You are on page 1of 3

PAGSUSURI NG ISANG AKDANG PAMPANITIKAN GAMIT ANG MGA PANGUNAHING

PAGDULOG NG PAGSUSURI

MABANGIS NA LUNGSOD
ni Efren R. Abueg

I. Introduksyon
Mabangis na Lungsod ang ipinamagat ng may-akda sa maikling kwento na ito dahil sumasalamin
ito sa kahirapang naranasan ng isang batang paslit mula sa malaking lungsod na kanyang kinabibilangan.
Ito ay naglalarawan ng isang masamang panig ng Quiapo. Matatawag na mabangis ang lungsod na ito dahil
sa mga tauhan na sumisimbulo sa pang-aapi,kalupitan at kagipitan ng buhay sa mga taong mahihirap at sa
mga taong inaabuso. Ang isang batang pulubi ay nakatagpo ng mga madilim na pangyayari kahit na ito ay
may magandang ilaw. Katulad ng mga pangyayari sa ating lipunan na masasalamin sa kwentong ito.
Naipapakita din ng pamagat ng maikling kwento ang realismong nangyayari sa tunay na mukha ng mga
taong nakapaligid sa pangunahing tauhan at kung paanong sila mismo ang nagiging mabangis sa harapan
ng mga kapos palad na tao sa lungsod na kinaibilangan nila.

A. Maikling Talambuhay ng May-akda


Si Efren Abueg ay isinilang sa Tanza, Cavite noong Marso 3, 1937 at isa sa mga iginagalang na
kuwentista, nobelista, mananalaysay, at kritiko sa kaniyang kapanahunan. Kabilang sa kaniyang mga aklat
ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga
antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos ng Disyerto (edisyong 1965, 1974,
at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G.
Abadilla (1973); maging sa iba pang institusyong nagbibigay parangal sa larangan ng panitikan.
B. Mga Mahahalagang Pangyayari sa Lipunan sa panahon ng pagkakasulat ng akda
May isang pook sa Maynila na di makakaligtaang puntahan ng mga tao lalo na yaong deboto ng
Nazareno tuwing araw ng Biyernes.Alam mo ba kung saan ito? Tama, ang iyong hula… Quiapo!Iba’t ibang
uri ng tao ang matatagpuan sa paligid ng simbahan ng Quiapo. Narito ang mga tinderang may iba’t ibang
paninda…damit… gamit sa bahay… santo… halamang gamot. Matatagpuan mo rin rito ang mga
manghuhula, manghihilot at mga pulubi… Pulubing umaamot ngkaunting barya. Subalit gaya ng
paniniwala ng mga nakararami, halos lahat sila’y hawak ng mgasindikato. Sindikatong masasabing
halang ang kaluluwa. Mapagsamantala sa kahinaan ng kanilang kapwa. Ito ang pinakadiwa ng kuwentong
babasahin mo, ang “Mabangis na Lungsod” na isinulat ni Efren Abueg.
II. Mahahalagang Talasalitaang dapat maunawaan ng mambabasa
▪ sutla -isang uri ng tela.
▪ gora- isang uri ng kasuotan o takip sa ulo
▪ lukbutan- sisidlan ng salapi. bag, supot
▪ imbay ng mga kamay- pagkampay ng kamay hábang naglalakad
▪ ilaw-dagitab-isang salitang Filipino na nangangahulugang ilaw,kislap o bombilya.
▪ sumisigid na kilabot- tumutukoy sa masamang pakiramdam, kung saan ang isang tao ay may
matinding kaba at takot na dulot ng isang bagay o tao.
III. Pagsusuri ng Mahahalagang tauhan
Adong- Si Adong ay isang 12-taong gulang na bata na namamalimos sa harapan ng simbahan ng Quiapo
at ang pangunahing tauhan ng maikling kwento. Si Adong ay kumakatawan sa mga tao sa lipunan na
kinapos sa mga karapatan na dapat sana ay tinatamo nila dahil sa kalupitan ng buhay at sa mga taong walang
pakialam sa kapakanan ng iba. Siya ay isang taong nais lumaban sa buhay ngunit dahil sa kanyang
nakasanayan at dahil sa sirkumstanyang kanyang nakalakihan, wala siyang magawa kundi manatili
nalamang sa buhay na mayroon siya at hayaan nalamang na maapi ng mga taong pilit kinukuha ang hindi
nila pag mamay-ari.

Aling Ebeng-Si Aling Ebeng ay isang matandang pilay na nasa tabi ni adong sa dakong luwasan ng
simbahan ng Quiapo. Isa siya sa mga nangungutya at nanghuhusga kay Adong ukol sa panlilimos umano
nito para lamang sa pansugal ng kanyang mga magulang. Si Aling Ebeng ay kumakatawan sa mga taong
nakikita ang kasamaan ng mundo ngunit walang ginagawa para matigil o mahinto ito. Imbis na tumulong
ay mas pinipiling mangutya at manghusga.

Bruno- Si Bruno ay isang siga na kilala sa Quiapo at kumukuha ng mga nalilimos ni Adong. Si Bruno ay
kumakatawan sa mga mapang-api sa lipunan. Namimihasa at nang-aapi ng mga taong alam nilang walang
laban at takot sakanila. Ang kagaya ni Bruno ay mga duwag sa katotohanan ng buhay at umaasa nalang sa
bunga ng ibang tao. Maaaring si Bruno ay kumakatawan din sa mga buwaya sa lipunan na minamaliit ang
mga taong walang kapangyarihan. Mga taong iniisip lamang ay kanilang sariling layaw at kinakalimutang
lahat ng tao ay may karapatan.

IV. Buod ng Akda (Maikling Kuwento)


Ang kwento ay umiikot sa batang si Adong na gumigising ng maaga at nagtutungo sa Quiapo upang
mamalimos para siya ay magkaroon ng pagkain na kanyang maipantatawid gutom. Si Adong ay
labindalawang taong gulang. Sa murang edad ay naranasan na ni Adong ang kahirapan ng buhay. Namuhay
rin siya ng walang mga magulang na mag-aaruga sa kanya. Kasama ni Adong sa Quiapo ang mga kapwa
niya namamlimos, nagtitinda at nagsisimba roon. Naroon din si Aling Ebeng na kumukutya at nanghuhusga
kay Adong. Ngunit nagugulat ang mga namamalimos sa tapat ng Simbahan ng Quiapo kapag dumarating
na ang mayabang at nagpapaka-haring si Bruno. Lahat sila ay natatakot kay Bruno. Lahat ng kanilang
napapalimos ay napupunta lamang kay Bruno. Si Bruno ang nakikinabang ng lahat ng mga ito. Tumakas si
Adong at kumarimpas ng takbo ng minsang makita niyang papalapit na si Bruno. Nais niyang kumawala
sa kamay ng mapait na katotohanang mapupunta lahat kay Bruno ang pinaghirapan niya. Ngunit bandang
huli, nahabol at nahuli rin siya ni Bruno.
V. Pagsusuri ng Tema sa Akda

Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Lahat ng tao, ay may kanyang kontribusyon sa ating
komunidad. At tayo ay may mapagpiliian kung ano gusto natin. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ang
gusto niya. Binibigyan tayo ng ang pagkakataon na gawin ang kung anuman gusto natin gawin. Ngunit,
sinasabi lang niya na may kahihinatnan ang lahat ng ginagawa natin. Ito ang tema sa kwentong “Mabangis
na Lungsod”. Sa Storya, ang pangunahing tauhan ay si Adong. Isa siyang pulubi sa labas ng Quiapo Church.
Nandiyan siya, humihingi ng perang pambili ng pagkain. Ngunit, tinatrato siya ng mga tao doon na wala
siyang silbi at parang wala siya doon, gutom at humihingi ng pera at para tayong mga tao sa kuwento dahil
sa dami ng pulubi sa bansa natin, iniisip natin na kahit bigyan natin ang isang bata ng pera, walang
magbabago sa nasyon natin. Hindi tayo pinipilit upang bigyan sila ng pera, nasa atin na kung bigyan natin
sila o hindi.
VI. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda
Ang may-akda ay naglalayong ipaalala sa atin na hindi lahat ng tao ay pantay pantay. Sa ating
lipunan, mayroong mga mahirap na patuloy na humihirap at may mga mayayaman na patuloy na
yumayaman. Dahil ditto, maraming mga tao ang gumagamit na lamang ng dahas upang makuha at makamit
ang mga ninanais.

VII. Teoryang Pampanitikan


Kasama sa kuwento ang mga sumusunod na teoryang pampanitikan:

1. Teoryang Realismo- ang teoryang mababtid sa kuwento dahil ang kahirapan ay isang kaganapan ng
isang katotohanang nangyayari sa lipunan mula noon hanggang sa ngayon. Ang teoryang realismo ay
naglalarawan ng mga tunay na mukha ng mga lansangan ng Maynila at ng mga lokal na nagsisimba. Dahil
may mga naghihikahos na minamaltrato ng malalakas, mapapatunayan ko na ang bawat pangyayari sa
nobela ay nangyayari talaga sa ating lipunan.

2. Teoryang Sosyolohikal -sa mga pangyayaring ipinakita sa kuwento ipinapakita dito kung papaano
hinarap ng tauhan ang suliranin o kalagayan niya sa Lipunan. Mababatid na ang mga pangyayari na nabasa
sa akdang binasa ay mga totoong pangyayari o isyu na kinakaharap ng Lipunan sa kasalukuyan o kahit sa
mga panahong nagdaan.

3. Teoryang Arketipal-maaaring gamitin ang mga simbolo upang ihatid ang mga pangunahing elemento
ng isang akda. Si Adong ay representasyon ng maliliit na bata nainaabuso at pinagsasamantalahan, at si
Bruno ay representasyon ng masasamang tao na nagsasamantala sa kapwa. Ang simbahan ay kumakatawan
sa pag-asa para sa mga taong nangangarap na mabuhay pa.

4 Teoryang eksistensyalismo dahil ito ay nagpapakita ng Kalayaan ng tao na magdesisyon para sa


kaniyang sarili.

VIII. Pansariling Reaksyon


Ang aking reaksyon ay huwag hahayaang dumarami pa ang mga batang nagdurusa, naaapi at
nakaramdam ng pangmamaliit mula sa kapwa. Tandaan, kabilang din sila sa kinabibilangan nating lipunan
na nakikibaka upang mabuhay sa gitna ng kahirapan mula sa mapait na karanasan. Nararapat na mabigyan
ng pansin ang mga kabataang nakakaranas ng ganitong sitwasyon dahil ang mga KABATAAN ang PAG-
ASA ng BAYAN. Gayunpaman, ay dapat pa rin tayong magsumikap at huwag lamang umasa sa mga taong
magbibigay sa atin ng tulong sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kusang tumulong sa atin.
Nararapat na gumawa rin tayo ng paraan upang maiahon ang buhay sa kahirapan ng hindi lamang umaasa
sa tulong na galing sa iba.

Ipinasa ni:

Ipinasa kay: Bb. Mechiel M. Silawan

You might also like