You are on page 1of 4

MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG PANABO

New Site, Gredu, Panabo City


Panuruang Taon 2020-2021
Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipno 8
I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig (F8PB-
IIg-h-27).
b. nabibigyang-kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit sa akda (F8PT-IIg-h-27).
c. naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinion at saloobin kaugnay
ng akdang tinalakay (F8PU-IIg-h-28).

II. PAKSANG-ARALIN
Aralin: Modyul5: Paglalayag sa Puso ng isang Bata
Sanggunian: Filipino 8 (Ikalawang Markahan-Modyul 5: Maikling Kuwento), pahina 3-6
Kagamitan: Laptop at biswal na kagamitan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Panuto: Tingnan ang larawang nasa harapan at pagnilayan kung ano ang nais nitong
ipahiwatag saiyo.
“Sulyap sa Larawan”

B. Paglinang ng mga Gawain (4A’s)


TALASALITAAN:
Nagdumali-  nag aapura o gustong maging mabilis
Lumisan- umalis
Nakintal-tumanim sa isip at nabuo sa isipan
Mahahabag- maawa
Punto- ito ay ang diin ng isang salita o accent ng isang tao sa paraan ng kanyang
pagsasalita.
Kaibig-ibig- nakatutuwa, nakakagiliw at kagusto gusto.
Payak- simple
Mumunting- maliliit
Nalulumbay- nalulungkot
Magunita- maalala
Kinamishanan- kinasanayan
Kapasyahan- desisyon

1. Mga Gawain (Aktibiti)


Pangkatang Gawain: “Nabasa mo, Ibahagi mo!”
-Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa apat.
-Ang bawat pangkat ay may nakaatas na babasahing talata.
-Ang guro ay magbibigay ng panuto kung ano ang gagawin ng mga mag-aaral.

2. Pagsusuri (Analisis)
Pagtalakay sa kuwentong “Paglalayag sa Puso ng isang Bata”.
Gabay na Tanong:
1. Bakit nais mapalapit ng guro sa bata?
2. Kung ikaw ang bata, babalikan at magpapaalam ka pa ba sa iyong guro kapag ikaw ay
napagalitan niya? Pangatwiran.
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang gagawin ng guro pagkatapos nang ipinakita sa kaniya
ng mag-aaral kahit na napagalitan siya?

3. Paghahalaw (Abstraksiyon)
Panuto: Hanapin sa kahon ang mga makabuluhang mensahe na makukuha mula
kuwentong nabasa. Lagyan ng tsek (/) kung ito ang makabuluhang mensahe at (X)
naman kung hindi.
A B

Maging pasaway sa guro.


Unawain ang mga mag-aaral.
Kailangang unawain ang
Huwag dalhina ang init ng ulo
guro kung ito’y nagalit.
sa klase.
Maging matulungin sa guro.
Tulungan ang mga mag-aaral
para magkaroon ng sigla sa
Magtiwala sa sarili dahil
pag-aaral.
hindi ka nag-iisa sa
paaralan.
Huwag makialam sa buhay ng
mag-aaral.
Huwag bumati sa guro sa
paaralan.
Pagalitan ang mga mag-aaral.
4. Paglalapat (Aplikasyon)
Panuto: Isang salita sa apat na larawan. Batay sa larawan, magbigay ng isang salitang
nangingibabaw sa apat na larawan. Isulat sa kahon ang kaisipang nakuha at pagkatapos
ay iugnay ito sa sarili, lipunan at daigdig. Sundin ang pormat.
Kaisipang nakuha:

Lipunan Sarili

Daigdig

5. Ebalwasyon
Panuto: Matutunghayan sa ibaba ang mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang
kalagayan sa lipunan. Isulat sa loob ng unang kahon ang kaisipang namamayani dito, sa
ikalawang kahon, isulat ang kaugnayan nito sa lipunan at daigdig. Kopyahin ang kahon at
isulat sa loob nito ang inyong kasagutan.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:

ANILY T. DELA PEÑA ARCEL W. GACASAN


Guro sa Filipino MT1/ Filipino Coordinator

You might also like