You are on page 1of 15

PAG-AARI NG PAMAHALAAN

HINDI IPINAGBIBILI

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III


Matalino St., D. M. Government Center, Maimpis
City of San Fernando, Pampanga

Tekstong
DESKRIPTIBO
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik

SELF-LEARNING KIT 2

PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri


ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ay inihanda para sa mga mag-aaral

0
sa Baitang 11. Layunin nitong mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pag-aanalisa at pagsulat ng tekstong Deskriptibo.
Ang mga pagsasanay at gawaing nakapaloob sa SLK na ito ay inaasahan
ding makatutulong upang mabuksan ang iyong mga natatanging kasanayan at
kakayahan sa paglalarawan ng mga bagay-bagay sa iyong paligid gamit ang
iyong limang pandama na magtutulay naman sa pagkakataong makasulat ng
ganitong uri ng teksto.
Ingatan at gamitin nang wasto ang SLK na ito.

-Maestro Paul Alvin D. Facelo

Pamantayang Pangnilalaman:
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa

1
Kasanayang Pampagkatuto:
(F11PS–IIIb–91) Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang
tekstong binasa
(F11PU–IIIb–89) Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto

Sanggunian:
1. Dayag, Alma M. at Mary Grace G. Del Rosario. 2017. Pinagyamang
Pluma: Phoenix Publishing House, Inc. Lungsod Quezon

Magandang araw sa iyo!


Sa pagtatapos ng araling ito,
inaasahang makapagsusuri at
makasusulat ka ng isang tekstong
Deskriptibo.

I. ANO ANG NANGYARI?

2
Bago tayo pumalaot sa kasalukuyang modyul, nais kong iyong tukuyin
ang binibigyang kahulugan o inilalarawan sa bawat aytem na may
kaugnayan sa ating katatapos na aralin – ang tekstong Impormatibo.
Piliin mo ang iyong sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong
sagutang papel.

1. Uri ng tekstong nagsasaad ng mga impormasyong walang kinikilingan


sapagkat nakatuon lamang ito sa resulta ng isinagawang pananaliksik at
hindi sa opinyon ng mismong sumulat.
2. Sulating naglalaman ng katotohanan kaya’t walang puwang dito ang mga
akdang kathang-isip lamang.
3. Uri ng tekstong Impormatibo na sumasaklaw sa balita at kasaysayan.
4. Uri ng tekstong Impormatibo na nagpapaliwanag kung paano at bakit
nagaganap ang isang bagay o penomena.
5. Uri ng tekstong Impormatibo na sumasagot sa tanong na “ano” kaya’t
nabibilang dito ang mga trivia.

Piksiyon Pagbabalita
Di-piksiyon Pagpapaliwanag
Deskriptibo Pag-uulat Pang-impormasyon
Impormatibo Paglalahad ng Totoong Pangyayari

II. ANO ANG BAGO?

Dahil nakaraos ka na sa tekstong Impormatibo, sasamahan naman kita


ngayon sa iyong pagtalunton sa mundo ng paglalarawan at bilang
panimula, hahainan kita ng isang napakasarap na ulam. Hulaan mo
nga kung ano ang pangalan ng putaheng ito. Isulat mo ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Hmmm! May manamis-namis na lasa ng mga


sariwang gulay at sinahugan pa ng malinamnam
na isdang inihaw o dili kaya’y karne ng baboy.
Habang kumukulo sa palayok, langhap na
langhap mo ang nanunuot na sarap ng ulam
na ito dahil sa kakaibang aromang tunay
3
na nakapagpapakulo ng iyong tiyan.
“Naimas!” ika nga sa Ilokano. Hindi mo
nga naman sila masisisi na gawin itong kanilang
pangunahing putahe sapagkat hindi maikakailang napakasarap
nito. Sa oras na sumayad sa iyong dila, animo’y nasa isa kang kubo at
nakatunghay sa maaliwalas na kabukiran sapagkat halos lahat ng
masusustansiyang gulay sa awiting bahay-kubo ay sangkap nito. O ano, alam
mo na ba kung anong putahe ang inilalarawan ko?

III. ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Kung pinakbet ang iyong sagot, mahusay sapagkat ito ang tumpak na
kasagutan! Nais mo rin bang matuto kung paano maglarawan gaya ng
iyong binasa? Kung oo, humanda ka sapagkat sisimulan na natin ang
masayang paglalakbay sa ating bagong aralin – ang tekstong
Deskriptibo.

Handa ka na ba?
Kung oo, gawin mo nang komportable
ang iyong sarili dahil ihahandog ko na
ang kahulugan at mga uri ng tekstong
Deskriptibo.

TEKSTONG DESKRIPTIBO
 Isang uri ng babasahing naglalarawan ng iba’t ibang katangian ng
tao, bagay, lugar, pangyayari at iba pa; ginagamitan ito ng pang-uri,
pang-abay at tayutay na iyo nang napag-aralan sa junior high school.

Dahil batid mo na ang kahulugan ng


tekstong ito, sasamahan naman kita
4
ngayon
1. Paglalarawan sa Tao
Sa paglalarawan ng tao, kailangan ay iyong halos nabubuo na sa
isipan ng mga mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay, pag-uugali at
iba pa nitong katangian. Mahalaga ring pakilusin ang inilalarawan para
mas magmarka ang mga katangiang taglay niya tulad ng kung paano siya
ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita, at iba pa.

Nalaman mo na ang paraan kung paano ilarawan ang isang tao. Upang
lalo kang humusay, basahin mo naman ang halimbawang nasa susunod
na pahina kung paano ko inilarawan ang isang magsasaka.

Batak ang kaniyang mga braso sa bawat pagpupunla sa kaniyang sakahan.


Ang kulay ng balat ay sinunog ng matinding sikat ng araw. Walang sinabi ang
basahan sa itsura ng pananamit na pinanahanan ng putik. Sa bawat paghingal
dulot ng nadaramang pagod ay siya namang pagpatak ng pawis mula sa kaniyang
nangungulubot nang mukha. Ang kaniyang paghakbang ay pinabagal ng
apatnapu’t limang taon niyang paglilinang sa bukirin ngunit sa tiyaga ay daig pa
rin niya ang kaniyang alagang kalabaw. Iyan si Mang Sebastian, ang masipag na
magsasaka ng Sitio Setan!

Kung iyong napansin, gumamit ako ng mga pang-uri o mga salitang


naglalarawan upang mabuo sa iyong isipan ang itsura ni Mang
Sebastian. May kasama rin itong ilang tayutay o malalalim na mga
pahayag upang higit na maging maganda ang
5
teksto. Ngayong ayos na
tayo sa paglalarawan ng tao, ituturo ko naman sa iyo kung paano
ilarawan ang isang bagay.

2. Paglalarawan sa Bagay
Hindi sapat na magtaglay lamang ng larawan ang isang akda,
kinakailangang mailarawan nang tama ang bagay na ipinakikita upang
mas maramdaman, marinig, malasahan, maamoy, at makita ng
mambabasa ang nasa loob at labas nito.

Kaibigan, ako ay natutuwa sapagkat napakahusay mo at upang lalo ka


pang humusay, nais kong hulaan mo ang bagay na inilalarawan teksto
sa ibaba. Para sa mas kawili-wiling pagtalunton sa kasagutan,
bibigyan kita ng clue. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

P_ _ _ _ _ _ Y NA S _ _ _ _ _ N

Sa gitna ng init ng panahon, isang bagay ang maituturing na kaibigan. Handa


nitong sagupain ang hangin upang tayo ay maginhawahan. Ang hugis puso nitong
anyo na lalo pang pinarikit ng mahusay na pagkakalala ng malasutlang kamay ni
lola ay nang-aakit sa sinumang mamimili na ito ay kagyat na bilhin. Mamamangha
ka sa iba’t ibang kulay at mga bagong hugis nito sa kahabaan ng lansangan tuwing
kapistahan ng Aurora. Sa lambot ng bawat hibla nito, hindi mo aakalaing mula ito
sa isang napakatinik na dahon. Tiyaga at pagmamahal ang ibinuhos sa paglikha ng
bagay na ito. Hulaan mo, kaibigan.

Pamaypay na sabutan ba ang naging sagot mo? Kung oo, napakahusay


ng iyong kaisipan. Ngayon naman ay tuturuan kita kung paano
ilarawan ang isang lugar. Tara na!
6
3. Paglalarawan sa Lugar
Mahalagang mailarawan nang tama ang lugar na tipong kahit hindi pa
nararating ng mambabasa ay tila nakapaglalakbay siya rito sa
pamamagitan ng malawak na imahinasyong nabubuo sa isipan.

Mabatong daan ngunit maraming luntiang tanawin, mahabang lakaran


subalit mas matagal na kasiyahan, nakapapagod na paghakbang ngunit paraiso ang
sa iyo’y naghihintay, ito ang pangako ng tinaguriang Inang Talon o Mother Falls
sa bayan ng San Luis. Mula sa ibaba nito ay masasaksihan mo ang napakalakas na
bagsak ng tubig, maririnig mo ang agos ng kalikasan, mararamdaman mo ang
natural na lamig ng kapaligiran, at manunuot sa iyo ang simoy ng napakalaking
talon. Ang pagod din na idinulot ng mahabang paglalakad ay agad na pinapawi ng
halakhakan ng mga turistang nakikipagniig sa tubig na ikinubli sa loob ng
kagubatan. Tunay na nakamamangha!

Ang ganda sa Mother Falls, ano? Hmmm, bago ka magtungo sa ibang


lugar, subukin mo munang lakbayin ang sarili nating bayan. Ngunit
ngayon, sasamahan muna kitang pumasok sa huling pintuan ng ating
talakayan. Matututuhan mo rito kung paano maglarawan ng isang
pangyayari.

4. Paglalarawan sa Pangyayari
Dapat na maiparamdam ng manunulat ang emosyong naghahari at ang
itsura ng paligid upang tagumpay na makita ng mambabasa ang
pangyayari sa kaniyang isipan.

Nangagsabit ang makukulay na mga banderitas. Bata man o matanda ay


hindi magkamayaw habang nag-aabang sa magkabilang gilid ng lansangan.
Papalakas nang papalakas ang salimbayang tunog ng pumaparadang mga banda
kasabay ang pagpapaikot ng baton ng naggagandahang mga dalagita. Kasunod
nito ang pagkaransa ng malilikot na mga paa ng pangkat ng mananayaw sa
7
lansangan na bawat kasuotan ay pinupog ng malikhain at enggrandeng disenyo.
Sa modyul na ito ay pinagtuonan natin
ang apat na uri ng tektong Deskriptibo:
paglalarawan sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari. Ngayon, ihanda mo na ang
iyong sarili para sa mga inilaan kong
pagsasanay. Isakatuparan mo ang mga
gawaing ito sa iyong sagutang papel.

Pagsasanay 1

Sisimulan na natin ang iyong pagsasanay. Galugarin mo ang inyong bahay o


paligid upang humanap ng isang bilog na prutas (edible o nakakain dapat).
Kapag nakakuha ka na, gawin mo ang sumusunod na mga panuto o gabay.

1. Pumikit ka at haplusin ang prutas na iyong hawak. Ano ang


nararamdaman ng iyong kamay mula rito?
2. Ilapit mo ito sa iyong ilong at tukuyin kung anong uri ng samyo ang
hatid nito.
3. Biyakin mo sa kalahati ang bilog na prutas at tukuyin kung ilan ang
diameter nito gamit ang angkop na panukat.
4. Lasapin mo ang lasa ng prutas na ito.
5. Panghuli, magsagawa ka ng pananaliksik patungkol sa mga
bitaminang naidudulot nito.

Kapag naisagawa mo na ang lahat


8 ng sinabi ko, pagtipon-tipunin mo ang
Pagsasanay 2

Napakagaling mo sapagkat nalampasan mo na ang una kong pagsubok.


Ngayon naman, ikaw ay nakatalaga upang isagawa ang sumusunod na mga
panuto.

1. Kapanayamin mo ang pinakamatanda sa inyong lokalidad at


ipalarawan sa kaniya ang buhay noong kapanahunan nila.
2. Kailangang maitanong mo sa kaniya ang paraan ng panliligaw noon,
mga nilalaro o libangan nila, mga suliranin o problemang kinaharap
nila bilang mag-aaral noon, at paraan ng pagdidisiplina ng kanilang
mga magulang.
3. Bukod sa aking mga nabanggit, maaari ka pang magdagdag ng iba
pang katanungan na sa tingin mo ay mahalagang malaman ng mga
kabataan sa kasalukuyang henerasyon.
4. Pagkatapos ng iyong pakikipanayam, ikompara mo ang mga naging
sagot ng iyong nakapanayam sa uri o estilo ng pamumuhay ng mga
kabataan sa modernong panahon.

Pagsasanay 3

Nais ko pang makilala ang iyong pagkatao. Kaya naman, sa


pamamagitan ng mga angkop na salita ay ilarawan mo ang iyong sarili.
Ikategorya mo sa lima ang iyong magiging paglalarawan gaya ng
nakasaad sa pormat sa kasunod na pahina. Samahan din ito ng iyong
pinakabagong larawan at isagawa sa isang short bond paper.
Paghusayan mo, kaibigan!

9
Sino AKO?

Pangalan: _______________________________________
Edad: _______________________________________
Tirahan: ___________________________________________

KATANGIANG PISIKAL

KATANGIANG MENTAL

KATANGIANG EMOSYONAL

KATANGIANG SOSYAL

KATANGIANG ESPIRITWAL

10
IV. ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

Binabati kita sapagkat nasa huling bahagi na tayo ng iyong


napakasayang paglalakbay ngunit sa yugtong ito, mas hahasain pa
natin ang iyong talino sa pagtatayang aking inihanda. Sundin mo
lamang nang mataman ang panuto sa ibaba.

Bilang pangunahing tagapagtangkilik ng turismo ng sarili mong bayan,


gamitin mong lundayan ang Facebook upang hikayatin ang netizens na
magtungo sa inyong lugar sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang
tekstong Deskriptibo. Sikapin mong paganahin ang iyong limang
pandama upang mas maging maganda ang paglalarawan. Upang mas
makahikayat ng mga mambabasa, samahan mo ito ng mga larawan ng
ilang sikat na lugar na iyong mababanggit sa tekstong isusulat mo.
Gawin mong batayan ang rubrik na aking inihanda sa kasunod na
pahina.

Ooops!
Huwag mong kalilimutang kunan ng
larawan o i-screenshot ang iyong post at
i-send sa iyong guro na kaniyang
magiging basehan sa pagbibigay ng
iyong grado. Galingan mo ha!

11
RUBRIK SA TEKSTONG
15-20 pts 8-14 pts 1-7 pts
DESKRIPTIBO
Napakahusay ng  Mahusay ang paggamit Hindi gaanong
paggamit ng mga ng mga masisining na mahusay ang paggamit
masisining na salita o salita o tayutay, at ng mga masisining na
tayutay, at tunay na tunay na nabuo ang salita o tayutay, at
nabuo ang imahen ng imahen ng lugar sa hindi rin gaanong klaro
lugar sa ginawang ginawang teksto. ang nabuong imahen
teksto.  Medyo marami ang ng lugar sa ginawang
Iilan lamang ang naging naging pagkakamali sa teksto.
pagkakamali sa gamit gamit ng salita at Halos kalahati ng
ng salita at bantas. bantas. teksto ay mali ang
Napakaayos ng  Maayos ang paggamit sa salita at
pagkakabuo ng mga pagkakabuo ng mga bantas.
pangungusap gayundin pangungusap gayundin Hindi gaanong maayos
ang koneksiyon at ang koneksiyon at ang pagkakabuo ng
kohesiyon ng mga ito. kohesiyon ng mga ito. mga pangungusap
gayundin ang
koneksiyon at
kohesiyon ng mga ito.

12
This material was contextualized by the
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resources Management and Development System (LRMDS)
Department of Education
Region III–Central Luzon

SCHOOLS DIVISION OF AURORA

CATALINA P. PAEZ, PhD, CESO V


Schools Division Superintendent

DANILO M. JACOBA
Assistant Schools Division Superintendent

ERLEO T. VILLAROS, PhD


Chief, Curriculum Implementation Division

ESTRELLA D. NERI
LRMDS, Education Program Supervisor

EMELITA DT. ANGARA


Filipino/Kindergarten, Education Program Supervisor

PAUL ALVIN D. FACELO


Writer/Illustrator/Layout Artist

REGIONAL OFFICE

NICOLAS T. CAPULONG, PhD, CESO VI


Director III
Officer In-Charge
Office of the Regional Director

ELIZABETH M. PERFECTO, EdD


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MA. EDITHA R. CAPARAS, EdD


LRMDS, Education Program Supervisor

MARIEANN C. LIGSAY, PhD


Filipino, Education Program Supervisor

Likas na malikot ang isipan ng isang tao. Halos lahat ng bagay sa


kaniyang paligid ay kaniyang napapansin. Gamit ang kaniyang limang

13
pandama, ang mga taong nakasasalamuha, mga pangyayaring nagaganap,
at mga natatanging karanasan ay kaniyang nailalarawan.
Sa Self-learning Kit (SLK) na ito, inihahanda ang mga mag-aaral
bilang mahusay na mga tagapaglarawan. Hindi lamang simpleng pagsusuri
ng tekto ang pagtutuonan kundi maging ang mas malalim na ugnayan ng
naglalarawan at ng inilalarawan.

Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)


Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Regional Office III

14

You might also like