You are on page 1of 4

PAGDULOG SOSYOLOHIKAL

(MAIKLING KWENTO)

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nabibigyang diin ang suliraning kinakaharap sa maikling kwento;
B. Nakapagbibigay ng suhestyon sa suliraning panlipunan nakuha mula sa kwento at;
C. Naisasagawa ang mga plano sa sariling komunidad.

II. PAKSANG ARALIN

PAMAGAT: Si Pinkaw ni Isabelo S. Sobrevega (Maikling Kwentong Hiligaynon)

SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 7 nina Ailene G. Baisa-Julian et al., p235.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULA
● Panalangin
● Pagbati sa klase
● Pagsasaayos ng klasrum
● Pagtatala ng mga dumalo

● Pagganyak o Motibasyon
-Ang pamukaw-sigla na gagawin ay pinamagatang: Gusto Mo?
-Mayroong mga pagpipilian ang mga mag-aaral.
-Sila ay tatayo sa likod ng klase.
-Kung ang pipiliin nila ang larawan na nasa kaliwa ay uupo sila sa mga
upuan na nasa kaliwa at gayon din kung pipiliin nila ang nasa kanan.
-May pagkakataon na ang guro ay magtatanong kung bakit ito ang pinili ng
mga mag-aaral.

GUSTO MONG…?
1. Mayaman ngunit nag-iisa O Mahirap ngunit may malalapitan?
2. Maganda ngunit baliw O Seksi ngunit tapon ulo?
3. Matalino ngunit mataba O Payat ngunit madiskarte?
4. Masaya ngunit inggit sa buhay ng iba O Malungkot ngunit masaya para
sa iba?
5. Tirang pagkain O Naitapon na mga gamit?
6. Marunong kumanta ngunit hindi sa sayaw O Marunong sumayaw
ngunit hindi sa pagkanta?
7. Ikaw ang tutulong O Ikaw ang tutulungan?

(Ang motibasyong ginawa ay naglalayon na ipakita sa mga mag-aaral na


walang perpektong bagay. Lahat ay may subalit at nasa sa atin na ang
pagpapahalaga kung anong meron tayo at kung paano natin ito
payayabungin.)

● Pag-uugnay
Ipakita ang bidyu sa mga mag-aaral
Fita Commercial: Sports Car
https://www.youtube.com/watch?v=vxUy56Y-cNM

Pagkatapos panoorin ang patalastas ay tatanungin ang mga mag-aaral ng


mga sumusunod na tanong?
1. Kung sa totoong buhay ito nangyari, walang kahilingan na matutupad
at hindi diwata ang matanda, tutulungan o bibigyan mo pa rin ba siya
ng makakain o anuman? Bakit?
2. Paano kung ang hihingi ay isang madungis at mabahong tao na kilala
ng mga tao bilang isang baliw, tutulungan o bibigyan mo pa rin ba?
3. Paano kaya kung may isang kahali-halinang tao ang aabot sayo ng
tulong, tatanggapin mo ba?
4. Paano naman kung aalalayan at tutulungan ka ng isang taong
kakalaya lang sa pagkabilanggo, tatanggapin mo pa rin ba?

(Ang mga naibatong tanong ay mai-uugnay sa paksa ng maikling


kwentong babasahin.)

B. PAGLALAHAD
- Ipapahanda ng guro ang aklat na Pinagyamang Pluma 7 at aatasan na
buksan ito sa pahina 235.
- Hahatiin ang klase sa apat na pangkat at bibigyan sila ng bahagi ng
kwento na sila mismo ang magbabasa.
- Bibigyan sila ng sampung minuto upang makapaghanda at magkaroon
ng kasunduan kung sa papaanong paraan ang bahagi ng kwentong
nakaatas sa kanila kanilang ipapahayag.

Sila ay mamarkahan ayon sa mga sumusunod:

Pagkamalikhain sa pagkwekwento: 30pts.


Tinig at Linaw ng Boses: 20pts.
Kabuoan: 50pts.

C. PAGTATALAKAY
- Pagkatapos ng malikhaing pagbabasa ng kwento ay tatalakayin ng guro
ang mga sumusunod:

1. Pinkaw

Ipagpalagay natin na si Pinkaw ay nasa


larawan. Ito ay ipapaskil ng guro sa
pisara. Mayroong mga strips ng papel na
maaring sulatan ng mga mag-aaral tungkol sa mga
katangian o katayuan ni Pinkaw na tumatak sa kanila. Ang
mga naisulat ay itatanong sa mga mag-aaral kung gusto
ba nila ito o hindi.
2. Paksa o Tema ng Maikling Kwento

- Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano sa tingin nila ang nais
ipahiwatig ng maikling kwento.
(Ang maikling kwento ay pumapaksa sa mahihirap at walang pantay na
pagpapahalaga sa kapwa dahil sa kanilang anyo, hitsura, kulay, antas ng
pamumuhay, at iba pa)

- Upang mas maging kontekstwalisado, tatanungin ang mga mag-aaral ng


mga sumusunod:
May kilala ba kayo na tulad ni Pinkaw?
Ano ang trato ng mga taong nakapaligid sa kaniya?
Ang suliraning ito ba ay nakikita niyo sa ating lipunan?
Maari niyo bang ibahagi ang inyong mga natunghayan o
naranasan?
Bilang isang mag-aaral, kabataan, anak, o ‘di kaya ay kapwa
Pilipino, ano ang iyong magagawa upang kahit papaano ay bigyang kamalayan ang mga
mamamayan sa ganitong problema ng lipunan?

(Ang huling katanungan ay magbubukas ng mga paraan o suhestyon at ito ay


malilinang at maisasagawa sa mga sumusunod na gawain:)

D. PAGPAPAHALAGA

SLOGAN
-Ipagpalagay na sinabihan ang mga mag-aaral na magdala ng kagamitang pansining. Ito
ay gagawin ng tatluhan upang mapadali ang paggawa ngunit may bisa naman ng
pagtutulungan. Sa isang short bondpaper ay gagawa ang mga mag-aaral ng isang slogan
na naglalayong ipahiwatig ang suliraning panlipunan sa mga mamamayan.
Ang pagmamarka ay nakabase sa:
Kaayusan ng ideya: 20pts.
Pagkamalikhain: 30pts.
Mensahe na ipinapahiwatig: 50pts
Kabuoan: 100pts.

Mayroong piling mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga slogan.

PANGKATANG GAWAIN
Magkakaroon ng pagpapangkat na mayroong walong miyembro lamang. Ang mga
mag-aaral ay gagawa ng isang Outreach Program Proposal batay sa format:

Outreach Program Proposal


Pangkat:
Pamagat:
Deskripyson:
Kadahilanan:
Mga taong matutulungan:
Petsa at Lugar ng Implementasyon:
Layunin: 1.
2.
3.
Repliksyon:
Dokyumentasyon:

IV. KASUNDUAN/TAKDANG ARALIN


PLEASE REFER SA PANGKATANG GAWAIN MAM. LIKE I-CONNECT UNSA PAY
BUHATON UG DEADLINE SA OUTPUT. IKAW NASAD BAHALA SA CRITERIA SA
OUTPUT ARI LANG IBUTANG. TENKCHU

You might also like