You are on page 1of 4

FILIPINO SA PILING LARANGAN

AKADEMIK
WEEK 3

Paksa: Panimulang pananaliksik: Mga Anyo ng Sulating Akademiko

Ang kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto ay nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa
pagbasa.

1. literal na pagpapakahulugan- kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng wikang ginamit.
2. pagbasa nang may pag-unawa- ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at
komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor.
3. pagbasa nang may aplikasyon- matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng
teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.

Mga nararapat na isasaalang-aalang sa mapanuring pagbasa


Ang tekstong akademiko ay nangangailangan ng mga sumusunod;

1. Maingat dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya, at suriin kung gaano kalohikal ang teksto at hindi batay
sa haka-haka lamang. Malaki ang maitutulong nito upang magabayan ang pagbasa sa teksto.

2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong ginagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang
ipinahahayag ng teksto. Nagtatanong din siya sa sarili kaugnay ng teksto o mga ipinahahayag nito.

3. Replektibo dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling karanasan ng
mambabasa.

4. Maparaan dahil maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti ang teksto. Ilan sa mga ito ang:

a. Pre-viewing o pre-reading – bubusisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artikulo. Kung libro, puwedeng tingnan
ang pabalat, ang likod ng pabalat na kung minsa’y may paliwanag ang may-akda tungkol sa libro o kaya’y mga pahayag ng
ilang personalidad tungkol ditto. Maaaring magtala ng ilang impormasyon.

b. Skimming – hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga pangunahing bahagi
upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binabasa.

c. Brainstorming – ito ang talakayan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat miyembro at magkaroon ng
pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto.

NARITO ANG MGA HAKBANG SA PAGSAGAWA NG PANIMULANG PANANALIKSIK

1. Pumili at maglimita ng paksa – ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian,
may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.

2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas – ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa, ilahad ang
layunin, itala o ilista ang mga tanong at pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.

3. Magtala ng sanggunian – huwag tandaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong
minimum sa pitong sanggunian.

4. Mangalap ng datos – importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa ay sapat na.
Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian.

5. Bumuo ng konseptong papel – ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin. Kasama rito ang balangkas o
framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
6. Gumawa ng dokumentasyon – sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at
obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.

7. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.


Pagtatasa ng Pagkatuto

1: Para sa iyo, mahalaga bang isaalang-alang ang estratehiya sa pagsusuri ng mga teksto.

2: Nakatutulong ba ang pagiging mapanuri ng isang mag-aaral sa pagbasa ng iba’t ibang sulatin? Ipaliwanag.

Sanayin Natin!

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang tekstong nasa loob ng kahon, pagkatapos tukuyin at sagutin ang sumusunod na
tanong.

1. Batay sa nilalaman ng tekstong binasa sa itaas, anong uri ng akademikong sulatin ito? Ibigay ang kahulugan nito.
2. Sa anong sitwasyon madalas nakikita o nangangailangan ang sulating ito? Magbigay ng dalawang (2) sitwasyon.
3. Sa iyong pagsusuri sa nilalaman ng teksto, ibigay ang layunin ng manunulat
4. Ano ang katangian ng akademikong sulatin ito?
5. Masasabi bang ang nilalaman ng tekstong binasa ay makatotohanan? Ipaliwanag.

QUIZ WEEK 3
Panuto: Basahin at suriin ang nilalaman ng teksto at sagutin ang mga tanong sa bawat bilang.

1. Base sa tekstong iyong binasa at sinuri, anong akademikong sulatin ito?

A. Lakbay-Sanaysay B. Pictorial Essay C. Posisyong Papel D. Replektibong Sanaysay

2. “Ang aking buhay ay aking maihahalintulad sa larong ito, na may bawat laban na kailangang maipanalo, na sa buhay ay
kailangan mong gawin lahat ng iyong makakaya upang magtagumpay sa mga hamon at pagsubok.” mula sa pahayag na ito,
ang manunulat ay?

A. Nagbibigay ng sariling opinion

B. Naglalahad ng kanyang reaksyon

C. Nagrereplek ng kanyang karanasan sa buhay

D. Nagtatanong sa mga tao tungkol sa kahulugan ng mobile legends


3. Batay sa tekstong iyong binasa, alin sa sumusunod ang HINDI nagsasalaysay ng personal na karanasan at mga epekto
nito sa manunulat.

A. Patok na patok di lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa ibang matatanda ang mga online games mapa-android
man o sa PC nilalaro, isa sa mga laro na uso ngayon ay ang ML o Mobile Legends.

B. Ang mobile legends ay isang MOBA (Multiplayer Online Battle Arena) isang genre ng video games kung saan ang isang
player ay may kinokontrol na character na nasa isang team o koponan na lumalaban sa kabilang koponan.

C. Sabi nga ang buhay ng tao ay may ‘ups and downs’ di sa lahat ng oras lagi tayong masaya may mga punto pa din na
makakadanas tayo ng pagkatalo at luluha

D. Masasabi ko rin na sa bawat laban sa buhay ay meron tayong mga makakasama na tutulong sa atin sa pag-angat at
meron ding mga tao na hahatakin tayo pababa

4. Ayon sa tekstong binasa, tukuyin ang layunin ng manunulat sa pagsulat ng tekstong ito.

A. Ipaalam ang kahulugan at paraan ng paglalaro ng mobile legends

B. Nagrereplek mula sa personal na karanasan sa mga binasa at napanood

C. Nagbibigay ng reaksyon sa paglalaro ng mobile legends ng mga kabataan.

D. Nagtatala o record o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.

5. Base sa nilalaman ng teksto, anong anyo ng pagsulat ang ginamit ng manunulat?

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

6. Sa tekstong iyong binasa, ang nilalaman ay naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar,
nakasalamuhang tao at pagkain at kanyang naisip o napagtantong ideya. Ito ay isang akademikong sulatin na?

A. Lakbay-Sanaysay B. Pictorial Essay C. Posisyong Papel D. Replektibong Sanaysay

7. Base sa nilalaman ng teksto, anong anyo ng pagsulat ang ginamit ng manunulat?

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

8. Ayon sa pagbasa mo sa teksto, ang manunulat ay nagsasalaysay sa lugar na kanyang pinuntahan. Anong uri ng sanaysay
ang ginamit ng manunulat?

A. Larawang Sanaysay

B. Mapanuri o Kritikal na Sanaysay

C. Patalinhagang Sanaysay
D. Personal na Sanaysay

9. Base sa tekstong binasa, tukuyin sa sumusunod ang nilalarawan ng manunulat sa teksto.

A. Ang hilig ng mga kabataan sa paglalakbay

B. Paglalarawan sa mga hotels sa kanyang tinutuluyan.

C. Inilalarawan ang hanapbuhay ng mga tao sa Maasin City.

D. Paglalarawan ng mga lugar, tao, aktibidad at pagkain sa isang particular na lugar.

10. Batay sa tekstong iyong nabasa, ano ang layunin ng manunulat?

A. Kumuha ng mga larawan sa napupuntahang lugar

B. Kumuha ng impormasyon para sa kanyang pananaliksik.

C. Isalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng larawan.

D. Magsalaysay at maglarawan ng mga karanasan sa pinuntahang lugar, tao at pagkain at kanyang mga naisip o
napagtantong ideya

INIHANDA NI

Gng. CARMELA MAY M. BAGTASOS

You might also like