaso, anak ng keso de bola naman oo, sa diskarte pa lang
durog na’ko.
Paano ako hindi madudurog e hindi ako marunong
dumiskarte’t manligaw? First love ko si Mary e. Siya ang
unang babae na niligawan ko. At ang unang babae na biglang
nagpakawala ng kung anong virus kaya bumibilis ang tibok
ng puso ko kapag nakikita ko siya at nawawala ako sa sarili
na para akong may anaconda sa bituka.

109
Isang araw, kinausap ko si Allen.
“Tol, balita ko dinidiskartehan mo daw si Mary, ah?”
malumanay kong tanong.
“Haha. Bakit masama ba?” pabirong sagot ni Allen.
“Hindi naman.” sagot ko, pero sa totoo lang e
nagsisinungaling na ako. “Pero, ‘tol, pa-ubaya mo na sa’kin si
Mary.” seryoso kong sinabi ‘yung mga huli kong sinabi.
“Ulol, asa ka. Haha.” sagot niya.
Tumawa na din ako kunwari. “Sa tingin mo, ga’no ka-laki
ang chance mo sa kanya?”
“Ewan ko lang...” sagot ni Allen, “Pero umamin siya na
may gusto siya sa’kin.” Honest ang pagsagot niya. Na may
halong yabang. Hindi ako nagpakita ng anu mang reaction
pero sa totoo lang, bumabagyo na may kahalong kulog at
kidlat na sa utak ko noon.
Pabiro pa din akong nagsalita. “At bakit naman daw siya
nagka-gusto sa’yo? Haha. Nagka-amnesia ata siya. Haha.”
“Gago!” lang ang nasagot niya.
Nang matapos ang usapan namin, napa-upo ako sa may
sulok.
Patay na. 
May gusto si Mary kay Allen. At inamin ito ni Mary
mismo kay Allen.
Parang nahulog ang langit sa buhay ko. Feeling ko
tuluyan na akong sinaklob ng tadhana sa dilim.

110
May gusto si Mary kay Allen. Fudge!
Pero kailangan kong patunayan kay Mary na ako ang mas
nagde-deserve sa kanyang matamis na “oo”. Tama. Pucha,
ako nauna kay Mary. Bakit ba eeksena ‘yang Allen an ‘yan?
Kaso, anak ng buntis na tipaklong, sa lahat naman ng
eeksena e ‘yung cool” pa. ‘Yun pang ‘di hamak na mas gwapo
sa’kin. Pucha, e ‘yung mukha ko talampakan lang ata ni Allen
e.
Pero sige, CHALLENGE ACCEPTED. May the best man
win!
Sige! Testi sa Friendster. Love letter dito, love letter dun.
Kaliwa-kanang mga tula.
Oo, alam ko. Baduy. Pero wala akong ka-alam alam kung
paano manligaw. O paano ipakita na mahal mo siya kundi sa
mga ganoong mga paraan lamang.
Bobo ako sa panliligaw. 
So, dumating ang Valentine’s Day. Araw ng mga Puso.
Maaga akong pumasok sa school. Nagulat pa sa’kin ‘yung
guard nung nakita niyang may dala akong heart-shaped
balloon at isang bouquet ng rosas. “O, para kanino ‘yan?”
tanong sa’kin nung guard.
“Ah, para po sa activity namin mamaya para sa valentine’s
day.” palusot ko. Hindi ko lan alam kung naniwala o hindi
yung guard kasi abot tenga pa ang ngiti niya sa’kin. Gusto ata
na sa kanya ko ibigay yung mga dala ko.
Pagdating na pagdating ni Mary sa classroom, inabot ko
sa kanya ‘yung balloon at bulaklak.
111
“Thank you...” sabi niya sa’kin, habang naka-ngiti.
“Wala ‘yun. Happy Valentine’s Day.” nanginginig kong
sinabi.
Tumalikod siya. Hinawakan ko siya sa balikat. “Teka...
Mary...” habol ko. Lumingon siya sa’kin.
“Bakit?” tanong niya.
“Pwede ba kita yayain mag-SM mamaya?” aya ko.
Nakasindi ang mga nag-gagandahang mga ilaw,
sumasayaw at nagkakantahan ang mga anghel sa langit,
ako at siya ay nakahiga sa ilalim ng mga kumikinang na mga
bituin.
“May lakad ako mamaya e.” sagot niya.
Namatay ang mga ilaw, nagtago ang mga anghel sa likod
ng mga makakapal na ulap, at ang mga bituin ay napalitan
ng mga butil ng buhangin na nakakapuwing.
Sayang. May lakad siya. Malas. Okay lang, there’s always
next time.
There’s always next time.
‘Yun ang akala ko.
Kinagabihan nung Valentine’s Day, nag-message ako sa
kanya sa Friendster.
Niligawan ko siya nung November. February na. 2
months na akong nanliligaw.
So, nag message ako sa kanya sa Friendster. Tinanong ko
kung pwede na maging “kami.”

112
Hinintay ko reply niya, kaso mukhang hindi nanaman
siya nakakapag-open. Hindi ko naman siya makausap sa
school dahil busy ako at busy din siya.
Unang araw, walang reply.
Pangalawang araw, wala pa din.
Pangatlong araw, nilapitan na ako ni Paulo.
“Tae naman, Dave. Matatapos na ang klase hindi pa din
nagiging kayo ni Mary.” sabi niya.
“Relax ka lang.” sagot ko, pero sa totoo lang wala talaga
akong masabi. Pero ilang segundo lang, nag-dagdag pa ako
ng sasabihin.:
“Mahal ko si Mary.” sabi ko.
“Nung una wala lang, noh?” tanong ni Paulo.
“Oo. Pero ngayon, taena, parang hindi ako makakahinga
‘pag wala siya.” sagot ko.
Lumipas ang ilan pang mga araw, nagkaroon din ng reply
si Mary.
“Tnx po sa lahat. Sa laht-lahat. Kaso po, ayoko pa po
magka boyfriend ngayon e. Books before boys po ako e. We
can be friends naman po e. Di ba?”
It didn’t turn out the way I expected.
“Thank you” daw.
Alam mo ba kung gaano ka-sakit ang msabihan ng
“Thank you”? ‘Yun tipo bang sinabihan mo ang isang babae
ng “I love you” tapos ang sagot e “Thank you” pucha! Para

113
kang sinampal.
Pero kahit ganoon, may ikinatuwa pa din ako sa message
niya. “Books before boys.” Ibig sabihin, uunahin niya ang
pag-aaral. Napaka-dakila talaga niya! Kaya mahal na mahal
ko siya eh! Siyempre, dapat unahin muna ang priorities.
Needs first before wants. At ang pumasok pa sa isip ko: baka
‘pag graduate namin, pwede na maging kami. Yes! Pwede!
Basted ako. Pero naamoy kong pwede pang magkaron
ng second chance.
At isa pang ikinatuwa ko: waka samin ni Allen ang nag-
wagi. “Books before Boys” ang sabi ni Mary. BOYS. Ibig
sabihin, kahit si Allen hindi exempted. Unless bakla si Allen.
Okay lang lahat. Although basted ako, okay pa din.
Naalala ko pa. Masaya pa ‘ko.
Pero nag-iba ang ihip ng hangin makalipas ang ilang
linggo.
Teka, pa’no ko ba pag-papatuloy toh?
Pagkalipas ng ilang linggo, nabalitaan ko na boyfriend
na ni Mary si Allen.
Sila na.
As in Boyfriend and Girlfriend. 
Hindi M.U. 
Hindi best friends.
As in “in a relationship” talaga.
‘Pag lunch break, sabay silang kumakain. ‘Pag walang

114
teacher o recess, magkatabi sila sa upuan, magka-akbay o
magka-yakap. One time nga nakita ko sila sa Mall, holding
hands while walking, pa-sway sway pa.
“O Dave!” bati ni Mary.
Kunwari nagulat ako. “O, anong ginagwa niyo dito?”
“Manunuod ng sine.” proud nilang sinabi.
“Ah, sige, ingat.” lang nasagot ko.
So, yun. Sila na nga.
At ako, eto. mag-isa. Mukhang tanga.
Nasan ngayon ‘yung p*******ang books before boys na
‘yan? Bakit pa niya sinabi sa’kin ‘yun kung hindi naman pala
totoo? Ano, para ‘di ako masaktan dahil ang totoo e ayaw
lang niya sa’kin? Hindi ba niya naisip na mas masasaktan
lang ako ‘pag hindi niya sinabi ‘yung totoo?
Kung sinabi niya sa’kin sa Friendster na “Sorry, Dave,
Ayoko sayo.” e di fine. At least naging honest siya. Hindi
‘yung kung anu-ano pa sasabihin niya. Taena naman. “Books
before boys” and then the next few weeks “Set aside books
for handsome boys.”
Nagaguhan ako Na-badtrip. Pero wala na akong
magagawa.
Wala akong karapatang magalit sa kanya dahil sa ginawa
niya.
Wala akong karapatan dahil hindi hamak na isa lang
akong lalake na nagmamahal.
Ako’y isang lalakeng umibig sa isang babaeng ayaw

115
sa’kin.
 
At sa totoo lang, nasaktan ako ng sobra sa ginawa ni
Mary.
Siguro, kulang din ‘yung mga ginawa ko. Hindi pa siguro
sapat ang lahat. At sa mga hindi nagawa na ‘yon e hindi niya
ako nagustuhan.
Siguro lahat ng sulat at tula na ginawa ko para sa kanya
ay nasa basurahan na. O kaya e ginamit niyang panggatong,
at ang mga nasunog na abo ay nilipad na ng hangin, palayo,
papunta sa kawalan. O kaya naman e pinakopya niya kay
Allen para kunwari e si Allen ang sumulat ng mga ito.
Siguro ‘yung balloon na hugis puso na binigay ko sa
kanya nung Valentine’s Day e pinalipad na niya. O pinutok
gamit ang karayom. Tapos ‘yung mga bulaklak e namatay na
at ginamit niyang pataba sa mga tanim ng nanay niya.
Ewan.
Isang gabi, umakyat ako sa bubong ng bahay namin.
Parang isang bata. Humiga ako doon, dinama ang malamig
na simoy ng hangin, at tinitigan ang langit, ang mga bituin,
at ang buwan. Pero mas pinili kong pumikit kasi sa sobrang
ganda nila, naalala ko lang si Mary.
Gusto kong umiyak, pero para saan pa? Magbabago ba
ang isip ni Mary na ako ang mahalin niya ‘pag nakita niyang
umiiyak ako? May maidudulot ba ang mga luhang papatak?
Gusto kong isigaw ang lahat...pero magmumukha akong
tanga.
116
Gusto kong hamunin ng suntukan si Allen...pero talo
ako...at isa pa, tropa ko ‘yun.
Oo, aaminin ko. Umasa ako. Nagpakita ng positive
responses si Mary nung nililigawan ko siya, kaya umasa ako
na napaka-laki ng chance ko.
Malas talaga.
Ano ba kasing mayroon kay Allen na wala sa’kin? Bakit
ba kung anong meron ako, ‘yun pa ang hindi nagustuhan ni
Mary?
Kahit ano pang sabihin ko, wala nang magbabago.
Bakit kasi sa dinami-dami ng bawal sa mundo, ‘yung
mang-basted ang hindi bawal?
Sabagay free will.
Magiging tanga ako kapag kinausap ko siya at sinabing
“Ako nalang ang piliin mo.” Para kasing tinuruan ko ang
isang aso magsulat.
Kailan kaya matututo magsulat ang aso?
At kailan kaya siya matututuhang kalimutan ng puso ko?
Kahit kailan ay hindi matututong magsulat ang aso.
At sa tingin ko, kahit kailan ay hindi ko siya malilimutan
dahil sa puso ko siya ay nanirahan.
So, we graduated.
Ngayon, college na ako, at “SILA” pa rin ni Allen. Matibay
ang relasyon nila.
Good friends kami. Kapag may problema, bilang kaibigan

117
nila, nandito ako para magbigay ng tulong kong kailangan
nila.
Kapag may away o LQ, advice lang.
Kung gago nga lang ako pwede ko sabihin kay Mary ‘pag
nag-aaway sila, “Yan! kasi! E kung ako pinili mo, e ‘di hindi
ka umiiyak ngayon?”
E kaso, mabait ako e.
Kapag gumigimik kami ngayon, tapos magkasama sila,
naalala ko pa din ang lahat. Naalala ko pa din kung paano ko
siya minahal, at kung paano ako nasaktan.
Ako sana ang umaakbay sa kanya.
Ako sana ang umaamoy sa buhok niya.
Ako sana ang humahalik sa mga labi niya.
Ako sana ang naghahatid sa kanya pauwi.
Ako sana ang nakilala ng mga parents niya.
Ako sana ang nakikipag-usap sa kanya about sa future
plans ko sa relationship namin.
Ako sana ang kausap niya hanggang madaling araw.
Ako sana ang binabatuhan niya ng morning kiss.
Kami sana ngayon ang nagse-celebrate ng anniversary
ngayon. 
Oo, ngayon. Alas-dose na dito sa relo ko e. Bilis ng oras
noh? Mamaya te-text ko sila, babatiin ko. At ang ire-reply
nila sa’kin ay “Thank you.” Haha. Ano pa bang ine-expect ko?
Na sana ang i-reply sa’kin ni Mary ay “Break na kami ngayon

118
kasi napag-tanto ko na ikaw pala ang mahal ko. Mwah.”
ganun ba? Hindi. Dapat na akong mag-move on kaso ang
hirap. Hanggang ngayon hindi ko pa din nagagawa ‘yon.
Hanggan pangarap ko lang ata ‘yung H.H.W.W ko with
her. Holding hands while walking with her. Dagdag mo pa
‘yung P.S.S.P. Pa-sway-sway pa. Pangarap lang lahat.
Naging masama pa ‘yang ibig sabihin ng H.H.W.W.P.S.S.P
na ‘yan sa’kin. HaHa! WaWa! Parang Silyang Sinipa Palayo.
Pero siguro, okay na din ‘yung ganito. Masaya naman
siya. At dapat siguro maging masaya na din ako. Mas okay
na sa’kin ‘yung masaktan ng ganito, ‘yun bang sakit ng mga
alaalang bumabalk ‘pag nakikita ko silang magksama ni
Allen, kaysa naman sa mawala pa siya ng tuluyan.
Hindi na rin inggit ang umiiral ngayon e.
Panghihinayang oo, panghihinayang na sana naging
maayos ang lahat. Na sana naging kami. Na sana...sana
talaga, ako nalang ang minahal niya.
  Appreciation? Pwede. Appreciation kasi inaalala
ko ‘yung mga masakit na nakaraan. At sa mga alaalang ito,
natutunan ko na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo, at
hindi din lahat ng nakuha mo e ginusto mo.
Hindi na ako galit ngayon. Wala na sa’kin ‘yung
pagsisinungaling ni Mary. Wala na.
Pero aaminin ko, hindi ko pa din maiintindihan kung
bakit hindi na lang siya naging honest.
Makahahanap din siguro ako ng girl na para sa’kin.

119
Mangyari man ‘yon, hindi ko pa din makakalimutan si
Mary. Isa na siyang babae na may special place sa puso ko.
Mahalaga siya sa’kin ngayon at kailanman.
Hindi man naging kami sa huli, siya pa din ang first love
ko.
  
“The Worst was this: my love was my decay.” -William
Shakespeare.

120
Araw Ng Mga Puso
May nangyaring kakaiba kanina. Hindi ko alam kung paano
i-e-explain at ike-kwento ng maayos, pero I’ll try my best.
Tanghali na ako nagising kanina. May hangover pa
mula sa inuman kagabi. NOTE: Huwag ipagsabay ang Gran
Matador at gin na may Tang orange. Walang tao sa bahay.
Nakadikit sa ref ang sulat galling kay Ermat. Umalis daw sila
ni utol. Walang sinabi kung sa’n pumunta, basta gagabihin
daw sila ng uwi. May ulam at kanin sa ref. Iinitin na lang.
Nag-shower muna ‘ko. Pampagising. Medyo tom jones
na’ko, kaya kinuha ko ang pagkain sa ref. Ayos. Adobong
Manok. Pinainit. Sinalang ko sa kalan ‘yung kanin. Habang
hinihintay kong uminit yung nakasalang, nagsimulang
umulan. Lumamig ang paligid. Ang cool e. Alam mo ‘yung
ganitong moments? ‘Yung mag-isa ka lang sa bahay, tapos
umuulan at may hangover ka, ang sarap mag-relax. Sarap
humilata sa kama. Hakuna Matata. No worries. Parang solo
mo ang mundo.
Nang mainit na ang kanin at ulam, sandok na. Umupo
ako sa sofa sa salas. Food trip habang dama ko ang
katahimikan ng bahay. Nakakarindi pala. Parang kasabay
kong huminga ang bahay. Creepy. Binuksan ko ang TV, baka
may magandang palabas. Kaso mali. Impeachment trial ang
palabas. Ang sarap magmura. Gusto ko mag-relax, at hindi
ang makinig sa pagpapalitan ng mga cheesy lines ng mga
taong gumagawa raw ng batas. Lipat ng channel. Talk show
naman, kung sa’n ang pinag-uusapan e mga tsismis tungkol

121
sa pagbubuntis ng isang aktres. Boo. May mga tao talagang
walang magawa kung minsan kundi ang pag-usapan ang
ibang tao. Sabagay, okay lang. D’yan naman sumisikat ang
mga artista e. Sa tsismis.
Dahil lumang antenna lang ang gamit para makasagap
ng signal para sa TV, limitado lang ang available na channel.
Pinatay ko na lang. Eto ‘yung mga moments na walang
pakinabang ang TV. Mas masarap pang mapundi na lang ang
tenga ko sa katahimikan. Tuloy na lang ako sa pagkain. Kina-
career ko ang pag-nguya para lang may mabuong ingay.
Nang solb na’ko, niligpit ko ang pinagkainan at hinugasan
sa lababo. Tahimik nanaman ang bahay. Oo, may tunog
kahit papano dahil sa mga patak ng ulan na kumakatok sa
bubong, pero may kakaiba talagang katahimikan ang bahay
namin. Para itong isang buhay na organism na natutulog at
naghihilik.
Aanhin mo ‘yung ganitong mga araw na okay na okay
pero wala ka namang magawa? Alam mo ‘yun, ‘yung ganong
feeling na gusto mong mag-relax pero at the same time gusto
mo ring kumilos? Ewan.
Naisipan kong mag-sountrip. ‘Yan, music. Masarap
humilata habang hine-hele ka ng mga tugtugin sa radio.
Sinaksak ko sa outlet ang radyo.
FIRST STATION: Daldalan ng mga DJ tungkol sa walang
kapararakang bagay. May sasabihin ang isa, habang ang isa
nama’y hahagalpak ng tawa na akala mo e noong araw na
umulan ng tawa e sinalo niya ang lahat.
SECOND STATION: Isang babae ang tumatawag sa
hotline, kinukuwento ang isang nakaraan niyang experience
about sa araw ng mga puso. Diyos ko. Akong nakikinig, ano
122
kaya ang makukuha ko kung malaman kong nagsubuan kayo
ng mangga na may bagoong sa Luneta?
Palipat-lipat ako ng istasyon sa radyo. Walang matino.
May ilan na nag-play ng matitinong kanta, pero napuputol
naman dahil sa mga advertisements. Sasabayan pa ng mga
side comments ng DJ. Boring. Hindi relaxing. Pinatay ko na
ang radyo. Balik ako sa kwarto at hinanap ang MP3 player
ko. Sa panahon ng mga ipod shits, buhay pa rin ang MP3 ko.
Nang mahanap ko, sinalpak ko sa speaker ng PC. Ayos. At
least ito, mga kantang gusto ko talaga.
FIRST SONG: Little Lou, Ugly Jack, Prophet John by Belle
and Sebastian ft. Norah Jones. Senti song. Sakto, umuulan.
‘Pag umuulan, trip ko talaga ang ganitong mga kanta.
Siguro, dahil ‘yon sa trip ko ring dumungaw sa bintana
habang nagpe-play ang kanta, tapos pinapanood ang ulan
na kinukumutan ang kalye sa labas gamit ang mga munting
patak na humahalik sa aspalto. Ginawa ko nga. Alam mo
‘yun, ‘yung kunwari e nasa music video ka nung kanta.
No’n ko lang naalala na araw ng mga puso pala.
Balik ako sa salas. Tuloy pa rin ang soundtrip. Kasabay ng
boses ni Norah Jones ang garalgal na tono ng ulan sa bubong.
Humiga ako sa sofa, nakatitig lang sa kisame. Walang iniisip.
Parang gusto kong matulog na parang ayoko rin. Hangover
nga naman talaga, o. Kumuha ako ng libro mula sa shelf
malapit sa TV, pero pabalik na ako sa sofa nang maisip kong
ayoko magbasa. Higa na lang ulit.
Wonderwall by Oasis na ang tumutugtog nang biglang
parang may bumulong sa tenga ko. Mahina lang. Ang sabi,
“Araw ng mga puso ngayon. Wala ka bang gagawin?” Pero
siyempre, sarili ko lang din ang nagsabi n’on.
123
Valentine’s Day? Sus. Nothing special. Mag-isa ako sa
bahay, umuulan, soundtrip lang ang ginagawa. Sa tingin ko,
relaxed naman ako. Pa’no kaya kung ‘yung mga nagde-date
ngayon ‘no? Sana, wala silang paying. Kung meron man, sana
masira. Mas maganda pa siguro kung bumaha. Malamang,
isumpa nila ang February 14. Sana mataon na anniversary
pa nila para malas talaga. Tapos ang “wagas” na pag-iibigan.
Pa’no kaya kung sa isa sa mga tropa ko nangyari ‘yun? Tiyak
may inuman bukas. Ako, makikinig lang sa kanila. Sa harap
ng bote ng Matador o kaya e gin, tatawanan ko sila dahil
habang sila e umiiyak sa ulan at baha, ako e andito sa bahay,
safe and sound. Relaxed.
May mga tao kasing hindi makuntento kung minsan. Ang
sarap-sarap maging single e. ‘Yung iba, akala mo ikamamatay
kapag walang girlfriend o boyfriend. Samantalang karamihan
naman sa kanila ang habol lang ay:
A. Load
B. Pera
C. Pagmamalaki sa mga kaibigan
D. Experience sa kama
Naku, the truth hurts when it is told. Sa panahon ngayon,
wala naman nang seryoso-seryoso. Nagiging seryoso ka
na lang kapag talagang naisip mo na ang true meaning ng
relationship. At ‘yon ay kapag may trabaho ka na at ang mga
hakbang ay hindi na binubura ng mga alon ng kasarinlan.
In short, responsible ka na. Kaso, kung maka-asta ‘yung
mga nakikita kong magka-relasyon, akala mo e forever na
sila e. Tapos ‘pag naghiwalay, kung ano-ano ang i-status sa
Facebook. Nagpapadala ng mga chain mssages. Sisisihin

124
ni babae si lalake. Samantalang pareho lang naman silang
tanga. Papasok-pasok sila sa madilim na butas nang wala
man lang dalang flashlight o kahit man lang posporo.
Buti pa’ko, single. Chill na chill lang. Valentine’s Day?
Araw ng mga puso? Soundtrip at hilata sa sofa. ‘Yan!
“The Man Who Can’t Be Moved” by The Script ang kanta
nang naka-idlip ako. Kung may napanaginipan man ako, ‘di
ko na maalala. Siguro wala. Ewan. Minsan, dito sa mundo,
maraming bagay ang hindi ka sure e. Minsan kasi, sa sobrang
bilis ng mga pangyayari, marami tayong nalalagpasan.
Kapag sobrang bagal naman, nakakatamad o mas maganda
sigurong sabihin na mahirap alalahanin ang lahat. Parang
mga propesor sa college. Kapag sobrang bilis magturo, ang
hirap mag-catch up, naiiwan ka. Kapag pinabagalan naman,
nakakaantok. Kaya pagdating sa test, tanungan, kapaan at
taniman ng kanya-kanyang kamote.
Pagkagising ko mula sa sandaling tulog, wala na ang
ulan. Bumangon ako at sumilip sa labas. Wala na ang ulan
pero madilim pa rin ang langit. Mukhang nagpahinga lang
saglit ang ulan. Napansin kong wala na rin ang soundtrip.
Battery empty na ang MP3 Player ko. Tahimik na ulit ang
bahay. Mas tahimik dahil wala nang ulan. Naisipan kong
lumabas. Sinulyapan ko ang orasan sa dingding. Alas-kwatro
na. Mahaba-haba rin pala ang tulog ko. Sige, makalabas
muna. Nagdala ako ng pera, baka sakaling maisipan kong
mag-merienda. Nagdala rin ako ng paying, panlaban kung
sakaling muling bumuhos ang ulan. Ni-lock ko ang pinto ng
bahay.
Sige, lakad. Basa ang paligid. Basa ang kalye. Wala
gaanong tao sa street namin. Dama ko ang lamig ng hangin.

125
Sumisingit sa tsinelas ko (at siyempre, sa paa ko na rin)
ang lupa. Okay lang. Gray ang langit, parang galit na galit.
Dumaan ako sa park. Basa ang mga bench. Parang umuulan
sa park dahil sa mga pumapatak na tubig mula sa mga dahon
at sanga ng matataas na puno ng acacia na nakapalibot dito.
Sa ‘di kalayuan, nakita ko ang tindera ng fishball. Lumapit
ako at bumili. Merienda time. Hindi lang ako ang bumibili,
mayroon akong kasabay. Mukhang mag-kasintahan, Cheese
sticks. Nang makuha nila ang order nila, bumalik sila sa park
at umupo sa bench. Mga tanga. Narinig ko pang sumigaw ang
babae ng “Ay! Basa!” Nasa’n kaya utak nito? Alam na ngang
umulan e.
Binayaran ko ang binili ko at bumalik sa park. Sarap ng
fishballs. Pinaghalong matamis at maanghang yung sauce.
Umupo ako sa bench. Umupo talaga ako, wala akong paki
kung basa. Hindi malayo ang pwesto ko mula sa mag-nobyo
na naglalandian sa kabilang bench. Habang kumakain,
sumusulyap ako sa kanila. Pinanood kong kainin nila ang
cheese sticks na binili nila. Nang maubos, binalot ni lalake
ang braso niya kay babae. Tapos usap. Tawanan. Inamoy-
amoy ni lalake ang tenga ni babae. Parang gago e. Sisinghutin
ba niya ang tutule ni babae? Maya-maya pa, nagtama ang
labi nila. ‘Di bale sana kung smack lang e, kaso ang halikan
nila e pinagmukha silang mga linta na gutom sa laway
at hindi sa dugo. Diyos ko. Mapupusok na mga kabataan.
Bigla kong naisip na mahaba pa ang araw, at mukhang isa
ang magkasintahan na ito na mag-aambag sa biglaang
boom ng populasyon ng Pilipinas, na pilit pinagtatalunan
ng gobyerno at simbahan kung pa’no kokontrolin. Nang
magbitaw ang labi nila, narinig ko pang sinabi ng lalake na
“Ba’t ka nangangagat?” Naku. Alam na.

126
Ewan ko kung ano ang malupit na dapat itawag sa
sumunod na nangyari, basta biglang bumuhos uli ang ulan.
Binuksan ko ang dala kong payong, habang tumatawa sa
sarili dahil ang mag-nobyo na pinagmamasdan ko kanina
e tumatakbo na. Haha! Wawa! Buti nga sa inyo! Tanggapin
niyo ang ulan! Maghihiwalay din kayo! Haha! Tumakbo sila
paalis sa park. Ako naman, naisip kong maglakad-lakad
a. Mukhang eto talaga ang gusto kong gawin. Strolling.
Wala akong pakialam kung saan pupunta, basta trip kong
maglakad. Liko ako sa kanto. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa.
Kanan. Kaliwa. Malakas ang buhos ng ulan. Basa na ang
tsinelas ko.
Maya-maya, sa ‘di kalayuan, may nakita akong kumpol
ng mga tao. May fiesta ba? Napatanong ako bigla. Pero,
hindi, kasi wala silang dalang mga payong. Medyo malapit
na ako nang mapansin kong partner-partner sila. Babae at
lalake. Siguro mga limang pares. At naghahalikan sila. As in,
lip-locked talaga. Basang-basa na ang mga damit nila. Pero
parang wala silang pakialam. Hindi nila dama ang ulan.
Habang papalapit ako, halong gulat at pagkainis at pagka-
epal ang nararamdaman ko. Ano ‘to?
Nakabalot ang mga labi nila sa isa’t isa. Hindi nila ako
pinapansin. Parang hindi nila ako nakikita. As in nilalapit
ko mukha ko sa kanila pero wala silang pakialam. Tinulak
ko ang isang lalake. Huminto sila ng partner niya na babae
at tumingin sa’kin pero hindi ito nagsalita. Ilang Segundo
siyang tumitig sa’kin bago nito balikan ang labi ng kapareha.
Tumingin ako sa paligid. Dumadami pa ang mga
magkakapareha. Nakita ko rin yung magkasintahan na
kanina’y nasa park. Mula sa limang pares, dumoble na

127
sila. Sumakop na sila ng malaking space sa kalsada. Lahat
sila walang payong, naghahalikan lang sa ilalim ng ulan. Sa
bawat naghahalikang partner na makita ko, nararamdaman
ko ang isang tinik na unti-unting tinutusok sa aking dibdib.
Malakas ang buhos ng ulan. Humapit na ang damit ng
ilan sa kanilang mga katawan. Pero tuloy sila sa halikan.
Umalis ako. Inalala ko ang daan pauwi. Pagdating sa
bahay, balik ako sa pag-higa sa sofa. Maingay ang ulan sa
bubong. ‘Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, at ang
nakita ko.
Ewan. Ayoko na isipin. Hangover lang ‘to, kailangan ko
lang siguro itulog.

128
Nilagang Kangkong
Nilagang kangkong. ‘Iyon lang ang hapunan ni Paul nang
gabing ‘yon. Wala pa kasi ang kanyang ina, may inaayos pa
kasi sa palengke. Ang tatay naman niya, mukhang dodoble
pasada pa ng sidecar.
Hindi nabusog si Paul. Sa totoo lang, parang wala
nga siyang kinain. Pero ‘di bale, pupunta naman siya sa
birthday party ng kaklase niyang si Dave na pinalad na
maraming pera at masagana ang buhay. Kanina sa eskwela,
kinumbidahan siya nito. May inuman din daw. Siyempre,
pumayag si Paul. Hindi nga lang niya alam kung saan ang
bahay ng classmate niyang si Dave. Sa pagkakaalam ni Paul,
nakatira itong si Dave sa isang subdivision na exclusive
para sa mga taong himalang mayayaman sa isang bansang
marami ang mahihirap—tulad niya, na nasasabit lamang
sa mga pangmayayaman na okasyon. Sa katunayan, hindi
naman siya kukumbidahin ni Dave kung hindi siya magaling
magpanggap na mayaman.
Lahat ng kaklase niya sa private school na pinag-
aaralan niya ang alam e mayaman siya. Pero wala sa mga
ito ang nakaaalam kung saan siya nakatira. Pero hindi rin
naman sila nagtatanong kung bakit. Si Paul kasi ay hindi
halatang dukha. Maputi ang balat at taas-noo lagi. Refined
kung kumilos. Kaya, lahat ng kaklase niya naniniwalang
mayaman/may-kaya siya, kahit na sa totoo lang e ang tiyahin
niyang nasa Lebanon ang nagsusustento sa pag-aaral niya.
Nagbihis siya ng medyo casual. Sa ganitong pananamit,

129
magmumukha na siyang “cool” at “in”. Dito nakita ni Paul
ang napakalaking tulong ng mga tiangge at ukay-ukay. Ang
mga branded na damit ay nagiging mumurahin at abot-kaya
ng mga tulad niyang kapus-palad. Hindi nga lang sigurado
sa kalidad at amoy ng huling gumamit nito, pero pwede
naman labhan. Konting kusot at paglalagay ng mabangong
fabric conditioner lang, okay na. Ngayon, maong pants at
green na t-shirt ang soot niya. Naglagay din siya ng konting
styling wax sa buhok na nabili niya sa kalapit na tindahan sa
halagang sais pesos.
Dahil nga hindi alam ni Paul ang bahay ng kaklase niyang
si Dave, nai-suggest nito na susunduin na lamang siya nito
sa bahay nila gamit ang kotse. Medyo napalunok si Paul ng
mariin. Doon niya naisip na mahuhuli na siya. Malalaman
na hindi talaga siya mayaman. Pero, dahil determinado siya,
mabilis siyang nakapag-isip.
“Pick me up nalang outside our subdivision. Cars lang
kasi ng residents na may ID ang pinapapasok dun e,” ang
palusot niya.
“Oh, is that so? All right. Where’s you subdivision?”
tanong ng kaklase niya. Binigay niya ang address ng isang
subdivision malapit sa compound nila. Nanlaki ang mga
mata ni Dave. “Wow. So you’re staying in Vittorio Homes?
Wow. Okay. I’ll pick you up at around 8pm, okay?” Iyon ang
plano ni Dave.
Tumingin si Paul sa salamin. Tinignan niyang mabuti
ang sarili niya. Kailangang maging ayos ang lahat. Kumuha
siya ng papel at nag-iwan ng sulat sa lamesa na nagsasabing
uumagahin na siya ng uwi. Lumabas siya sa bahay at tinahak
ang masikip na eskinita. Binati siya ng mga ilang kadikit-

130
bahay na kasalukuyang pinagpapasahan ang isang boteng
gin.
“Uy, gwapo mo ngayon , a. Sa’n punta?” sabi ng isa.
“Wala ho, naimbitahan lang ng kaklase,” matipid ang
sagot ni Paul.
“Ano’ng nakain ng mga kaklase mong mayayaman at
inimbitahan ka?” sabi ng isang tambay na walang T-shirt.
Si Mang Ramon. Naaninag ni Paul mula sa malamlam na
ilaw ng bumbilya ang malaking tiyan nito. “Kailangan ba ng
janitor?” Humagalpak sa tawanan ang mga nag-iinuman.
Nagpatuloy lang si Paul sa paglalakad. Napadaan siya sa
isang sari-sari store. Sinilip niya mula sa mga rehas ang isang
wall clock na nakasabit sa pader. Ilang minuto na lang bago
mag-8:30 ng gabi. Late na siya. Ilang minuto pa ang itatagal
ng paglalakad niya mula sa eskinita nila papunta sa kalapit
na subdivision ng mga mayayaman na binida niya kay Dave
na tinitirhan niya, kaya binilisan na niya ang paglalakad.
Kumalam din ang sikmura niya. Wala naman kasi siyang
kinain. Pagdating niya doon sa gate ng subdivision, wala
pa ang kotse ni Dave. Medyo nakahinga siya ng maluwag.
At least hindi siya nakitang naglalakad ng mga ito galing sa
isang eskinita.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na si Dave
nakasakay sa kanyng Honda CR-V. Huminto ito malapit sa
gutter. Binuksan niya ang pinto at sumakay na si Paul.
“Sorry, I’m late. Dami bisita e,” sabi ni Dave.
“Okay lang. Akala ko nga ikaw pa nauna sa’kin e,” ang
sagot ni Paul. Sa tabi ng driver’s seat siya umupo.

131
“I thought you’ll bring your ipad?” tanong ni Dave habang
nasa gitna sila ng byahe.
“Hindi na. Wala rin akong bagong apps e.” sagot ni Paul.
Cool na cool ang boses niya . Pero kumukulo na ang tiyan
niya.
“Sabagay, hindi ko gusto ang ipad. Ang daming
inconsistencies. Alam mo ‘yun?” sundot pa ni Dave.
“Oo nga e, sinabi mo pa,” lang ang nasabi ni Paul.
Ilang minutong pagda-drive pa ang lumipas, narating na
nila ang bahay nila Dave. At matapos ang ilang liko sa ilang
mga kanto, narating na nila ang bahay nito. Tatlong busina
lang ang ginawa ni Dave para may lumabas at buksan ang
gate.
“Andoon sila sa likod, sa garden, nag-start na ata sila
mag-inuman,” sabi ni Dave kay Paul.
Tumalikod na si Paul para pumunta sa garden, sa likod
ng bahay nila Dave, isang maluwag na espasyo na may
sariwang hangin at kitang-kita mo ang langit, nang bigla
pang humabol ng isang tanong si Dave. “Kumain ka na ba?”
Medyo natigilan si Paul nang marinig ‘yon. “May kinain
naman ako sa bahay,” ang sagot niya. Lumulutang pa rin sa
kanyang isip ang anino ng nilagang kangkong na inulam niya
kanina sa bahay nila.
“Ah,” sagot ni Dave. “Tignan mo na lang kung may pagkain
pa ‘dun at kumain ka ‘pag nagutom ka. Sana nga lang ‘di pa
ubos. Dami kasi bisita kanina e. Relatives, other friends,
alam mo naman…”
Ngumiti lang si Paul at tumango-tango. Pumunta na

132
siya sa backyard. Doon, nakalatag ang mga lamesang may
makukulay na burda at pinalilibutan ng mga bisita ni Dave,
babae at lalake. Ang iba hindi niya kilala, habang ang iba e
namukhaan niyang mga kaklase nila. May malaking spotlight
na nagbibigay liwanag sa buong garden. Sa bandang kaliwa,
nakalatag ang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain.
Tinignan niya ito ngunit nakita niya walang laman ang mga
lalagyan. Mga tira-tirang sarsa mula isa iba’t ibang ulam at
konting butil ng kanin ang bumungad sa kanya. Naglaway
siya. Ano bang klaseng birthday party ‘toh?! ang tanong niya
sa isip.
“Uy!” may kumalabit sa likod niya. Si Anthony, ang isa sa
mga kaklase niya.
“Oh?”
“Kanina ka pa namin tinatawag. Tara, doon tayo!” tinuro
ni Anthony ang isang kalapit na mesa. Pagtingin ni Paul,
nakita niya ang ilang mga lalake sa section nila, nagsa-salu-
salo sa isang bote ng alak na nakatayo sa gitna ng mesa.
Napalunok siya ng laway. Alam niyang pangit ang nagiging
epekto ng alak sa bituka kapag walang laman ang sikmura.
Lalo na ‘pag nilagang kangkong at konting kanin lang.
Ngunit wala na siyang nagawa. Nakita na lang niya ang sarili
niya na sinusundan si Anthony at umupo na rin sa mesang
tinuro nito. Tagayan. Maya-maya, dumating si Dave sa mesa.
Kinalabit siya nito.
“Uy, pasensya na, wala ng food. ‘Di bale, nagpa-order pa
ako kasi may mga darating pa. Pero mamaya pa ‘yon. Busog
ka pa naman, right?” sabi nito sa kanya.
Tumango lang siya habang nilulunok ang alak na nasa
baso. Umalis ang birthday celebrant at lumipat sa kabilang
133
mesa at kinausap ang mga naka-upo doon, habang sa mesa
nila, tuloy and ikot ng baso.
Tuloy ang pag-inom ni Paul ng alak. Nakakahiya kasi
tanggihan. At sa totoo lang, hindi siya sanay na uminom ng
ganoong alak. Pang-mayaman na brandy. Ang sama ng daloy
sa kanyang katawan. Kapag tumanggi siya, baka isipin ng
mga kasama niya sa mesa na hindi siya hiyang sa ganoong
alak. Mahirap na. Baka mawalan pa siya ng mga kaibigan.
Maya-maya pa, nakaramdam na si Paul ng konting
hilo. Nagsimulang mangasim ang kanyang sikmura. Sa di-
kalayuan, naaninag niya si Dave na may kasamang babae.
Magka-hawak kamay sila. Nang tinignan niyang mabuti,
nalaman niyang si Erika pala ang kasama nito. Magkahawak
kamay sila.
Si Erika—ang babaeng mahal niya, nililigawan, ang
dahilan kung bakit nag-aaral siyang mabuti, ang dahilan
kung bakit pinakiusapan niya ang tita niya na sa private
school pa rin mag-aral, ang kasama ng birthday celebrant.
Ang nahihilong kukote ni Paul ay nakaramdam ng konting
lungkot at panghihinayang. Nang makita niyang magpalitan
ng halik ang dalawa, nadama niya ang pag-ipit ng hangin sa
kanyang lalamunan, kasama ng isang pwersa ng kung ano
man sa kanyang sikmura.
Alam na niya ang ibig sabihin nito. Agad-agad siyang
tumayo sa kanyang kinauupuan at tumakbo sa may sulok.
Doon niya isinuka ang kanina pang nagi-giyera sa kanyang
sikmura. Maasim at malagkit. Sa ilaw sa backyard ng kaklase
niyang mayaman, may birthday, at may babae, nakita niya ang
durog-durog na parang nilamutak na kangkong kasama ang
ilang buo pang butil ng kanin. Gamit ang panyo, pinunasan

134
niya ang maluha-luha niyang mga mata bago ang kanyang
labi. Medyo nawala ang kanyang hilo.
“Pare, okay ka lang?” sabi ni Anthony. Mukhang nakita
siya nito.
Paglingon niya, nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng
kaklase. Sa ‘di kalayuan, natanaw ni Paul ang buffet table:
may laman na itong pagkain.
“Okay lang ako,” sagot niya. Pumunta siya sa may buffet
table. Kumuha siya ng paper plate at plastic na kubyertos.
Makakakain na siya, sa wakas.

135
Alak, Alaala at Fountain
“Eto pare, naalala niyo pa ba kung bakit hindi nakasama si
Rick sa field trip natin noong 3rd year?” sabi ni Anthony, ang
tanggero, habang nagbubuhos ng Gran Matador sa isang
baso at iced tea sa isa pang baso. Nakangiti lang si Rick.
Isang ngiti na sa tingin ko e nagsasabing bigla lang rin niya
naalala ang pangyayaring tinutukoy ni Anthony.
Humithit muna mula sa sigarilyong nakaipit sa dalawang
daliri si Dave bago sumagot. “Dahil nag-drawing siya ng ano
ng lalake doon sa pader ng C.R!” Bumubuga ang usok sa
bibig niya habang nagsasalita. Nagtawanan lang kami.
“Mga walangya kayo tinuro niyo ‘ko e,” ang sabi ni Rick.
“E sabi ni Principal hindi makakasama ang lahat kapag
walang umamin e,” sabi ko. Kumuha ako ng yosi mula sa
kaha at sinindihan ito.
“Nagba-bluff lang ‘yun pre, mga duwag lang talaga kayo,”
sabi ni Rick.
“E alam nyo naman si Principal, nangangain ng bata
‘yun.” Sabi ni Anthony, sabay abot ng baso kay Rick. “Ikaw
na pre.”
Hay, high school reunion. Masaya talaga ‘yung ganitong
happenings. Kasi, ito na ‘yung moment na makakausap (sa
lagay namin, makaka-inuman) mo muli ‘yung mga kapwa mo
bata noon na nakasama mo sa pakikipagsapalaran sa isang
kabanata ng buhay. Hindi mo nga sasabihing maraming taon

136
na ang nakalilipas mula noong mag-martsa kami. Pa’no ba
naman, wala namang major na pagbabago sa mga ugali
namin bukod sa ngayo’y mga professionals na kami. At kung
makapag-reminisce kami, akala mo lahat e kahapon lang
naganap.
Kanina pang hapon nang mag-start ang reunion. Si Dave
ang nag-set up. Dito sa condo unit niya sa Ortigas ang venue.
Como magpapasko na at maluwag-luwag na sa kanya-kanya
naming mga trabaho, halos kalahati ng section namin ang
nakapunta. Mas maaga nga lang nagsi-uwian ‘yung iba dahil
may mga pamilya na. Kaya ang natira, kaming S4 o “Solid
Forever” Minsan nga e naiisip din naming “Singles Forever”:
Si Dave, ang supervisor ng isang kumpanya na noon pa man
e may-kaya na talaga (siya usually ang nagpapa-party at
nagpapainom), si Anthony na dating bad breath na ngayo’y
dentista na, si Rick ang dating sakitin at madalas absent na
ngayo’y doktor, at siyempre ako.
Inabot sa’kin ni Anthony ang dalawang baso. “Eman,
shot mo na.”
Kinuha ko sabay lagok. Sarap. Napansin kong nakatingin
si Dave kay Rick. “A, eto, may naalala ako,” biglang sabi ni
Dave.
“Mukhang ako ang bida d’yan a,” sagot naman ni Rick.
“Yung ni-regaluhan mo ng bulaklak noong 4th year tayo
na hindi tinanggap!” rinig ko ang excitement at pang-aasar
sa tono ng pananalita ni Dave.
Biglang bumalik sa’kin ang alaala na parang isang
kandilang sinindihan. Napa-ngiti na lang ako.
137
“Ay, oo!” May pwersa ang pagkakalapag ni Anthony sa
basong ni-refill. Tumunog ang yari sa bakal na mesa. “Si
ano…ano nga bang pangalan no’n?”
“Erika,” sumabat ako. Hindi pwedeng makalimutan ko
‘yon.
“Naku, oo nga pala. Naalala ko na ‘yung conflict,” Sabi ni
Dave. Tumingin siya kay Rick. Sabay tumingin din sa’kin.
Natawa na lang ako. Si Rick, nakatitig lang sa usok ng
sigarilyo mula sa ashtray.
Inabot ni Anthony ang baso ng alak at iced tea kay Rick
na agad-agad itong ininom.
“Di ba, ‘yun yung babae na ayaw sa’yo kasi—” umpisa ni
Anthony, nakatingin kay Rick.
“—mas gusto niya si Eman!” tuloy ni Dave, sabay
halakhak.
“’Wag nyo ko pagtripan ha,” lang ang nasabi ni Rick.
“Ano ba, pre. Pinaguusapan lang natin ‘yung mga
moments na ‘yon as a part of what you are now.” Matawa-
tawa pa rin si Dave habang nagsasalita.
Ngumiti na si Rick. “Ba’t ba kasi naalala niyo pa ‘yun e,”
Nagtawanan kami. “Nga pala, ba’t wala ‘yun kanina?”
“Ewan ko. Wala akong communication dun since
graduation e,” sagot ni Dave.
“Kanina tinanong ko si Donna, kaso ‘di raw niya alam.
Tinanong ko si Mary, ‘di rin alam,” sagot ko. Si Donna, na
girlfriend ni Rick ngayon, at si Mary na dating iniyakan ni

138
Dave, ang mga best friend ni Erika noong high school.
“Ikaw, dapat alam mo, ‘di ba?” tanong ni Anthony sa’kin.
Inabot niya rin sa’kin ang tagay.
Lagok muna bago sagot. “Ako? Bakit ako?”
“Hindi ba naging kayo?” tanong ni Anthony matapos
tagayan si Dave.
Umiling ako. “Hindi. Sinabi ko naman sa kanya na hindi
ko siya gusto e,” sagot ko.
“Wow, ang gwapo mo naman!” sabi ni Dave.
Ngumiti lang ako.
Medyo nahihilo na ako. Pero sakto pa lang. Papunta pa
lang siguro ang tama ng alak.
“Si Rick tahimik nanaman, o,” biglang sabi ni Dave
habang nagsisindi ng sigarilyo.
“Ako nanaman nakita mo,” sagot ni Rick. Nagkatawanan
kami.
“Kamusta pala kayo ni Donna?” ang tanong ni Dave.
“So far, okay naman,” tipid ang sagot ni Rick. Ayaw mag-
share, a!
“Ba’t pala ang aga umuwi no’n?” sabi ni Anthony.
Tinagayan niya si Rick.
“Uuwi ng Bicol bukas ‘yun e. Do’n magpapasko sa bahay
ng mga magulang niya,” sagot ni Rick. Inubos niya ang laman
ng baso.
“Ikaw, Eman?” Inabot niya sa’kin ang baso na may

139
lamang alak. “May chicks ka ba ngayon?”
“Naku, wala pre. Career muna ang priority ko,” sagot ko.
Honestly. “Ikaw?”
“Wala rin. Wala pang dumadating,” sagot ni Anthony. Si
Dave na ang tinagayan niya.
Uminom muna si Dave bago nagsalita. “Pero siguro
naman nung nag-college kayo naka-diskarte naman kayo
kahit papano?”
“Naman,” sabay kaming sumagot ni Anthony.
“Ako na isang lang ang girlfriend since college.” Sabat ni
Rick.
“D’yan ka sa Donna mo!” sabi ni Dave. Tumingin siya
sa’kin sabay tanong: “Ilang relationships napasok mo nung
college?”
Nag-isip muna ako bago sumagot. Hindi ko ga’no
matandaan sa totoo lang. Hindi naman kasi ganon ka-
memorable ang college life ko e. Dumadaan lang na parang
hangin ang mga relasyon pinasok ko. At maniwala ka, wala
lang talaga ang lahat. Kaya, sinagot ko na lang e “Hindi ko
matawag na relationship ‘yun e. Fling siguro. Kung ilan, ‘di
ko matandaan,” Ang totoo n’yan e hindi ko talaga mabilang.
Pero hindi ko na sinabi ‘yun.
“Ikaw, Anthony?” tanong ni Dave.
“Hmm…isa lang. Anne ang pangalan. Mabilis lang din.
Siya nakipag-break,” sagot ni Anthony.
“Bakit?” tanong ni Rick.

140
“Seloso ‘ko, pre,” sagot ni Anthony.
“Pa’nong seloso? ‘Yung tipong kahit may kausapin lang
siyang guy e nababadtrip ka na?” tanong ni Dave.
“Hindi naman. O.A na ‘yun e. Parang ano…basta. Hirap
mag-explain. Naka-inom ako,” sabi ni Anthony sabay ngiti.
“Ikaw, Dave?” ako naman ang nagtanong.
“Marami akong naging girlfriend, but not that special,”
sabi ni Dave.
“Buti pa’ko, stick to one,” pagmamalaki ni Rick.
“Oo, lupet mo nga e,” lang ang nasabi ko.
Dumaan ang sandaling katahimikan. Tuloy ang inuman.
“Alam niyo mga pre, para tayong hindi mga professional
kung mag-usap. Tignan mo si Dave, parang hindi supervisor.
Si Rick parang hindi doktor—” sabi ni Anthony.
“Ikaw parang ‘di dentista kung makainom,” sundot ko.
“Walang konekyon ‘yon brad. Yosi lang ang talagang
masama kaya ‘yun ang tinigil ko,” sabi ni Anthony.
“Ano kaya ang sasabihin ng mga pasyente ko ‘pag nakita
nila akong ganito?” tanong ni Rick.
“Baka lalong magkakasakit,” biro ko. “Bakit, iba ba
attitude mo ‘pag nasa loob ka ng ospital?”
“Siyempre naman,” sagot ni Rick. Nagsindi siya ng
sigarilyo.
“Pa’no kaya kung malaman ng mga pasyente mo na gago
ka rin nung high school?” sabi ni Dave.

141
“Pa’no kamo kung malaman ng mga taong nakakasalimuha
natin sa araw-araw kung ano tayo noong mga totoy pa tayo?”
biglang sabi ni Anthony. Tumawa lang kami. Oo nga, ano nga
kaya ang mangyayari? Wala naman sigurong magbabago.
Ang mga totoy na pasaway at maloloko dati, ngayo’y mga
propesyonal na nag-aambag ng pawis at dugo sa lipunan.
“Ako, masasabi ko, wala akong pinagsisisihan. May mga
nagawa man akong mga kalokohan, ngayon sa pagiging
doktor, gumagawa naman na siguro ako ng tama para
mabawi yung mga mali dati.”
“True,” sabi ni Anthony. “Ako siguro, mas gusto kong
isipin na sana e noon pa lang naging maayos na ako. Pero
tulad mo, wala akong pinagsisisihan. Tinatawanan ko na
lang ang nakaraan. Patunay lang na isa akong tao na nangapa
at nangarap sa daan ng buhay.”
Tatango-tango lang si Dave. “Pero masaya talaga tayo
noon high school.”
“Ang sarap-sarap balikan,” sabi ni Anthony.
“Teka, may naalala ako tungkol dito kay Eman,”
nakatingin sa’kin habang nagsasalita si Rick. “Naalala ko
‘yung hypothesis mo about do’n sa drinking fountain!”
Bumalik sa’kin ang sinasabi niya. Napangiti ako at
natawa. Noon kasi, isang malaking misteryo sa’kin kung
saan nanggagaling at napupunta ‘yung tubig sa drinking
fountain—‘yung aapakan mo and then lalabas ‘yung tubig.
Tapos, ‘yung mga hindi nasahod ng bibig mo e mapupunta
dun sa butas-butas (drainage?). Ang teorya ko kasi noon
e ang pangyayaring ‘yon sa fountain ay isang cycle: ang
142
natatapon na tubig ay bumabalik lang upang mainom ulit.
Tumawa kami ng malakas. Maluha-luha si Rick.
“Pero, mga pre, gusto kong malaman niyo na masaya
ako’t nagka-sama-sama ulit tayo,” sabi ni Dave.
“Sana, next time buong section na ‘no? Tapos buong gabi
magkakasama,” sabi ni Rick.
“Medyo imposible. Kasi ‘yung iba nasa ibang bansa,
‘yung iba nakalimot na, at ‘yung iba, tulad ni Erika, e wala
akong balita,” sagot ni Dave.
Ubos na ang laman ng bote. Pumunta si Dave sa kusina
para siguro kumuha ng panibagong bote. Medyo lumalakas
na ang hilo ko, pero okay lang. Kaya pa. Nagsindi ako ng
sigarilyo at tumingala sa kisame.
Sa totoo lang, hanggang ngayon, binabangungot pa rin
ako nung teorya ko about do’n sa drinking fountain. Alam
ko, parang immature, pero lagi ‘tong namamahay sa isip ko.
Parang ‘yung mga alaala ko noong high school at college at sa
lahat ng mga nangyaring nakalipas na: Si Erika, ang babaeng
mahal ako pero hindi ko mahal na ngayo’y wala na akong
balita, ang mga babaeng nakatabi sa kama at sa paggising
ko’y wala na, at siyempre, ang S4. Siguro, ang buhay ay
parang drinking fountain. At ang tubig ay alaala. Sa buhay
dadaan at aagos ang mga pangyayari na maaring sayangin,
o kaya sapuhin at inumin. May mga nasayang man, dadaloy
naman ito pabalik. Hindi nauubusan ng laman. ‘Yun e kung
tama ang teorya ko.
Nilapag ni Dave sa bakal na mesa ang bagong bukas na

143
bote ng brandy.
“Eman, okay ka lang?” napansin ata ni Anthony na kanina
pa’ko nakatunganga. “Lasing ka na ba?”
Saglit pa akong tumitig sa kawalan. Sana tama ang
teorya ko. Kasi kung hindi baka makalimutan ko na ang lasa
ng alaala.
“Hindi pa. Tagay lang,” sabi ko kay Anthony, na ngumiti.

144

You might also like