You are on page 1of 2

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG

FILIPINO.

Kasmusta mga Binibini at mga Ginoo.


Isa ba kayo sa nanatili o isa sa mga nagbago?
Wikang katutubong hiyas, bunga ng makasayasayang bakas ng mga pilipino
na noon ay nakaranas ng dahas mula sa pananakop na atin nang nabaklas.
Waray,Cebuano,Hiligaynon,Ilonggo at Ilokano, ay iilan lamang sa mga
diyalekto na ginagamait nating mga Pilipino.
Teka? Sandali. Naguguluhan ako at Nalilito, Bakit ganito? Wikang Filipino
na tumawid pa sa libong mga siglo, binago ng makrong kasaysayan at
makabagong istilo at ngayon ipagpapalit mo lang sa salitang gumawo at
saranghaeyo?, kahit namumulupot na ang dila at nahihirapan iyo paring
pinagpipilitan dahil ang lagi mong dahilan “kaya ko pa naman”.
Isang paalala mula sa kapwa nyo Pilipino. Bago pag aralan ang wikang
banyaga ay alamin muna ang baybayin at alibata, maaaring ang iilan sa inyo
ay nagamit na ang mga ito, Subalit hanggang don lang naman kayo. Hindi
nyo pinaglalaanan ng oras para alamin Dahil tulad lang din naman kayo ng
iba na pagkatapos gamitin ay iiwan nalang din.
Oo! Alam ko na maraming lengguahe ang nauuso: amats, lodi, at petmalu, na
umaabot pa sa punto na sumasabay sa agos at elemento dahil sa modernong
makabago.
Wala akong problema sa ibat ibang wikang pinagaaralan nyo, ang problema
lang ay mas inuuna nyo pa ang wikang banyaga kesa sa Wikang Filipino na
likas at sariling iyo.
Pinagbigyan ang mga salitang nauuso kaya heto, salitang buo ay unti unting
nababago at naglalaho.
Nanginginig ang aking mga kalamnan gusto kong bumitaw ng mga dahilan sa
kapwa nating pilipino na ang sariling wika ay pinagtatawanan, dahil hindi
nila naiintindihan at ang kadalasang dahilan, “Bakit ko pa pagaaralan kung
hindi naman kasing sosyal ng wikang banyaga na aking alam?.”
Kung sa pag ibig nga natututunan mong mahalin sya? Bakit pagdating sa
sariling wika hindi mo magawa?Wikang Filipino ay naipaglaban na noon
bakit hindi natin ipaglaban at ipanatili ito ngayon?, Nang sa gayon ay
maipapamana pa at magagamit sa sumunod na henerasyon.
Sabi nga ni Gat Andres Bonifacio pagibig muna sa bayan, kaya lagi nyong
pagiisipan kung sino at ano ba ang dapat nyong pinapahalagahan.
Wikang Filipinong maharlika at kakaiba, Wikang Filipinong mayaman sa
mekanismo, adhikain, literatura at kultura. Iiwan mo pa ba?
WIKANG KATUTUBO TUNGO: SA ISANG BANSANG FILIPINO,
Kiniray-a, aklanon at bicolano. Wika ko. Wika mo. Iba iba man ang tono
sabay sabay nating gawing instrumento tungo sa pagbubuklod at pagkakaisa
nating mga Pilipino.

Delarmino, Rea May V.


11- Emerald

You might also like