You are on page 1of 60

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik
MIDTERM
Week 10-11 Lesson 4
ANG SINING SA PAGSULAT

Gng. Cheryl D. Teodoro, LPT, RGC


Mga Layunin sa Paksa:
Inaasahan sa pagtatapos ng pag-aaral na ito:
1. Maunawaan ang kahulugan ng pagsulat;
2. Magamit ang kaalaman sa pagkatuto sa proseso ng
pagsulat;at
3. Makilala ang ibat-ibang kaalaman sa pagpapalawak ng
kasanayan sa pagkatututo sa talasalitaan.
ANG SINING NG PAGSULAT

A. KAHULUGAN NG PAGSULAT
B. MGA PROSESO NG PAGSULAT
C. MGA BAHAGI NG PAGSULAT
-ANG SIMULA/PANIMULA
-ANG KATAWAN NG ISANG SULATIN
-ANG PAGWAWAKAS NG ISANG SULATIN
D. MGA URI NG PAGSULAT
E. ANG PAGSULAT NG RESUME
F. MGA MAPAGSASANGGUNIAN SA PAGSULAT
“Mas makapangyarihan ang
panulat kaysa tabak”.
A. ANG KAHULUGAN NG PAGSULAT

 Madalas na pangunahing ituro at talakayin ang pagsulat bilang isang


kasanayang makrong pangwika kaya maaaring ito’y panghuli din na
natututunan.
 Kompleks na gawain ang pagsulat sapagkat mabusisi at mahirap ang
pagsasakatuparan.
ANG PAGSULAT

Ayon kay Dr. Lydia R. Lalunio ang pagsulat ay isang


prosesong sosyal o panlipunan, ang bunga ng interaksyon
ng proseso ng mga mag-aaral at produkto sa sosyo kultural
na konteksto na nakakaapekto sa pagkatuto.
ANG PAGSULAT
 pagsasatitik ng anumang simbolo sa kahit anong midyum upang maghatid ng
mensahe ang isang tao sa iba

 ang pagtatala, paglilimbag, pagguhit, pagsasatitik- ilan lamang ito sa mga


kasingkahulugan ng pagsusulat na matatagpuan sa iba't bang diksiyonaryo at
libro
 Simbolo ang isininusulat ng tao. Sakop ng simbolo ang titik, numero,
hugis, bantas at nota. Ang mga simbolong ito ay tinatawag ding mga
grapema. Ang grapema ay maaaring titik o hindi na isinusulat ng isang
tao.
 Ang midyum naman ay tumutukoy sa kung saang kaparaanan, tsanel, daluyan
o daanan naisagawa o naisakatuparan ang pagsusulat.
Maaaring makapagsulat sa dahon, bato, kahoy, papel, pisara, cellphone at
laptop. Maraming midyum ang maaaring magamit ng tao upang
makapasulat.
Sa anumang pagsusulat ay laging kaakibat nito ang paghahatid ng
mensahe.
 Maaaring ekpresibo o transaksiyonal ang mensaheng ipinapadala sa
pagsusulat. Ang ekspresibo at transaksiyonal na pagsusulat ay dalawa sa
pangkalahatang layunin sa pagsasagawa nito.

 Higit sa lahat, dapat isaisip na sa lahat ng uri ng hayop, tao lamang ang may
kakayahan at kapangyarihang makapagsulat.

 Nagsusulat ang isang tao upang ibigay ang mensaheng ito sa kaniyang kapuwa.
Walang hayop maliban sa tao ang maaaring makagawa ng akto ng pagsusulat
sapagkat tanging siya lamang ang maaaring makaunawa at makapagpaliwanag
nito sa iba ayon sa gusto niyang iparating o ipahatid sa tagatanggap nito.
Dagdag Kaalaman
• Hindi lahat ng manunulat ay nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan
lamang. Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad
mula sa burador hanggang sa pinal na papel.
• Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pagsulat. May mga estudyante
na nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o
hindi nila nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring
palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung
susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain na dala
lamang ng pangangailangan.
• Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante
(2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang:
-(A) Bago Sumulat; - (D) Pag-eedit;
-(B) Pagsulat ng Burador; - (E) Paglalathala
-(C) Pagrebisa;
Tama o Mali. Isulat sa patlang ang TITIK T kung tama ang inilalarawan ng pahayag
tungkol sa pagsulat at M naman kung mali.

1. Senyas ang isinusulat ng tao sa pangkalahatan. ____


M
2. Huling itinuturo ang pagsulat bilang kasanayang makrong pangwika. ____
T
3. Ang pagsulat ay kasingkahulugan ng paglalathala. ______
T

4. Eksklusibong letra lamang ang simbolong naisusulat ng isang tao. _____


M
5. Ang mensahe sa pagsulat ay laging may dalang kahulugan. ______
T

6. May hayop tulad ng aso at elepanteng nakapagsusulat. ______


M
M
7. Hindi itinuturo ang pagsulat sapagkat likas ito sa tao. ______
8. Simpleng gawain ang pagsusulat sa buhay ng tao. ______
M
9. Maaaring katawan ang maging midyum sa isang pagsusulat. _______
M
10. Ang grapema ay maaaring numero at hindi numero. _______
T
B. MGA PROSESO NG PAGSULAT
Unang Yugto (Bago sumulat)
1. Pagpili ng paksa
Pagtatanong sa sarili kung "Tungkol saan ang isusulat?"
Maaaring mapagkunan ng paksang isusulat:
 sariling karanasan
 pagmamasid sa paligid
 pakikipag-usap
 pakikinig
 pagbabassa
 panonood
 social networking site
2. Pag-alam sa layunin ng pagsusulat

 Ang layunin ang dahilan o rason kung  Personal ito kung may layuning
bakit nagsusulat ang isang awtor. ipahayag lamang ang ating mga naiisip
at nararamdaman. Kilala rin ito bilang
ekspresibong pagsusulat.

 Maaaring personal o sosyal ang Halimbawa sa ekspresibong


layunin sa pagsusulat. pagsusulat ay mga akdang
pampanitikan.
Sosyal naman ang pagsulat kung may layunin itong transaksiyonal. Ibig
sabihin, ang pinatutungkulan ng sulat ay mga taong may mataas na
katungkulan sa lipunan o mga pagsusulat na pampropesyonal at
panteknikal.

Halimbawa ng sosyal na pagsusulat:


 bio-data,
 liham na nag-aaplay,
 katitikan ng pulong,
 police clearance
3. Pagtiyak sa target na mambabasa
Sino ang padadalhan ng mensahe?
Para kaino ang sulat?

Mahalagang tiyakin ang mambabasa upang magtugma ang laman ng


sulat at sa taong makatatanggap nito.
4. Pangangalap ng datos

Mapaghahanguan ng mga datos:


 silid-aklatan
 Personal-mula sa talaarawan, dyornal, liham
at iba pang kaugnayan sa buhay
5. Paggawa ng balangkas
Nagiging maayos ang pagkakasunod-sunod Seksiyon-malalaking letra
ng ideya.
Subseksiyon-maliliit na letra
Tatlong uri ng pagbabalangkas:
Halimbawa ng isang balangkas:
 papaksa
 Kahulugan ng Pagsulat (Dibisyon)
 paparirala
 Layunin ng Pagsulat (Subdibisyon)
 papangungusap  Uri ng Pagsulat (Seksiyon)
 Halimbawa ng Pagsulat (Subseksiyon)
Pangalawang yugto (Ang pansamantalang pagsulat)
6. Pagsulat ng borador (Draft Writing)

Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang


maaaring pagkakamali.
Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang
ipinahahayag ng estudyante.
Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring
hingin ng mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain.
Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang
natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang ginagawang
paglalahad.
7. Editing

Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng


pangungusap, wastong gamit ng salita, kapitalisasyon,palabantasan at mga
mekaniks sa pagsulat.
Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at
pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-
magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na maipakita
ang kaugnay na mga ideya.

 Kasama na rin sa editing ang pagrerebisa.


Pagrebisa

• Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga


payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.
• Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya.
Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang
kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling maunawaan
ng babasa.
• Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago
ang dapat baguhin at pinapalitan ang dapat palitan.
Pangatlong yugto (Ang pinal na pagsulat)
8. Pagpasa o paglalathala ang huling proseso ng pagsusulat
 Ito na ang makinis at malinis na manuskrito.
 Tiniyak mo na sa prosesong ito na naedit nang husto ang buong
teksto.
Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target
na mambabasa. Kabilang sa gawaing ito ang mga sumusunod:
Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus
Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba
Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat
Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat
Gawain
Panuto: Isulat sa patlang ang TITIK ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian ayon sa inilalarawan ng bawat
bilang.
A. Paksa G. Balangkas
B. Karanasan H. Borador
C. Layunin I. Editing
D. Personal na Pagsulat J. Pagrerebisa
E. Sosyal na Pagsulat K. Paglalathala
F. Pangangalap ng Datos
1. Ito ang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao.
2. Binabago sa prosesong ito ang diwa ng naisulat.
3. Sumasagot sa tanong na"Tungkol saan ang isusulat?"
4. Ito ang mismong pagpasa ng buong munuskrito.
5. Ito ay nagsisilbing plano upang hindi malihis sa paksang isusulat.
Gawain
Panuto: Isulat sa patiang ang TITIK ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian ayon sa inilalarawan ng bawat
bilang.
A. Paksa
G. Balangkas
B. Karanasan
H. Borador
C. Layunin
I. Editing
D. Personal na Pagsulat
J. Pagrerebisa
E. Sosyal na Pagsulat
K. Paglalathala
F. Pangangalap ng Datos
6. Pinakamadalas na mapaghanguan ng paksa.
7. Tinitingnan sa prosesong ito ang kamalian sa gramatika at ispeling.
8. Tinatawag ding teknikal na pagsusulat.
9. Ito ay paghahanap ng mga impormasyong isusulat.
10. Kongkretong halimbawa nito ang pagsusulat ng pagninilay.
C. MGA BAHAGI NG PAGSULAT
ANG SIMULA/PANIMULA
Sa bahaging ito, kailangang mapukaw ang kawilihan, interes o atensyon ng
isang mambabasa.
Alamin ang iba't ibang estratehiya sa pagsulat ng mabisang panimula:

1. Pagkukuwento
 Isang mahusay na panimula ang pagsasalaysay ng isang kapana-panabik na
karanasan ng isang tao.

 Maaari ding magamit na panimulaang mga kuwentong hinango sa mga


pabula, alamat, epiko, mito, anekdota o kaya’y sariling karanasan.
Ang Pagpunta sa Quiapo
Halimbawa:
May tatlong manunulat, lahat gustong pumunta sa Quiapo.
Ang unang manunulat, pag-aaralan niya ang daang 'ginamit ng mga naunang manunulat, at ito ang susundin
niya. Makakarating siya sa Quiapo.
Pero ang ikalawang manunulat, may pagkakalog ‘ata, umikot muna sa mga ilog, bundok at gubat,umiwas sa kumbensiyonal
na daan,nakipagtsismisan pa sa kalye. Pinagtatawanan natin siya dahil madalas natatawa tayo sa mga nalilihis, tama man
sila o hindi.
Hanggang sa makarating siya sa Quiapo.
Mas mahusay siyang manunulat kaysa sa una dahil nakadiskubre siya ng bagong daan papuntang Quiapo. Hindi
magtatagal marami pang susunod sa kaniya. Papatag ang landas na ginagawa niya at magiging kasimbilis na rin ng unang
daan.
Pero ang ikatlong manunulat, hindi rin siya sumunod sa rules. Aba, hindi lang kalog, baliw pa 'ata! Umikot-ikot
din siya sa mga ilog at bundok at palengke at simbahan. Nagkawala-wala pa! Muntik pang maholdap!
Pinagtawanan din natin siya. Hanggang sa makarating din siya sa isang lugar. Hindi ito ang Quiapo kanina. Pero
mapapaniwala niya tayo na ito ay Quiapo rin.
(Mula sa Trip to Quiapo ni Ricky Lee)
Maitatanong natin, sino sa tatlo ang mahusay na manunulat? Bakit?
2. Sipi o Panghihiram ng Idea mula sa Iba

 Hinihiram ang sinabi ng isang kilala at eksperto sa kaniyang larangan,


pasalita man o pasulat ang paraan ng panghihiram.
 Nagsisilbi itong matatag na pundasyon upang maging kapani-paniwala ang
isinusulat sapagkat ginamitan ng mga pananalita na mula sa isang
iginagalang at kilalang eksperto.
2. Sipi o Panghihiram ng Idea mula sa Iba
Halimbawa:

Sa dulong bahagi ng kartilya ni Jacinto, ipinaliwanag kung ano ang"mahal na


tao" at ito ang kaniyang sinabi: "Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari! Wala sa
tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa
mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas at tunay na mahal na tao kahit laking
gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika; yang may magandang asal, may
isang pangungusap, dangal at puri; yaong ‘di napaaapi’t 'di nakikiapi; yaong
magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.”

(Maaari itong ikonekta kung ang tema ay may kaugnayan


sa paq-ibig sa bayan o nasyonalismo.)
3. Pagtatanong
Ang pinakamalimit gamitin ng mga manunulat, lalo na yaong mga
baguhan ang pagtatanong. Maaaring ang tanong na ipinupukol ay dapat sagutin
o yaong katanungang hindi naman talaga nangangailangan ng kasagutan. Kapag
ang tanong ay hindi naman talaga nangangailangan ng kasagutan, retorikal na
tanong ang tawag dito.

Halimbawa:
Kung may genie na magbibigay-katuparan sa lahat ng kahilingan
mo pero hindi mo na puwedeng gawin ang isang bagay na pinakagusto
mong ginagawa, papayag ka ba?
(Mula sa "Stainless Longganisa" ni Bob Ong)
4. Depinisyon

May mga pagsulat na sinisimulan sa pagpapakahulugan o pagbibigay-


katuturan ng isang konsepto o idea. Malaking tulong ang ganitong paraan ng
pagsisimula upang maunawaan kaagad ng mambabasa ang gamit ng salita
sa kabuuan ng pahayag.

Halimbawa:
Ang sulphuric acid (H2S04) ay pinakagamiting kemikal na industriyal
na kailangan sa paglikha ng mga gamot, diyobos, tela, pampasabog at iba pa,
ito'y malinaw at malangis na likido.
5. Salitaan / Monologo o Diyalogo

Ang salitaan ay mabisang panggising sa kawilihan at interes ng


mambabasa. Ang timbre ng boses at paraan ng pagsasabi ng isang linya ay
malaking tulong upang maagaw ang pansin ng mga tagapakinig at mambabasa.
At ito'y magagawa rin sa pagsusulat. Kapag isa lamang ang tauhan o kaya'y
nagsasalita, ito ay monologo. Kapag dalawa o mahigit pa,ito ay diyalogo.
Halimbawa
Dalawang magkaibigan ang kumuha ng Bakit Baligtad Magbasa ng libro ang mga Filipino?

5. Salitaan / Sa estate ng isang book store.


Episode # 1
Monologo o
Kaibigan 1: Eto, maganda 'to...
Diyalogo Kaibigan 2: Ay, ano yan?
Kaibigan 1: (Magbabasa ng isang linya.)
Kaibigan 2: (Matatawa.)
Kaibigan 1: 'Eto pa, tingnan mo...
Kaibigan 2: Ahahaha.
Kaibigan 1: (Patuloy sa pagbabasa para sa kaibigan.)
Kaibigan 2: AHAHAHA!!!
Kaibigan 1: Hehehe!!!
Kaibigan2: NGYAHAHAHA!!!
Kaibigan1: BWAHAHAHA!!!
(Matapos basahin anq libro sa loob nq tindahan.)
Kaibigan 2: Halika na, umuwi na tayo.
Kaibigan 1: Sige
Halimbawa:
6. Tula o Awit Manipesto ng Isang Dayo
Pat V. Villafuerte
Mabisang kasangkapan ang Huwag naman sanang sa pagbabalik ko ang sumalubong sa akin
tula o awit upang simulan ay ang maraming pagsabog,
ang isang pagsulat. Dala ito ang lantarang katiwalian,
ng likas na pagiging makata ang dayaan sa eleksiyon,
ng mga Filipino. Higit ang paqmamaltrato sa mga bata,
nagiging kaaliw-aliw ang matanda't kasambahay,
panimula kapag sinisimulan ang abot-langit na pamomolitika,
sa pamamagitan ng isang ang labanang Muslim at military
awitin o kaya'y isang tula. ang pagbagsak ng ekonomiya’t
ang pagkalagas ng mga militanteng bayani g lansangan.
Dahil kapag ito ang naganap,kapag ito ang aking nasaksihan,sang bagong
manipesto ang maidaragdag sa kasaysayan.
7. Kasaysayan o Etimolohiya ng Salita Halimbawa:
Ang salitang "cha-cha" ay unang lumitaw sa West Indies.
Ang pag-alam sa pinag-ugatan,
Mayroon ditong tanim na ang bagul ng bato ay lumilikha ng tunog na
pinanggalingan o pinagbuhatan ng
"cha-cha." Ang mga taga-Haiti naman ay nakagawa ng isang pakalog
isang termino o salita ay malaking
(rattle) mula sa tanim na "cha-cha" at ginamit Ng isang voodoo band
tulong sa lalong pagpapayabong ng
kasama ang instrumento ng tatlong tambol at isang kalembang. Ang
talasalitaan ng isang tao, Dito
pakalog na gawa sa "cha-cha" ang ginagamit na lider ng banda upang
nabibigyan ng pagkakataon ang
umpisahan ang ritmo ng awit at sayaw.
mambabasa o tagapakinig na
makapag-isip at makapaglimi na Bilang isang sayaw, ang "cha-cha ay hango sa mambo. Ang
ang bawat salita ay may sariling malaking pagkakaiba nito samambo ay mabagal at pinong galaw ng
kasaysayan na dapat alamin, sayaw nito hanggang sa itali na lamang ito a galaw ng tig tatlong
hanapin at tuklasin upang mas hakbang.
ganap na maunawaan ang Ruben B. Surriga, "Cha-Cha"
konseptong tinutumbok nito higit
pa sa nakasanayan nang Sawikaan, 2006:48
pagpapakahulugan dati rito.
8. Lantarang Pagsasabi ng Problema Halimbawa:
Isang malaking dagok ang nangyari sa
Sa ganitong paraan ng siyudad ng Baguio, Hilagang Luzon, Filipinas, ang
pagsisimula ng pagsulat, "meningo“ o meningococcemia,isang bakterya na
sinasabi agad ang suliranin mabilis na tumatama sa may mahihinang
bilang paksa. resistensiya.
Direktahan ang paglalahad ng Sa pagkakatanda ko, noong 2005 nag
problema upang malaman simulang kumalat ang sakit naito. Pito hanggang
siyam na ambulansiya ang tarantang dumaan sa tapat
agad ng mambabasa o
ng aking tinitirhan patungo sa malapit na ospital ng
nakikinig kung tungkol saan pamahalaan.
ang tatalakayin.
Rosalina A. Mendigo,"Meningo"
Sawikaan, 2006:76
9. Makatawag -pansing pahayag
Halimbawa:
Ang mga salita o '"Vox populi, vox Dei!" ang tinig ng
pangyayaring nakakabigla o bayan ay tinig ng Diyos. Malapit na
nakakagulat ay epektibong paraan naman ang halalan at ang paghuhusga
upang simulan ang isang pagsulat. ng bayan ay aalingawngaw sa buong
Makatawag-pansin ang isang kapuluan. Ang sinumang kandidato na
pahayag kung ito ay kakaiba at pinili ng bayan upang magsilbi ay
bago sa pandinig at panlasa ng itinakda rin ng Diyos sa isang dakilang
mambabasa o makikinig. tungkulin na dapat niyang gampanan.
Tumutukoy rin sa pahayag na di-
pangkaraniwan.
10. Biro o Paluwang-tawa

Hindi nakakalimutan ang isang sulating nag-iwan ng ngiti o saya sa labi


ng mambabasa o mga nakikinig. Mabuting panimula ang pagpapatawad
dahil magsisilbi itong pangganyak at mahihikayat ang mga mambabasa
o mga nakikinig na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa.
Halimbawa:

Nabusog sa langhap, nagbayad nang dapat


May isang pamilyang nakaririwasa sa buhay. Araw-araw ay masasarap na pagkain ang
inihahanda ng kanilang kasambahay. May tatlong anak ang mag-asawa,. Ang nakapagtataka,
kahit gaano kasarap ang kanilang handa o ulam, nananatiling payat ang mga anak nito.
Sa kabilang bakod naman, may mag-anak na isang kahig, isang tuka. May tatlo ring anak
ang mag-asawa. Sa kabila ng hirap at gutom nanararanasan ng pamilya, isang kabaligtaran ang
nangyayari. Malulusog ang mga anak nila. Nagtaka ang mag-asawang nakaririwasa sa buhay.
Isang araw,minatyagan nila kung ano ang pinakakain ng mag-asawang dukha sa kanilang mga
anak. Laking gulat nila sa kanilang natuklasan, habang kumakain ng tuyo at kaunting kanin ang
mag-anak na dukha, sinasabayan pala sila ng mga ito.
Nilalanghap nang husto ang amoy ng masasarap na pagkain ng mag-anak na dukha
mula sa kabilang bakod at sinasabayan nila ng pagsubong animo' y ito na rin ang kanilang ulam.
Nagalit ang mag-asawang nakaririwasa sa kanilang natuklasan. Kaya’t kinausap
nila na magbayad ang mag-anak na dukha sapagkat pinakikinabangan nito ang amoy
ng kanilang masasarap na ulam.
Walang-wala ang mag-anak na dukha. Kaya alam nilang hindi sila makababayad
sa kapitbahay. Ang sabi ng padre de-pamilya ng mahirap na mag-anak ang ganito
"Pasensiya na po. Makapagbabayad din po kami sa tamang paraan.
Habang nasa kanilang tahanan ang mag-asawang nakaririwasa, may naririnig
silang malalakas na baryang kumakalansing nag paulit-ulit. Sa pagtataka, pinuntahan
nila ang kabilang bahay.
“Ano bang ginagawa ninyo?" tanong ng mag-asawang mayaman.
"Nagsisimula na po kaming magbayad sa inyo. Dahil nabubusog po kami sa
paglanghap ng inyong ulam, marapat po lamang na magbayad kami sa tamang
paraan. Habang naririnig po ninyo ang kalansing ng aming barya, sa ganitong
paraan, nakababayad na kami," tugon ng mag-asawang dukha sabay ngingiti-
ngiting pumasok sa kanilang munting tahanan.
11. Kasabihan, Kawikaan o Islogan
Halimbawa:
Ang mga pahayag na
"Ang kagalakan ng puso ang siyang
naglalaman ng talinghaga at
nagpapasigla sa tao, at ang kaligayahan
lalim ng pag-unawa ay
ang nagpapahaba ng buhay.
mabuting panimula sa isang
pagsusulat. Nagbibigay ito ng Magsaya ka at mag-aliw; iwaksi mo
mga karunungang nang malayo ang iyong mga
kinakailangan pag-isipang kalungkutan."
mabuti at mensaheng
nagpapatalas ng kaisipan.
12. Balita Halimbawa:
Mabisang panimula Kung may dapat ikatuwa ang mga guro sa
pampublikong paaralan ay ang dagdag na 10% sa
sa isang pagsusulat ang kanilang sahod sa darting na taong- panuruang
isang napapanahong balita. 2009-2010.
Ayon kay DepEd Undersecretary for
Finance, Ted Sangfil Jr.,ang dagdag na sahod sa
mahigit.na 530,000 gurong pampubliko ng bansa
ay ibibigay nang installment sa loob ng tatlong
taon.
(Mula sa Kalatas-Balita ng PASATAF, Baguio, 2009)
ANG KATAWAN NG ISANG SULATIN

 Ibayong pag-iisip ng manunulat ang kailangan


 Dapat may malawak na kaalaman sa isang paksa
 Isaayos ang mga detalye batay sa layunin ng komposisyon

 Isaalang-alang ang tamang gamit ng mga salita at ang


damdamin at diwang nais ihayag
Iba't ibang estratehiya ang iminungkahi nina Bernales et al.:
(1) Iayos ang datos sa tamang pagkakasunod-sunod. Ibig sabihin, kung ang
unang detalye, Iyon ang dapat mauna a tpagsunod-sunurin ang iba pang
pangyayari.
(2) Iayos ang datos nang palayo o palapit, pataas o pababa, at papasok o
pababa lalo na kung ang teksto ay naglalarawan.
(3) Iayos ang datos nang pabuod o mula sa pagbibigay ng espesipikong detalve
patungo sa paglalahat.
(4) layos ang datos nang pasaklaw, mula sa panlahat na kaisipan tungo sa mga
tiyak nadetalye.
(5) Ihambing ang mga datos, ibigay ang katangiang magkaiba o kaya'y
pagkakapareho.
(6) Iisa-isahin ang mgadatos.
(7) Surin o magbigay-puna mula sa sinabi sa panimula

Tandaan sa pagbuo o pagsasaayos ng nilalaman o katawan ng sulatin,


ibatay ito sa paksa, layunin o target na mambabasa. Huwag matakot mag-
eksperimento ng sariling estilo ng pagsulat lalo't ang hangarin ay makapagsulat ng
isang mahusay na sulatin.
Halimbawa
Siga at
Sigarilyo:
Layuan Mo Ako
ANG PAGWAWAKAS NG SULATIN
Halimbawa:
1. Pagbubuod
Bilang pagwawakas, nais kong lagumin
Ito ay nangangahulugang ang artikulong ito sa isangpangunqusap.
pagpapaikli ng mga sinabi sa Ang pananaliksik ay nagging matalab na
isang sulatin. Lagom ang iba kasangkapan ngpagtuturo ng Filipino sa
pang tawag dito. sandaling iniugnay ito sa pagialathala at
pagsasalin,at sa sandaling ang lahat
Sa pagbubuod, inuulit
naman ng ito ay iniugat sa isang
lamang ang mgaideang matatag naprograma ng pagbabasa
nasabi na sa pinakamaikling
pamamaraan. Ang Pananaliksik Bilang Matalab na
Kasangkapan sa Pagtuturo ng Filipino,
BenildaS. Santos.
2. Pagbibigay ng Inaasahang Mangyari
Ginagamit ito upang magpredik ng kalalabasan o ng maaaring maganap sa
hinaharap. Nagbibigay-daan ito upang makita ang hinaharap at makapaghahanda
ang sinuman.
3. Konklusyon

 Ang pinal na sagot sa problemang inilalahad ng pagsulat ang tinatawag


na kongklusyon.
 Sa kongklusyon, bagama't ito ay may kaiklian, isang mahalagang
katangian nito angpagtataglay o pagkakaroon ng panibagong idea buhat
sa mga nasabi na.
3. Konklusyon
Halimbawa:

Huli na para mangarap tayo ng isang pambansang pamunuang


magtatampok sa katutubong wika bilang sagisag ng pagsasarili, at
handang itumba ang kaharian ng wikang Ingles sa ating lipunan. Subalit
hindi pa huli upang gumising tayo't magkusa- sa bawat maliit na larang na
ating kinikilusan- na ipalutang sa himpapawid ang himig ng ating
pambansang wika, nang walang pag-aatubili, pag-aaalinlangan, o
pangingimi. Sa madaling salita, kung gusto nating lumaya ang ating wika,
gamitin natin itong sandata- ngayon at sa bawat okasyon.
Politika ng Wika, WikangPolitika,
Randolf S. David
Halimbawa:
4. Paghahamon o Pagbabanta

Sa pagtatapos, inihaharap sa inyo ng


Ang hamon ay nakakatulong
papel na ito ang hamon na patuloy tayong
upang kumilos ang mambabasa o kumilos tungo sa pagtatamo ng isang
tagapakinig. Ang wakas na bilingguwal na nasyon sa pamamagitan ng
pagsulat na naglalaman ng edukasyon, at naway maging FILIPINO
hamon o banta ay susukat sa dominant bilingualism ang ating abutin, at
kakayahan ng isang tao na gawin, hindi semilingguwalismo na walang namaster
abutin o lagpasan pa ang sa alinmang dalawang wika.
Ang Wikang Filipino a Patakarang Bilingguwal,
pananagutang nakaatang sa
kaniyang balikat. Teresita F. Fortunato
5. Rekomendasyon
Halimbawa:
Walang katapusan ang pagkatuto at
Itinatagubilin ko para sa
pag-aaral sa buhay ng tao
pagsasaalang-alang ng pamunuan
kayamalaking tulong ang pagbibigay-
ng iba'tibang samahang pangwika
mungkahi pang magsikhay sa
partikular ang SANGFIL ang mga
lalongpagpapaibayo ng buhay.
sumusunod napanukala:
Nakatutulong ang pagwawakas sa
pamamagitan ngrekomendasyon
sapagkat mga kongkretong
pundasyon, hakbang at gabayito
upang maisakatuparan nang mas
mainam ang isang layunin.
Halimbawa:
Itinatagubilin ko para sa pagsasaalang-alang ng pamunuan ng iba'tibang samahang pangwika partikular ang SANGFIL
ang mga sumusunod napanukala:
1. Bawasan, along magaling, alisin ang nag tutunggaling mgapaniniwala o paninindigan ng nagsisibuo ng Sanggunian
tungkol sa agresibo ngunit matalisik at maingat na paraang siyentipikasyon(intelektuwalisasyon sa marami) ng wikang
Filipino.
2. Magbalangkas ng isang panukala at/o proyekto sa paglilinang ngbagong pahayag idyomatiko na aangkop sa
pagbabagong-anyo at himig ng iba't ibang antas ng gamit ng Filipino.
3. Kaugnay ngsinundang tagubilin, maglabas ng regular na magasin/monograp na maglalaman ng mga panukalang
tumutukoy saunahan.
4. Magtaguyod sa pana-panahon na timpalak-panitik tungkol sa iba't bang paksang iskolarli sa uri ng Filipinong
iwinawasiwas ng mga naturang samahan lalo na ang SANGFIL. Pagkatapos ay ilathala ang mga ito sa anyo na pamphlet o
monograp upang matunghayan at mapagtalakayan ng mga interesadong publiko.
Patuloysa Bagong Milenyumang Matuling
Nagmemetamorposis na wikang Filipino: Noon-Ngayon,
Ponciano B.P. Pineda
6. Sipi na maaaring kasabihan, paniniwala o katotohanan

Ang panghihiram ng idea sa pagwawakas ng isinusulat ay isang magandang


halimbawa na nagbabasa,nagsasaliksik at mulat sa mahahalagang
pangyayari ang isang manunulat. Nakatutulong ito upang mas maging
kapani-paniwala ang kaniyang mga isinusulat. Higit sa lahat,maiuugnay ng
manunulat ang kaniyang kaisipan sa iba pang kaisipan na lalong
magpapalinaw ng kaniyang mensahe.
Halimbawa:
Ang pagdedebelop ng makabagong teknolohiya ang nagbubunsod sa mga
pagbabago ng kaisipan tungkol sa kaalaman. Ito rin ang gamitin paramabigyang-
kapangyarihan ang wika, ang mag-aaral at ang guro sa mga kaalamang
makukuha mula rito. Hindi lang ang wika ang dapat maging intelektuwal kundi
pati ang mga gumagamit, nag-aaral at nagtuturo nito.
'Ika nga ng mga dalubhasa, ang kaalaman ay kapangyarihan, lalo nasa isang
demokratikong lipunan.
Filipinolohiya: Tungo sa Pagbuo ng Disiplinang
Filipino sa Panahon ng Globalisasyon,
Pamela C. Constantino
7. Tula o Awit o Panalangin Halimbawa:

Kung nagagamit bilang umpisa ng Ako'y kapiling mo lagi sa paglalakad


pagsulat ang tula o awit, maaari
dinitong gamitin bilang panapos At kung sa sangdaling ika'y naghihirap
nito. Ang anumang tula o awit ay At isang pares lang ang bakas ng yapak
laging maykakabit na talinghagang Na makikita mo ay sapagkat
tumutulong upang mag-isip ang Pasan kita noon sa Aking balikat.
mambabasa nangmaikhain, kritikal
at mapagnilay.
Mula sa salin ng Footprints in the Sand
GAWAIN

PANUTO: Tukuyin kung anong bahagi ng pagsulat ang inilalarawan sa bawat bilang.

A. Panimula B. Katawan C. Wakas


1. Madalas na buod o kongklusyon ang anyo nito.
2. Narito ang mga tiyak na detalyeng nagbibigay-linaw sa paksa.
3. Tungkulin nitong pukawin ang interes g mambabasa.
4. Inihahalintulad ito sa window shopping.
5. Tungkulin nitong mag-iwan g kintal o bisa.
6. Tinatawag din itong nilalaman g akda.
7. Tanong ang madalas na estratehiya ng mga baguhang manunulat.
8. Ito ang nagsisilbing pambungad ng pagsulat.
9. Maaaring magbigay ng hamon sa bahaging ito.
10. Kung minsan, bitin o open-ended ang estratehiya ng bahaging ito.
ITUTULOY…
D. MGA URI NG PAGSULAT
1. AKADEMIKONG PAGSULAT
2. TEKNIKAL NA PAGSULAT
3. JOURNALISTIC
4. REPERENSIYAL NA PAGSULAT
5. PROPESYONAL NA PAGSULAT
6. MALIKHAING PAGSULAT
(43) Curriculum Vitae (CV) Vs Resume: Difference Between them
E. ANG PAGSULAT NG RESUME with definition & Comparison Chart - YouTube
F. MGA MAPAGSASANGGUNIAN SA PAGSUSULAT
Reference:
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
(Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 2)
JOEL S. SALVADOR et al. (2014)

You might also like