You are on page 1of 5

“Tata Selo” ni Rogelio R.

Sicat

A. PAMAGAT: “Tata Selo”


Ang pamagat ng kuwento ay “Tata Selo”. Ito ay ibinatay ng manunulat sa pangunahing tauhan ng
maikling kwento na isang lalaking magsasaka nanagngangalang Selo. 

B. URI NG AKDA: Tuluyan- Maikling Kwento- Kwento ng Tauhan

C. MAY-AKDA: Rogelio “Roger” R. Sicat


Ipinanganak si Rogelio “Roger” R. Sicat noong Hunyo 26, 1940 sa San Isidro
Nueva Ecija. Anak siya nina Estanislao Sicat, isang makata at Crisanta Rodriguez.  Isang
premyadong  nobelista, kuwentista, mandudula, at tagasalin, si Roger Sicat ay naging guro
ng panitikan, malikhaing pagsulat, wika at pagsasalin sa Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Nagturo rin siya sa Polytechnic University of the Philippines at Loyola House of Studies.
Nagtapos siya ng digring batsilyer sa Pamamahayag sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1964,  at nagtapos ng masteral sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.  Kinilala siya
bilang University Professor ng Unibersidad ng Pilipinas, ang pinakamataas na titulong pang-
akademiko na iginagawad ng Lupon ng mga Rehente ng UP System.  Naging dekano siya ng
Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP Diliman mula 1991 hanggang 1994.

Kabilang si Roger Sicat sa mga mahuhusay at kinikilalang manunulat sa Pilipinas na


nagtaguyod ng paggamit sa wikang Filipino sa malikhaing pagsulat at pananaliksik Habang
nag-aaral sa kolehiyo, naisulat niya ang kanyang unang maikling kuwentong Impeng
Negro (1962) na tungkol sa halaga at tagumpay ng pakikipagtunggali. Sa sumunod na taon,
naisulat naman niya ang klasikong akdang Tata Selo (1963) na tumalakay naman sa usaping
agraryo sa bansa. Samantala, ang mga dulang Mga Kaluluwang Naghahanap (1966), Moses,
Moses (1969), Saan Papunta ang Paruparu? (1970) at Tatalon  (1983) ay nagsilbing mga
patunay naman sa husay ni Roger Sicat  sa pagsulat ng mga dulang nakalunan sa
domestikong espasyo.  Ang katatasan at pagiging bihasa sa pagsasaling pangwika naman ni 
Roger Sicat ay matingkad na mababasa sa  akdang  Ang Gubat, salin niya sa Filipino ng The
Forest ni William Pomeroy.  Hanggang sa kasalukuyan, kinikilala si Roger Sicat bilang isa
mga muhon ng panitikan ng Pilipinas.  Hindi maitatanggi ang malawak na sakop ng kanyang
impluwensiya sa mga manunulat sa Pilipinas na magsulat sa sariling wika. Kabilang siya sa
mga manunulat na nagsulong at nagpaunlad sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsulat
ng mga malikhaing akda, salin at panunuring pampanitikan sa Pilipinas.

Sumakabilang buhay si Roger Sicat noong 1998.


D. PAG-UNAWA

a. Ang “Tata Selo” ay isang akdang pampanitikan na nabibilang sa teoryang


sosyolohikal dahil sa kaapihang dinanas ng pangunahing tauhan sa kwento na si Tata
Selo. Ito rin nagging salamin sa mga tunay na nangyayari sa ating mundong
ginagalawan, ang pang-aapi sa mga mahihirap at pagturing nito na mababang uri at
kawalan ng hustisya ng mga mahihirap katulad ng pangunahing tauhan sa kwento.
Ang kwento ay umiikot sa storya ng isang magsasaka na nagngangalang Selo,
ikinulong siya dahil napatay niya ang kabeza de barangay ng kanilang bayan. Ayon sa
kanyang salaysay sa kwento napatay niya ito dahil siya’y pinapaalis sa kanyang
lupang sinasaka na dati nilang pag-aari ngunit ito’y naembargo at pang-aari na ni
Kabesang Tano. Ito ay nagpapakita ng pagmamaliit sa mga mahihirap katulad ng
ginawa ng kabesa, hepe at ng alkalde kay Tata Selo na halos nahubaran ng dignidad
ng pagiging tao. Sinasalamin din sa kwento ang kawalan ng hustisya, pagsikil sa
karapatang pantao ng mga mahihirap at pagkawala ng due process sa pagpapatupad
ng batas. Nais ipabatid ng may-akda ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya
para sa mga maralitang katulad ng magsasaka sa kwento.
b. Mahalaga ang akdang ito sapagkat ito ay nagpapamulat sa mga mambabasa sa mga
katotohanang nangyayari sa ating lipunan at ito rin ay kapupulutan ng aral ng mga
mambabasa. Inilahad sa kwento ang tunay na nangyayari sa ating lipunan na
pagmamaliit sa mga mahihirap at kawalan ng hustisya para sa mga dukha. Nailahad
din ang pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan, pagsikil sa karapatang pantao ng
mga mahihirap at walang kaparaanan ng batas na agad na naghahatol ng hindi
dumadaan sa korte kagaya ng kaso ni Tata Selo. Nagpapaalala rin ito sa mga
mambabasa na hindi solusyon ang pagpatay sa kahit ano mang problema bagkus
pinapalala pa nito ang sitwasyon tulad na lamang kay Tata Selo na naikulong dahil sa
maling aksyon na kanyang nagawa upang ipagtanggol lamang ang sarili.

E. PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

a. Ang diwa o mga paksa ng maikling kwento ay napapanahon sapagkat ito ay


tumatalakay sa katotohanang nangyayari sa ating mundong ginagalawan. Isa sa mga
paksa nito ang pagmamaliit sa mga mahihirap na karaniwang nangyayari sa ating
lipunan. Sa akda si Tata Selo ay pinaalis ni Kabesang Tano na walang sapat na rason
kahit siya’y nagmakaawa at ginagawa niya ng mabuti ang kanyang trabaho.
Nakalahad din sa kwento ang kawalan ng hustisya ng mga maralita, Isa na rin dito
ang pagmamalupit ng mga may-ari ng lupang sakahan kagaya ni Kabesang Tano sa
mga magsasakang nagsasaka ng kanilang lupain at pang-aabuso ng mga pulis sa
kulungan. Kagaya ng sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ginagamit ang
kapangyarihan upang magmalupit dahil alam nilang makakatakas sila sa batas dahil
sa kanilang posisyon o estado sa buhay.
b. Mahirap lamang sina Tata Selo, siya’y nagsasaka sa lupang sakahan ni Kabesang
Tano na dati niyang pag-aari ngunit ito’y nabenta dahil nagkasakit ang kanyang
asawa. Pinaalis siya ni Kabesang Tano ng walang sapat na dahilan kaya nataga niya
ito dahil mahalaga sa kanyang ang lupaing iyon at kahit doon man lang siya magsaka
ay hindi pa siya pinagbigyan ng kabesa. Nakulong si Tata Selo dahil dito, agad siyang
hinatulan ng panghabambuhay na pagkakakulong kahit hindi pa ito dumaan sa korte.
Pagdating niya sa kulungan ay binugbog pa siya ng mga pulis doon na karaniwang
nangyayari din sa ating lipunan. Marami ngayon ang mga nakakaranas ng
pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan at pagsikil sa karapatang pantao ng mga
mahihirap. Ito ay kapupulutan ng aral ng mga mambabasa at nagsisilbi itong gabay na
dapat huwag pairalin ang galit at hintayin munang humupa ito upang makapag-isip ng
maayos at maipagtanggol ang sarili sa mabuting paraan.
c. Hindi masyadong malinaw at maayos ang pagkakalahad ng mga mahalagang impormasyon
sapagkat mayroong mga parteng hindi naipaliwanag ng maayos katulad na lamang ng
nangyari kay Saling, hindi nailahad ng may-akda ng maayos ang pangyayari kaya hindi
masyadong malinaw kung ano ang nangyari sa kanya.
d. Hindi madaling maunawaan ang nilalaman ng akda dahil ito’y gumamit ng mahihirap o
malalalim na salita o hindi pangkaraniwang salita na minsan lang natin naririnig. Ang
balangkas naman ng maikling kwento ay nasundan nito mula sa simula hanggang wakas.
Hindi masyadong maayos din at malinaw ang pagkakalahad ng mga mahahalagang
impormasyon sa akda sapagkat hindi literal na sinasabi ng may-akda ang mga pangyayari
kaya’t kailangan mo pang unawaain ng mambabasa. Hindi rin nailarawan ng maayos ng may-
akda ang mga ugali ng bawat tauhan mula sa panimula hanggang ito’y natapos.

e. Ang akda ay angkop sa lahat ng mga nais bumasa nito dahil ito’y walang mga malalaswang
bahagi at angkop sa lahat ang tema at paksa nito lalo na at ito’y napapanahon o nangyayari sa
kasalukuyan. Walang mga maseselang tema katulad ng sekswal at droga na nakapaloob sa
akda subalit kailangan ng gabay ng mga batang mambabasa dahil sa mga pangyayari na
maling pagtrato kay Tata Selo.

f. Ang akda ay mahirap basahin dahil ang may-akda ay gumamit ng mga mahihirap at
kumplikadong basahin na mga salita na hindi natin karaniwang naririnig kaya kailangan pang
hanapin ang kahulugan nito upang lubos na maintindihan ang storya at maisaisip ang mga
pangyayari sa kwento.

g. Ang maikling kwento ay naglalayong magpamulat sa mga mambabasa at maipakita ang


realidad sa buhay na kapag ikaw ay dukha talagang mahirap makamtan ang hustisya. Ito rin
ay nagbibigay aral sa kung ano ang kahahantungan ng maling gawain o padalos-dalos na
aksyon na hindi pinag-isipan ng mabuti, kaya dapat na huwag pairalin ang galit at ipaglaban
ang sarili sa tamang paraan. Ito ay nagpapatunay na ang mga batas rin ay nakabatay sa
estado sa buhay dahil kagaya sa kwento agad na hinatulan si Tata Selo na hindi man lang
dumadaan sa korte ang kanyang kaso.

F. PAGPAPAHALAGA

a. Ang paksa ay tungkol sa isang mahirap lamang na magsasaka na minamaliit lamang.


Ang akdang ito ay mahalaga sapagkat ito ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu
na nangyayari sa ating lipunan tulad ng kawalan ng hustisya ng mga maralita. Nag-
iiba ang batas batay sa ating estado sa buhay kagaya na lamang ng nangyari kay Tata
Selo na hindi man lang dumaan sa abogado o sa korte ang kanyang kaso bagkus
hinatulan agad siya ng panghabang buhay na pagkakakulong. Hanggang sa
kasalukuyan marami pa rin ang nakakaranas ng pagmamalupit ng mga nasa
kapangyarihan, pagsikil sa karapatang pantao ng mga mahihirap at pagkawala ng due
process sa pagpapatupad ng batas kapag ikaw ay dukha. Tinalakay din sa kwento ang
mga pagmamalupit na naranasan ni Tata Selo sa kulungan na nangyayari din sa ating
lipunan, ang mga preso ay nakakaranas ng pambubogbog ng mga kapulisan. Ito rin ay
nagpapamulat sa mga mambabasa na dapat na ipagtanggol natin ang sarili sa
mabuting paraan at pag isipan ng maigi ang gagawing mga aksyon. Nagbibigay aral
din ito sa mga mambabasa na nasa huli ang pagsisisi kaya dapat na huwag pairalin
ang galit dahil baka mahantong ito sa anumang kasamaang magawa.
b. Mabuting aspekto
Isa sa mabuting aspekto na makikita sa akda ay ang pagmamahal ng ama na si Tata Selo
sa kanyang anak na si Saling at pagmamahal ni Saling sa kanyang ama, binisita niya ito sa
kulungan at labis na nakaramdam ng lungkot at awa sa nangyari sa kanyang ama ngunit dahil
sa pagmamahal ni Tata Selo sa kanyang anak pinapalayo na niya ito upang hindi magambala.
Pagiging masipag ni Tata Selo at pagtatrabaho o pagsasaka sa lupa ni Kabesang Tano ng
maayos.

Mahinang aspekto
Maituturing na mahinang aspekto ang pag-aalipusta ni Kabesang Tano kay Tata Selo,
hindi niya ipinaliwanag ng mabuti kay Tata Selo ang dahilan kung bakit niya pinaalis ito
bagkus tinungkod niya ng tinungkod ang matanda hanggang sa dumugo ang noo nito.
Nagpapakita rin ng mahinang aspekto ang pagtaga ni Tata Selo kay Kabesang Tano dahil
maari namang ipagtanggol ang sarili sa mabuting paraan na hindi aabot sa patayan. Isa pang
mahinang aspekto ng kwento ay ang maling pagtrato ng mga pulis sa istaked kay Tata Selo.
Kawalan ng hustisya ng mahihirap katulad ni Tata Selo na hindi man lang dumaan sa
masusing imbestigasyon o paghatol sa korte, agad siyang pinatawan ng habambuhay na
pagkakakulong at binugbog pa siya ng mga pulis sa istaked.

c. Ang pangkabuhayan ni Tata Selo sa akda ay pagsasaka na kung saan karamihan sa ating mga
Pilipino na nakatira sa bukid ay ito rin ang pangkabuhayan. Nailahad din sa akda ang
kalagayang sosyal na pagmamaliit sa mga mahihirap o agwat ng mayaman sa mga dukha
kagaya ng mga katotohanang nangyayari sa ating lipunan na makikita nating iba ang
pakikitungo sa bawat tao base sa estado sa buhay. Kawalan rin ng hustisya para sa mga
mahihirap kagaya ni Tata Selo na hindi man lang dumaan sa korte ang kanyang kaso pero
agad siyang hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong. Makikita sa akda ang kultura
nating mga Pilipino na pagiging mapagmahal, gaya ni Tata Selo na mapagmahal sa kanyang
nag-iisang anak na naiwan sa kanya.

MGA SIMBOLISMO:
Rehas- ito ay sumisimbolo sa parusa kung tayo’y magkakasala
Tata Selo- mga mahihirap na inaalipusta at minamaliit ng mga nakakaangat sa buhay
Kabesang Tano- Mayaman na ganid sa lupa
Saling- mga inosente o mababait na tao na inaabuso ng iba
Alkalde at mga Pulis- mga matapobre sa lipunan; mga taong ginagamit ang kapangyarihan sa
pagmamalupit

G. PAGPAPALAWAK

a. Pagkatapos na binasa ang maikling kwento, aking napagtanto na hindi dapat natin
pairalin ang galit dahil baka makagawa pa tayo ng masama. Kagaya na lamang ng
nagawa ni Tata Selo kay Kabesang Tano dahil sa kanyang galit napatay niya ito kaya
siya pa ang nagmukhang masama. Talaga ngang nasa huli ang pagsisisi kaya’t dapat
na pag-isipan muna ang mga gagawing aksiyon kung ang epekto ba nito’y
makabubuti sa lahat.

b. Galit at awa ang emosyong nangingibabaw sa akin pagkatapos mabasa ang maikling
kwento. Galit ako sa kabesa sapagkat hindi siya nagbigay ng katanggap-tanggap na
rason kung bakit niya pinaalis si Tata Selo na maayos naming nagsasaka sa kanyang
lupang sakahan na dating pagmamay-ari ng magsasaka. Galit rin ang aking
naramdaman sa alkalde at sa mga pulis na nambugbog kay Tata Selo at naghatol sa
kanya ng panghabang buhay na pagkakakulong kahit walang kaparaanan ng batas.
Naawa naman ako kay Tata Selo dahil kahit siya’y nagmamakaawa na kay Kabesang
Tano hindi pa rin siya pinakinggan at tinungkod nang tinungkod pa siya nito sa noo
na nagtulak sa kanya upang tagain ang kabesa. Nais lang naman niyang mabawi ang
sakahan na ipinamana sa kanila ngunit nakagawa pa siya ng masama dahil dito,
pagdating sa kulungan naman ay tadtad siya ng bugbog ng mga pulis. Naaawa rin ako
kay Saling na na pinagsamantalahan ang kanyang kahinaan.
c. Huwag nating pairalin ang ating galit bagkus dapat na magkaroon tayo ng mahabang
pasensya at idaan sa mabuting paraan ang pagtatanggol sa ating sarili. Dapat tratuhin
ng maayos ang mga preso nang hindi bumabase sa katayuan sa buhay. Ipagtanggol
ang sarili sa mabuting paraan at huwag magpadalos-dalos at pag isipan ng mabuti ang
gagawing aksyon. Sa may-akda naman dapat gumamit ng mga simpleng salita lamang
upang higit na maintindihan ng mga mambabasa ang akda at dapat na ipakilala ang
tauhan ng maayos upang malaman ng mga mambabasa kung ano ang ugali nito sa
kwento.

You might also like