You are on page 1of 10

SHS

FILIPINO
(Pagbasa tungo sa Pananaliksik)
Ikatlong Markahan-Modyul 9:
Paggamit ng Mabisang Paraan
sa Pagpapahayag

May-akda: Lawrence M. Dimailig


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.

 Aralin 1 – Paggamit ng Mabisang Paraan sa Pagpapahayag

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang mabisang pagpapahayag;
B. naipaliliwanag ang kalinawan, kaugnayan at bisa bilang
mabisang paraan ng pagpapahayag;
C. nakikilala ang reaksyong papel at paraan kung paano ito
isinasagawa;
D. nakasusulat ng reaksyong papel gamit ang kalinawan,
kaugnayan at bisa bilang mabisang paraan ng pagpapahayag

Subukin

Bago tayo magpatuloy, lagyan ng tsek (/) ang patlang sa bawat


bilang kung ang pangungusap ay nagbibigay ng wastong kaisipan at ekis (X)
kung mali.

_____1. Mahalaga ang kaisahan at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng


teksto.
_____2. Ang bisa ng pagsulat ng manunulat ay nakikita sa impak nito sa
mambabasa.
_____3. Ang reaksiyong papel ay binubuo lamang ng opinyon o pananaw
tungkol sa isyung tinatalakay sa pagsulat.
_____4. Mainam para sa reksiyong papel na maraming ideyang inilalahad
na nagpapalawak ng pananaw ng may-akda sa paksang sinusulat.
_____5. Ang reaksiyong papel at panunuring papel ay iisa ang layuning
makapaglahad ng balanseng pagtatasa sa paksa ng usapan.

Aralin Paggamit ng Mabisang Paraan


sa Pagpapahayag
1
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paggamit ng mabisang paraan ng
pagpapahayag gamit ang kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksiyong papel na
isinulat. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga
gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Balikan
Magbalik-aral tayo tungkol sa kaisahan, ugnayan at bisa ng pagsulat.
Ano-ano ang mga naaalala mong depinisyon ng mga salitang nasa kahon?
Ilahad ang kahulugan nito batay sa iyong pagkakatanda sa aralin. Sagutin ang
mga tanong sa ibaba.

Kaisahan Ugnayan Bisa

Sa larang ng pagsulat, bakit mahalaga ang kaisahan at ugnayan? Paano


ito naipakikita sa akda?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Bilang mambabasa paano nakaaapekto ang bisa ng manunulat sa iyong


pagbasa?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Tuklasin
A. Panimula

Batid mo ba ang mga katangian ng reaksiyong papel o ang mga paraan


kung paano ito isinasagawa? Naransan mo na ba na makapagsulat ng sarili
mong reaksiyong papel? Ano-ano ang epekto ng paggamit ng kalinawan,
ugnayan at bisa bilang mabisang paraan ng pagpapahayag sa reaksiyong papel
na iyong isinusulat?

B. Pagbasa

Ngayon ay pag-uusapan natin ang paksang aralin. Handa ka na ba?


Umpisahan natin sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsagot nang pasalita sa
mga tanong.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Panulat: Dumilat at Magkaulirat
ni Iamid Gil

Ang kapangyarihan ng pagsulat ay tumatawag ng pagkilos. Sinasamo


nito ang pagbabago at binubukasan ang nakapinid na kamulatan. Ang halaga
na maisalaysay ang mga pangyayaring nagaganap sa lipunan ay bintana ng
pang-unawa sa mga taong nabiktima. Panulat ang nagsisilbing sandatang
taimtim na nakikibaka para makipag-ugnayan. Bunga ng panulat ang
kolektibong pagpapasya bagaman indibidwal na responsibilidad ng taong
namulat. Wala mang tinig ang panulat, higit nitong inaawit ang mga
pangyayari. Nagsisilbing kaluluwa ang panulat na naglilingkod nang tapat sa
kasaysayan. Isinasatitik niya nang tahimik na tinig ng bayang may iisang
himig at kung ang panulat ay pag-aklas, nagagawa niyang sagipin ang
hinaharap at bukas. Sa ganitong dahilan, nagsisilbing tagapagligtas ang
panulat ng kaniyang panahon. Ginamit niya ang danas at obserbasyon bilang
pagkakataon upang mabigyang boses ang mga pangyayaring panlipunan.

Maraming nilandas ang panulat, naisasatitik nito ang mga tinig ng mga
pinagkaitan ng karapatang magsalita, ng mga hindi napakikinggan. Ang halaga
ng pagsulat ay katumbas ng pag-unawa sa kalagayan ng iba at sa pagbasa rito,
nailalagay ng mambabasa ang kaniyang sarili sa posisyon ng manunulat
upang magkaroon sila ng pagkakaunawaan.

Sa akademikong pagsulat, layunin nitong magpaliwanag ng konsepto.


Isalaysay ang mga teorya at pagkatuto. Mangatuwiran at magbigay ng
deskripsyon o paglalarawan. Ang panulat ang kumakatawan para maging tulay
natin sa nakaraan. Maunawaan ng sibilisasyon at lipunan, kumatawan sa
abstrakto at matuto sa naitalang talino. Pinalalaya ng pagsulat ang
kapangyarihang ipahayag ang niloloob ng damdamin at kamalayan,
mapamaanyo o masining na paraan ng pagpapahayag.

Panulat ang nagsilbing daan para muli nating matutuhang imulat ang
mata. Aralin ang sasabihin sa iba at magbunga ng ulirat at hindi maging
biktima.

Sa katotohanan, ang pagsulat ay hindi lang pagsasatitik, kundi paglikha


ng kahulugan ng taong umuunawa sa puna at nag-aanalisa ng talino na dapat
na maipapasa.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Anong pangunahing kaisipang tinatalakay sa tekstong binasa?


2. Ano-ano ang mga salitang hindi ka naging pamilyar sa pagtalakay sa
tekstong binasa at ano ang naging kahulugan nito ayon sa
pagkakagamit nito?
3. Masasabi mo ba na may kaisahan at ugnayan ang tekstong iyong
nabasa? Pangatuwiranan.
4. Ilahad ang bisang pangkaisipan, damdamin at kaasalan ng teksto.
5. Bilang mag-aaral, gaano kahalaga ang pagsulat para sa iyo?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Suriin
Sa anyong pasalitang gawain nagiging mabisa ang pamamahayag gamit
ang lakas, antala at linaw ng pagbigkas kasama na ang pagkilos o pagkumpas.
Mayroong din epekto ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksa na
kapuwa mahalaga rin sa pasulat na gawain lalo’t ito ang nilalaman ng inyong
inilalahad.
Sa pagsulat, mahalaga na mayroong kaisahan at ugnayan ang iyong
isinusulat. Masasabing may kaisahan sa kabuuan ng sinusulat kung mayroon
itong iisang ideyang tinatalakay sa bawat pangungusap at talata. Makikita rin
na ang presentasyon ng ideya ay hindi nalilihis sa paksang pinag-uusapan at
may sapat na batayang sumuporta rito. Sa kabilang banda, ang ugnayan
naman ay nakikita sa matibay na relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga
ideyang tinatalakay. Maari itong maglahad ng pagkakasunod-sunod,
magkumpara o magtulad ng mga bagay-bagay, maglarawan o magbigay
deskripsyon at magpaliwanag o magtuwiran ng isyu at magpakita ng relasyong
sanhi at bunga na nakatutulong upang maunawaan ng mambabasa ang
tekstong binabasa.

Ang pagsulat ay laging nagiging kasangkot upang maipahayag ng tao


ang kaniyang nais sabihin sa paraang limbag. Sa larang ng akademik,
nagsisilbing mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagsulat upang
masukat ng guro ang pagiging kritikal at analitikal ng mga mag-aaral. Isa sa
madalas na maipasulat ang reaksiyong papel. Ito ay paglalahad ng
makatarungang panghuhusga at pagtatasa sa mga partikular na usaping
inaanalisa o binibigyang pagtalakay. Katatampukan ito ng matalinong
pagtataya sa kalidad, kakayahan, kaparaanan, katotohanan at maging
kagandahan. Halos natutulad ito sa rebyu na nagbibigay puna bagaman higit
ang tuon nito sa usaping pampulitika, pang-ekonomika at panlipunan.

Tulad sa rebyu na pinupuna ang kapuwa kalakasan at kahinaang


tinataglay ng pagsusuri upang matimbang ang kagalingan at kakulangan ng
sinusuring akda o pelikula. Makikita sa reaksiyong papel o panunuring papel
ang pag-aaral nang maigi ng manunulat sa mga impormasyon o datos na
kaniyang paglalapatan ng pananaw o opinyon. Gumagamit ang manunulat ng
mga ekpresyong naglalahad ng pananaw upang maisalaysay ang kaniyang
komentaryo o reaksiyon sa usapin. Nagsisimula ang pagsulat sa
pangkalahatang obserbasyon at pagtatasa o paglalahad ng lagom ng
pangyayaring binibigyang pagsusuri. Mahalaga na makalap ang mga materyal
na magsisilbing sanligan ng pag-aaral bilang primarya o sekondaryang batayan.
Sundin ang planong balangkas ng pagtalakay na tumitiyak sa kaisahan at
ugnayan ng nilalaman. Mainam na isa-isahin ng manunulat ang bawat
aspektong kaniyang sinisipat o elementong kaniyang sinisiyasat nang hindi
nalalayo sa paksang tinatalakay. Sa huli, mag-iwan ng pangkalahatang puna o
diskursong nais ikintal sa mambabasa upang maging mabisa ito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kaalaman sa paggamit
ng mabisang paraan ng pagpapahayag nang may kalinawan, kaugnayan at
bisa sa reaksiyong papel na isinulat. Sumulat ng reaksiyong papel tungkol
sa planong pagkakaroon ng face to face na klase ngayong panahon ng
pandemiya. Gamitin ang mga impormasyong napakinggan o nabasa mula sa
balita, pahayagan, panig ng mga eksperto o mga dokumentaryong
napapanood mula sa ibang bansa na nailahad dito. Sundin ang pamantayan
sa ibaba.

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman ng Mayroong 5 Mayroong 4 Mayroong 3 Mayroong 2 Mayroong 1
pagtalakay materyal na materyal na materyal na materyal na materyal na
batayan o batayan o batayan o batayan o batayan o
saligan ng saligan ng saligan ng saligan ng saligan ng
pag-aaral pag-aaral pag-aaral pag-aaral pag-aaral
Ekspresyon Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng
sa paglalahad higit sa 8 7-8 5-6 3-4 1-2
ng pananaw ekspresyong ekspresyong ekspresyong ekspresyong ekspresyong
naglalahad naglalahad naglalahad naglalahad naglalahad
ng pananaw ng pananaw ng pananaw ng pananaw ng pananaw
Kaisahan at Mayroong May maayos May maayos May maayos May
ugnayan angkop na na na na paglalahad
pamagat at paglalahad paglalahad paglalahad ng idea
maayos na ng ng panimula ng panimula ngunit
paglalahad panimula, at gitna bagaman walang
ng gitna at bagman hindi kaisahan ng
panimula, kawakasan hindi tumutugma pagtalakay
gitna at bagaman tumutugma ang at ugnayan
kawakasan hindi ang pamagat sa sa pamagat,
tumutugma pamagat sa naisulat at panimula,
ang naisulat at may bahagi gitna at
pamagat sa may bahagi na walang wakas
naisulat ng kaisahan at
konklusyon ugnayan sa
na walang gitna at
ugnayan sa wakas
naisulat

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Mekaniks Ang Ang Mayroong Mayroong Mayroong
ng pagsulat pagsulat ay pagsulat ay bahagi ng bahagi ng bahagi ng
nasa nasa pagsulat na pagsulat na pagsulat na
ikatlong ikatlong nawala ang nawala ang nawala ang
panauhan at panauhan konsistensi konsistensi konsistensi
angkop ang bagaman sa ikatlong sa ikatlong sa ikatlong
lahat ng mayroong 1- panauhan panauhan panauhan
salita, 2 salita o
paggamit ng bantas na
bantas sa hindi Mayroong 1- Mayroong 3- Mayroong
naisulat angkop na 2 salita o 4 salita o higit sa 5
gamitin bantas na bantas na salita o
hindi hindi bantas na
angkop na angkop na hindi
gamitin gamitin angkop na
gamitin

Isaisip

Gamit ang gabay na tsart sa ibaba, ibuod ang napag-aralan. Isa-isahin ang
mga paraan ng pagbuo ng reaksiyong papel.

12PP ng Reaksiyong
Proseso ng Pagsulat
Papel

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Isagawa
Ilapat natin sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa aralin. Mabasa
ng mga balita o artikulo sa pahayagan o impormasyong mula sa
dokumentaryong napanood tungkol sa bakuna konta COVID-19. Matapos
makapangalap ng materyal na gagamitin, gumamit ng mabisang paraan ng
pagpapahayag nang may kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksiyong papel na
isinulat. Gamitin ang rubrik sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin natin ang
iyong natutuhan. Isulat sa patlang ang tinutukoy na deskripsyon sa bawat
bilang.
_____1. Masasabi na mayroong katangiang ganito ang teksto kung mayroong
iisang ideyang tinatalakay ang paksa.
_____ 2. Makikita sa katangiang ito ng teksto ang matibay na relasyon o
pagkakaugnay-ugnay ng mga ideyang tinatalakay.
_____ 3. Sa larang ng akademik, nagsisilbing mahalaga ang papel na
ginagampanan nito upang masukat ng guro ang pagiging kritikal at
analitikal ng mag-aaral.
_____ 4. Pinupuna nito ang kalakasan at kahinaang tinataglay ng pagsusuri
upang matimbang ang kagalingan at kakulangan ng sinusuring
akda o pelikula.
_____ 5. Ito ang makikita sa reaksiyong papel o panunuring papel na inaaral
nang maigi ng manunulat bago niya lapatan ng pananaw o opinyon.
_____ 6. Ginamit nito ng manunulat upang maisalaysay ang kaniyang
komentaryo o reaksiyon sa usapin.
_____ 7. Tumutukoy ito sa kinakalap ng manunulat upang magsilbing
saligan ng pag-aaral.
_____8. Tawag sa sinusunod ng manunulat upang matiyak ang kaisahan at
ugnayan ng nilalamang kaniyang sinusulat.
_____ 9. Maglahad ng iniisa-isa ng manunulat na hindi dapat malalayo ang
pagtalakay sa paksang sinusulat.
_____ 10. Ito ang iniiwang kakintalan ng manunulat sa sa mambabasa
upang masabing mabisa ang kaniyang pagsulat.

Karagdagang Gawain
Bibigyan kita ng karagdagang marka kung magagawa mo ang gawain
sa susunod na pahina.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
8 DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
Sanggunian
A. Sagot sa “Subukin”
 Kaisahan-tumutukoy sa pagiging iisa ng ideyang tinatalakay ng teksto na hindi
lumilihis sa paksang pinag-uusapan.
 Ugnayan-tumutukoy sa matibay na relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga ideyang
tinatalakay.
 Bisa-tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa paraan ng pag-iisip,
nararamdaman o kaugalian matapos mabasa ang akda.
B. Sagot sa “Isaisip”
 Mangalap ng mga materyal na magsisilbing impormasyon o datos na kaniyang
paglalapatan ng pananaw o opinyon at gumawa ng balangkas na susundin ang sa
pagtalakay upang manatili ang kaisahan at ugnayan ng nilalaman.
 Magsisimula sa pagsulat sa pangkalahatang obserbasyon at pagtatasa o paglalahad
ng lagom ng pangyayaring binibigyang pagsusuri.
 Mainam na isa-isahin ng manunulat ang bawat aspektong kaniyang sinisipat o
elementong kaniyang sinisiyasat nang hindi nalalayo sa paksang tinatalakay.
 Gumagamit ng mga ekpresyong naglalahad ng pananaw upang maisalaysay ang
kaniyang komentaryo o reaksiyon sa usapin.
 Sa huli, mag-iwan ng pangkalahatang puna o diskursong nais ikintal sa mambabasa
upang maging mabisa ito.
C. Sagot sa “Tayahin”
1. kaisahan
2. ugnayan
3. reaksiyong papel o panunuring papel
4. rebyu
5. impormasyon o datos
6. ekspresyong naglalahad ng pananaw
7. materyal
8. balangkas
9. aspektong sinisipat o elementong sinisiyasat
10. pangkalahatang puna o diskurso
Susi ng Pagwawasto
Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!
Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating talakayan.
bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.
kongklusyong magiging mabisa para sa mambabasa. Gamitin ang rubrik sa
pansin ang kaisahan at ugnayan ng mga ideyang ilalahad at magbigay ng
“Sulong Edukalidad” na programa ng Kagawaran ng Edukasyon. Bigyang
halaga ng edukasyon. Sumulat ng isang reaksiyong papel tungkol sa
Magbasa o manood ng balita, dokumentaryo o pag-aaral tungkol sa
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Lawrence M. Dimailig (Guro, MSHS)


Mga Editor: Gladys P. Rafols (Guro, FHS)
Christian Paul I. Camposano (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)
Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like