You are on page 1of 10

____UNANG___

MARKAHAN
____UNANG___
Republic of the Philippines
LINGGO MIMAROPA REGION
Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga pangyayari,at SCHOOLS DIVISION OF OCCIDENTAL MINDORO
ang kaugnayan nito sa COLEGIO DE SAN SEBASTIAN
kasalukuyan sa lipunang Asyano
batay sa napakinggang akda.
Nabubuo ang sariling paghatol
o pagmamatuwid sa mga
ideyang nakapaloob sa akda.
Nabibigyang kahulugan ang
malalim na salitang ginamit sa
akda batay sa denotatibo o
konotatibong kahulugan.
Naihahambing ang ilang piling
panyayari sa napanood na
telenobela sa ilang piling
kaganapan sa lipunang Asyano
sa kasalukuyan.
Nasusuri ang maikling kuwento
batay sa:
Paksa
Mga Tauhan
Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
Estilo sa pagsulat ng awtor
Iba pa

INIHANDA NI:
Bb.Melanie C. Emperio
GURO
MAIKLING KWENTO
Simulan Mo

Muli, isang magandang araw sa iyo. Nakatutuwang muli kitang nakasama sa araw na ito
para sa pagtuklas ng panibagong kaalaman. Sa araw na ito ay matututo ka sa bagong kasanayan
na susubok at maglilinang ng iyong kahusayan.

Sa araling ito, ikaw ay makakakalap ng mga kaalaman tungkol sa isang maikling


kwento,ang nilalaman at mga element nito.

Nasasabik ka na ba para sa ating talakayan ngayong araw? Halina’t samahan mo ako,


buklatin ang iyong aklat sa susunod na pahina.

Husayan mo! Kaya mo yan!


Kilalanin Mo

 Halina at basahin mong mabuti ang nag-aabang na bagong kaalaman sa iyo.

Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira


Isinulat ni Machtor Lubis
Isinalin ni Erlinda A. Pinga
May labing-apat na taon na palang hindi kami nagkikita ni Haji Zakaira. Nagunita ko
lamang ito nang ako’y nakasakay sa isang bus patungong Kerinchi. Kamakailan
lamang,binawian ng buhay si Ama sa isang maliit na bayan sa Sumatra at kinakailangan kong
umuwi upang damayan si Ina at isaayos ang mga naiwan ng aking namayapang ama. Isa sa mga
ito ang dahilan ng aking pagtungo sa Kerinchi na kung saan ay may taniman ng goma ang aking
ama. Kina Haji Zakaira ako pansamantalang makikipanuluyun…para sa mga susunod na
pangyayari sa kwento manyaring buklatin ang iyong libro sa pahina 5 hanggang 10.

Makisangkot Ka

Ang bawat salita ay maaaring magkaroon ng dalawang magkaibang uri ng


kahulugan:denotatibong kahulugan o denotasyon at konotatibong kahulugan o konotasyon. Ang
denotasyon ay ang tiyak o literal na kahulugan ng salita,samantalang ang konotasyon ay
ipinahihiwatig na kahulugan nito. Makukuha ang kahulugan ng salita ayon sa gamit nito sa
pangungusap.
Halimbawa:
SALITA DENOTASYON KONOTASYON
bunga Prutas o ibang produkto Resulta o kinalabasan
mula sa isang puno o
halaman.
ahas Hayop na gumagapang Traydor
Ngayon ay sukatin natin ang iyong kaalaman, ARAT NA!
Panuto: Tukuyin kung denotasyon o konotasyon ang pagkakagamit ng mga salitang may
salungguhit sa pangungusap.
1. Pinakiusapan nila ang kabataang umaawit na hinaan ang kaniyang tinig.
2. Ang bagong-silang na apo ang ginamit nilang tiket upang makapasok muli sa bakurang
iyon.
3. Pinakalamalaking dagok sa kanilang kabuhayan ang nangyari noong pananakop ng
Hapon.
4. Masama na naman ang panahon kaya makapal ang mga ulap.

Alamin Mo

Natutuwa ako at naisagawa mo ang unang gawain. Kung kaya, naririto ulit ang gawaing

muling susubok sa iyong pang-unawa. Huwag kang magsasawa, para sa ikauunlad ng iyong

kaalaman ang mga gawaing ito.

Panuto: Matapos basahin ang akda,itala ang mga detalye o kaisipang napansin na may

kaugnayan sa kasalukuyan sa lipunang Asyano.

Detalye o Kaisipan mula sa Akda Kaugnayan sa kasalukuyan sa lipunang


Asyano
Halimbawa: Adiksyon sa pagsusugal. Sagot: Maraming uri ng pagsusugal ang
kinaadikan ng mga mamamayang Asyano sa
kasalukuyan.

a.

b.

c.

d.

e.
Ipagpatuloy Mo
Magaling! Tulad ng aking inaasahan, iyong naisagawa ang gawain gamit ang iyong
natutuhan at kaalaman. Ngunit, hindi pa ako natatapos sa pagsubok sa iyong pang-unawa. Halika
at ipakita muli ang iyong kakayahan at kaalaman.
Panuto: Punan ang hinihingi sa bawat nilalaman ng hugis sa dayagram na mula sa akda.

Mga Tauhan at Tagpuan

Simula

Kasukdulan

Papataas na aksiyon

Pababang-Aksiyon at Wakas
Yehey!Mahusay ,ngayon ay natapos kana sa unang dayagram halika na’t simulant ang ikalawa.

Sabay nating suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga panyayari. Suriin din ang paksa at ang

estilo ng awtor sa pagsulat ng kuwento.

Estilo ng
Awtor

Pagyamanin Mo

Napakahusay! Lubos akong nagagalak dahil naririto ka na sa huling gawain. Huwag kang
mapapagod, sapagkat ito ay para sa pagpapayaman at pagyabong ng iyong nalalaman ukol sa
aralin.
Panuto: Panoorin ang isa sa mga episode ng telenobelang nakatala.Ihambing ang ilang piling
pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan.
“Ang Probinsyano” sa ABS-CBN

TELENOBELA
Piling Pangyayari sa Telenobela Piling Kaganapan sa Asya

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Pahalagahan natin!

Alam mo ba na mas tumatatak sa isipan ang ating natutunan kapag ito ay


napapahalagahan? Kaya naman ARAT NA!
Lahat tayo ay inaasahang may pagmamahal at pagmamalasakit sa
pamilya.Maipakikita natin ito sa pamamagitan ng pag-aalala at pagsisikap na mabigyan sila ng
kaligayahan. Sinisikap nating gawin ang lahat upang mailayo sila sa kapahamakan. Maging sa
ibang mga mahal sa buhay at kaibigan ay ganito rin tayo,may malasakit at pagmamahal.
Gumawa ng pakikipanayam sa tatlong miyembro ng inyong pamilya tungkol sa Epekto
ng sugal sa sarili,pamilya at komunidad. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
PAGTATAYA
Binabati kita! Ngayon ay nasa huling bahagi ka na ng ating aralin,
kaya naman simulan mo na ang huling pagsubok na aking ihahain.
Panuto: Suriin ang mga naganap sa mga tauhan sa kuwento. Bumuo ng sariling paghatol o
pagmamatuwid tungkol dito.
Sang-ayon Ideya o kaisipang Di-Sang-ayon
Nakapaloob sa Akda
Mga Sanggunian

Kalinangan: Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitikan,pahina 4-16.


Punla:Mga Akdang Pampanitikan mula sa Asya at Noli Me Tangere,Binagong Edisyon,pahina 4
& 8.

You might also like