Professional Documents
Culture Documents
Ni Adrian M. Legaspi
Nabasa.
Sa panahon ngayon, isa ang social media sa pinakasikat na online flatforn kung saan
maraming kabataang ang may kalayaang magpahayag ng kanilang mga saloobin, masaya
man, galit, malungkot o kahit gusto lang mag rant, at hindi na nga nakakapagtaka na ang
mga ganitong klaseng salita ay halos laman na din ng social media lalo’t higit nang mga
kabataan ngayong hirap bago makapasok sa isang paaralan na ang tangi na lamang
magagawa ay ibuhos ang pagkainis sa social media. Nakakatuwa para sa marami pero isa
ito sa realidad ng buhay na marami naman talagang hinihinging requirements dito sa
ating bansa bago ka makapag-aral. Halimbawa na lamang pagkukuha ng ID dahil wala ka
ngang ID pero hahanapan ka pa din. Nakakalungkot pero isa ito sa realidad sa ating
lipunan.
Napakinggan.
Marami tayong mga bagay na napapakinggan, maaring kanta, tula, podcast, sermon
or aral sa mga simbahan. Ngunit ang isa sa hindi mawawala sa pang araw-araw na
pamumuhay ay ang pakikinig ng mga balita, mapaTV man o Radyo. Sapagkat malaki
ang ambag ng mga ito lalo na sa mahahalagang balita na kailangang mapakinggan at
malaman ang kumpletong impormasyon, halimbawa na lamang kapag may mga
kalamidad o mahahalagang anunsyo mula sa pamahalaan. At isa pa nga sa madalas na
mapakinggan nang marami mapabalita man sa telebisyon o sa radyo ay ang mga krimen
na talaga namang talamak pa din sa ating bansa. Kung minsan pa nga, manlulumo ka
nalang sa halos araw-araw na may mapapakinggan kang ganitong uri ng balita. Sa
bahaging ito sa kwento nina Johnson at putol, isa ito sa katotohanang madalas na
mapakinggan natin sa mga balita;
“Sa tapat ng isang karinderya namin dinale ‘yung bumbay na pinapadale ni Bumbay.
Kakatapos niya lang maningil ng pautang sa may ari ng karinderya. PAAAK! PAAAK!
Dalawang mabilis na patama sa ulo. Bagsak si bumbay. Parang Jestoni Alarcon lang ang
datingan. Wala nang nagawa ‘yung mga tao na kumakain, baril ang hawak naming e, sila
kutsara’t tinidor lang.”
Nakita.
Kung mayroon tayong mga mahahalagang bagay na kailangang mapakinggan,
gayundin naman may mga bagay na kailangan din nating makita. At higit pa nga sa
makita ay kung paano tayo tutugon sa mga bagay-bagay na ating nakikita o nasaksihan
mismo ng ating mata sa ating lipunan. Narito ang bahagi ng kwento nina Johnson at Putol
na sa ating lipunan at may malaking kaugnayan sa mga karaniwang nakikita sa ating
lipunan;
“Alam ninyo naman dito sa atin sa Republic of the Philippines, creative ang mga palayaw
at bansag. Kung maitim ka, Negra palayaw mo. Kung mataba ka, Taba naman ang
ibabansag sa ‘yo. Ang tatalino!”
Naranasan.
May mga nakalimbag na babasahin mapa nobela, kwento, talambuhay, o tula na hindi
lamang upang imulat ang ating isipan o kaya naman ay makapag-bigay aral sa atin.
Kundi ang mga ito din ay kinuha hango sa karanasan ng mga may akda, at maaaring
pumukaw sa atensyon ng mga magbabasa at makakuha ng mga impormasyon na kanila
ding naranasan, maaaring personal o may kaugnayan sa lipunan. Narito ang bahagi sa
kweto nina Johnson at Putol na may kaugnayang sa aking karanasan;
“Ang ganda ng pamilya niya. Nakakainggit. Sana balang araw magkaroon din ako ng
ganoong pamilya.”
Isa ito sa naging karanasan ko, ang maghangad ng isang maganda at buong pamilya.
Hindi naman sa hindi ako masaya at kuntento sa kung anung pamilya ako, ngunit lumaki
akong walang kinamulatang ama, kundi ang aking ina alamng na tumayong ama sa akin.
Ngunit may mga pagkakataon talaga, lalo na at kapag mga mga event sa school na
kailangan ay tatay, wala akong maisama. Naiinggit ako sa iba kong kaklase bakit sila
masaya, kumpleto. Pero noon yun ngayon mas nakita ko kung gaano ang hirap na ginawa
ng aking nanay bilang tatay at lubos kong pinagpapasalamat ng bagay na iyon.
Malawak ang kaisipan ng may akda dahil napakadami niyang nais iparating sa mga
mambabasa sa kanyang akdang Johnson at Putol. Ang layunin ng may akda sa kwentong
ito, ay hindi lamang upang ipamulat sa ating isipan na ang mga bagay na nagaganap sa
ating lipunan. Ito din ay naglalayong paipakita na ang tao kapag umibig na sa salapi,
hindi ka sasantohin at walang kinikilalang buhay. Ngunit ipinakita din ng kwnetong ito
ang ibang side ng kwento na hindi habang buhay ang tao ay alipin ng masamang gawain
dahil lamang naubusan na ng pag-asa at iyon na ang nakasanayan. Layuning ang may
akda na mapukaw ang atensyon ng mga mambasasa na sa buhay may mga desisyon at
sakrispisyo tayong kailangang gawin alang-alang sa ating mahal sa buhay. Ngunit kung
sa masamang paraan, hihingi at hihingi ito ng kabayaran. Ang kung kabutihan naman ang
iyong pinakita, kabutihan din ang sa iyo’y igaganti.