You are on page 1of 7

“GAPO”

Ni Lualhati Bautista

I. Introduksyon

A. May Akda

Ang kuwentong Gapo ay pumapagilid sa buhay ng mga tauhang nakatira sa Olongapo noong taong
1978.Ito ang panahon kung kalian ang prostitusyon at diskriminisyon ay kilala at laganap sa lugar na ito
na tinatawag nilang Gapo. Ito ay tungkol sa kuwento ng mga tauhang namumuhay sa kalagayan ng lugar
na ito noong panahong matapos ang pangalawang pandaigdigang digmaan. Tinalakay dito ang
pamumuhay ng mga Pilipino habang ang mga Amerikano ay sinasamantala ang paggamit sa teritoryo at
yaman ng mga Pilipino

Si Lualhati Torress Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat.Kadalasan,


ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha narin siya ng ilang akdang-
pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapossiya sa Emilio
Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major
siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago manniya matapos ang kanyang unang taon.

Nagsimula siyang magsulat sa edad na 16 at naging malaking impluwensya ngkanyang mga


gawa ang kanyang mga magulang na nagsusulat ng mga tula. Isa sa kanyangmga naunang kwentong
nagawa at nailimbag sa isang magasin ay ang Liwayway. Siya aynaging bise president ng Screenwriters
Guild of the Philippines at chair ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular. Siya ay
naging pambangsang fellow ng fiction ngUnibersidad ng Pilipinas Creative Writing Center noong
1986. Kadalasan, sumasali siya noonsa mga pagligsahan sa pagsusulat ngunit ngayon siya ng ang isa sa
mga hurado. Hanggangngayon, si Lualhati Bautista ang isa sa mga pinakamahusay at pinakatanyag
namanunulat sa bansa.

Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? nanakapagpanalo sa
kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984.Nakatanggap din siya ng dalawang
Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maiklingkwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan
Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong
gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang
Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.

II. Ang Akda

B. Tauhan

Si Michael Taylor Jr o Mike ay isang sikat na mang-aawit sa isang club na kung tawagin ay Freedom Pad.
Siya ay anak ni Dolores sa isang Amerikanong si Michael Taylor, Sr. na hindi man lang sila nagawang
panagutan sapagkat totoong may pamilya na sa America si Michael Taylor, Sr. na siyang nag-udyok kay
Mike para magkaroon ng poot sa mga kano. Si Michael Taylor, Jr. ay simbolo ng isang Pilipinong mulat
sa katotohanan at kasamaang hatid ng mga dayo sa ating bansa. Si Michael Taylor Jr ay isang tauhang
lapad dahil hindi nagbago ang kanyang pananaw o karakter hanggang sa dulo ng nobela.

Si Magdalena ay kaibigan ng ina ni Michael na si Dolores na nagging kasamang tauhan ni Michael Taylor
Jr sa nobela. Inalagaan ang anak ng kaibigan hanggang sa ang kaibigan ay namatay. Siya ay nakikitira sa
bahay nila Michael at doon nag-uuwi ng kustomer dahil isa siyang babaeng rumaraket din sa Freedom
Pad. Siya ay isa sa mga babaeng hinangad makarating sa America.

Sila Johnson naman na mayroong mataas na posisyon sa base militar. Mapanglait at mapangahas na kano.
Si Richard Halloway na mabait sa simula ngunit pera lang pala ang habol. Sa kanya nahulog ang loob ni
Ali at ang nanggulpi kay Ali na kakuntsaba si Igna.
Si Steve Taylor na isang kano na nakilala ni Magda sa Freedom Pad at inibig ni Magda. Sila'y
nakapagbunga ng anak. Taksil na kano dahil sa simula'y nagpapakitang malasakit ngunit nais din palang
ipalaglag ang bata. Ay ang mga kasangging tauhan sa nobela.

C. Estratehiya sa Pagsusulat ng Akda

Ang nobelang ito na nilikha ni Lualhati Bautista ay may terminong "analepsis" na tumutukoy sa isang
anyo ng pagsasalaysay na nagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa nakaraan. Sa nobelang ito, maaaring
magkaroon ng mga bahagi ng kuwento na gumagamit ng analepsis upang ibunyag ang mga pangyayari o
kwento mula sa nakaraan ng mga tauhan o lugar na kasangkot sa kwento. Ang paggamit ng analepsis ay
naglalayong linawin ang mga pangyayari at karakter sa kasalukuyan ng kwento sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kanilang mga pinagmulan at konteksto.

D. Aral na Makukuha

Ang makukuhang aral at ang pakay ni Lualhati Bautista sa pagsusulat ng akdang ito, na kanyang unang
akdang sinulat ay magbukas ng mga diwa ng mga tao, hindi lang mga Pilipino, ngunit sa lahat ng taong
naaapi o naiilalim dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at pag-uuri ng kulay ng balat.

E. Mga Teoryang Pampanitikan

1. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro binibigyang-tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. → Ang galing ni Mike sa
pagtugtog ng gitara ay isa ng patunay dito. At sa kabila ng masalimuot na pamumuhay sa Olongapo at
buhul-buhol na kagaspangan ng ugali ng mga tagaroon dala na rin ng kahirapan ng buhay ay may parte pa
rin sa nobela na nagpapatunay na ang tao ay may itinatagong kabaitan. Ang pagtulong ni Modesto kay
Mike nang siya ay hinahabol sa Jungle, ang pakikipagkapwa-tao at pakikipagkaibigan din ni William
Smith kay Modesto at
miminsang tawanan at maayos na samahan nina Magda at Mike sa Apartment ay ilan lamang halimbawa
nito.

2. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat

Sa paunang salita ng may akdang si Lualhati Bautista, kanyang ibinahagi ang kanyang karanasan sa
kanyang pananatili sa Olongapo kasama ang dalawang kapatid na sina Marie at Lumen at pinsang si
Carding. Sa kanilang pagpunta sa isang har doon ay nakakuwentuhan nila ang iba pang kasamahan ni
Carding sa Base ukol sa ilang mga lihim at mapapait na katotohan sa loob o labas man ng Olonggapo.
Dito, mapapatunayan na ang nobelang Gapo ay nabigyang-buhay ng karanasang iyon.

3. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang


pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at ipinamamayagpag
ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Ang may-akda ay isang babae at isa sa mga pangunahing tauhan na si Magdalena ay babae. Naipakita sa
atin ni Lualhati na ang mga babaing tulad ni Magda ay may mga pangarap din sa buhay, may dignidad na
kadalasa'y ipinagbabawalang-bahala na lang makamit lamang ang kaginhawaan. Sa pagtatapos ng nobela
ay napatunayan na si Magda ay isang babaing may pagmamahal sa buhay pagkat kanyang piniling huwag
ipalaglag ang buta sa kanyang sinapupunan. Bagkus kanya itong bubuhayin kasama ni Mike, siya ay
handing matuto at pinatutunayan ito ng kanyang handing pag-aaruga kay Jeffrey habang nasa ospital pa si
Ali.

4. Teoryang Arkitaypal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa't isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa
tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

Napakaraming pangyayari sa nobela na sa unang basa'y hindi masasabing isang simbolismo subalit sa
iyong patuloy na pagbabasa hanggang sa huli ay matatanto mong ang ilan sa mga ito ay may
ipinahihiwatig na pangyayari sa atin. Halimbawa ay ang pamimili ni Magda ng napakaraming produktong
stateside noong una at pagsasantabi ng mga produktong Pinoy. Subalit sa huli'y kanyang piniling huwag
kainin ang Baby Ruth, ito'y panahan ng kanyang pagdadalantao at kanyang naalala ang mga sinabi sa
kanya ni Mike na kanyang tinawan lamang noon. Ngunit, makikita nating si Magda ay talaga naming
nagbago na ng pananaw sa buhay bunga na rin ng mapapait na karanasan kina Sam at Steve.

5. Teoryang Historikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Sa nobela ay binigyang paliwanag ang ilan sa mga kadahilan ng bagay-bagay at mahahalagang


kasaysayan ng bansa, Isang halimbawa nito ay ang kuwento ukol sa paghomha sa Pearl Harbor at ang
napakaraming kabuntot na epekto nito sa ating bansa at ng bansang Amerika.

III. Buod

Ang nobelang “GAPO” ay tumatalakay sa problemang nababalot sa mga base militar ng mga Amerikano
dito sa Pilipinas. Makikita sa nobela ang diskriminasyon at masamang pakikitungo ng mga Amerikano sa
Pilipino sa mga nangyayari sa lugar ng mga base militar.
Nagsimula ang nobela sa isang bahay-aliwan na tinatawag na Freedom Pad, kung saan ito ay matatagpuan
malapit sa base ng mga Amerikano. Si Michael Taylor Jr. o mas kilala bilang Mike, ay isang manunugtog
ng gitara sa Freedom Pad. Si Mike ay may maputing balat at blondeng buhok na nakuha niya sa kanyang
amang Amerikano, pero alam niya na Pilipino ang dugong nananalantay sa kaniya na galing naman sa
kaniyang Ina na si Lourdes. May mga awit na isinulat ni Mike sa wikang Filipino na naghahatid ng
mensahe sa kanyang galit sa mga Amerikano dahil sa pag-iwan ng kanyang ama sa kanila ng ina niya.
Ang kanyang mga awit ay sumasalamin sa mga marinong Amerikano na nakikinig sa kanya.
Ipinakita ng awtor sa nobela ang namuong alitan sa pagitan ng lahing puti at kayumanggi sa paraan na
kung sino ang higit na mahalaga na mga waiter sa mga dayuhan na naroon sa bahay-aliwan. Ang dahilan
ng pagpahahalaga sa mga lahing puti ay ang mentalidad na mas malaki at mataas ang halaga ng dolyar
kompara sa piso. Naging sanhi ito ng pag-aaway ng mga kostumer sa bahay-aliwan. Sa lugar na ito ay
ikinuwento rin ang impormal na kultura ng pakikipagrelasyon ni Magdalena at ni Steve. Si Magdalena ay
isang babaeng kasama ni Mike sa bahay at nagbebenta ng aliw sa Freedom Pad, at si Steve naman ay
isang marinong Amerikano. Isa naman si Modesto na laging tumatambay sa Freedom Pad, at siya ay
isang Pilipino na may kilalang posisyon sa base, at si Ali ay isang baklang nagtatrabaho rin sa Freedom
Pad na karelasyon naman ni Richard.

Nagpapatuloy ang kwento sa pagpuna ni Modesto sa ugali ni Magdalena kapag nandiyan ang mga
Amerikano, na aniya ay masyadong sensitibo sa mga gustong gawin ng mga dayuhan sa kanilang
katawan, upang maibsan ang problema sa tiyan at maging sa problema ng kalooban at puso. Ipinakita ang
kwento ng pagkahumaling ng mga Pilipino, si Magdalena bilang isang imahe, sa mga kalakal mula sa
mga estado na ibinebenta lamang ng mura dito dahil sa mga imported na produkto mula sa Estados
Unidos.

Gustong ipakilala ni Mike ang kanyang sarili at sabihin sa mga tao na siya ay Pilipino dahil hindi niya
gusto ang pagkilos at pag-iisip ng mga dayuhan. Nakipag-away siya sa pagitan ng mga puti at mga itim,
at dahil sa kanyang kulay, naging bahagi siya ng pakikibaka sa pagitan ng mga grupong ito.

Isinalaysay sa kwento ang buhay ni Modesto bilang manggagawa sa loob ng base militar. Ang tawag sa
kanya ng mga Amerikano ay "Yardbird" dahil siya ay parang uwak at maya na tumutuka ng mga
nagkakalat ng kung ano mang mga dumi o pagkain na naiwan. Sinubukan ni Modesto na panatilihin ang
kanyang dignidad sa kabila ng mga pang-iinsulto at pang-aabuso na natamo sa kanya, ngunit kalaunan ay
nakalaya siya sa base. Ipinapakita ng yugto na ito ang diskriminasyon sa pagitan ng mga puti at
kayumanggi sa base militar.

Tumuloy ang kuwento sa kagustuhang bawiin ni Modesto ang kanyang nasirang dignidad. Sinarili niya
muna ang kanyang problema at hindi nakipag-usap sa kanyang asawa at maging sa matalik niyang
kaibigan sa loob ng base, si William Smith, isang puti sa loob ng base.

militar. Ang tawag sa kanya ng mga Amerikano ay "Yardbird" dahil siya ay parang uwak at
maya na tumutuka ng mga nagkakalat ng kung ano mang mga dumi o pagkain na naiwan.
Sinubukan ni Modesto na panatilihin ang kanyang dignidad sa kabila ng mga pang-iinsulto at
pang-aabuso na natamo sa kanya, ngunit kalaunan ay nakalaya siya sa base. Ipinapakita ng
yugto na ito ang diskriminasyon sa pagitan ng mga puti at kayumanggi sa base militar.
Tumuloy ang kuwento sa kagustuhang bawiin ni Modesto ang kanyang nasirang
dignidad. Sinarili niya muna ang kanyang problema at hindi nakipag-usap sa kanyang asawa
at maging sa matalik niyang kaibigan sa loob ng base, si William Smith, isang puti sa loob ng
base.

Kalaunan ay naging puno na si Modesto kay Johnson dahil sa pagtawag sa kanya bilang yardbird. Sila ay
nagkaroon ng kaguluhan na dumating sa puntong napatay si Modesto ng isang Amerikano. Ang
pangyayaring ito ay nagdulot ng pagbabago sa pananaw ng ibang mga tauhan sa kuwento.

Nagpatuloy ang kuwento sa pagsalaysay ng pagbabago sa mga relasyon nina Magdalena at Ali. Si
Magdalena ay nabuntis ngunit gusto itong ipalaglag ni Steve dahil sa may asawa at anak pala ito sa
Estados Unidos. Si Ali naman ay halos patayin at ginulpi ng karelasyon niya dahil pera lang naman pala
ang habol sa kanya at upang makatakas.

Dahil sa mga nangyari, si Mike ay lalong nagalit sa mga Amerikano at hindi niya napigilan na hatawin si
Steve hanggang tuluyan itong namatay. Dahil sa nagawa ni Mike, ito ay nagresulta sa kanyang
pagkakulong.
PAGBASA

IPINASA NI:
PRINCESS GEROBIN
STEM 11 SILVER

You might also like