You are on page 1of 7

PANITIKANG FILIPINO

GEED 10133
KABANATA 1

PANAPOS NA GAWAIN 1
Panuto: May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon
ng malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay
kung paano ka kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong
pinaniniwalaan mo na iyong sinusunod? Isulat ang iyong kuwento.
Sagot:
Sa mga lumipas na panahon, masasabi kong mula noon at hanggang ngayon ay
marami na rin akong nalaman na iba’t-ibang anyo ng panitikan. Ito ay ilan sa mga
pahayag, mga kataga, o kaya’y mga naisulat na akda na nakikita at nababasa ko sa
ilang magasin, dyaryo, at ngayon sa social media na gamit ang makabagong
teknolohiya. Masasabi kong malaki ang impluwensiya ng mga ito sa aking mga
paniniwala o pananampalataya sa kung paano ako nabubuhay at tumatayo sa aking
mga sariling paa ng nakaayon sa aking prinsipyong pinaniniwalaan.

Ilan sa mga ito ay ang hango sa Bibliya sa Filipos Kabanata 4 Bersikulo 13 na


sinasabing “Ako ay may sapat na lakas na gawin ang lahat ng mga bagay sa
pamamagitan ni Cristo na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” Simula ng marinig at
mabasa ko ito, talagang tumatak sa aking isipan at hanggang ngayon ito ay isa sa aking
pinanghahawakan dahil ako ay isang mahinang nilalang kapag wala sa’king puso ang
ating Panginoon. Noong mga panahon na ako’y nanghihina at walang magawa kungi
ang umiyak, isang tao ang nagpaalala sa’kin na lumapit sa Panginoon at tinanong ako
kung ano raw ang aking life verse, bigla kong naalala ang Filipos 4:13 na pinapahiwatig
sa’kin na kayang-kaya ko ang lahat ng mga problemang dinadala ko dahil sa kalakasan
na binibigay sa akin ng Panginoon. Dahil rito, nagbago ang aking pananaw sa
paghawak ng ibat’-ibang sitwasyon o kahit ito man ay mga problema. Naging mas
positibo ang aking pag-iisip dahil alam kong makakayanan at malalagpasan ko lahat ng
iyon dahil sa napakagandang biyaya ng Panginoon na ito.
Isa pa sa mga nakaimpluwensiya sa akin ang pahayag na “Everything happens
for a reason”. Sa lahat ng ating ginagawa, ito’y may dahilan kung bakit nangyayari at
minsan hindi man natin gustuhin ay bigla na lang mangyayari. Itong pahayag na ito ang
isa sa mga sinasabi ko rin sa sarili ko na laging may dahilan kung bakit ako ngayon
nakakaranas ng problema o mga bagay na hinggil sa aking pinaniniwalaan. Kailangan
lang nating magtiwala sa’ting mga sarili at maniwalang hangga’t nabubuhay ay may
pag-asa. Alam kong makakayanan natin itong lahat basta’t tayo ay manindigan sa alam
nating makakabuti para sa ating sarili, para sa ating mga kapwa-tao, at para sa ating
kapaligiran.

PANAPOS NA GAWAIN 2
Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na
maaaring naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya)
na hindi pa nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o
kaya’y kakilala. Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.
Sagot:
“Ang Alamat Ng Gapan”

May isang batang matigas ang ulo. Hindi siya sumusunod sa payo ng kanyang
ina bagkus ay ginagawa pa niya ang mga bagay na ayaw ng kanyang ina. Siya ay si
Badoy. Minsan, pagkatapos magsaing, si Badoy ay nanaog ng bahay at pumunta sa
kanilang bakuran. Lumakad siya nang lumakad ngunit hindi siya makarating sa kanyang
patutunguhan. Inisip niyang umuwi nguni't hindi na niya makita ang daan pauwi. Sa
pagod ni Badoy ay nagpahinga siya sa isang punung kahoy at nakatulog. SamantlIa,
ang nanay niya ay hindi mapakali sa kahahanap sa nawawalang anak. Tumulong na rin
ang ilang kapitbahay niya sa paghahanap. "Tila ang anak ninyo ang nakita ko roon sa
kabilang bukid. Paikot-ikot siya sa dalawang puno na para bang pinaglalaruan ng
tiyanak," wika ng isa. "Kung hindi ninyo siya makita, kumuha ka ng bilao, ipukpok ninyo
sapuno ng hagdan at tawagin nang mnalakas ang kaniyang pangalan," ang payo
naman ng isang magsasaka.
Sinunod iyon ng ina ni Badoy nguni't napagod lang siya pero walang dumarating
na Badoy. Si Badoy ay nagising sa malakas na palahaw ng iyak ng isang sanggol.
Hubad ito at malaki ang tiyan. Nakahiga ito sa isang dahon ng sagging, Kinalong ni
Badoy ang sanggol, pinaghele, nguni't patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Nayamot na si
Badoy at akmang papaluin ang sanggol ng biglang magbago ito ng anyo. Ang sanggol
ay naging matanda, mahahaba ang buhok at balbas at mukhang hindi naliligo ibinagsak
ni Badoy ang matanda at kumaripas ng takbo. Nang lumingon siya, muli siyang natakot
nang nawala ang matanda. Takbo siya nang takbo nguni't sa paligid lamang pala ng
kawayanan tumatakbo. Magdidilim na noon at si Badoy ay pagod na pagod na. Nadapa
siya pero nagpumilit pa rin siyang makauwi kahit na siya ay gumagapang na sa hirap.
Samantala, ang ina naman at kasama ay may lungkot na pauwi. Laking gulat pa nila
nang makita si Badoy na gumagapang sa matinding pagod. Gumapang siya nang
gumapang dahil sa pinaglalaruan siya ng tiyanak. "Iyan ang napapala ng batang
salbahe at matigas ang ulo. Mabuti at hindi ka niya kinagat. At mabuti na rin at nabigkas
mo ang Hesus, Maria at Jose. Kaya ikaw lagi kang magdarasal."

Magmula noon ay naging bukambibig na ng mga tao ang "Baka matulad ka kay
Badoy, gapang nang gapang." Dahil dito, ang pook na kinaroroonan ng bukid na
napaliligiran ng kawayan na kung saan nakita si Badoy na gumagapang ay
pinangalanang Gapan. Sa ngayon ang Gapan ay isang bayan sa lalawigan ng Nueva
Ecija.

PANAPOS NA GAWAIN 3
Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc “Sa classroom, may batas. Bawal
lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas.
Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos mo yung law ng classroom niyo at
sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.” Ipaliwanag kung paanong umabot
ang pahayag niyang ito na mula sa anyong tuluyan ay naging isang awit o anyong
patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng simpleng pahayag na ito at nagkaroon ng
sampung milyong views sa youtube. Talakayin.
Sagot:
Noong panahon ng kasagsagan ng pandemya, kasabay nito ang isa sa isyung
pag-shutdown sa istasyon ng ABS-CBN ng administrasyon ng Pangulong Rodrigo
Duterte. Dahil sa pangyayaring ito, maraming nagsilabasang iba’t-ibang hinaing o
opinyon mula sa mga malalaki at kilalang personalidad sa nasabing istasyon. Isa na rito
ang binansagang “Chinita Princess” na si Kim Chu ang nagpahayag ng kanyang
saloobin sa naturang pangyayari. Ayon sa viral video Kim Chu, ipinapaliwanag niya ang
kanyang hinaing sa pamamagitan ng pagkumpara sa pagsasara ng ABS-CBN sa mga
pangyayari sa loob ng isang silid-aralan. Kitang-kita naman sa video na mapaliwanag
niya ng maayos ang kanyang saloobin, ngunit ang kinalabasan ay naging magulo ito
lalo na sa mga nakapanood nito. Sa palagay ko, nadala lamang siya ng kanyang
damdamin kaya ito ay hindi naging maayos, sa mga salita niyang napiling bigkasin, at
sa kadahilanang gusto niyang maibalik ang prangkisa ng nasabing istasyon.

Nang dahil sa pangyayaring ito, naging kontrobersiyal ang nasabing video sa


iba’t-ibang social media platforms. Iba’t-ibang reaksyon at komento ang natanggap ng
aktres mula sa video na nag-viral. Ilang araw rin siyang pinag-usapan at kung anu-
anong memes ang kumalat sa facebook kasama na rin dito ang ilang pambabatikos sa
kanyang pahayag. Bagamat masakit ang ganitong pangyayari para sa aktres, gumawa
siya ng paraan para malagpasan ito sa pamamagitan ng paglikha ng awitin o kanta
gamit ang kanyang mga sinabi. Naging inspirasyon niya ang kanyang pagkakamali at
ang lahat ng mga nambabatikos sa kanya upang maging positibo sa buhay.

PANAPOS NA GAWAIN 4
Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay
mapapansing nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa
pangangailangan ng sambayanan. Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga
panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat ng isang akda (maaring nasa anyong
patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng panahong iyon.
Sagot:
“Ang Bayaning Gamit Ang Tinta”

Sa pagsulat nagsisimula, mga salitang minumutya.


Gamit ang papel at pluma, para mapakita ang nilikha.
Mga akdang kasangkapan sa pagmulat ng mga mata,
Upang mamulat sa kamalayan sa pagmamalupit ng mga banyaga.

Mga nobela, sanaysay, o tula ay sadyang kahali-halina.


Ito’y magsisilbing liwanag sa kadilimang kinakaharap,
Upang masimulan ang rebolusyong tinatamasa.
Para ang mga Pilipino ay tuluyan ng malaya’t patuloy ng mangangarap.

Masakit isipin na ang bayang sinilangan ay unti-unti nang nakakalimutan.


Ngayon na ang simula, ipagpatuloy mo ang pagsusulat,
Dahil ito ang magdadala sa’tin sa maunlad na hinaharap.
Ang mga akda mo’y magsisilbing tanglaw sa lahat at magbibigay muli ng sigla’t halaga
sa puso ng bawat isa.

PANAPOS GAWAIN 5
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat tao?


Sagot:
Ang tao ang tagagawa ng panitikan at ang panitikan naman ang humuhubog sa
sangkatauhan na pinagtitibay ng kanilang kaisipan at nang kanilang pananaw at
prinsipyo sa buhay. Ang panitikan ang maghahatid sa atin pabalik sa nakaraan at para
makita natin ang kasalukuyang nangyari o mangyayari pa lamang. Malaki ang naging
impluwensiya ng panitikan sa mga tao dahil sa iba’t-ibang anyo nito. Sa pamamagitan
ng pagtalakay sa ating kasaysayan, iba’t-ibang kulturang kinagisnan, sa kung paano
tayo namumuhay, at ito rin ang isa sa dahilan kung bakit nagiging matibay ang
pundasyon ng mga mamamayan.

2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis ng


mga pamahalaan o pananampalataya?
Sagot:
Masasabi kong ang panitikan ay isa sa mga may malaking ambag sa ating
kasaysayan magmula noon at hanggang ngayon. Lalong-lalo na sa ating pamahalaan
at sa sariling pananampalataya. Higit na malaki ang naging papel ng panitikan bilang
instrumento sa pagbabagong bihis ng pamahalaan at pananampalataya. Ito ang iba’t-
ibang uri ng tuluyan o prosa na kung saan ginagamit ang mga ito upang maipabatid ang
kani-kanilang mensahe. Sa labis na tulong ng panitikan sa mga Pilipino, unti-unti
namang pinapalitan ng mga dayuhan ang iba’t-ibang paraan ng pamamahala at mga
kinagisnang pananampalataya ng mga Pilipino. Pinalitan nila ang ating nakasanayan
nang ayon sa kanilang bansa at isa na rito ang relihiyon na ipinalaganap nila sa atin na
nagagamit natin hanggang ngayon.

Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi pinahihintulutan


makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang mga kaparusahang
ipinapataw dito?
Sagot:
Ang bansang North Korea ay may uri ng pamahalaan na tinatawag na
“totalitarian state” kung saan sila ay nasa ilalim ng pamamamahala ng kanilang pinuno
at na kung saan siya lamang ang kailangan sambahin ng mga tao roon. Ipinagbawal
ang mga Bibliya at ang makukuhaan at makikitaan nito ay papatawan ng
pagkabilanggo, pagpapahirap at kamatayan tulad ng hanggang sa tatlong henerasyon
ng kanilang pamilya. Sa iba namang mga bansa na kagaya ng Morroco at Libya, ilegal
ang pagsalin ng Bibliya sa kanilang wika at illegal rin ang pagdadala nito sa loob ng
bansa.
Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa Europe
ang preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa mga panitikan ng
kanilang bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at halukayin ang ating mga
sinaunang panitikan bilang tunay na pagkakakilanlan ng lahing Pilipino? Ipaliwanag.
Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng Preserbasyon ng
Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.
Sagot:
Ayon sa mga nabanggit na bansa, lingid sa ating kaisipan na ang mga ito ay
malalaki at kilalang bansa. Mabilis ang paglago ng ekonomiya ng mga bansang ito dahil
sa paraan ng pamamahala at mga kulturang pinagyayaman. Mapapansin sa mga
bansang ito na ang preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa
mga panitikan ng kanilang lugar ay patuloy na nagagamit at naipapasa sa iba’t-ibang
henerasyon. Magmula noon at hanggang ngayon, ang kanilang mga kinaugaliang
gawain ayon sa mga panitikan ng kanilang bansa ay binibigyang halaga dahil sa mga
paniniwala ng mga tao rito. Kaya’t masasabi kong mahalagang balikan at halukayin ang
ating mga sinaunang panitikan upang mahalin ang sariling atin at bilang patunay sa
pagkakakilanlan ng ating lahi sapagkat ito ang magdudugtong sa atin sa kung paano
binuo at nabuo ang kasaysayang bumubuhay sa atin at nagpalaya sa’ting mga Pilipino.

You might also like