You are on page 1of 3

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Don Pablo Lorenzo Memorial National High School Annex
Tumaga, Zamboanga City

GRADE 9- FILIPINO (PANITIKANG ASYANO)


SEKSYON ORAS ARAW/ PETSA
RUBY 10:00– 11:00 A.M Martes - Agosto 29, 2019
I.LAYUNIN:
 Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay sa Kurikulum. Sundin ang
pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng
Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment.
Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga
layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.

B. Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa sanaysay gamit ang teknolohiya at mga pangatnig upang
makapaglahad ng sariling opinyon sa napapanahong issue.

C. Pamantayang Pagganap:
 Nakapagbibigay ang mag-aaral ng mahusay na opinyon/pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu

D.Mga Kasanayan sa Pagkatuto

1. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan


2. Naipaliliwanag ang mga:
-kaisipan
-layunin
-paksa; at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay
3. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay s konteksto ng pangungusap

 Paksa: Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon


 Estratehiya:Sabayang Pagbasa
 Sanggunian:Panitikang Asyano Modyul 2 ng Mag-Aaral sa Filipino Pahina113-115
 Kagamitan: White board pen, cartolina, scotch tape, kagamitang biswal

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagsasayos ng mga upuan
 Pagtala ng mga liban
 Pagbabalik-Aral
a. Ano ang Tula?
b. Ano ang Pabula?
 Pagganyak
o Panuto: Ilahad sa buong klase kung ano ang pangyayari sa buhay niyo ang hinding hini ninyo
makakalimutan.
B. Gawain
a. Paglalahat ng Aralin
o Panuto: Pakinggan at awitin ang musika na “ Dalagang Pilipina”.

C. Pagsusuri

 Ano ang masasabi ninyo sa kanta?


 Tungkol saan ang kantang ito?
 Bakit ito ang naisulat ni Jose G. Santos?
 Ilarawan ang dalagang Pilipina.
 Patunayan na karapat-dapat ang dalagang Pilipina sa isang tunay na pagtatangi.

D. Pag-alis ng mga balakid


 Panuto: Suriin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa
sanaysay. Isusulat sa papel ang sagot.

o parehong pagkakataon - oportunidad


o pantay na karapatan - pribilehiyo
o naiiba na ang gampanin - tungkulin
o hindi makatarungan ang trato – makatwiran
o higit na mapanghamon - nangangailangan ng ibayong lakas ng isip at katawan

E. Paghahalaw

 Papangkatin ang klase limang pangkat.


 Babasahin nila ang bawat parte ng pabula na inatasan ko.
 Mga tanong
o Sasagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod na tanong:
 Sino ang kinakausap ng may-akda?
 Ano ang nais sabihin ng may-akda?
 Saan madalas mamasyal ang mga kabataan noon?
 Bakit nagbago ang uri ng pamumuhay ng mga kabataan?
 Paano nakaapekto ang mga mall sa pamumuhay ng mga Pilipino?
 Ano ang kalagayan ng kababaihang Pilipino sa ating lipunan sa ngayon?
 Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
o Talakayin naman ang wika na napag-aralan upang makatulong sa isasagawang pagganap ng mag-
aaral. Tatalakayin ang dalawang panlahat na pangkat ng pangatnig. Ipagagawa ng guro ang mga
pagsasanay.
Mga Pangatnig na Magkatimbang Mga Pangatnig na Magkatimbang
at kundi
o upang
nang

F. Paglalahat
 Ipasagot ang sumusunod na tanong:
o Anong mabuting aral ang mapupulot mula sa aralin?
o Paano ninyo maiaangat and estado ng mga kababaihan sa lipunan?
o Paano mo ihahambing ang kalagayan ng babaing Pilipina sa babaeng Taiwanese?
o Ano ang tono ng may-akda? Ipaliwanag.
o Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay?
o Isa-isahin ang katangiang taglay ng sanaysay.
 Masasalamin sa sanaysay na ang karapatan ng kababaihan ay umuunlad na.

G. Paglalapat
o Ipasagot ang sumusunod na tanong:
o Paano mo maipakikita sa iyong kapwa ang isang tunay na dalagang Pilipina?
o Pagsusuri sa sanaysay at paglalapat sa totoong buhay ang natutuhan mula rito.

VI. EBALWASYON
 Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang editoryal na naglalahad ng kanilang opinyon/pananaw tungkol sa
napapanahong isyu sa bansa.
 Tandaang ang pagganap ay batay sa GRASPS.
o Goal: Gagawa ka ng isang editoryal sa napapanahong isyu sa alinmang bansa sa Asya
o Role: Editor sa isang pahayagan
o Audience: Mambabasa ng pahayagan
o Situation: Kailangang makasulat ka ng editorial na magtatampok sa napapanahong isyu sa alinmang
bansa sa Silangang Asya
o Performance: Pagsulat ng Editoryal
o Standards:
 Mapanghikayat
 Makatotohanan
 Kaangkupan sa paksa
 Kawastuhan ng balangkas
 Ang katumbas na iskor ay tingnan sa iskala:
o 4 - Napakahusay
o 3 - Mahusay
o 2 - Hindi mahusay
o 1 - Kailangan pang linangin

V. TAKDANG-ARALIN
o Panuto:Basahin at unawain ang teksto na Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa
pamamagitan ng Estadistikang Kasarian”.

 Patuloy na pagbabasa sa isa pang teksto na “Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino


sa pamamagitan ng Estadistikang Kasarian”.

Prepared by: Boyet S. Fernandez_


Guro sa Filipino

Checked and Noted by: _Albert G. Villanueva_


Secondary School Head

You might also like