You are on page 1of 3

Albia, Ria Zetha Jean G.

COE-02
Cervantes,Claycel L.

FIL045
BALANGKAS NG PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO

I. PANIMULA

a. Pamagat ng Katha - Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas.

b. May-akda- Ang may-akda ng kwentong ito ay kilala sa pangalan bilang Sandy Ghaz. Siya ay nagtapos
sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English. Bata pa lamang sya ay nakahiligan na ni
Sandy ang pagsulat. Nung tumuntong sya ng hayskul ay napagdesisyon nyang manatili sa larangan ng
pagsusulat hanggang sa siya ay nagkolehiyo. Nang makatapos ay pumasok sya bilang isang manunulat at
nagsimulang ng mga Maikling Kwento, kwento na may ibat-ibang klase ng istorya at leksyon. Bagama't
hindi man nailahad ang totoo at buong detalye ng buhay ng may-akda ay may mga kwento siyang tunay
nga naman talagang kapupulutan ng mga aral at inspirasyon. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin sa
pagsulat si Sandy Ghaz at karaniwang mababasa ang kanyang mga akda. Ito ay iilan lamang sa kanyang
mga naisulat, Ang Bahay na Biglang Nawawala sa Gabi, Si Lucas at ang kanyang kaibigang Paging, Si
Stella at ang mga kaibigan niya sa Araw ng Pasko, Si Juan at kanyang mga Paboritong Chichirya, Si Bb.
Lucia at ang mga mag-aaral ng klase Sampaguita, Si Baste at ang aso niyang si Pancho, at Ang mga
Munting Hiling ni Kiko sa Pasko.

c. Sanggunian - https://philnews.ph/2018/11/15/tagalog-short-stories-5-maikling-kwento-bata/

II. TAUHAN

a) Nicholas Cruz- kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang.
b) Julio – ama, Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay.
c) Vina Cruz- Ina, kahera sa isang tindahan.
d) Leon- Kababatang kapatid ni kulas.

III. TAGPUAN

a) SAAN- Sa bahay ng pamilya ni kulas


KAILAN- Bago ang klase at Pagkatapos ng klase ni kulas

IV. MGA SIMBOLO/TAYUTAY

a) Sapatos- gamit ni kulas sa paglalagad ng, ito din ang dahilan sa problema ng magulang ni kulas at
ang pagsisinungaling ni kulas sa kanyang magulang.

V. BUOD NG KATHA-

Si Nicholas Cruz o kilala sa pangalang Kulas ay panganay na anak nina Julio at Vina Cruz at kapatid ni
Leon. Isang araw ay napansin ni Aling Vina na hindi suot ni Kulas ang bagong biling sapatos na syang
ipinagtaka nya. Nagdahilan na lamang si Kulas at pumaroon na sa paaralan kasama si Leon. Nang hapon
ding yon ay naabutan nyang may bagong sapatos na namang binili ang kanyang ina at para sa kanya yon.
Naisuot ito ni Kulas ngunit isang beses lamang. Napansin ng tatay Julio na ang lumang sapatos na naman
ang suot ng anak at sinumbatan na nito ang asawang si Aling Vina kung bakit iyon pa rin ang gamit ni
Kulas. Napagdesisyon ni Aling Vina na kausapin at tanungin ang anak kung nasa'n na ang mga nabili
Albia, Ria Zetha Jean G. COE-02
Cervantes,Claycel L.

nyang sapatos at bakit hindi niya sinusuot nag mga yun sapagkat pang-apat na beses na nya itong binili.
Hanggang sa pinagtapat na ni Kulas ang totoo sa ina. Ibinigay nya raw ito sa kaibigan nyang walang
sapatos sa kadahilanang wala itong naisuot at humingi ng tawad. Sinabihan sya ng ina kung bakit niya ito
ipinagbigay at nagsinungaling pa. Pinuri din sya ng ina sa kabila sapagkat ito ay may malasakit sa kapwa
ngunit pinaalalahanan nya rin ito na pahalagahan sana ni Kulas ang mga pinaghihirapan ng kanyang mga
magulang.

VI. GALAW NG PANGYAYARI

Simula - Pinakilala isa isa ang mga tauhan sa kwento at isinalaysay sa simula ang tagpuan ng pangyayari
at binanggit din sa simula ang suliranin na kinakaharap nito.

Gitna- Sa kalagitnaan ng kwento ay binilhan ng bagong sapatos ang anak niyang si kulas at mukhan
mamahalin ito. Pero pagkalipas ng isang lingo ay napansin ni mang Julio na lumang sapatos parin ang
gamit ng anak niyang si kulas at nag taka ang kanyang ina. Pagka uwi ng mga bata ay nag tanong na ang
kanyang ina kay kulas kung saan na ang bagong sapatos na binili niya para kay kulas at bakit luma parin
ang suot niya. Naging balisa ang kanyang anak kung saan inamin niya rin ang totoo na ang kanyang mga
bagong sapatos na binibigay sa kanya ay pinamimigay lang niya sa kanyang kaibigan sa labas ng
skwelahan.

Wakas – Winakasan ang kwento sa pamamagitan ng pagbibigay aral kay kulas sa maling ginawa niya at
pinuri sa pagiging mapagbigay niya sa kapwa.Winakasan din ito bilang pagbibigay ng malinaw na
mensahe ng akda.

VII. PAGSUSURI

a. Uri ng Panitikan- ito ay di-piksyon, Ito ay maganda at talaga namang kapupulutan ng aral lalo na sa
mga kabataan. Sinasaad dito ang mga aral na kailangang ipaalam sa mga kabataan ngayon. Sa ganitong
paraan ay mabigyan sila ng liwanag o gabay upang piliin kung ano ang tama tungo sa ikabubuti ng
kanilang kinabukasan, upang magkaroon ng disiplina sa mga sarili at maging tapat sa mga taong
nakapaligid sa kanila.

b. Estilo ng Paglalahad- Sa paglalahad ng akda sa kwento ay tinalakay nya ang mga kadalasan nangyayari
sa mga kabataan. Ginamit nya ang paksang ito upang maimulat ng mga mambabasa ang kanilang mga
kaisipan tungkol sa aral na maaari nilang makuha. At maiuugnay na rin ang kanilang mga naging
karanasan ukol sa mga ganitong usapin. Masasabi ko rin na natamaan ako sa kwentong ito sapagkat
naranasan ko ring nagsinungaling noon sa aking mga magulang kahit ito ay may mabuting dahilan.
Maraming mga mambabasa o kabataan ang nakagawa rin ng mga ganitong bagay. Kaya sa paglalahad ng
kwento ay tinutukoy ng akda ang karaniwang nangyayari. Isinalaysay nya rin dito na may magandang
kalooban ang isang tao at walang pag-alinlangang tumulong kahit ito man ay walang kapalit. Isinaad rin
ng may-akda na hindi nakakabubuti ang pagsisinungaling. Mas maganda nang nakatulong ka sa kapwa
mo at totoo ka sa iyong sarili sa lahat ng oras.

C. Sariling Reaksyon- Pagkatapos kung mabasa ang kwento nakaramdam ako ng pagkalungkot kasi sana
noong una pa lang ay sinabi na ni Kulas ang dahilan kung bakit hindi nya sinusuot ang mga bagong biling
mga sapatos ng kanyang ina. Sana ay naging tapat sya sa kanyang mga kilos at sa rason o dahilan nito.
Albia, Ria Zetha Jean G. COE-02
Cervantes,Claycel L.

Walang magulang ang hindi nakakaintindi sa kanilang mga anak. Walang masama sa pagbibigay sa
kapwa ngunit sana ipinagtapat nya muna ito sa kanyang mga magulang kais pinaghihirapan din nila yung
pambili ng mga sapatos. Kailangan nilang kumita ng malaki para matugunan ang pangangailang ng mga
anak nila. At para hindi na rin nagtaka ang ina nya kung bakit di nya man lang nagagamit palagi ang mga
ito. Sa puntong gumasto ng ilang halaga ang kanyang mga magulang para lang mabigyan sya ng
maganda at maayos na magagamit. Matuto tayong maging tapat sa mga magulang natin sapagkat sila
ang taga-gabay natin, nagmahal, nag-aruga at nagturo kung paano maging matapat sa ating mga sarili.
Nararapat lang na ibigay natin sa kanila ang ating karapatan. Mabuhay tayong tapat at totoo sa ating
mga sarili, sa mga taong nakapaligid sa atin at sa lipunan.

d. Aral/PAg-uugnay sa tunay na sitwasyon ng buhay- Ang aral sa kwento ay malaking tulong upang
mamulat ang mga kabataan sa realidad obkatotothanan na hindi sa lahat ng panahon ay nakakabuti na
tayo lang ang gumagawa ng sarili nating mga desisyon. Kailangan pa rin natin ang opinyon at gabay ng
ating mga magulang sapagkat sila ang mas lalong nakakaalam sa kung ano man ang mas makabubuti. Sa
inilahad ng kwento ay sapat na yun upang maunawaan natin na mabuti ang tumulong sa kapwa kasi
mayroong mga tao na sadyang nangangailangan rin ng tulong natin ngunit iwasan ang magsinungaling.
Kadalasan ito ang nagiging problema ng mga kabataan sa ating lipunan. Takot magsabi ng totoo sa
kadahilanang magagalit nag mga ito. Marami din sa atin ang nakaranas ng ganitong pangyayari at
mapagsabihan o mapangaralan at ito ay normal lanmang dahil ito ay anyo ng pag di-disiplina sa mga
anak. Gumasto, nagsikap sa pagta-trabaho para matustusan ang mga pangangailangan natin king kaya't
matuto tayong pahalagahan ang kanilang pinaghihirapan, maliit o malaking bagay man ito.

You might also like