Professional Documents
Culture Documents
Pamagat
Anak ng Lupa
Ang nobelang Anak ng Lupa ni Domingo G. Landicho, ay isang
paglalarawan ng kinagisnang buhay at pananaw ng nayon at mga
naninirahan doon sa harap ng patuloy na pagbabagong nagaganap
sa ating bansa. Sinulat ang nobela bilang bahagi ng dalawang
bolyum na disertasyon na may pamagat na Anak ng Lupa:
Antropohikal na Pag-aaral sa Buhay at Pananaw Nayon sa Pilipinas.
Kakaiba ang nasabing disertasyon sapagkat ngayon lamang
nagkaroon ng tisis na nag-anyong nobela.
Nasasalamin sa akda ang pagbabanghay-buhay ng paglago ng
kaisipang-nayon na naglalagos patungo sa ideolohiya ng lungsod.
Binubuhay sa nobela ang mga karakter na sina Toryo, Oden, Oyo,
Bining at Ligaya, pawang mga kabataang namulat sa buhaymagsasaka, anak ng lupa ika nga. Kasabay ng mga pagbabagong
kinaharap ng bawat karakter, pinalitaw ng may-akda, bukod sa
kani-kanilang katatagan at pagpapanday-pananaw, ang mga
sinasaklaw na pagbabago ng kanayunang kanilang kinamulatan at
ng lungsod na di nila gaanong nakikilala.
Inihayag at ipinakita sa nobela kung gaano kasukat ang buhay ng
mga anak ng lupa, simula kapanganakan hanggang sa mamatay
ang mga ito. Ipinakitang lahat ng naninirahan sa Makulong ay
tumatalima sa batas ng nayon kahit na hindi ito nasusulat. Ipinakita
kung gaano kasagrado ang mga tradisyon at kaugaliang
kinamulatan. Higit na pinahahalagahan ng mga taganayon ang
paniniwalang ang bawat isa sa kanilay nag-aangkin ng iisang ugat
at pinagmulan kung kaya bawat isay namumuhay para sa kanyang
kapwa.
Sa napakahabang panahon, kinasanayan na ng bawat taganayon
ang mga kaugalian at ritwal. Kinapanganakan na nila ang mga ito,
kung kaya inaasahan na rin nilang kamamatayan na rin nila ang
mga kinamulatang gawain. Nakakatuwang isipin na napakasimple
lamang ng buhay ng bawat taganayon. Sukat na sukat at
nahuhulaan nila ang kahihinatnan ng bawat ginagawa. Ngunit, sabi
nga, walang permanenteng bagay sa daigdig. Lahat ay humaharap
Panahon
Hindi ko mahulaan at taon na ginanapan ng nobela, pero ang
palagay ko ito ay naka petsa sa dekada '60 o '70. Dekada '60 dahil
sa payak na pamumuhay sa isang maliit na bayan ng magsasaka,
at dekada '70 na ang ilang sakahan ng palay ay ginawang tubuhan
dahil magkakaroon ng reporma sa lupa.
Ang istorya ng nobela ay ang pagbabago ng isang payak na bayan,
ang pagdating nang tinatawag na pag-unlad, ang paggawa ng mga
kalsada, pagtayo ng mga pabrika at lago ng mga industriya sa lakas
paggawa. At ang mga pagbabago na may kabayaran at
pagsasalang-alang ng ibang bagay. Ang pag angkin o pagmamayari ng isang tao sa isang maliit na bayan, ang pagtalikod nila sa
kanilang kinagawiang pagsasaka dahil na rin sa nais ng panginoong
maylupa. Ang paglaban sa mga karapatan na pinagkakait sa kanila.
Kung ako ang tatanungin mo, nagandahan ako sa nobela, kasi dito
ko na nakita ang mga unang kaugalian sa payak na pamumuhay na
gusto ko, ang mga gawi sa panliligaw, at mga tradisyong hindi ko
na namulatan pa. ang nobelang ito ay nag papaalala sa akin nang
buhay na payak at wala gaanong kontradiksyon. pero gaya rin ng
nasa nobela, hindi ganoon ang buhay, ang buhay ay patuloy na
nagbabago kasama ang mga tao. Pagbabagong hinding-hindi mo
maikakaila, minsan para sa kabutihan, pero madalas para sa
ikakatuwa at sa interes lang ng iilan. Gayunpaman hindi dun
nagtatapos ang lahat, hindi natin kailangan laging magpatianod,
kailangan din nating lumaban at bumalikwas sa agos.
IV.
V.
Buod
Saglit na kasiglahan
VI.
Aral
Ang aral na napulot ko mula sa nobelang ito ang magpahalaga sa
kung anong meron tayo at matutuong magsumikap sa buhay upang
di nalipustahin ng ibang taong nakakaangat.
c. Kaasalan
Matapos kong mabasa ang nobelang ito at suriin naging
malaking impluwensya siya sa akin lalo na sa aking pag aasal na
maging kontento sa ung ano an gating tinatamasa at ating
nararamdaman dahil tulad ng mga karakter ako ay talagang
nahumaling sa kanilang mga ginagawang desisiyon sa buhay at
pangangalaga sa kanilang tradisyon at paniniwla upang di ito
mawala t manatiling buhay sa bawat isa sa nayon.