You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Filipino 10
Ikatlong Markahan Module 3

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakapanghikayat tungkol sa kagandahan ng


alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang


anekdota(F10PN-IIIb-77)

I. Mga Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nakapaglalarawan ang mga mag-aaral kung sino-sino ang mga tauhan sa anekdotang Akasya
o kalabasa;
b. nakagagawa ng isang slogan tungkol sa kwentong napakingan na Akasya o Kalabasa; at
c. napahahalagahan ang edukasyon ng mga kabataan hindi lamang sa isang tao kundi pati na rin
sa lipunan.

II. Paksang-Aralin
a. Paksa:
• “Akasya o Kalabasa” ni Consolation P. Conde
b. Sanggunian: Panitikang Pandaigdig (Filipino10 – Modyul para sa mag-aaral) pp. 245-
259
c. Kagamitan: kartolina, marker, gunting, mga larawan at pandikit

III. Pamamaraan
A. Panimulang
Gawain 1. Paghahanda
• Panalangin
• Pagtala ng Liban
• Pampasiglang Gawain (maikling sayaw)
• Pagwawasto ng Takdang-Aralin

2. Balik-aral
1. Ano ang tinalakay natin kahapon?
2. Ano ang pagsasaling-wika?
3. Pagganyak
“Siyasatin Mo Ako!”
• Magpapakita ang guro ng isang larawan.
• Ilarawan at intindihin ito sa buong klase. Pagkatapos, magtatanong ang
guro kung ano ang nasa larawan, tungkol saan ito at kung ano ang
mensahe o aral na nakapaloob dito.

B. Paglalahad ng aralin
• Presentasyon ng Layunin
a. Mga gawain bago makinig
• Talasalitaan
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang na sa
hanay A.
Hanay A Hanay B

1. Pamantasan komunidad
2. Maluwalhati napakabuti
3. Nagpalinga-linga pagtangap
4. Tanggapan unibersidad
5. Nayon hindi napalagay

b. Mga gawain habang makinig


• “Akasya o Kalabasa” ni Consolation P. Conde
- Nakikinig ang mga mag-aaral sa anekdota ng “Akasya O
Kalabasa”.

c. Mga gawain pagkatapos nakinig


• Mga Tanong
1. Sino-sino ang mga tauhan sa Akasya o Kalabasa?
2. Sino ang kausap nina Iloy at Mang Simon na nagsasabing naming
kumuha ng kursong kanyang nais?
3. Ano ang damdamin ng may-akda ang nangibabaw sa
napakinggang anekdota?

1. Gawain (Activity)
“Ilarawan mo ako!”

Panuto:

• Bawat mag-aaral ay sasagot.


• Nakapaglalarawan ang mga mag-aaral kung sino-sino
ang mga tauhan sa anekdotang Akasya o kalabasa.
• Isulat ito sa malinis na papel.
• Bibigyan ng limang minuto ang mga mag-aaral sa
paghahanda at dalawang minuto sa pagwawasto.

Mga Tauhan sa Anekdotang Akasya O Kalabasa

Mga tauhan sa Ilarawan ang mga tauhan


anekdotang Akasya O
kalabasa
1. Aling Irene

2. Iloy

3.Mang Simon

4.Punong-guro

Pamantayan
NILALAMAN ----------- ---------------------------- 25 PUNTOS
BALANGKAS -------------------------------------- 20 PUNTOS
KALINISAN------ ------------------------------------- 5 PUNTOS
KABUUAN 50 PUNTOS

2. Pagsusuri (Analysis)
1. Ano ang inyong paraan para masuri ng maayos ang daloy ng pangyayari sa
mitolohiyang inyong binasa?
2. Nakakatulong ba ang ginawang pagsusuri upang mas maunawaan ang daloy ng
pangyayari sa mitolohiyang binasa?
3. Paglalahat (Abstraction)
1. Ano ang kahulugan ng anekdota?
2. Ano ang ibig sabihin ng pamagat ng akda na Akasya o Kalabasa?
3. Anong magandang pag-uugali mayroon ang ipinapakita sa akda?
4. Gaano kahalaga ang edukasyon sa atin bilang isang kabataan?

4. Paglalapat (Application)
“1 2 3 Mag isip-isip!”
Panuto:
• Hahatiin ang klase sa apat pangkat.
• Bawat pangkat ay makagagawa ng isang slogan tungkol sa
kwentong napakingan na Akasya o Kalabasa
• Bawat pangkat ay pipili ng isang represesente upang ilahad ang
inyong awtput.
• Bibigyan ng limang minuto sa paghahanda ang mga mag-aaral
at dalawang minuto sa presentasyon.

Pamantayan
NILALAMAN ---------------------------------------- 20 PUNTOS
PRESENTASYON ----------------------------------- 15 PUNTOS
KALINISAN ------------------------------------------- 10 PUNTOS
PAGKAKA-ISA -------------------------------------------5 PUNTOS
KABUUAN 50 PUNTOS

C. Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sa sagot sa bawat bilang, at isulat ang titik ng tamang sagot bago ang
bilang.

________1. Ang paksang tinalakay sa akdang Akasya o Kalabasa ay tungkol sa?


a. edukasyon b. paghahanapbuhay
c. gawaing bahay d. pamahalaan
________2. Ang pangunahing tauhan sa akda ay sina?
a. Monghe at Sultan b. Mang Simon at Punongguro
b. Ina at Anak c. Cupid at Psyche
________3. Saan naganap ang akda?
a. Cavite b. Nayon ng kamias
c. Nayon ng kamias at Maynila d. Maynila
________4. Sino sino ang nga tauhan sa anekdota?
a. Aling Irene b. Mang Simon
c. Iloy d. Lahat ng nabangit
________5. Ano ang paksa ng anekdota?
a. Akasya o Kalabasa b. Akasya o Patatas
c. Akasya o Patola d. Akasya o Upo

D. Takdang-Aralin
Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon, at isulat ito sa isang buong
papel.

Pamantayan
NILALAMAN ---------------------------------------- 20 PUNTOS
KALINISAN ------------------------------------------- 10 PUNTOS
KABUUAN 30 PUNTOS

Nagpapakitang-turo:
Marlon G. Olivo

You might also like