You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

University of Rizal System


Province of Rizal

GRADUATE SCHOOL
Morong Campus

Tema Mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya

Pamantayang Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang


Pangnilalaman tradisyonal ng Silangang Asya.

Inaasahang Pagganap Nakapagtatalumpati batay sa isinulat na sanaysay base sa


napapanahong isyung panlipunan

Panitikan Sanaysay-Taiwan “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong


Nakalipas na 50 Taon”

Wika Angkop na Pahayag sa Pagbibigay ng Ordinaryong Opinyon, Matibay


na Paninindigan at Mungkahi

Kaisipan Walang pinipiling kasarian s larangan ng trabaho, tungkulin at


obligasyon

Sanggunian Panitikang Asyano pp. 104-111, Internet

Mga Kagamitan Task cards, projector, mga panulat

Kasanayang Pampagkatuto  Naipaliliwanag ang pananaw ng mag-akda tungkol sa paksa


batay sa napakinggan F9PN-IId-47
 Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan
batay sa konteksto ng pangungusap F9PT-IId-47
 Naipapaliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan
ng pagkakabuo ng sanaysay F9PB-IId-47

LINANGIN
A. Pagganyak: Pakikinig/Panonood ng music video ng awiting “Babae-Inang Laya.
https://www.youtube.com/watch?v=CXFOSibjnwg

Mga Maaring Itanong sa Talakayan:


Note: Sa bahaging ito ay maaaring banggitin ng guro na ang mga sagot ng mga mag-aaral posibleng
hindi tugma sa kaisipan at damdamin ng kanilang kamag-aral kaya marapat na magpakita ng respeto
sa isa’t isa. Ang opinyon at matibay na paninindigan ng kapwa ay dapat isaalang-alang.

Tungkol saan ang awit? Paano


Sang-ayon ba kayo sa
nasabi na iyon ang tema ng
mensaheng nais iparating ng
awitin?
awit? Bakit o bakit hindi?

Ano ang inyong naging


damdamin matapos na
marinig ang awit? Bakit
ninyo ito nadama? Tama
kaya na may mga ganitong
awit na maisusulat?
B. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
1. Paglinang ng Talasalitaan

Ayusin ang mga nakarambol na letra upang malaman ang kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit at gamitin ito sa pangungusap.

1. Unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at isa na


rito ay ang pagpapalit nila ng gampanin. (niltukugn)
2. Sa bahay ng mga Taiwanese, ang mga babae pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing
bahay. (iolasynbgo)
3. Inaasahan ding magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan kaya dalawang mabibigat
na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. (ansaaankp)
4. Ang mga kinauukulan ay handing kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuswelduhan
ng mataas. (anaatakata)
5. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya. (Dulunam)

C. Pagbasa ng Teksto

Pangkatang Gawain: Dugtungang Pabalitang Pagbasa


1. Mag-aatas ang bawat pangkat ng kanilang kinatawan upang basahin ang teksto sa pamamaraang
Dugtungang Pabalitang Pagbasa.
2. Ang mga kinatawan ay inaasahan na babasahin ang teksto ng may tamang bigkas, tono, at galaw.

Unang Pangkat:
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin
ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon atkarapatan gaya ng kalalakihan. Ilang
kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa
kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ngkababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na 5 taon. Ito
ay makikita sa dala!angkalagayan " una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikala!a ay ang pag-
unlad ngkanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.
Ang unang kalagayan noongnakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o
housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang ga!aing-bahay na hindi natapos ng
kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababangkalagayan sa
tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga
Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho,
inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madalingsalita, dalawang mabibigat na
tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ikalawang Pangkat
Ang ikalawa angkalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral,
at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sakakayahan n
g babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng maykakayahan at masuwelduhan ng
mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae saisang kumpanya at nakikita na ring may
mga babaing namamahala. 
Isa pa,tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa
gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sakalalakihan
makalipas ang 50 taon. 
At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na
rin. Halimbawa, sa Accton Inc., Isa sanangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa
nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na
ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.
Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kungihahambing
noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan
na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring
mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asa!a satahanan. Ito ay
matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ngkababaihan sa $ai!an at malaki ang
aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na Karapatan nila sa lipunan.
Gabay na tanong:
1.Ano ang masasabi mo sa pagkakabuo ng sanaysay?
2.Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangang Asya?

D. Input ng guro

Dagdag Kaalaman:

E. Pag-unawa sa Binasa: Task Cards


Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang envelope na nilalaman ang sumusunod:
 Sipi ng bahagi ng Sanaysay; mga gagamitin sa pag-uulat

Pag-unawa sa Binasa
Panuto:
1. Basahin ang bahagi ng sanaysay na nasa inyong pangkat.
2. Gawin ang Task Cards.
3. May 5 minuto para sa paghahanda sa gawain.
4. May 3 minuto para sa pagsasagawa ng pag-uulat.

Pangkat 1
May pagkakatulad ba ang mga babaeng Pilipina sa mga babae sa Taiwan sa katayuan sa lipunan?
Gamitin ang H diagram.

Mga Mga
katangi Katangi
an ng an ng
mga mga
Kababaih
Pilipina
ang
Taiwanes
e

Mga katangian na
magkatulad ang kababaihang
Taiwanese at Pilipina

PANGKAT 1

Nilalaman- 20 %
Paglalahad ng sariling opinyon -30%
Presentasyon- 30 %
Kaisahan- 20 %
Kabuuan- 100 %

Pangkat 2

Bumuo ng pagsasadula upang maipakita ang kaisipang ito: “Ang mga babae ay walang karapatang
magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa lipunan”.

PANGKAT 2

Kilos at Galaw- 30 %
Linaw at Lakas ng Boses- 30 %
Hikayat sa Madla- 20 %
Kaisahan- 20%
Kabuuan- 100 %

F. Pagpapahalaga:

Ilahad mo ang iyong natutunan sa Aralin.

Dugtungan:
Napag-alaman kong____________________________________________________________________
Natuklasan kong_______________________________________________________________________
G. Pagtataya

Panuto: Hanapin sa loob ng pangungusap ang kahululugan ng mga salitang nakasalungguhit.

1.Nasaktan ang teenager sa ginawang pag-uyam ng lipunan, pagka’t para siyang dinusta at
hinamak.
2.Simbahan at lipunan sa kaniya’y umiiring, kaya palagay niya’y lubha siyang inaapi at
minamasama.
3. Walang – tuos at kaayusan ang buhay ng kanyang mga magulang, kaya wala siyang magandang
aral na kinagisnan.

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit. (4-5)

4. Balisa si Franco sapagkat baka kulangin ang pera.


a. nag-aalala b. nagtatanong c. naguguluhan
5. Wala silang nahihiwatigang pintas sa mga panauhing pandangal.
a. naniwala b. napapakiramdaman c. sumang-ayon

H. Kasunduan

1. Kumalap ng mga opinyon at impormasyong tungkol sa Sogie Equality Bill, Women


Empowerment, Pagtaas ng mga Bilihin, African Swine Fever at Covid-19.
Republic of the Philippines
University of Rizal System
Province of Rizal

GRADUATE SCHOOL
Morong Campus
FILIPINO 201 Principles,Trends and Techniques in Teaching Filipino

Inihanda nina:

Jovie B. Malarejes
Jonalyn T. Comodas
Frederick B. Belano
Eugene Garalde
Cheryll Tanawan
Perly Salvador
Jennifer Nayanga
Rosalyn V. Apo

Ipinasa kay:

Propesor Arnel P. Bias

You might also like