You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino

S.Y. 2019-2020

Asignatura: Filipino 7
Baitang at Seksyon: Ikapitong baitang – Our Lady of Miraculous Medal
Petsa:
Guro: Bb. Celyn Niña Grace H. Natural 

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

nakikilala ang kuwentong-bayan na lumalaganap sa bansa,


natutukoy ang katuturan at kahalagahan ng mga kuwentong-bayan,
nakasasagot ng mga katunungan batay sa pinag-aralan,
naisasapuso ang aral na nakuha sa paksang tinalakay,
nalalaman ang paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay, at
nakakabuo ng sariling kuwentong bayan na ukol sa pangyayari sa kanilang kapaligiran.

II. Paksang Aralin

Pamagat : Si Usman, Ang Alipin


Sanggunian : Pinagyamang Pluma, Wika at Panitikan para sa Mataas na
Paaralan - Ikalawang Edisyon ; Ang Kuwentong - Bayan –
pahina
6-25
Kagamitang Panturo : Powerpoint Presentation, mga bidyo at larawan na
may kaugnayan sa paksa, laptop
Aral : “Ang anumang kakulangan o kapintasang taglay mo, hindi dapat
maging hadlang sa iyong pagiging mabuting tao.”

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pambungad na panalangin
Pagbati
Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
Pagbibigay ng alituntunin sa klase
Pagtala ng liban
Pagbabalik-aral
B. Panlinang ng Gawain
Pagganyak
Ang guro ay aanyayahan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang grupo na may
sampung miyembro. Pagkatapos ay pipila ang bawat grupo sa harapan ng kanilang guro. Ang
nasa unahan sa linya ng bawat grupo ay bibigyan ng kapirasong papel ng guro na may katagang
“Kuwento mo ang kuwentong ikinuwento ko sa’yo sa kakuwentohan mo at kuwentohan mo na
ikuwento ang ikinuwento ko sa’yo sa kakuwentohan niya.” Kinailangan na ang nasa unahan sa
linya ng bawat grupo ay kinailangang kabisaduhin ang linyang iyon upang maipasa sa nakasunod
sa kanya at ipasa ang linyang ito hanggang sa makarating sa dulo. Ang nasa hulihan ng linya sa
bawat grupo ay siyang pupunta sa harap at ilahad ang linya sa buong klase. Ang sinumang
maunang mailahad ito ng tama ay siyang panalo.

C. Paglalahad ng Paksa
Ang guro ay may ipapakitang iba’t-ibang larawan ng isang alipin.
Habang ipinapakita niya ito sa buong klase, ikinukuwento niya ang kuwentong mula sa
Mindanao; Si Usman, Ang Alipin.

Sa kalagitnaan ng talakayan, itatanong ng guro ang mga sumusunod:


1. Ano ang napansin niyo sa larawan?
2. Ano ang iyong masasabi sa kalagayan ng naturang tauhan sa kuwento?
3. Maari bang mayroong kabutihang loob ang isang alipin?
4. Sa pamamagitan ng mga larawang ito, maaari niyo bang ilahad o hulaan kung ano ang
magiging paksa natin sa araw na ito?

D. Pagtatalakay
Mahabang diskusyon ukol sa paksa.

Pagkatapos ng diskusyon, itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong:


1. Kung maririnig ninyo ang salitang “kwentong-bayan”, ano ang iyong masasaisip?
2. Ano nga ba ang mga kuwentong-bayan? Sinu-sino ang mga lumilikha o gumagawa ng
mga ito?
3. Ano ang kahalagahan ng mga kuwentong-bayan?
4. Paano natin malalaman na ang isang kuwento ay peke o totoo?
5. Ano ang maaaring mangyari sa isang tao kapag siya gagawa-gawa ng mga kuwentong
walang patunay?
E. Paglalahat
1. Bakit mahalagang pag-aralan o matutunan natin na pagyamanin ang mga kuwentong-
bayan sa ating bansa?
2. Bakit mahalagang igalang at bigyang-halaga ang isang tao, anuman ang katayuan o
kalagayan niya sa lipunan?

F. Paglalapat
Ang guro ay aanyayahan ang mga mag-aaral na bumalik sa kanilang grupo at humanap
ng isang lugar kung saan sila maaring umupo. Ang bawat grupo ay gagawa ng eksena na
sumasalamin sa anumang kuwentong natalakay o nalalaman nila, pakikipagkapwa tao,
pagrespeto sa anumang antas na mayroon ang isang tao sa lipunan, maari ring mga umaangat na
kontrobersiyal na issue sa lipunan at ibahagi ito sa klase. Ang mga mag-aaral ay mayroon
lamang limang minute para bumuo ng eksena. Kinailangang mayroong tagapagkuwento at mga
karakter na gaganap sa kuwento.

Pagkatapos ay tatanungin ng guro ang mga sumusunod:


1. Pagkatapos ng gawain, natutunan niyo bang pahalagahan ang pagpapalalim ng inyong
kaisipan ukol sa mga kuwentong-bayan?

IV. Pagtataya/Ebalwasyon:
Gumawa ng isang kuwentong-bayan na sumasalamin sa realidad ng buhay. Maaring
ihalintulad ito sa mga paksang natalakay o sa mga umaangat na issue sa lipunan. Mas mainam na
lagyan ito ng mga katagang patunay upang mailahad ito sa buong klase. Ilagay ito sa isang short
– sized bondpaper. Maari itong ipasa na isinulat o gamit ang kompyuter.

Prepared by:
BB. CELYN NIÑA GRACE H. NATURAL
Subject Teacher

Checked by:
MRS. ELEANOR B. BACALSO
Academic Coordinator

Noted by:
SR. JOSEPHINE D. ATIVO, A.R.
Basic Education Principal

You might also like