You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Laguna
District of San Pedro
SAMPAGUITA VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
Molave St., Brgy. Calendola, City of San Pedro, Laguna
(02) 8 808 0160

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang kahalagahan at gamit ng wikang Filipino
Isulat ang tama kung ang pahayag ay wasto at mali kung ito hindi wasto ang
pahayag tungkol sa wika.

1. Ang wika ay pagkakakilanlan ng ng isang bansa.


2. Ang wikang Filipino ay ginagamit sa lahat ng transaksiyon sa ekonomiya.
3. Sa pamamagitan ng wika ang mga tao ay walang pagkakaunawaan.
4. Ang wikang Pambansa ay daan sa pakikipagkomunikasyon upang mapalago at
mapabuti ang takbo ng political,sosyolohikal at maging ekonomikal na aspeto ng
lipunan.
5. Ang wikang Pambansa ay sandata ng di pagkakaunwaan ng mga tao sa bansa.
6. Mahalaga ang wika sa pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan sa isang
bansa.
7. Ang isang lahi ay walang kinikilalang wikang Pambansa.
8. Ginagamit ang wika upang makapagpahayag ng saloobin o damdamin.
9. Ang wika ang nakatutulong sa panghihikayat ng turismo sa isang bansa.
10. Ang wika ay mahalaga dahil ito ay kumikilala sa isang lahi ng bansa.

Gawain 2
Panuto: Bumuo ng isang maikling patalastas batay sa larawan.Gamiting ang wikang
Filipino na hikayatin ang mga turista na mapasyalan ang magagandang lugar sa Pilipinas.
Isulat ang angkop na impormasyon ng isang lugar.

Gawain 3.

Panuto : Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng impormasyon na tungkol sa nakuha mo o


napanood mo sa Telebisyon o Radyo na may kinalaman sa turismo ng ating bansa. Isulat
ang iyong sagot sa kuwaderno.
Gawain 4.

Panuto: Suriin ang larawan. Isulat ang iyong opinyon ukol dito sa iyong kuwaderno. Ibahagi
mo ang iyong damdamin bilang isang mamayang Pilipino.

Gawain 5.

Panuto : Gamit ang napanood na larawan sa Gawain 4 gawin


ang sumusunod.
1. Magsulat ng mga salitang Filipino na lubhang nagpapaganda o nakakahikayat sa mga
makakabasa ng larawan o poster.

Gawain 6

Panuto: Bumuo ng slogan na nakasulat sa Wikang Filipino at gagamitin ito sa pagbuo ng


proyektong panturismo. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain 7. Paglikha
Panuto: Gumawa ng isang poster bilang isang proyek-
tong panturismo. Pumili ng isang lugar sa CALABARZON na nais mong palaganapin o i-
promote. Gamitin ang wikang Filipino sa pagpapahayag at paghikayat ng turismo.

Pamantayan sa Paglikha ng poster bilang proyekto.

1. May sapat na impormasyon at pagsasaliksik - 5 puntos


tungkol sa isang lugar.
2. Nagagamit ang Wikang Filipino sa
Panghihikayat ng turismo sa ating bansa - 5 puntos
Kabuuan - 10 puntos

You might also like