You are on page 1of 1

"KAMUSTA NA ANG WIKANG FILIPINO”

TALUMPATI

Isang magayon at mapagpalang bati sa inyong lahat. Nais kung gamitin ang
pagkakataong ito para kamustahin ang wikang tinalikuran at kinalimutan ng maraming
kapwa ko kabataang Pilipino. Pero bago ang lahat nais kong ipakilala ang sarili ko. Ako
nga pala si Bb. Honey Mae L. Cosgafa isang mag-aaral at isang pangkaraniwang tao.
Pero hindi tungkol sa akin ang talumpating ito, ito ay tungkol sa wikang kinalimutan at
tinalikuran ng maraming kapwa ko kabataang Pilipino. At Oo maraming wika ang
bansang inaapakan mo at may daan-daang pulo dito pero may iisang lingua franca tayo
ito ang wikang “Filipino” pero kamusta na nga ba ito?

Oo, dahil sa modernong mundo madali nalang mag-aral ng kung ano-ano at


madalas nga’y pag-aaral at pagtatangkilik sa wika ng iba’t- ibang lahi sa iba’t-ibang
dako ng mundo. Ang kinahihiligan ng maraming kapwa ko kabataang Pilipino. Ingles,
Niponggo,Mandarin, at Koreano ang mga wikang kinagigiliwan ng maraming kabataang
Pilipino ngunit kamusta na ang totoong wikang pinamana at pinalago para sa inyo.
Maraming salitang Filipino ang tinatalikuran ninyo, para ano? Para sa wikang banyaga,
para lang sa wikang banyaga sa iba’t-ibang dako ng mundo. Alam n’yo pa ba ang
kahulugan ng maganda, marikit, makipot? Sa palagay ko’y wala na ito ngayon sa
talasalitaan ninyo. Pero ito ang sigurado alam kong alam n’yo ang salitang ito “Hi,
Konichiwa, Nihao, Anneoyong ang mga salitang bukang bibig ng mga kabataang
Pilipino. Ito rin ang mga salitang kalat na kalat sa iba’t ibang kalye at iba’t ibang lupang
inaapakan ng maraming Pilipino. Bakit hindi “Kamusta’ ang ipangbati ninyo. Ang wikang
Filipino ang totoong pinamana sa mga ninuno ninyo. Sa mga ninuno at sa mga
bayaning nagpakamatay para dito. Pero bakit kinakalimutan natin ito. Binabaon sa
lupang sinilangan, kinakalimutan pagkatapos ng maraming panahon, ngunit alam natin
na importante ito dahil Pilipino ako, Pilipino kayo at Pilipino tayo. Masakit man pero ito
ang totoo maraming kapwa ko kabataang Pilipino ang nakakalimutan na ang wikang
Filipino.

Wala naming mali sa pagtangkilik sa wika ng iba bastat wag ninyong gawing iba
ang wikang bumuhay sa inyo noong una. Maraming dahilan kung bakit dapat nating
tangkilikin at alagaan ang wikang nagbigay sa atin ang pangalan at marka. At sana’y
makahanap din kayo ng sariling dahilan para bumalik sa inyong pinanggalingan. Sabi
nga ni Rizal “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakaabot sa
paroroonan”. Sana’y samalamin parin ito sa generasyong kinabibilangan ko. At sana’y
ang pagtangkilik sa sariling wikang Filipino ang maging unang hakbang para sa mga
kabataang Pilipino.

At Oo, hindi sa pagmamalinis at inaamin ko tumatangkilik din ako sa wikang


Koreano. Pero hindi ko kinakalimutan ang wikang Filipino sa totoo nga’y pinag-aaralan
ko pa nga ito.

You might also like