You are on page 1of 9

I.

PAMAGAT

Ang Kwento ni Mabuti

Ang kwentong “Ang Kwento Ni Mabuti” ay gumagamit ng pagbabalik-tanaw upang isalaysayang


kwento ng kanyang mga tagpo kasama si Mabuti at kung paano niya nakilala ito. Angpamamaraang
ito ay ipinapakita sa simulang bahagi ng maikling kwento kung saan nagsimulangmaghayag ang
nagkukwento sa kasalukuyang ang sinundan ng kanyang mga pagbabalik-tanawng mga alaala niya
tungkol kay Mabuti. Ito ay tinatawag na paikut-ikot o circular sapagkat nagsimula ang kwento sa gitna
na tinatawag nating “in media res”. Sa kwentong ito makikita ang pagka humanismo. Ito ang pananaw
na ang uniberso ay nakasentro sa tao sa halip na sa diyos.

II. MAY AKDA

Si Genoveva Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino.
Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino
at mga asignaturang pang-edukasyon. Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya,
sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas
(ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura
ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992. Maraming ulit siyang
nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang
Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad
Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961. Ilan sa mga
naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng
Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa
Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng
U.P. Press. Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

III. BUOD

Ang kwento ni mabuti ay isang maikling kwento tungkol sa guro at ina na binansagan ng kanyang
mga mag.aaral na Mabuti. ang kwento ay ikinikwento ng kanyang mag.aaral na si Fe na nakita niyang
umiiyak sa sulok ng silid-aklatan kung saan nag-usap sila tungkol sa problema ni Fe. nang tinanong na
ni Fe ang problema ni Mabuti ay hindi sinabi ni Mabuti ang problema dahil alam nya na hindi pa ito
mauunawaan ni Fe.mayroong isang anak na babae si mabuti kung saan may malaking pangarap siya
para sa anak. gusto niyang maging mang-gagamot ang anak. nagkuwento pa si mabuti ng tungkol sa
mga kaligayahan nya sa anak. isang araw, nabalitaan ni fe na namatay ang tatay ng anak ni mabuti.
ibinurol ito sa ibang bahay na hindi tinitirhan ni mabuti at ng kanyang anak. noon ay naunawaan ni Fe
ang lihim na kalungkutan ni mabuti.

IV. PAGSUSURI

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang suliranin sa buhay na hinaharap. Ang ilan ay dinidibdib ng husto
ang mga ito na na nagiging dahilan upang ang isang tao ay ma deresyon. Ang kwentong “Ang Kwento
Ni Mabuti” ay gumagamit ng pagbabalik-tanaw upang isalaysayang kwento ng kanyang mga tagpo
kasama si Mabuti at kung paano niya nakilala ito. Angpamamaraang ito ay ipinapakita sa simulang
bahagi ng maikling kwento kung saan nagsimulangmaghayag ang nagkukwento sa kasalukuyang ang
sinundan ng kanyang mga pagbabalik-tanawng mga alaala niya tungkol kay Mabuti

Sa karakter ni mabuti ay masasalamin natin ang isang malakas na tao. hindi ipinapakita ni mabuti sa
iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang ang makita sa kanya ng iba o ng kanyang mga
estudyante ay kabutihan o pagiging positibo. sa panahon ngayon, napakaramin problema ang
kinahaharap nating mga tao. kakambal na yan ng buhay. ang mga mahihina ay malulungkot at
mawawalan ng pag-asa. ang iba nga ay nagpapakamatay pa. ngunit sa kwentong ito ay nakita natin si
mabuti na malakas nyang nilabanan ang kalungkutan at mga problema nya sa buhay. hindi siya
pinanghinaan ng loob. bagkus patuloy siyang nagpapatuloy sa buhay at nagagawa pa niyang
mangarap ng mataas para sa kanyang anak. maiintindihan natin sa kwentong ito na hindi tayo dapat
madaig ng mga problema sa ating buhay. tignan natin ang mundo bilang isang paraiso na puno ng
kagandahan at kabutihan.unawain natin na normal sa tao ang kalungkutan at sa pagtanggap sa
kalungkutang iyon ay makakamit natin ang kaligayahan na matagal na nating inaasam.

SANGGUNIAN
Webliyograpi
https://www.wattpad.com/384117070-best-high-school-memories-buod-ng-ang-kwento-ni

https://gelo0rtiz.blogspot.com/2013/08/suring-basa-ang-kwento-ni-
mabuti.html?fbclid=IwAR1hHX3nLf0gsG3KYVmdUz5sZKpl3Nf8iUhCzcRZSa0V9Go7sa0afbd1pSg

I. PAMAGAT

Ang Kalupi

ANG KALUPI AY ISANG MAIKLING KWENTO . ANG KALUPI AY SISIDLAN NG PERO O MAS
KILALA BILANG "WALLET". Ang layunin ng may akda ay maipakita ang realidad at mamulat
ang mga tao sa tunay na mga pangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang
kawalan ng hustisya at epekto ng mapanghusgang isipan ng tao. Sinasalamin nito ang
katotohanan na hinuhusgahan ang isang tao base sa anyo at estado nito sa buhay.
Ipinapakita sa Ang Kalupi ang isyu ng kahirapan ang nagiging dahilan ng kawalan ng boses at
balakid sa hindi pagkamit ng hustisya.

II. MAY AKDA


Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang
kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at
nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang
Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen,
isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng
GUMIL, Metro Manila.
III. BUOD
Isang araw, lumabas si Aling Marta at tumungo sa pamilihan upang bumili ng garbansos dahil
paborito ito ng kanyang anak na magtatapos ng highschool sa araw na iyon. Pagkapasok niya
sa pamilihan, siya ay nabangga ng isang batang lalaki na nakasuot ng maruming maong at
punit na kamiseta. Pinagalitan ni Aling Marta ang bata at tumungo kay Aling Godyang upang
mamili. Dumukot sa bulsa si Aling Marta ngunit wala ang kanyang kalupi. Naalala niya ang
batang bumangga sa kanya at agad na hinabol ito sapagkat ito ay hindi pa nakakalayo.
Inakusahan niya ang bata at tumawag pa ng pulis ngunit wala sa bata ang nawawalang
kalupi. Ipinilit ni Aling Marta na ang bata talaga ang siyang nagnakaw kaya pumunta sila sa
outpost. Pilit na gustong paaminin ni Aling Marta ang bata kaya’t sinaktan niya ito.
Nagpumiglas ang bata at nakawala. Tumakbo siya patungo sa maluwang na daan ngunit siya
ay nabangga ng isang humahagibis na sasakayan. Mga ilang sandali bago siya namatay,
pagatol-gatol niyang sinabi na wala silang makukuha sa kanya. Pagkatapos nito, tuluyang
pumanaw ang bata. Umalis sa outpost si Aling Marta at nangutang upang makabili ng ulam
para sa hapunan. Noong siya ay pauwi, natatanaw na niya ang kanyang mag-ama.
Nagtatakang nagtanong ang kanyang anak kung saan niya nabili ang ulam. Nagsinungaling si
Aling Marta at sinabi na ginamit niya ang pera mula sa kanyang pitaka. Sinabi ng kanyang
asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at nawalan siya ng malay habang paakyat ng
hagdanan.
IV. PAGSUSURI
Makabuluhan ang kuwento ng Ang Kalupi sapagkat ito’y nagsasabi at nagbibigay malay sa
bawat isa na kahit mahirap ang estado sa buhay ng isang tao o hindi gaanong maganda ang
sitwasyon sa buhay o kaya’y isa s’yang pulubi sa lansangan ay hindi nangangahulugang
maryoon itong masamang iniisip dahil sa katunayan hindi natin sila kilala at wala rin tayong
karapatang husgahan ang kanilang pagkatao. Hindi man natin maitatanggi ang katotohanan
na paminsan-minsan ay nahuhusgahan natin ang kapwa natin maganda kung itutuon na lang
natin ang ating atensyon sa ibang bagay para hindi tayo makapanakit ng iba. Lahat tayo ay
may karapatang maging malaya at lahat din tayo ay may karapatang makamtan ang hustisya
sa buhay, kahit tayo ay mangmang o walang narating sa buhay ang importante ay malakas
ang iyong loob na harapin ang mga pagsubok sa buhay at tiwala sa sarili ang kailangan. Higit
pa rito dapat malaki ang tiwala sa ating Poong Maykapal sapagkat siya lang ang
makakatulong sa ating mga ahirapan sa buhay.

SANGGUNIAN
Webliyograpi
https://keepingonthetrack.weebly.com/format-1/january-19th-2013

http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/ang-kalupi-maikling-kwento-ni-benjamin.html

https://thedesolateheart.wordpress.com/2018/11/21/buod-ng-ang-kalupi-ni-benjamin-pascual/

I. PAMAGAT
Malalaman natin sa akdang ito ang mga saloobin ng mga mag-aaral at minsanang halibawa
ng mga estratehiya na ginagamit ng mga ibang guro na ginagawa parin sa kasalukuyan.
Makikita rin ang unti-unting pagbabago ng paraan ng pagsusulat ng maikling kwento. Ang
ginamit na pananalita sa akda ay walang pagtitimpi. Ang utos ng hari ay isang akdang
realismo sapagkat itoy nagtataglay ng pagiging makakatohanan sa isang sistema ng isang
institusyon.
II. MAY AKDA
Si Genoveva Edroza-Matute o Aling Bebang ay isang magiting na kuwentista sa wikang
Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Isinilang siya noong 13 Enero
1915. Iginagalang siyang guro sa elementarya, sekondarya at hanggang sa kolehiyo.
Nagretiro siya bilang Dekana sa Philippine Normal College (na kilala ngayon bilang
Philippine Normal University). Marami na siyang parangal na inani at ilan dito ang
Gantimpalang Palanca at Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining
(Panitikan) noong Pebrero, 1992.
III. BUOD
IV. PAGSUSURI
Ang kuwentong “Utos ng Hari” ay sumasalamin sa buhay-estudyante at kalagayang
pangkalayaan. Naipakita ang totoong larawan ng buhay na kung saan ay minsan, hindi
nagagawang iparating ng isang tao ang kanyang nararamdaman sa kadahilanang may takot
na namamayani na siyang humahadlang sa malayang paggalaw ng isang indibidwal.
Ipinapakita sa akda na ang kalagayan ng isang tao ay parang naiipit sa isang hostage crisis.
Buhay ka nga at nakakagalaw, ngunit ang paa't kamay naman ay nakatali at nakatakip ang
bibig lagi . Nais makawala sa bitag. 'Pag lumaban ka, patay ka. 'Pag di ka kumontra,
walang problema. Namamayani rin sa akda ang mga isyu katulad ng kakulangan ng
kalayaan sa pagpapahayag, edukasyon, kalagayang sosyal at moral, butas sa batas at ang
Batas Militar. Ang kuwentong ito ay magandang gamitin sa paglinang ng lohikal na pag-
iisip ng mga ma-aaral upang pagtatagpi-tagpiin ang kaugnayan ng kuwento sa kasaysayan
ng Batas Militar sa rehimeng Marcos. Maiuugnay din nila ito sa ibang asignatura kagaya ng
Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapahalaga. Maging ang kanilang kasanaysan sa
pagbibigay ng reaksyon at ang kakayahang mapapangangatwiranan ang mga bagay sa akda
ay malilinang. Dahil dito, inirerekomenda na gamitin ang "Utos ng Hari” sa mga talakayan
gamit ang teoryang simbolismo sa panunuring pampanitikan.

SANGGUNIAN
Webliyograpi
https://panitikan.ph/2014/06/07/genoveva-edroza-matute-2/
https://deldoctrines.wordpress.com/2014/02/11/9-maikling-kwento-na-yaman-ng-
panitikang-filipino/

I. PAMAGAT
May Buhay sa Looban
Ang paksa ng kwento ay ukol sa batang ayaw silang lumipat saibang lugar, ngunit
sabi ng kanilang ama ay walang kwenta ang luagr na iyon at puro kapangitan lamang
sapagkat hindi ito makapagtrabaho bilang manunulat ng maayos. Ang uri ng
kwentong ito ay tao laban sa tao. Sapagkat siya ay hindi sang-ayon sa kanyang ama
sapagkat gusto niya pang lumagi sa Looban kaysa sa ibang lugar o sa titirahan nila sa
Dampalit.
II. MAY AKDA
Si Pedro S. Dandan (1916-1983) ay sinilang sa Juan Luna, Tondo, Maynila, noong ika-
30 ng Hunyo, 1916. Ang mga magulang ay sina Mauricio Batungbakal Dandan at
Benita Santos, kapwa taga Baliwag, Bulacan. Sa Maynila siya lumaki, nagbinata
hanggang magka-asawa. Nguni’t umuwi at sa Baliwag nanirahan kasama ang
kanyang mga anak (siyam) at kabiyak sapul noong 1956. Ang kanyang unang
nobelang “Ito ang Pag-ibig” sa MALAYA ay napansin ni TAA at ang kanyang "Si
Ringo at ang Bulag na Anghel” ay nagkamit ng gantimpala sa Malacanang Balagtas
Memorial Awards. Nagkamit din ng pinilakang tropeo ang kanyang sanaysay na “Ang
Pelikulang ‘Blow-Up’” sa taunang pamimili ng Surian ng Wikang Pambansa; ng tig-
isang plake at medalya bilang karangalang-banggit ang kanyang mga tulang
“Pangingimbulo, sa Apolo 8” at “Tutubi: Sa Sapot ng Gagamba” sa taunang pamimili
(1974) ng SWP ukol sa Talaang Ginto; at ng isa ring medalyang ginto ang kanyang
sanaysay ukol sa Wika na iginawad ng Samahan ng mga Alagad ng Wikang Tagalog
sa Panginay, Bigaa.
III. BUOD
IV. PAGSUSURI
DIDTO MAKIKITA KUNG GAANO KAHIRAP ANG BUHAY NA ATING
GINAGALAWAN KAGAYA NALANG NG SA KWENTONG ITO NA WALANG
KAKAYAHAN ANG PAMILYA NA IPAGPA-ARAL ANG KANILANG ANAK .
“… pero hindi ko lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong
makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.”

SANGGUNIAN

WEBLIGRAPHIYA:

https://www.facebook.com/notes/rene-bendal/kasaysayan-ng-maikling-kuwentong-pilipino-
g/517193315333149/

I. PAMAGAT

PINGKAW

II. MAY AKDA


Si Isabelo ay isinilang noong Hulyo 7, 1864 sa Vigan, Ilocos Sur. Ama niya si Elias de los Reyes at ina
naman niya si Leona Florentino. Una siyang nag-aral sa Vigan Seminary. Namasukan siya upang pag-
aralin ang sarili sa Letran kung saan tinapos niya ang Bachelor of Arts na may pinakamataas na
markang sobresaliente. Tinapos niya ang abugasya sa Unibersidad ng Santo Tomas sa gulang na 22.
Sapagkat batang-bata pa, hindi siya pinayagang manilbihan bilang abugado kaya pamamahayag ang
hinarap niya.

III. BUOD

Si Pinkaw ang babaeng kaawaawa nasiraan siya ng bait ng pumanaw ang kanyang tatlong anak, dahil
sa pagkain ng mga ito ng sirang sardinas. Balikan natin ang mga pangyayari noong mga araw na hindi
pa nasisiraan ng bait si Pinkaw siya mabait at masipag na ina ikinabubuhay nila ang pagbabasura o
pag kuha nila ng mga basurang maaring ibenta bilang kalakal. Ang mga kalakal na nakukuha nila ay
ibenebenta nila sa isang intsik.Ngunit namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang
ipinagbubuntis niya ang kanyang bunsong anak.

Mag-isang itinaguyod ni Pinkaw ang kanyang tatlong anak sa kabila ng hirap na nararanasan nila may
positibong pananaw parin sa buhay si Pinkaw sa katunayan habang nag kakalkal ng basura ay
nagagawa parin niyang umawit at nakakatulong parin sa iba parang hindi nya iniinda ang hirap ng
buhay.Iniuuwi niya ang mga tira tirang pagkain na nakukuha niya sa basurahan at mga bagay na maari
pang pakinabangan at ipinasasalubong niya ito sa kanyang mga anak. Siya ay may tatlong anak si
Poray ang kanyang panganay na anak na labing tatlong tatlong taong gulang mataas at payat
sinasabing para daw itong panakot sa uwak sa maisan. Si Basing ang pangalawa niyang anak na isang
sungi, ngunit mahilig pumangos ng tubo samantalang umaagos lamang ang katas nito sa biyak niyang
labi. At si Takoy ang bunso niyang anak maputi at gwapong gwapo sinasabing ito ay ibang iba sa
kanyang mga kapatid. Kaya naman pinag uusapan ng mga kapait bahay isa na si Pisyang Tahur na
nagsasabing iba-iba daw ang ama ng anak ni Pingkaw ngunit di nalang ito pinapansin ni Pingkaw.

Isang umaga namimilipit sa sakit ng tiyan ang kanyang tatlong anak dahil sa pagkain ng panis na
sardinas. Nangatal sa takot si Pinkaw agad niyang isinakay sa kanyang kariton ang kanyang tatlong
anak humingi siya ng tulong sa kakilala niyang doctor ngunit wala ito. Kung kanikanino pa siya
humingi ng tulong pero ni isa ay walang tumulong sa kanya. Nakita nalang niya na binawiaan ng
buhay ang kanyang isang anak habang nakasakay sa kariton, nang makarating sila sa pampublikong
pagamutan ay hindi inunang gamutin ang kaniyang anak, bagkus inuna pa ang mga mayayamang wala
naming malubhang karamdaman. Nang sumunod na araw habang nasa pagamutan binawian ng
buhay ang isa pa niyang anak. Di rin nag tagal ay namatay din ang isa pa. Hindi kinaya ni Pinkaw ang
mga nangyari sa kanya kaya siya ay nawala sa katinuan.makikita mo nalang si Pinkaw na pagala gala
sa kalsada at tinutukso ng ilang kabataan at pinagtatawanan ng ilang mga taong walang habag sa may
mga ganitong kalagayan.

IV PAGSUSURI

SANGGUNIAN
WEBLIOGRAPHY:

http://rosiefilipino10.weebly.com/maikling-kwento.html#/

I. PAMAGAT

Binhi

You might also like