You are on page 1of 10

ANG PAGSULAT

BILANG PROSESO NG
PAGBIBIGAY NG MENSAHE
Amur M. Mayor-Asuncion, Ed D

Ang iskema o iskemata ay ang dating kaalaman ng isang indibidwal hinggil sa


isang paksa na maaaring nakuha nito sa palagiang pagbabasa. Mahalaga ito upang
mapabilis ang pag-unawa sa tekstong kasalukuyang binabasa.Kapag maraming dating
kaalaman sa kasalukuyang binabasa ay higit na bumibilis ang pagbabasa at gayundin
naman bumabagal ang pagbabasa kung kakaunti ang iskema o dating kaalaman hinggil
dito.
Sa pagsulat man ay gayon din. Upang makasulat hinggil sa isang paksa, ang
manunulat ay kinakailangang may mayamang iskema. Ayon kay Harley sa kanyang
aklat na “The Psychology of Language” (Millrood, 1999), ang teorya ng iskemata ay
maaaring bigyang-kahulugan bilang isang istruktura para sa pagbubuo ng kaalaman na
nasa isipan ng manunulat. Ito ay nagsisilbi bilang “ruta ng pag-unawa” na nagaganap sa
isipan ng isang indibidwal. Ang iskema ang nagbibigay direksyon sa kaalaman ng isang
indibidwal upang matunton nito ang suliraning hinahanapan ng kasagutan sa
pagsusulat. Kaya’t ang iskema (ang kaalamang taglay ng tao) ay maaaring magsilbing
semantikong tagapag-ugnay sa tao at sa kanyang kapaligiran.

ABUTIN MO!

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang:

A. naipaliliwanag ang teorya ng iskemata sa pagsulat


B. nailalarawan ang mga katangian, antas at uri ng pagsulat
C. nakasusulat ng mga halimbawa ng sulatin na gumagamit
ng iba’t ibang uri ng pagsulat
SIMULAN MO!

Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA O MALI. Pangatwiranan


ang sagot.

PAHAYAG TAMA MALI KATWIRAN

1. Ang pagsulat ay proseso ng


pag-eenkod ng mga ideya sa
papel.

2. Nililinaw ng pagsulat ang mga


ideya sa ating isipan.

3. Ang layunin ng pagsulat ay


upang makapag-imbak ng
impormasyon.

4. Mas mabisang naipapahayag


ang mensahe sa pamamagitan
ng pagsulat.

5. Ang pagsulat ay katulad rin ng


pagsasalita ngunit isinasatitik.

6. Nangangailangan ang pagsulat


ng kaalaman sa mga
kumbensyon sa pagsulat ng
teksto.

7. Ang pagsulat ay isinasagawa


na ang pangunahing nasa
isipan ay ang mambabasa.
ALAMIN MO!

ANG MGA KATANGIAN NG PAGSULAT

Ang pagsulat ay hindi isang natural na gawain. Di tulad ng


pagsasalita, ang pagsulat ay hindi natututuhan nang kusa. Ito ay
kinakailangang ituro at matutuhan sa takdang panahon.

Ang naisulat na mensahe ay maaaring matanggap, maimbak o


mabalik-balikan sa anumang panahon. Ito ay permanente di tulad ng
sa pagsasalita, na may katangiang ephemeral- na nangangahulugang
“ang narinig ngayo ay maaaring limot na mamaya”.

ANG THREE-PHASE FRAMEWORK SA PAGSUSULAT

Ayon kay Millrood (1999), ang proseso ng pagsulat ay


kinapapalooban ng pagiging pamilyar sa mga magkakatulad na aytem
sa pagsulat, paglikha ng diskursong pasulat at pagbabahagi ng mga
naisulat sa grupo. Ito ay nabubuo ayon sa three-phase framework.

Pre-writing (Bago Sumulat)

 pagpapagana ng iskemata
 motibasyon sa pagsulat
 paghahanda sa wika
 pagiging pamilyar sa pormat ng tinatarget na teksto

While Writing (Habang Nagsusulat)

 pagdebelop ng tesis
 pagsulat mula sa mga tala
 pagsunod sa balangkas
 pagsunod sa pormat o register
 pagbibigay solusyon sa suliranin

Post Writing (Matapos Sumulat)

 pagwawasto sa ispeling
 pag-eedit
 pagbabahagi sa mga kapangkat
MGA ANTAS NG PAGSULAT AYON KAY WILGA RIVERS

1. Writing Down
 ang pagkatuto ng mga kumbensyon ng mga koda

2. Pagsulat sa Lenggwahe
 pagkatuto ng mga potensyal ng koda

3. Produksyon
 pagsasanay ng mga pagbubuo ng matatas na pagpapahayag ng
mga pangungusap at talata

4. Ekspresibong Pagsulat
 paggamit ng mga koda sa komunikasyon na may tiyak na layunin

Nagbigay rin si Millrood (1999) ng apat na uri ng pagsulat.


Nakasalalay ang uri ng pagsulat sa pokus/layunin ng awtor sa kanyang
pagsusulat. Maaaring ang pokus niya ay ang paksa, ang mambabasa o
ang kanyang sariling damdamin o ideya.

1. Sa ekspresibong pagsulat, ang diin o emfasis ng awtor ay ang


kaniyang sariling damdamin tulad ng pagsusulat sa kanyang
talaarawan o liham para sa kaibigan.

2. Sa malikhaing pagsulat (poetic) naman, ang emfasis ay nasa


pagpili ng angkop na salita o ang malikhaing paggamit ng wika.

3. Ang pagsulat pang-impormasyon naman ay nakapokus sa


paksang nais talakayin.

4. Sa mambabasa at sa paraan ng pagbabago ng paniniwala nito


naman ang pokus ng awtor kung ito ay nagsusulat ng isang
pagmamatwid/pangangatwiran.
Ayon naman sa layunin, ang pagsulat ay maaaring paglalarawan,
pagsasalaysay, paglalahad o pangangatwiran.

1. PAGLALARAWAN

 may layuning maipakita ang katangian ng tao, bagay, pook,


pangyayari , damdamin o konsepto sa pamamagitan ng mga
salita

2. PAGSASALAYSAY

 may layuning magpahayag ng mga pangyayari ayon sa


pagkakasunud-sunod nito upang makapag-iwan ng kakintalan
sa mambabasa

3. PAGLALAHAD

 may layuning magpaliwanag ng mga konsepto nang walang


anumang pagkiling

4. PANGANGATWIRAN

 may layuning magmatwid at panindigan ang isang


paniniwalang kinikilingan at hikayatin ang iba pa na pumanig
sa kanyang sariling paniniwala
SUBUKIN MO!

A. Tukuyin ang layunin ng pagsulat na ginamit sa nawat


bilang. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

A. Paglalarawan
B. Pagsasalaysay
C. Paglalahad
D. Pangangatwiran

_________ 1. Isang Karanasang Di Malilimutan

__________ 2. Ang Paraan ng Pagluto ng Pinakbet

__________ 3. Ang Unang Araw Ko sa Antas Kolehiyo

__________ 4. Kung Ako si PGMA… Hindi Ako Magso-sorry!

__________ 5. Ang Mga Bunga ng Pagdidiborsyo sa mga Anak

__________ 6. Ang Mga Paraan ng Paglaganap ng Sakit na


SARS

__________ 7. Ang Aking Matagumpay na Pagtatapos sa


Hayskul

__________ 8. Ang Matulaing Tanawin ng Banawe Rice


Terraces

__________ 9. Kung Bakit Proud Akong Maging Letranista

__________ 10. Ang Tunay na Kabuluhan ng Pakikipagkaibigan


B. Tukuyin kung sa anong bahagi ng pagsulat isinasagawa
ang mga sumusunod. Isulat ang letra ng tamang sagot.

A. Pre-writing
B. While Writing
C. Post Writing

______ 1. pag-eedit

_______ 2. pagdebelop ng tesis

_______ 3. paghahanda sa wika

_______ 4. pagsunod sa balangkas

_______ 5. motibasyon sa pagsulat

______ 6. pagwawasto sa ispeling

_______ 7. pagpapagana sa iskemata

_______ 8. pagsulat mula sa mga tala

_______ 9. pagbibigay-solusyon sa suliranin

_______ 10. pagbabahagi sa mga kapangkat

C. Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang.

_____________ 1. Ang emfasis ng awtor ay nasa kanyang


sariling damdamin.

_______________ 2. Ito ay may layuning magpaliwanag nang


walang pagkiling.

_______________ 3. Ito ang dating kaalaman ng indibidwal


hinggil sa isang paksa.

_______________ 4. Ito ay di natututuhan nang kusa.

_______________ 5. Ito ang antas ng pagsulat ayon kay


Rivers na tumutukoy sa pagkatuto ng
mga kumbensyon ng mga koda.

C. Mga Uri ng Pagsulat Ayon sa Layunin

Magbigay ng mga halimbawa ng pagsulat ayon sa hininhingi sa


bawat bilang.

1. Ekspresibong Pagsulat

Gumawa ng isang kard para sa isang kaibigang nakasamaan ng loob.


Ipahayag ang iyong sariling paraan ng paghingi ng paumanhin.
Malayang gumawa ng disenyo para sa kard. Idikit ito sa loob ng
kahon.
2. Malikhaing Pagsulat

Bumuo ng isang tulang may 2-3 saknong na tumatalakay sa iyong


marubdob na paghanga sa isang partikular na tao. Bigyan ito ng
angkop na pamagat.

3. PANG-IMPORMASYON

Gumawa ng isang anunsyo para sa nalalapit na reunion ng iyong


paaralan. Malayang maglgay ng disensyo na angkop sa pagdiriwang.
Isaalang-alang ang mahahalagang impormasyong kinakailangan.

You might also like