You are on page 1of 6

Filipino sa Piling Larang

Pangalan
Petsa:

Kakayahang Pampagkatuto
Sa pagtatapos ng gawaing ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay
● nakikilala ang halaga ng pagkilala sa iba’t ibang uri ng malikhaing sulatin;
● naipaliliwanag ang saloobing ipinababatid ng manunulat mula sa tekstong binasa;
at
● nasusuri ang kaangkupan ng uri ng panulat na ginamit ng manunulat batay sa
akdang binasa.

Panuto

Basahin ang isang malikhaing sulating akda. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga
tanong.

Pagbabago

Tapos na
ang pinakamahabang palabas;
hanggang sa muli,
mahal kong Pilipinas.

Sa kuko,
– burado na ang tinta.
Sa balota
– isinulat ang “pinaka.”

Matino.
Malinis.
May puso.
Maka-Pilipino.

Yunit 2.3: Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat 1


Filipino sa Piling Larang
Kinabukasan ng halalan,
may bagong pamahalaan.
Kinabukasan ng bayan,
baon pa rin sa nakaraan.

Tapos na nga
ang pinakamahabang palabas.
Muling mag-aabang si Juan,
kung sa kumunoy,
may pag-asa pang makaalpas.

Trabaho.
Edukasyon.
Pabahay.
Lupang agraryo.

Makataong pasahod.
Lupang ninuno.
Karapatang-pantao.
Kapayapaan sa bayan ko.

Tayo ang pagbabago,


hindi lamang ang mga nakaupo.

Tayo ang tunay na pagbabago,


hindi ang mga nakaupo.

Yunit 2.3: Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat 2


Tanong 1
Anong uri ng malikhaing pagsulat ang tekstong binasa? Pangatwiranan ang sagot.

Tanong 2
Sa iyong palagay, ano ang tinutukoy na “pagbabago” sa akdang binasa, at bakit kailangan
nito ayon sa pagsasakonteksto ng manunulat? Ipaliwanag ang sagot.
Tanong 3
Sa sarili mong pananaw, tama ba ang inilahad na pagkukuro ng manunulat sa kaniyang
paksa? Bigyang-pagliwanag ang paninindigan.

Tanong 4
Kung ikaw ang magbabahagi ng sariling pananaw hinggil sa paksang pagbabago ng
may-akda, anong anyo ng malikhaing sulatin ang iyong isusulat? Bakit? Pagtibayin
ang sagot.
Filipino sa Piling Larang

Tanong 5
Sa iyong palagay, paano mahuhubog ng malikhaing pagsulat ang iyong kawilihan o interes
sa pakikisangkot sa mga isyung panlipunang kinahaharap ng iyong henerasyon sa
kasalukuyan at sa mga hinaharap pa?

Yunit 2.3: Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat 5


Mga Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Pagtugon sa Naglalahad ng kawastuhan. Nagpamalas ng


Kahilingan ng malinaw at maayos na pag-iisa-isa ng mga
Tanong
konseptong saklaw ng tanong. May kasapatan at
4 puntos
katapatan ang pagpapahayag ng mga tugon ayon
sa mga hinihiling na kaisipan at pag-unawa.

Kaayusan ng Nagpamalas ng kaayusan sa paghahanay ng mga


Pagtatalakay pagtalakay. Sumunod sa tatlong (3) pangunahing
3 puntos
pamantayan sa pagsulat: may kaisahan, ugnayan,
at tuon/diin.

Kasanayang Nagpamalas ng mahusay na kasanayang


Pangwika pangwika: paggamit ng salita, pamantayang
3 puntos
pambalarila, at pagbabantas.

Kabuuan
10 puntos

You might also like