You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region VI – Kanlurang Visayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Lapaz, Lungsod ng Iloilo

BANGHAY-ARALIN NA MAY INTEGRASYON NG PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS AT IBA PANG ASIGNATURA

Baitang: IKATLONG BAITANG Sesyon Blg.: 1

I. LAYUNIN

Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman
A. Pamantayang Pangnilalaman
sa araling pangnilalaman

Nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip sa mga narinig
B. Pamantayan sa Pagganap
at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto ayon sa kronohikal na pagkakasunod-sunod. (F3PN-
sa bawat kasanayan) IIIh-6.3)

Pagkatapos ng aralin inaasahan na ang mga mag-aaral ay kailangang:

D. Mga Tiyak na Layunin L1: Natalakay ang paksang napakinggan


L2: Nasalaysay muli ang nabasang kuwento tungkol sa “Ang Pinakbet ng Nanay ni
Jimmy”
L3: Nakagawa ng story ladder tungkol sa isang pangyayari sa kanilang buhay
L4: Nakagunita ng nga karanasang may kinalaman sa nabasang kuwento
L5: Nakasulat ng isang talata gamit ang mga hudyat ng pagkakasunod-sunod

E. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Mula sa


Ibang Asignatura
I. NILALAMAN Pagkasunod-sunod ng Pangyayari sa Kwento

II. KAGAMITANG PANTURO


Sanggunian Projector, Drawing Materials (bond paper, color), Manila Paper, Pentel Pen

1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo Pahina 58 hanggang Pahina 75 ng Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 3

2. Mga pahina sa Kagamitang Panteksbuk Mag-aaral

● Karagdagang kagamitan mula sa LRDMS

5. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
Bahagi ko ilathala mo!
A. Balik –aral sa nakaraang aralin o pasimula sa
bagong aralin
● Isa-isahin ang bawat bahagi ng libro, bawat pangkat ay mabibigyan ng isang bahagi ng
libro na kailangan bigyan ng kahulugan. Ipakita at ilathala ang inyong mga sagot sa
harap.

Bahagi ng libro:
● Pabalat
● Pahina ng Pamagat
● Pahina ng Karapatang Sipi
● Paunang Salita
● Talaan ng nilalaman
● Katawan ng aklat
● Talahulugan
● Talatuntunan
● Talasanggunian
PAANO BA MAGLUTO?

● Susuriin ng mga mag-aaral ang mga litratong ipapakita ng guro. Ang bawat litrato ay may
nakalaang talata na kailangang masagutan ng mga mag-aaral. Kailangang naka-ayon ang
B. Paghahabi sa layunin ng aralin kanilang sagot sa ideyang ipinapakita ng litrato at pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

Halimbawa:

1. Una, . 2. Ikalawa, . 3. Sumunod, . 4. Saka, . 5. Sa wakas, .

● Ang mga piling mag-aaral na sasagot ay pupirihin at bibigyan ng pagkakataon na magbigay


ng kanilang sariling pananaw ukol sa sinagutang gawain.

● Sa inyong palagay, tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga litratong ipinakita?


● Sa ganitong paraan din ba kayo magluto?
● May pagkakaiba ba sa inyong sagot? Paano?

C. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay isang paraan ng pagbubuod, kung saan
bagong aralin ( Presentation) mahalaga ang kasanayan sa pagkuha ng mga pangunahing kaisipan ng bawat talata o pangungusap
sa kwento. Lubos na nakatutulong ito upang makuha rin ang mga mahahalgang detalye at
impormasyon sa paqkasunod-sunod ng mqa pangyayari.

Mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at iba upang Panandang pantalakayan:


● Sa pasimula; una, sa umpisa, noong una, at unang-una
● Sa gitna; ikalawa, ikatlo, sumunod, at pagkatapos
● Sa wakas; sa dakong huli, sa huli, at wakas
“PAANO BA TALAGA?!”

Panuto: Ating basahin at tuklasin ang kwento tungkol sa “Ang Pinakbet


ng Nanay ni Jimmy” sa pamamagitan ng Storyboard

Masarap magluto ng pinakbet ang Nanay ni Jimmy. Unang-una, pinitpit niyang mabuti ang bawang
at hiniwa nang pantay-pantay ang sibuyas at kamatis. Sumunod ay inihanda niya rin ang
panghalong bagoong isda na hinaluan ng kaunting tubig at sinala. Saka niya hiniwa nang malilit
ang pansahog na baboy. Pagkatapos noon ay hiniwa niya nang pahaba ang ampalaya, parisukat
naman ang kalabasa at pinagputol-putol niya sa katamtamang haba ang talong at sitaw. Sa wakas,
isinalang na ni Nanay ang kawali. Pinagmantika niya ang taba ng baboy at dito niya iginisa ang
bawang, sibuyas karne ng baboy at hipon. Nilagyan niya ito ng kaunting sabaw ng dinikdik na
balat ng hipon at bagoong isda. At ang pinakahuli ay tinimplahan at pinakuluan niya ang mga ito
at isa-isa niyang inihulog ang gulay na sitaw, ampalaya, talong, at kalabasa.

● Ang mga mag-aaral ay makikinig ng mabuti sa kwento at tatandaan nila ang


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari rito.
● Ang mga mag-aaral ay sasabay sa pagbasa ng kwento.
Mga larawan sa story board:

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan No 1
Panuto:
- Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase
- Ang bawat pangkat ay bibigyan ng makakaparehong set ng larawan mula sa
kwentong binasa
- Ang bawat pangkat ay bibigyan ng dalawang minuto upang pagsunod-sunurin
and mga larawang ibinigay ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari.
- Bawat pangkat ay bibigyan ng isang minuto upang maipresenta ang kanilang
ginawa sa harap ng klase.
Ano ba talaga?
F. Paglilinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative
Assessment ) (Independent Practice ) Gamit ang mga hudyat ng pagkasunod-sunod, isalaysay sa buong klase ang sa palagay mo ang
tamang pagkasunod-sunod ng bawat pangyayari sa ibaba. Lagyan ng numero ang bawat kahon.

Pag-isipan mong Mabuti!


G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw- araw na
Buhay ( Application/Valuing) Bakit mahalagang malaman natin ang pagkasunod-sunod ng isang pangyayari batay sa
iyong binasang teksto?

H. Paglalahat ng Aralin( Generalization)


Story and Ladder!
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto:
Gumawa ng “Story Ladder” at pagsunod-sunorin ang iyong mga ginagawa sa umaga bago pumasok
sa paaralan gamit parin ang mga hudyat ng pagkakasunod-sunod.

Halimbawa:
1. Una kong ginagawa ay bago pumunta sa eskwelahan ay….
2. Pagkatapos,….
3. Susunod,….
4. At sa huli,….

Takdang-Gawain:
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin
( Assignment) Gumawa ng talata tungkol sa iyong mga naging karanasan sa buhay gamit ang mga hudyat ng
pagkasunod-sunod. Ilagay ito sa isang malinis na papel.

You might also like