You are on page 1of 7

PAG SUSURI

WALANG PANGINOON
Ni Deogracias Rosario
(MAIKLING KWENTO)

Paksa: Ang pagpatay sa isang sistemang walang katarungan at isang kalakarang tagilid at pabor
lamang sa mayayaman.
Ismo:
Marxismo : Sapagkat ipinakita sa teksto ang pagkakaroon ng agwat ng mga mahihirap at
mayayaman sa lipunan.
Realismo: Sapagkat mahihinuha sa teksto na ang mga bagay na nangyayari sa tauhan ay
sumasalamin sa nangyayari at mga tao sa ating lipunan.
Enkoder ng Mensahe (AWTOR): Nais ipakita ng awtor dito ang mga bagay na nakikita sa
lipunan ngayon. Ang mga nakatataas ay kayang kayang mangapi ng mga nakabababa sa kanila.
Ngunit masasabi ring walang maliit ang hindi nakapupuwing sapagkat ang mga nakabababang
ito ay kaya namang lumaban para sa pagkatao kapag nayurakan.
Banghay:
Simula: Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na itoy
kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang
karapatan, napipilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari.
Gitna: Galit na galit si Marcos kay Don teong dahil sa ito ang dahilan ng mga mahal niya sa
buhay. Kasabay nito ang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa
kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kaniyang palayan dahil sa dugo at pawis sa
maghapong pagbubukid.
Wakas: Naghiganti si Marcos sa mga pang-aaping ginawa sa kanila ni Don Teong sa
pamamagitan ng kalabaw nito at natagpuan na lang na patay na si Don Teong.
Enkoder ng Mensahe(Teksto): Ipinapahayag teksto na lahat tayoy ayaw maging alipin sa ating
kapwa tao, kung kayat nararapat na walang sinuman ang dapat magpa alipin kung kanino man.
Marami man ang mga pagsubok na tumutugis sa ating katatagan mula sa ating kapaligiran.

TUNGKOL SA AWTOR
Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng
Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio,
Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat sa
gulang na 13, una siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong naunang pahayagan sa
bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.
Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang kinalaunan ay nagsulat din
siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at maiikling kwento. Sa
Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging
patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang Kalabaw.
PAG SUSURI

Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si Rosario ay
isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway.
Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang dito ay
ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at ang
Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw at Panitik, na may mga
prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H. Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.
Pinangalanan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, Mayroon Akong Isang Ibon, bilang
isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa panahon ng Amerikano, noong
1932. Isang taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling na manunulat ng maikling
kwento para sa akda niyang Aloha.

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Deogracias_A._Rosario

PRESENTASYON: https://prezi.com/zubgsmnuypby/walang-panginoon/
PAG SUSURI

DEKADA 70
Ni Lualhati Bautista
Sa direksyon ni Chito S. Roo
(SURING PELIKULA)

Paksa: Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa
kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang
mag-anak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na
nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos.
Ismo:
Realismo: Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang
sinulat.
Feminismo: Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at
ipinamamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Marxismo: Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka
ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Enkoder ng Mensahe (AWTOR): Nais ni Bautista na maliwanagan ang isip ng bawat isa ukol sa
mga totoong pangyayari noong panahon iyon. Ninanais din ni Bautista na ipakita sa mga kapwa
niya manunulat na hindi sila dapat matakot na ilabas a ilahathala ang kanilang mga aklat kahit
na ano pa man ang mangyari. Ninanais ni Bautista na sa pamamagitan ng kanyang akda ay
muling maibalik ang kalayaan sa paglalathala ng mga tunay na kahanga- hangang akda.
Banghay:
Simula: Nagsimula ang pelikula sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyang pansin na ang
nagkukwento na si Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa
tungkulin ng babae at lalaki.
Gitna: Kinalaunan, dumating ang ibat ibang pagsubok sa pamilya Bartolome tulad nang
pagkakakulong ni Jules, pag-aasawat maagang paghihiwalay ni Gani at Evelyn at ang
pagbubulakbol ni Jason sa pag-aaral.
Wakas: Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga pagsubok na
nananatiling buo ang ugnayat samahan sa isat isa.
Enkoder ng Mensahe(Teksto): Nais tayong mulatin ng pelikulang Dekada 70 sa mga
pangyayaring naganap noong panahon ng Martial Law. Na dapat nating muling buhayin ang
pagiging makabayan at dapat tayong magpakatatag. Dapat nating palagiang ingatan ang
kalayaang ating tinatamasa at handa dapat tayong ipaglaban ito sa oras na kuhanin ito ng iba
PAG SUSURI

maging anuman ang kapalit sa pagkat ito ay ating karapatan. Ipinakikita rin dito ang
mahalagang gampanin ng maayos na relasyon ng isang pamilya sa paghubog ng isang tunay na
mapagpalayang lipunan. Ang papel ng magulang ay ang gabayan ang kanyang mga anak upang
hindi maligaw ng landas ang mga ito, lalo na kung ang usapin ay ang kanilang kalayaan at
karapatang pantao. Nais ring ipaalala sa atin ng teksto na dapat tayong magpakalakas anumang
dagok ang maranasan natin sa ating mga buhay.
Argumento sa Teksto: Ipinaglalaban ni Amanda ang kanyang karapatan bilang babae. Na hindi
lamang limitado ang mga kababaihan sa kanilang mga tahanan kundi gaya ng mga lalaki ay kaya
rin niyang makisabay sa mga kalalakihan halimbawa, sa pagtatrabaho, at iba pa.

TUNGKOL SA AWTOR AT DIREKTOR


Si Lualhati Torres Bautista ay isa sa pinakabantog na babaeng nobelista sa kasaysayan ng
kontemporaryong panitikan ng Pilipinas. Kabilang sa mga nobela niya ang Dekada '70, Bata,
Bata, Pa'no Ka Ginawa?, at Gap.
Manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang
pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang
kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga
mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos
Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987.
Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Womens Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga
Kababaihan ng Ateneo) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa
Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Lualhati_Bautista
Chito S. Ronio o si Jose "Chito" S. Roo Jr. A.k.a. Sixto Kayko, isinilang noong April 26, 1954
Kumuha siya ng kursong broadcasting at theatre arts sa Unibersidad ng Pilipinas.
Kumuha ng kursong scriptwriting sa Grey Film Atelier sa Amerika.
Kumuha ng kursong cinematography sa Centro Statale di Cinematografia e Film sa Roma.

PRESENTASYON: https://prezi.com/et9tzesi-g8h/dekada-70/
PAG SUSURI

TATSULOK
Ni BAMBOO
(TULA)
Paksa: Ang awiting Tatsulok ng bandang Bamboo ay tumatalakay sa pagkanti sa socio-political
structure ng ating bansa. Ipinakikita ng awit na ito ang kahirapang dulot ng maling pamamahala
ng mga nasa itaas na bahagi ng tatsulok. Nagsasalaysay ito patungkol sa away-militar at ang
ugat ng mga pag-aaway sa ating bansa.
Ismo:
Marxismo :Sapagkat ipinakita sa teksto ang pagkakaroon ng agwat ng mga mahihirap at
mayayaman sa lipunan.
Realismo: Sapagkat mahihinuha sa teksto na ang mga bagay na nangyayari sa tauhan ay
sumasalamin sa nangyayari at mga tao sa ating lipunan.
Enkoder ng Mensahe (AWTOR): Pinapahatid sa ating mga isipan ng kantang tatsulok na
kailangan ay mamulat tayo lalo na ang mahihirap na tao, na hindi palagi na lang ang mahihirap
ang naapi at laging nasa baba at ang makapangyarihan o mayayaman ang laging nasa tuktok.
Ipinamumulat ng kantang ito sa atin ang status ng ating lipunan noon hanggang ngayon. Muling
nitong binuksan ang isip ng kabataan ng bagong henerasyon.
Banghay:
Simula: Nagmadali si Totoy, dahil siya ay isang mamamayan na nakikipaglaban para sa
pagbabago ng pamahalaan. Pinag-iingat siya dahil ang kanyang buhay ay nakabaon sahukay at
maaari syang mapagkamalan, at humandusay sa tabi.
Gitna: Hindi dalawang panig ng pamumuno ang may mali, ngunit ang estado ng buhay ay ang
talagang nagkakaroon ng kamalian at dahil sa estado ng buhay na ito, nagkakaroon ng
pagkakahambing pagdating sa hustisya, na kung mayaman ka, hawak mo ang hustisya, pero
kung mahirap ka, walang hustisyang makukuha para sayo.
Wakas: Kailangang gawan ng paraan ng mahihirap ang maling sistema ng pamamahala. Dapat
dumating sa punto na mabaligtad ito, na ang mga mahihirap ang nasa tuktok para pati sa
buhaynila ay mabigyan ng hustisya.
Enkoder ng Mensahe(Teksto): Sa tekstong ito ay nag uudyok sa masa na hindi maging
kampante sa kanilang estado sa lipunan at hindi lang magreklamo kung bakit sila ay inaapi ng
nakakataas , sa halip mayroon pa silang pag asa upang baliktarin ang tatsulok na nangyayari sa
lipunan at sila mabigyan ng marapat na katarungan.
KOPYA NG KANTA
*ARGUMENTO SA TEKSTO Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan kat humandusay dyan sa tabi
PAG SUSURI

Totoy alam mo ba kung ano ang punot dulo


Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Hindi pulat dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hanggat marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
Hindi pulat dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hanggat marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayoy sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok

Di matatapos itong gulo


http://www.metrolyrics.com/tatsulok-lyrics-bamboo.html
KOMPOSITOR:
Francisco Gaudencio Lupe Belardo Maalac, March 21, 1975
The Prince of (Philippine) Rock, Musician, Singer, Songwriter,
Dating vocalist ng bandang Rivermaya at Bamboo

PRESENTASYON: https://prezi.com/5y79ljrgywab/tatsulok-bamboo/
PAG SUSURI

You might also like