You are on page 1of 10

Asignatura: Malikhaing Pagsulat

May Akda: Bb. Judy-Ann R. Libres, Bb. Aimie M. Meneses

at Bb. Zyra R. De Guzman

Editor: G. Mark Angelo C. Caling

Tagasuri: G.Elmar A. Cundangan

Aralin 1: Kahulugan ng Pagsulat Bilang Makrong Kasanayan

Paglalarawan sa Aralin:

Sa paksang ito, matututuhan mo ang kahulugan ng pagsulat bilang isa sa mga makrong kasanayan na
dapat malinang sa iyo bilang isang mag-aaral. Lilinangin din ang iyong natatanging talento sa pagsulat
gamit ang paglalapat nito sa iyong buhay. Abangan ang karadagang aralin sa modyul na ito, ‘pagkat
makatutulong ito sa maraming pagkakataon. Batid ko ang kasabikan mong matuto ngayong araw!

Mga Layunin/Tunguhin:
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. nauunawaan ang kahulugan ng pagsulat bilang makrong kasanayan;
2. nalalaman ang kahulugan ng malikhaing pagsulat;
3. nabibigyang interpretasyon sa pamamagitan ng pagsulat ang mga piling larawang may kinalaman sa
lipunan; at
4. natutukoy ang wastong gamit ng “NG” at “NANG”.

Unang Araw: Paunang Pagtataya

Magandang buhay! Ngayon ay ating sisimulan ang unang aralin para sa semestreng ito. Nais
kong ihanda mo ang iyong sarili para sa mga kapanapanabik na mga aralin at gawaing inihanda ko
para sa iyo. Handa ka na ba? Kung handa ka na, halina at ating simulan ang pag-aaral.

Panuto: Sa pamamagitan ng iyong mga karanasan noong ikaw ay Halimbawa ng Akrostik:

nasa sekondaryang antas pa lamang, ibigay ang kahulugan ng salitang P-agbibigay ng mensahe
Pagsulat. Gamitin ang bawat letra ng salitang pagsulat sa pagbibigay A-t impormasyon
ng kahulugan o gawin ang gawaing ito sa akrostik na paraan. Tiyaking G-amit ang mga
dugtong-dugtong ang mga ideya na iyong ibibigay sa bawat letra. S-imbolo
Makikita mo ang halimbawa sa gilid ng panuto, hinahangad ko ang U-pang mas
katapatan mo sa pagsagot ng gawaing ito gamit ang iyong sariling L-alo pang maunawaan
karanasan.(20 Puntos) A-t
T-iyak na maintindihan ng
tatanggap ng mensahe.

Pagbati dahil ginampanan mo nang may husay ang gawaing nakaatang sa iyo! Ito ay
mainam na panimula sa ating kurso, higit na pag-ibayuhin pa ito upang matamo ang
epektibong pagkatuto. Kudos! 1 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
Pagtalakay

Panuto: Basahin mo ang leksyong ito. Ikaw rin ay hinihikayat na magsulat sa iyong kwaderno ng mga
mahahahalagang impormasyon upang maging gabay sa mas malalim mong pagkaunawa sa paksa
ngayong araw. Halina, simulan na natin!

Kahulugan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay isa sa limang makrong kasanayan (pagsasalita, pagsulat, pakikinig,

pagbabasa, at panonood) na dapat linangin ng tao sa kanyang sarili. Isa itong paraang pangangalap at
pagbabahagi ng impormasyon gamit ang wika. Mahalagang malinang sa isang tao ang kasanayang ito
dahil ito ang isa sa mabisang paraan para makipag-ugnayan sa ibang tao.

Ayon kina Xing at Jin, “ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong
gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan at retorika.” Nangangahulugan na nangangailangan ito ng
isang tiyak na pag-aaral upang mas higit na makapagbahagi ang tao ng mga impormasyon at kaalaman.
Hindi lamang ito gawain ng kamay, malaki ang papel ng isip ng tao sa pagsusulat.

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na

mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998). Hindi tulad ng ibang makrong kasanayan,
ang pagsulat ang pinakamahirap matutuhan. Maaaring pamilyar o alam ng tao ang mga simbolo o kung
paano isulat ang mga simbolo ngunit ang pagdudugtong-dugtong ng mga ideya, pagsunod sa mga tiyak
na tuntunin, at pagbibigay nang malinaw na ekspresyon ang nagpapahirap sa gawaing ito.

Ang mga bagay na hindi masabi ng tao sa berbal na paraan ay maaaring ibahagi sa
pamamagitan ng pagsulat. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang matutuhan ito ng tao. Isa sa
pinakamagandang batayan ng isusulat ay ang mga personal na interes ng tao. Madaling nakakakalap ng
mga patunay at halimbawa ang taong nagsusulat batay sa kanyang sariling interes dahil maaaring
naranasan na niya ito at hinahangad na maranasan kung kaya sinusubukan niya ito.

Inilahad ni Arrogante (2000) ang kahalagahan ng pagsulat, ayon sa kanya, Malaki ang papel
ng pagsulat sa terapyutika. Ang mga taong may kahinaan o hindi magaling sa pagsasalita ay ginagamit
ang pagsulat upang mailabas nila ang mga saloobin at damdamin may babasa man o wala sa kanilang
isinulat. Napagagaan nito ang bigat na nararamdaman ng tao kapag hindi niya masabi ang kanyang
nararamdaman. Nakatutulong din ang pagsulat sa relasyong sosyal ng mga tao. May mga pagkakataon
sa buhay natin na nagkakaroon ng hidwaan o malayong agwat sa pagitan ng tao kung kaya hindi
nagiging madali ang pag-uusap. Sa pamamagitan ng pagsulat ay naibabalik natin ang komunikasyong
naputol. Ginagamit din ng tao ang pagsulat sa paghahanapbuhay. Sa makatuwid, may bahagi ang
pagsulat sap ag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa. Kung papansin, kitang-kita ang kahalagan ng
pagsulat sa kasaysayan ng isang bansa. Naitala ang mga mahahalagang pangyayari na nagsilbing
dokumento ng bawat tao sa kasalukuyan.

2 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
Naunawaan mo ba ang kahulugan ng pagsulat bilang makrong kasanayan? Kung ikaw ay may
hindi maunawaan o nalilito ka ay maaari mo akong kausapin. Tignan ang mga paalala upang makuha
ang mga impormasyon paano tayo magkakaroon ng ugnayan. Kung ang talakayan naman ay nagging
malinaw sa iyo, halina at ituloy natin ito. Ating talakayin ang kahulugan ng malikhaing pagsulat.
Handa ka na ba? Simulan na natin!

Sa kursong ito, lilinangin ang iyong kakahayan sa pagiging malikhain. Hangad ng kursong ito
na sanayin ka sa paggamit ng iyong imahinasyon upang makalikha ng mga obra tulad ng tula at
maikling kwento.

Malikhaing Pagsulat

Ang Malikhaing Pagsulat ay isang masining na pagsulat at ang pokus nito ay ang imahinasyon
ng manunulat bagamat maaaring piksyunal o di-piksyunal ang isang akdang isusulat (Zafra, 2018).
Maaaring ang paksa ay tungkol sa mga narinig, nabasa, nakita, at naranasan ng manunulat. Sa anyo ng
pagsulat na ito, hindi nililimitahan ang manunulat na gumamit ng mga pormal na salita bagkus mas
hinihikayat ang manunulat na gumamit ng mga masisining na salita upang mas makuha ang atensyon
ng nagbabasa.

Batay sa isang artikulo ng Unyonpedia, na may pamagat na Malikhaing Pagsulat, “ang

malikhaing pagsulat ay anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang
prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na
pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang
pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.” Sa
makatuwid, ang malikhaing pagsulat ay ang pagpapagarbo o pagbibigay kinang mga simpleng bagay o
impormasyon. Ipinakikita ng manunulat sa ganitong uri ng sulatin ang kakaibang katangian ng isang
bagay na kung titignan ng tao ay tiyak, simple o sa ibang sabi ay parang wala lamang.

Paano maging malikhain?

Narito ang ilan sa mga dapat gawin mo upang maging malikhain, sa pagsulat man o pagsasalita:

1. Lawakan mo ang iyong isip. Bigyan mo ng buhay ang mga simpleng bagay. Sa madaling sabi,
walang simple sa taong malikhain. Palagi kang mag-isip ng kakaiba mula sa mga bagay na
nakikita mo sa araw-araw ng iyong buhay. Pasiglahin mo ang mga nanlulupaypay na mga
sandali upang maging kakaiba sa paningin mo higit lalo sa paningin ng ibang tao.
2. Gumamit ka ng mga kasabihan, salawikain, at sawikain upang mas maging kapanapanabik ang
iyong kwento. Tiyak na aabangan ng mga mambabasa kung paano mo binibigyan ng kahulugan
o kung paano mo bibigyang buhay ang simpleng kasabihang ginamit mo.
3. Pinakahuli, magkaroon ka ng orihinalidad. Gumamit ka ng sarili mong isitilo upang mas makita
ang pagiging malikhain mo.
Ngayon ay nakatatapos na tayo sa ating unang aralin. Nawa ay may natutuhan ka at magamit
mo ito sa mga susunod pa nating mga gawain.

3 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
KARAGDAGANG ARALIN

ANG WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Ang NANG at NG

- Kailangang matutuhan ang gamit ng dalawang salitang ito sa pagsulat, sapagkat sa pakikipag-
usap o sa ibang anyo ng komunikasyon magkasingtunog lamang ito at hindi nakikita ang
pagkakaiba ng bawat isa.

NG

- Ginagamit ito bilang pang-ukol (preposition) upang ipahayag ang pag-aari.

- Nakasulat sa pagitan ng dalawang pangngalan
- Nagsasaad ng pagmamay-ari

Hal.

1. Nagtaas ang presyo ng isda sa palengke.

2. Ang kalabaw ng magsasaka ay nakabilad sa araw.
3. Nalalapit na ang bisperas ng pasko.

NANG

- Makikita sa unahan ng pangungusap

- Gamit sa pang-abay na pamaraan, panggaano, o pampanukat
- Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa
- Kasingkahulugan ng “noong”
- Kasingkahulugang ng “upang” o “para”
- Katumbas ng “na” at “ang”

Hal.

1. Nang parating na ang kanyang ama, nagluto ng masarap na kaldereta ang kanyang ina.
2. Nang magtungo sila sa Baguio, bumili sila ng strawberry bilang pasalubong sa mga bata.
3. Tumatakbo siya nang matulin na naging sanhi ng paghabol sa kanya ng mga aso.
4. Umakyat siya nang dahan-dahan upang hindi makalikha ng maingay na yabag.
5. Kanina pa siya ikot nang ikot, kahahanap sa nawawala niyang gamit.
6. Ang mga musmos ay sayaw nang sayaw para aliwin ang mga taong dumadaan.
7. Nagkaroon ng giyera nang ipanganak niya ang sanggol.
8. Nagalak ang mga manonood nang malaman kung sino ang gaganap na Darna.
9. Lumikas na ang mga mamamayan nang makaligtas sa hampas ng alon dulot ng bagyo.
10. Kinailangang paslangin din ng mga suspek ang isang pulubi nang hind imaging testigo sa
krimen.
11. Labis nang hirap ang naranasan ng mga nars dahil sa COVID-19.

4 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
Ikalawang Araw: Balik-aral

Panuto: Basahin muli ang aralin kahapon. Kung nauunawaan mo na ang ating aralin ay sagutin moa ng
mga sumusunod na katanungan.(5 Puntos Bawat Bilang)

1. Ano ang pagpapakahulugan nina Xing at Jin sa pagsulat? Ipaliwanag ito batay sa iyong sariling
pang-unawa.

2. Ano ang limang makrong kasanayan? Ipaliwanag bakit pinakamahirap matutuhan ang pagsulat.

Maliwanag na ba ang iyong pagkaunawa? Kung ikaw ay mayroon pang katanungan sa pagpapalalim
ng aralin, maaari kang magtanong sa iyong guro. Maaari mong buksan ang link na ito upang maging
karagdagang paliwanag sa ating aralin.

https://www.youtube.com/channel/UCyKBMAPHFGA-pps4PXVlK-Q/videos?view_as=subscriber

Pagsasanay

Panuto: Gamit ang Pagbibigay Katuturan Graphic Organizer, bigyang katuturan ang salitang
Pagsulat. Magbigay ka rin ng mga halimbawa kung saan ginagamit ang pagsulat. Sagutin ito sa iyong
kwaderno.(15 Puntos)

Batid kong nauunawaan mo na ang mga konseptong may kinalaman sa malikhaing pagsulat,
magagamit mo ito sa mga susunod pa nating pagsasanay.

Pagpapalalim (What’s more):

Magandang buhay! Ako si ANA, nais kong matiyak at malaman kung lubos mo bang
naunawaan ang ating aralin. Gamit ang iyong mga natutuhan, iyong dugtungan ang mga salita upang
mabuo ang diwa ng pahayag.(10 Puntos)

Alam ko na
________________________________

Nalaman ko rin
________________________________

Aalamin ko pa
________________________________
_____

Batay sa iyong sagot, nababatid kong naunawaan mo na nang lubusan ang ating aralin. Tiyak
akong nasasabik ka na sa mga gawaing inihanda ko para sa araling ito.

5 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
Paglalapat ng Kaalaman

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang maikling talatang ito. Punan ang patlang batay sa wastong gamit
ng “NG” at “NANG”. Maaaring balikan ang aralin ukol dito.

Maraming pagsubok ang nararanasan _______ pamilya nila Arthur. Halos lahat ng kanyang
kamag-anak ay nakipagsapalaran sa COVID-19. Minabuti niyang magtrabago muna _______
makatulong sa pamilya sa mga gastusin. _______ umalis ang kanyang kapatid patungong ibang bansa
dahil ito’y isa _______ Nars, nag-alala ang kanyang mga magulang dahil baka mahawa ito _______
sakit sa kanyang mga pasyente. Pinagaan na lamang ni Arthur ang kanilang mga negatibong naiisip.
Labis _______ naghirap si Arthur _______ tamaan din _______ COVID-19 ang kanyang ama. Lahat
_______ ipon niya ay naipambayad lamang sa ospital. Hindi rin niya inaasahang ang kanyang kapatid
ay nakikipagsapalaran na rin sa sakit na ito pagkarating pa lamang sa ibang bansa. Kritikal ang
kondisyon _______ kanyang ama, minabuti niyang i-isolate na rin ang kanyang ina _______ hindi ito
makahawa. Nilalakasan na lamang niya ang kanyang loob, _______ hindi siya magapi _______
depresyon at kalungkutan. Makalipas ang ilang linggo ay unti-unti _______ bumubuti ang lagay
_______ kanyang ama at kapatid na ikinatuwa naman _______ kanyang ina.
Magaling! Alam mo na nga talaga ang wastong gamit ng “NG” at “NANG” na siyang
napakahalagang matutuhan bago ang isang malikhaing pagsulat. Ngayon ay alam kong handa na sa
ating huling gawain upang masukat ang mga natutuhan mo sa araling ito.

Ikatlong Araw: Panghuling Pagtataya

Panuto: Bigyan ng malalim o bagong pagpapakahulugan/interpretasyon ang mga sumusunod na

larawan. Maging malikhain ka sa pagbibigay ng kahulugan atiugnay ito sa kasalukuyang nagaganap sa
lipunan. Lagyan ito ng maikling pamagat. (25 Puntos Bawat Bilang)

Binabati kita! Natapos mo ang modyul na ito. Nagagalak akong malaman na may mga
natutuhan ka sa ating aralin. Nais kong malaman kung ano ang pinakapaborito mong gawain sa
modyul na ito. Isulat mo sa mga linya sa ibaba ang iyong sagot at ipaliwanag kung bakit mo ito
nagustuhan.

___________________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:

6 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
https://www.academia.edu/33549493/Kahulugan_ng_Pagsulat

https://www.slideshare.net/GinoongGood/batayang-kaalaman-sa-pagsulat

https://prezi.com/p/dxjtskyomyjo/malikhaing-pagsulat/

https://tl.unionpedia.org/Malikhaing_pagsusulat

Mga Habilin at Paalala:

Gawin nang buong husay at katapatan ang bawat gawain.

Isulat ang iyong sagot sa laang sagutang papel, liban kung
nangangailanan ang gawain ng hiwalay na bahagi ng papel.
Hindi pinahihintulutan ang anumang uri ng pangongopya
anuman ang kadahilanan.
Picturan ang sagutang papel bago ito ipasa , iupload ito sa
itinakdang platform ng guro.
Para sa mga katanungan at paglilinaw mangyaring

Asignatura: Malikhaing Pagsulat

Pangalan: _________________________________________

Guro: ____________________________________________

Kurso at Pangkat: __________________________________

7 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
Sagutang Papel Aralin 1: Kahulugan ng Pagsulat bilang Makrong Kasanayan

Paunang Pagtataya (20 puntos)

P-
A-
G-
S-
U-
L-
A-
T-

Balik-aral (10 puntos)

1. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pagsasanay (15 puntos)

KAHULUGAN

8 | Pahina
KAHALAGAHAN
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
Pagpapalalim (10 puntos)

Alam ko na
______________________________________________

Nalaman ko rin
______________________________________________
Aalamin ko pa
______________________________________________

Paglalapat ng Kaalaman (15 puntos)

Maraming pagsubok ang nararanasan _______ pamilya nila Arthur. Halos lahat ng kanyang
kamag-anak ay nakipagsapalaran sa COVID-19. Minabuti niyang magtrabago muna _______
makatulong sa pamilya sa mga gastusin. _______ umalis ang kanyang kapatid patungong ibang bansa
dahil ito’y isa _______ Nars, nag-alala ang kanyang mga magulang dahil baka mahawa ito _______
sakit sa kanyang mga pasyente. Pinagaan na lamang ni Arthur ang kanilang mga negatibong naiisip.
Labis _______ naghirap si Arthur _______ tamaan din _______ COVID-19 ang kanyang ama. Lahat
_______ ipon niya ay naipambayad lamang sa ospital. Hindi rin niya inaasahang ang kanyang kapatid
ay nakikipagsapalaran na rin sa sakit na ito pagkarating pa lamang sa ibang bansa. Kritikal ang
kondisyon _______ kanyang ama, minabuti niyang i-isolate na rin ang kanyang ina _______ hindi ito
makahawa. Nilalakasan na lamang niya ang kanyang loob, _______ hindi siya magapi _______
depresyon at kalungkutan. Makalipas ang ilang linggo ay unti-unti _______ bumubuti ang lagay
_______ kanyang ama at kapatid na ikinatuwa naman _______ kanyang ina.

Panghuling Pagtataya (25 puntos bawat isa)

_________________________________________

9 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

(Larawan mula sa philhealth.gov.ph)

(Larawan mula sa ABS-CBN News)

(larawan mula sa reuters.com)

10 | Pahina
Malikhaing Pagsulat
Unang Linggo – Aralin 1

You might also like