You are on page 1of 39

Aralin 2.

3
Ang Peke (Dula)
•Ano ang tunay na
kahulugan ng buhay
at sa paanong paraan
ito maaaring
makabuluhan?
“Ang buhay ay hindi lamang
pagkain, pagtulog, at
pagbibigay sa mga
kailangan ng katawan.
Gawin itong makabuluhan,
hanapin ang tunay na
kahulugan.”
___ Damang-dama ang labis na bigat ng
kalooban ng dalaga sa kanyang malakas na
paghagulgol nang pilitin siyang ipakasal sa
hindi niya iniibig.
____ Tahimik na paghikbi ang maririnig sa
dalaga nang kausapin siya ng iba.
____ Hindi napigil ng dalaga ang pag-iyak
dahil hindi na niya kayang itago ang sama
ng loob sa kagustuhan ng ina.
____ Nakaramdam si Mayang ng inis sa
tuwing makikita niya si Goryong, ang
lalaking gustong ipakasal sa kanya ng
magulang.
____ Nakadama ng galit si Mayang nang
ayaw pakinggan ng ina ang kanyang
paliwanag.
____ Labis na pagdaramdam ang nadama
ni Mayang dahil ipapakasal siya sa lalaking
hindi niya iniibig kapalit ng isang kalabaw.
____ Ang lalong paglalapit ng kalooban
nila ni Mayang ay nagpasaya kay
Felix.
____ Nagpangiti kay Felix ang
pagbibigay sa kanya ni Mayang ng
bahaw na kanin at daing.
____ Labis na kaligayahan ang
nadama ni Felix nang ikasal sila ni
Mayang.
DI
TUNAY

BALAT-
KAYO PEKE HUWAD

PLASTIK
• TAUHAN
• TAGPUAN
• KABANGHAYAN
• SIMULA
• TUNGGALIAN
• KASUKDULAN
• KAKALASAN
• WAKAS
May mga tradisyong
naipakita mula sa
napakinggan o nabasang
dula. Lagyan ng tsek ( )
ang kahon kung nabanggit
ito sa dula at ekis (X)
kung hindi.
May mga tradisyong
naipakita mula sa
napakinggan o nabasang dula.
Lagyan ng tsek ( ) ang kahon
kung nabanggit ito sa dula at
ekis (x) kung hindi.
Pagbibigay ng bugay
tulad ng kalabaw sa pamilya
ng mapapangasawa
pamamanhikan
panggagamot ng
albularyo
panghaharana
pagpapadala ng pamilya
ng lalaki ng tuba o alak sa
tahanan ng babae para sa
pamamanhikan
pagpili ng magulang ng
mapapangasawa ng kani-
lang anak
seremonyas sa pagsilang
ng sanggol
seremonyas sa paglilibing
Takdang Aralin:
1. Panuorin sa You Tube ang
alinman sa makukulay na
pestibal o kapistahan ng
Kabisayaan.
2. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
a. Ano-anong katangian ng mga
Bisaya ang masasalamin sa
kanilang mga pestibal?
b. Kung ikaw ay taga-Bisaya, ano ang
sasabihin mo sa mga kaibigan
mong taga-ibang lugar upang
maakit silang dumalaw sa inyong
lugar at makisaya sa alinmang
pestibal na pinagdiriwang dito?
c. Paano mapananatili ang
makukulay at masasayang
pestibal na tulad ng mga
ito?
Lianne: Donna, Kaye,
bakit nga ba tayo
bumabangon sa umaga?
Ano nga ba ang kahulugan
ng buhay natin?
Donna:Bumabangon ako
para sa aking pamilya. Isa
pa’y gusto kong pumasok
nang maaga sa paaralan para
matuto at matupad ang
pangarap kong makapagtapos
at maging isang abogado.
Kaye:Tama ka, Donna!
Napakahalaga ng bawat oras
sa buhay ng tao para ubusin
lang sa pagpupuyat sa
paggamit ng gadget at
paghiga sa kama hanggang
tanghali.
Lianne:Tumpak iyan,
mga Bes. Marami pa
tayong kailangang gawin
para maging mas
makabuluhan ang buhay
natin.
Donna:Minsan akala natin, dahil bata
pa tayo ay mahaba pa ang oras natin
para mahanap ang tunay na kahulugan
ng buhay natin. Subalit hindi natin
alam kung gaano ba tayo tatagal sa
mundo. Noong isang buwan lang ay
yumao sa edad na labinsiyam ang
pinsan ko dahil sa isang sakuna.
Lianne: Tunay nga, Sabi nga sa kanta,
“Minsan lamang ako daraan sa daigdig na
ito
Kaya anuman ang mabuting maaaring gawin
ko ngayon
O anumang kabutihan ang maaari kong
ipadama
Itulot Ninyong magawa ko ngayon ang mga
bagay na ito.”
Kaye: Kaya nating, maging bahagi ng
pagbuti ng lipunan! May magagawa tayo
kahit sa ating munting paraan.
Lianne: Tara! Huwag nating hayaang
lumipas ang maghapon sa buhay natin nang
wala man lang tayong nagagawang mabuti
para sa ibang tao. Ito rin ang susi sa tunay na
kaligayahan!
Donna at Kaye: Bes, sama kami riyan!
Kaya natin ito!
• Totoo/Tama • Siyempre
• Tunay • Naniniwala akong…
• Talaga • Kaya mong maging
bahagi ng…
• Tumpak
• Sama na…
• Pero/subalit
• Tara…
• Kaya natin ito
• Kitang-kita mong…
• Siguradong… • Ito na…
• Ngayon na!

Mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat


Punan ng angkop na pahayag o
salitang nanghihikayat ang linya
upang makabuo ng mga
pangungusap na nanghihikayat.
1. ________ na mahalaga ang ating
pagkakaisa para magtagumpay ang
ating hangarin.
2. _________ may pag-asa ang lahat
para magbago.
3. __________! Lahat tayo ay
puwedeng magbago tungo sa kabutihan.
4. _________ sumama tayong mga
kabataan para makatulong sa mga
nangangailangan.
5. __________ ang simula ng isang mas
magandang mundo!
Kilalanin ang mga pahayag at salitang
nanghihikayat sa mga sumusunod na
pangungusap.

1. Naniniwala akong may magagawa ang


bawat isa sa atin upang maging
makabuluhan ang buhay natin sa mundo.

Pagsasanay
2. Tama! Lahat tayo’y may magagawa
kung nanaisin natin.
3. Tara, sama na!
4. Ngayon na! Kung ipagbababukas pa
natin ang pagtulong ay baka huli na.
5. Kaya natin ito basta tayo’y sama-
sama.
6. Talagang kailangan ng iba ang tulong
natin.
7. Siguradong mababawasan ang galit
at kasamaan sa mundo kung mas
marami ang magpapakita ng paggalang,
pagmamahal, at pagkalinga.
8. Tara, gamitin natin ang
kapangyarihan ng social media
9. Sama na! Gawing makabuluhan ang
buhay mo kaibigan!
10. Tumpak! Gawin natin iyan para na
rin mahanap mo ang tunay na
kaligayahan.
EDITORYAL/PANGULONG
TUDLING
bahagi ng pahayagang
nagsasaad ng mapanuring
pananaw o kuru-kuro ng
pahayagan tungkol sa isang
isyu
itinuturing itong tinig ng
pahayagan dahil mababasa ang
paninindigan nila ukol sa isang
napapanahong isyu
ito rin ay naglalayong mag-bigay
kaalaman, magpakahulugan,
humikayat, at kung minsa’y
lumibang sa mambabasa
3 BAHAGI NG EDITORYAL
oPanimula - dito binabanggit ang
isyu, paksa o balitang tatalakayin
oKatawan – ipinapahayag ang
opinyon o kuru-kuro ng patnugot.
Maaaring ilahad ito sa
pamamagitan ng paglalarawan,
gayundin ang pro (pagpanig)
o con (pagsalungat) sa isyung
tinatalakay
oWakas – ipinapahayag ang
bahaging panghihikayat o
paglalagom upang mabuo sa
isipan ng mambabasa ang
pananaw na nais ikintal ng
editoryal
MGA URI NG EDITORYAL
1. Nagpapabatid – ipinapaliwanag o
nililinaw ang isang isyu
2. Nagpapakahulugan –
binibigyang-kahulugan ang isang
pangyayari
3. Namumuna – panunuri ngunit
hindi pagbatikos tungkol sa isang
mainit na isyu
MGA URI NG EDITORYAL
4. Nanghihikayat – mabisang
panghihikayat sa mga mambabasa
upang sumang-ayon
5. Nagpapangaral/nagbibigay-puri
– nag-uukol ng papuri o karangalan
sa isang tao o kapisanang nakagawa
ng kahanga-hanga
MGA URI NG EDITORYAL
6. Nanlilibang – nahahawig ito sa
sanaysay na impormal.
Tumatalakay sa anumang panig ng
buhay, kaya’t madalas na
nakawiwili ang paksa, nakalilibang
sa mambabasa, o nakapagbabalik
ng masasaya o maging sentimental
na alala.
MGA URI NG EDITORYAL
7. Nagpapahalaga sa natatanging
araw – tinatalakay nito ang mga
pambansang pagdiriwang gaya ng
Pasko, Mahal na Araw, Todos Los
Santos, Bagong Taon, at iba pa.
Performance Task No. 4
Bumuo ng isang editoryal na
nanghihikayat upang makumbinsi mo
ang mga mambabasa. Pumili sa mga
sumusunod na paksa:
1. Kabataan, alila ng teknolohiya
2. Kapayapaan at Pagbabago
3. Huwag sirain ang Inang Kalikasan

You might also like