You are on page 1of 2

Abapo, Ed Matthew G.

INF-222
10/28/2023

Pagsusuri sa Ug Gianod Ako


I. BUOD NG MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento na ito ay nagsimula noong nagkita si Kid( kaibigan ni Loloy) at si Loloy, sila ay
matagal na hindi nagkita dahil akala ni Kid at sadyang puno lang ng ibang pangyayari si Loloy, ngunit sa
looban ni Loloy ay umiiwas sya kay Kid dahil sa maling nangyari sakinalalng dalawa ng kapatid nyang si
Pepita. Matagal ng mag-kaibigan si Loloy at Kid simula noong High-school pa. Si Kid ay madalas na
nagbbibigay ng payo kay Loloy tungkol sa mga babae. Si Loloy ay may hilig na magsulat pero dahil sa
kahinaan nya, siya ay napatigil sa pag-aaral at pag-susulat. Ang kahinaan na ito ay siya ay madalas na nag-
hahanap at naghahabol ng babae.

Isang araw, ay nagkita si Pepita (kapatid ng kaibigan ni Loloy) at tinanong ni Pepita kung nakakaramdam
ba siya nang tunay na pag-ibig, ngunit tinawanan lamang ito ni Loloy. At isang umaga pumunta si Loloy
sa bahay nila Kid upang hanapin siya dahil mayroon silang planong magkakaibigan na pumunta sa Banawa.
Ngunit, noong tinanong ni Loloy si pepita na nag-wawalis sa kanilang bahay kung nasaan si Kid, siya ay
sinungitan ni Pepita dahil siya ay nagtatampo at galit kay Loloy. Tumakbo paloob ng bahay si Pepita at
hinabol ni Loloy, paulit-ulit na tinanong ni Loloy kung galit pa siya sa kanya.

Si Pepita ay umamin na matagal na niyang minamahal si Loloy at sinabihan si Loloy na balang araw siya
naman ang titingin, magagalit, at maiingit kay Pepita. Simula nung nalaman ni Loloy ay siya ay nanghina
dahil may babae na may gusto sa kanya. Pagkatapos ay doon na nagtatapos ang istorya.

II. LAYUNIN NG MAIKLING KWNTO


Ang layunin ng kwento na ito ay maipakita sa mga nagbabasa ang naging perspektibo o ang pananaw ng
nagsulat na naging kamalian ni Loloy na may problema sa kaniyang kahinaan sa mga babae. Dahil sa
kanyang kahinaan pinapakita rito kung gaano kadali malunod sa isang kahinaan ng isang tao. Itinuturong
payo sa iba na wag tularan si Loloy na nalunod sa kaniyang kahinaan at hindi mag dagdag ng problema.

III. KABUUAN DETALYE NG KWENTO


Talambuhay ng may Akda:
- Si Marcel M Siya ay kilala bilang Navarra, ang "Ama ng Panitikang Sogbuanon," at ipinanganak noong
Hunyo 2, 1914. Lumaki siya sa isang baryo sa Carcar, Timog Cebu. Siya ay nakatuon sa pagsusulat mula
pa noong bata pa. Mayroon siyang higit sa walongpung maiikling kwento, kabilang ang "Ug Giadnod Ako."

IV. SANGKAP NG MAIKLING KWENTO


Istilo:
-Ang kwento na ito ay nag-simula sa gitna ng storya. Base sa aking binasa ito ay limang buwan na ang
nakaraan bago ang mga pangyayari. Ito rin ay nasa pananaw ng nagsulat ng kwento
Tauhan:
1. Loloy- Nagsulat ng maikling kwento.
2. Kid- Kaibigan ni Loloy.
3. Pepita- Kapatid ng Kaibigan ni Loloy, at ang nagkakagusto kay Loloy.

Tagpuan:
1. Eskwelahan- Kung san nagkakilala si Loloy at kanyang Kaibigan.
2. Bahay ng kaibigan ni Loloy- Pinagkitaan ni Loloy at Pepita.
3. Letoile Parlor- Lugar na nagkita si Loloy at ang kaniyang kaibigan.

Tema:
-Ito ay tungkol kay Loloy at ang kaniyang panlooban na kahinaan at problema tungo sa mga babae.

Banghay:
1. Panimula- Ang pagkakaibigan ni Loloy at ang kaibigang nya si Kid noong high-school.
2. Kakalasan- Pag-kikita ni Loloy at ang kapatid ni Kid na si Pepita.
3. Wakas- Ang pagsisi ni Loloy sa lahat ng kasalanan nya kay pepita at ang rason ng pagiwas sa kaniyang
kaibigan.
4. Problema- Ang ugali ni Loloy na mahilig humabol at maghanap ng babae na kaniyang gusto ibiganin at
maging kasintahan.

V. REAKSYON
-Ang aking reaksyon sa maikling kwento na ito ay medyo ako nalungkot at dahil nararamdaman ko ang
naging problema ni Loloy, ngunit para sa aking kasiyahan, hindi ko tutularan ang pag-hahabol at
paghahanap ng babae dahil gusto dumating lang sa buhay ko ang aking minamahal.

VI. REKOMENDASYON
-Nirerekomenda ko ito sa mga binata at mga dalaga dahil eto ay nagpapakita ng mga pangyayari na nang-
yayari sa totong buhay. Ito ay nagsisilbing payo o babala sa mga kahinaan sa pagmamahal o paghahanap
ng kasintahan.

You might also like