You are on page 1of 8

Fake News

Ang Labi ni Abi

Group Members
Castro, Joedy
Cayoyong, Adrian Carlo
Fruto, Mitchel
Salas Luke

GE 1B

Mrs. Dulce Silva


I. Isyung Panlipunan

Sa panahong puno ng kasinungalingan, pagiging tapat ang dapat na

panindigan. Fake News ay kailangang iwasan. Makikita kung gaano kabilis kumalat

at paniwalaan ang kung ano mang impormasyon, hindi pinagtutuunan ng pansin

kung saan nagmula ang impormasyon. Ang isyung ito ay hindi lamang para sa

matatanda kundi na rin sa mga bata, lalo na’t laganap ang samutsaring impormasyon

na galing sa social media. Sa dami ng mga balita na tila ibon kung kumalat sa ere,

hindi mo na matutukoy kung ito’y makatotohanan o tanging sabi-sabi lamang.

Pekeng impormasyon ang napiling isyung panlipunan na gawan ng maikling kwento

sa kadahilanang ito ay napapanahon at hindi nabibigyan ng atensyon subalit ito ay

isa sa dahilan ng pagkakamali ng karamihan. Hindi lamang tungkol sa mga

kumakalat na isyu kundi na rin sa politikal na aspeto, kung saan marami ang

nabibilog at nabibiktima ng pamali-maling balita na nagreresulta sa malakihang

problema dulot ng maling impormasyon. Isa sa kadahilanan kung bakit napili ang

isyung ito ay upang magbigay aral di lamang sa mga nakakatanda, ganun na rin sa

mga bata na hamok sa social media kung saan talamak ang paglaganap ng maling

impormasyon na maaaring maka impluwensiya ng pag-uugali, pag-iisip, at pagkatao

ng isang bata na madadala sa pagtanda.

"WALANG PASOK!", mapa-online o offline ay marami ang nabibiktima ng

dalawang salitang ito. Ngunit hindi lamang sa ganito kababaw nakakaapekto ang

Fake News, maraming iba’t ibang aspeto na maaaring maapektuhan nito at ang

pinakamalubhang pwedeng mangyari ay makasira ng buhay ng isang tao. Manatiling


matalino, mausisa, at laging manigurado sa bawat balita o impormasyon na

nakakalap at nakakalat mo. Hindi lamang maaaring mahubog nito ang pagkatao ng

isang indibidwal, may kakayahan din itong paikutin ang sanlibutan. Malimit na

naririnig at nababalitaan ang isyu patungkol sa “Fake News”, laganap ito sa panahon

ngayon. Hindi na mabibilang ang mga beses na ito ay ating narinig, minsan pa ay

tayo mismo ang nagiging sanhi ng paglaganap nito dahil walang sapat na kaalaman.

Maraming dahilan kung bakit komportableng makakagawa ng maikling

kwento patungkol sa napiling isyung panlipunan at isa na rito ay dahil ito ay

napapanahon, ito ay malimit na maranasan ng mga Pilipino sa panahon ngayon dahil

sa kakulangan ng kaalaman kung paano malalaman kung ang impormasyon ay may

kredibilidad at tunay na mapagkakatiwalaan. Isa pang dahilan ay mayroong sapat na

kaalaman at kakayahan ang grupo upang makapag bahagi ng aral at kwento tungkol

sa Fake News, dahil itinuturo ito sa paaralan na dapat ding ibahagi sa ibang tao na

walang sapat na kaalaman ukol dito. Maraming tao ang nagbabahagi ng mga aral

tungkol sa Fake News, pati ang maaaring mangyari na magbunga dahil dito.

Makakabasa, makakanood, at makakarinig sa iba’t ibang plataporma sa social media

patungkol sa isyung ito. Lahat ng mga aral na napulot sa mga ito ay maaaring ilapat

at ihayag sa paraan ng pagsulat ng maikling kwento. Maaaring i-kwento o magbigay

aral sa mga bata tungkol sa Fake News sa pamamagitan ng paglalagay ng mga

illustrasyon/komiks na magbibigay aliw o pupukaw sa atensyon ng mga bata, upang

ipagpatuloy rin nila o tapusin ang kwento na hindi nawawalan ng interes.


II. Pangunahing Tauhan

● Abi

- Bida sa kwento - Mahilig gumawa ng pekeng storya

- Walong taong gulang at balita

- Madaldal at talakera - Pangit

● Ruth - Walang masyadong kaibigan

- Kaibigan ng ating Bida

- Walong taong gulang - Mapagpatawad sa kapwa

- May mabait at mahabang - Kaibigan na mag-bibigay aral sa

pasensya bida

● Tandang Flora -

- Matandang mangkukulam sa - Gusgusin and pananamit

kwento - Siya ang mag-bibigay leksyon sa

- Palaboy bida

● Cora - Walang pakialam sa

- Nanay ni Abi nararamdaman ng iiba

- Tatlumpung taong Gulang - Kunsintidor sa kanyang anak

- May itsura at maalam manamit

- Mapanghusga sa kapwa

● Carding

- Asawa ni Cora at Tatay ni Abi - Mabait at may mahabang

- Tatlumpu’t dalawang taong gulang pasensya

- Ang gagabay kay Abi sa tamang

direksyon
III. Buod

Sa isang lugar sa Brgy. Balita ay mayroong isang bata na nagngangalang,

Abi. Madalas siyang mag kwento ng kung ano-anong bagay na hindi naman akma sa

katotohanan, mahilig siyang gumawa ng kwento tungkol sa kanyang mga kalaro o

kanyang mga karanasan na wala namang nagpapatunay na ito ay totoo. Siya ay may

kaibigan simula pa noong siya ay isinilang, si Ruth. Matagal na niya itong kaibigan

ngunit nagkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan noong gawan ng kwento ni

Abi si Ruth na kinuha raw nito ang kanyang gamit. Dahil dito, maraming

nanghuhusga at lumayo ang mga kaklase kay Ruth.

Isang araw, nakakita siya ng matanda na marumi ang kasuotan sa Plaza.

Napansin siya ng matanda at siya ay nilapitan upang iabot ang nahulog niyang

wallet, ngunit bago pa ito makalapit ito’y inakusahan ng kung ano-anong bagay

katulad na lamang ng pagnanakaw. Sumigaw si Abi, “Lumayo ka sakin!

Magnanakaw! Lumayo kayo sa kanya! Magnanakaw ang matandang yan! Bilis! Baka

kunin nyan ang mga wallet niyo!” Dahil dito, maraming tao ang nagtipon-tipon sa

matanda at ito ay dinakip. Dumating ang Ina ni Abi na si Cora, “Anak lumayo ka sa

matandang yan! Tingnan mo naman ang suot nyan, ang pagka rumi-rumi!”, giit nito.

Makikita sa mukha ng matanda na ito ay labis nasaktan sa mga akusasyon ng

mag-ina. “Pagbabayaran niyo rin ang mga sinasabi niyo”, bulong ng matanda.
Pagkatapos madakip ang matanda ay umuwi na ang mag-ina. Sinalubong

sila ng tatay ni Abi na si Carding, sinabi ni Abi ang mga nangyari sa kanyang ama.

Pinangaralan siya ng ama at sinabing hindi maganda ang mangutya at mag-akusa

ng kung ano-ano sa kapwa, lalo na at wala naman itong sapat na ebidensya sa

pag-aakusa niya ng pagnanakaw sa matanda. Sinabihan din ni Carding ang asawa

nito na huwag hayaan at kunsintihin ang kanilang anak sa mga bagay na maaaring

maging dahilan ng pagkapahamak.

Kinabukasan ng pagkagising ni Abi, napansin nitong hindi siya

makapag-salita. Tumungo siya sa salamin at nakitang wala na siyang labi, pinipilit

nitong magsalita ngunit walang tunog na lumalabas. Pumasok siya sa eskwelahan

na may takip ang mga labi upang hindi ito makita ng kanyang mga kaklase,

pagpasok niya sa silid ay nakasalubong niya ang minsan niyang naging matalik na

kaibigan na si Ruth. Naisip niya ang nagawa niya rito, at napagtanto ang mga

kamaliang ginawa niya. Tumungo siya sa presinto at sinabi ang totoong nangyari sa

Plaza sa pamamagitan ng sulat dahil hindi siya makapagsalita, iniwan niya ang sulat

at nagtungo sa playground kung saan nakita niya ang kanyang mga kaklase at lubos

na nagsisi sa mga kasinungalingan niya. Paglaon ng kwento, natutunan at

pinagsisihan ni Abi lahat ng kanyang nagawa. Humingi siya ng tawad kay Ruth at

kay Tandang Sora, at siya ay nangako ng hindi na niya uulitin pa. At doon nagtatapos

ang kwento ng labi ni Abi.


IV. Pansamantalang Titulo

"Ang Labi ni Abi" ang pansamantalang titulo ng kwento tungkol sa napiling

isyung panlipunan na tungkol sa Fake News. Ang labi ay nagsisimbolo sa mga salita

na nangagaling sa bibig. Ang mga salita na maaaring lumabas sa labi ay maaring

makatulong o makasira sa isang indibidwal. Ang mga salitang nanggagaling sa bibig

ay maaaring makapag pahayag ng mga impormasyong may katotohanan, ngunit

maaari ring makapagbitaw ang labi ng mga salitang walang katotohanan o mga

pekeng impormasyon na walang magandang dulot sa lipunan. Ito ang napiling

pansamantalang titulo upang makapagbigay kaisipan sa bawat mambabasa kung

bakit nga ba ito ang napiling titulo. Sa paglaon ng pagbabasa ay matutuklasan ng

mga mambabasa kung bakit ito ang napiling titulo, pati na rin ang sinisimbolo ng mga

labi sa kwento. Ang titulong ito ay magsisilbing paalala sa kahalagahan ng mga

salitang nanggagaling sa mga labi, kung ano ang maaari nitong idulot sa ating

kapwa.
V. Kahalagahan

Sa panahon ngayon, mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga

napapanahong isyu. Lalo na pagdating sa “Fake news” o pagkalat ng mali o hindi

tunay na impormasyon. Ang mga impormasyon ay hindi dapat basta-bastang

ikinakalat dahil ang bawat impormasyon ay may kaakibat na balita na maaring

humubog sa isang bagay o tao. Ang layunin ng kwentong ito ay makapagbigay aral

at ipakita ang kahalagahan ng pag uusisa ng mga impormasyon, mahalagang

magkaroon ng kamalayan ang mga tao dahil hindi lamang mga matatanda ang

maaring maapektuhan nito kundi pati na rin ang mga bata. Mahuhubog dito ang

kaugalian at pagkatao ng mga batang mambabasa, sapagkat ang kwentong ito ay

naglalaman ng mga aral na magsisilbing paalala sa kahihinatnan ng pagkakalat ng

maling impormasyon. Ang “Fake News” ay gawa-gawa o maling impormasyon na

ikinakalat na nagdudulot ng kalituhan o manipulasyon sa mga mambabasa. Sa

kabilang banda, ang kwentong pambata ay karaniwang nagbibigay-aral, magbigay

aliw, o magpamulat ng kamalayan sa mga bata. Ang mga kwentong pambata ay

naglalaman ng mga gintong aral at kadalasan na may mga karakter na nagpapakita

ng mabuting halimbawa. Sa kwentong ito ay tatalakayin kung paano maaaring

puksain ang isyu na bawat henerasyon ay nakakaranas parin nito. Maaaring maging

daan ang kwentong ito sa pagbabago ng mga kabataan ngayon laban sa “Fake

News”. Ito ay may posibilidad na makatulong at makapag-ambag sa mga susunod

pang manunulat na tungkol dito. Ang kaibahan ng nilalaman ng kwentong ito ay ang

katangi-tanging karakter na makikita at mahahanap sa tunay na buhay na

sumasalamin sa lipunan, ito ay natatangi dahil maari rin itong maging aral sa

matatanda.

You might also like