You are on page 1of 2

MABANGIS NA LUNGSOD

PANGKAT 6
Vincent John Villamin
Jeanyen Crysta Ascan
Rhonalyn Ilagan
Rex Emanuel Llanes
Remdell Quinita
Patrick Dwight Aclan
Mario Miguel De Villa

1.) Anu-ano ang mga simbolismo na nakapakaloob sa akda? Isa isahin at


ipaliwanag.
Maraming uri ng simbolismo ang matatanaw sa akdang mabangis na lungsod.
Mapapaloob na dito kung paano ipinahiwatig ng may akda ang buhay ng mga
kababayan nating mahirap ang buhay at nakaasa lamang sa mga matatanggap
nilang limos galing sa ibang tao. Ang tauhan na si Adong ang siyang
nagsasagisag ng simbolismo na ito sapagkat siya ang karakter sa akda na
pinagkaitan ng madaming bagay at lumaki sa pamamalimos sa simbahan. Isa
pang simbolismo na makikita sa kwento ay kung paano pagsamantalahan ng
mga taong may angking lakas ang mga tao na walang kalaban laban sa kanila.
Sa ganitong estado ay napipilitan na lamang ang mga ito na sundin ang inuutos
o gusto ng mga taong nakakalamang sakanila dahil sila ay maaring saktan nito
kung hindi nila ito susundin. Ang simbolismong ito naman ay isinasalamin ng
karakter na si Bruno.

2.) Ano ang mga mensaheng napulot mo sa kwentong Mabangis na Lungsob?


Ang kwentong ito ay tungkol sa isang magandang lungsod ngunit mayroon ding
madilim na mga pangyayari. Isang batang pulubi ang nakakaranas ng mga
pangyayaring ito at ito ay sumasalamin lamang ng mga nangyayari sa ating
lipunan. Sa ating lipunan, ang mga nabubuhay at nagtatamasa ng mapayapang
buhay ay ang mga nabiyayaan nang kapangyarihan. Ngunit, tulad ni Adong,
pinipili rin ng ilang mahihirap na magsakripisyo para sa iba. Ang kwentong ito ay
nagpapatibay lamang sa argumentong may mga taong walang puso at walang
pakialam sa iba, kahit na ang isang tao ay walang ginagawang masama. Sa
isang lungsod na puno ng walang awa na mga tao, ang ilan ay sasamantalahin
at aapihin ang isang taong walang ginawang kasalanan.
3.) Bilang kabataan, paano ka makatutulong sa mga katulad ni Adong sa ating
lipunan?
Sa panahon ngayon tayo tayo na din ang mag tutulungan para sa ating lipunan
at para sa mga kabataan na katulad ni Adong. Bilang isang mag aaral at bilang
kabataan makakatulong ako sa mga katulad ni Adong, una ang pagiging Mabuti
kong mag aaral upang kapag ako ay nakapagtapos ay maari kong magamit ang
aking mga pinag-aralan upang makatulong sa aking kapwa at magsilbi sa
lipunan. At paraang mag bibigay ako ng libreng edukasyon, mga dami na aking
pinaglumaan, matutulugan, kagaya ng sapin, kumot at unan, at higit sa lahat ay
pag-kain. Gagawa din ako ng paraan para mabigyan sila ng tulong mula sa
gobyerno. Gagamitin ko ang aking boses sa parang gagawa ng advocacy
tungkol sa buhay buhay ng mga batang mangangailanagn ng tulong.

You might also like