You are on page 1of 9

0

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga


HINDI IPINAGBIBILI

12
FILIPINO SA PILING LARANG
(Akademik)
Kuwarter 1
Linggo 3 (MELC 1.2)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School
1

PILING
ASIGNATURA
LARANG- Kuwarter 1 LINGGO 3 ARAW ___________________________
AT BAITANG AKADEMIK dd/mm/yyyy

CODE CS_FA11/12EP-0a-c-39
KASANAYANG Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan
PAMPAGKATUTO at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa
inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Paksa: Panimulang pananaliksik: Mga Anyo ng Sulating Akademiko

(Lunsaran)

Ang kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto ay nagtataglay ng tatlong antas
ng pag-unawa sa pagbasa.

1. literal na pagpapakahulugan- kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng


wikang ginamit.
2. pagbasa nang may pag-unawa- ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng pagpapakahulugan
gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor.
3. pagbasa nang may aplikasyon- matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang
pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.

Mga nararapat na isasaalang-aalang sa mapanuring pagbasa


Ang tekstong akademiko ay nangangailangan ng mga sumusunod;

1. Maingat dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya, at suriin kung gaano kalohikal ang
teksto at hindi batay sa haka-haka lamang. Malaki ang maitutulong nito upang magabayan ang
pagbasa sa teksto.

2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong ginagawa ang mambabasa upang
maging malinaw ang ipinahahayag ng teksto. Nagtatanong din siya sa sarili kaugnay ng teksto o
mga ipinahahayag nito.

3. Replektibo dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at
sariling karanasan ng mambabasa.

4. Maparaan dahil maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti ang teksto.
Ilan sa mga ito ang:

a. Pre-viewing o pre-reading – bubusisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artikulo. Kung
libro, puwedeng tingnan ang pabalat, ang likod ng pabalat na kung minsa’y may paliwanag ang
may-akda tungkol sa libro o kaya’y mga pahayag ng ilang personalidad tungkol ditto. Maaaring
magtala ng ilang impormasyon.

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School
2

b. Skimming – hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga
pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binabasa.

c. Brainstorming – ito ang talakayan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat miyembro
at magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto.

NARITO ANG MGA HAKBANG SA PAGSAGAWA NG PANIMULANG PANANALIKSIK

1. Pumili at maglimita ng paksa – ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng
datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.

2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas – ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa


paksa, ilahad ang layunin, itala o ilista ang mga tanong at pangatwiranan ang kahalagahan ng
paksa.
3. Magtala ng sanggunian – huwag tandaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian
ngunit gawin itong minimum sa pitong sanggunian.

4. Mangalap ng datos – importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa
ay sapat na. Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian.

5. Bumuo ng konseptong papel – ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin. Kasama


rito ang balangkas o framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa
isusulat.
6. Gumawa ng dokumentasyon – sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng
sanggunian at obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.

7. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

Pagtatasa ng Pagkatuto1: Para sa iyo, mahalaga bang isaalang-alang ang estratehiya sa


pagsusuri ng mga teksto.

Pagtatasa ng Pagkatuto2: Nakatutulong ba ang pagiging mapanuri ng isang mag-


aaral sa pagbasa ng iba’t ibang sulatin? Ipaliwanag.

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang tekstong nasa loob ng kahon, pagkatapos tukuyin at sagutin ang
sumusunod na tanong.

Si VON ANDREW C. LOPEZ ay nakapagtapos ng Junior High School sa Aurora National Science High
School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng ikalabing-dalawang baitang sa nasabing paaralan, sa strand
ng STEM. Nakapagtapos siya ng ikalawang karangalan noong siya ay nasa mababang paaralan ng
mucdol sa Dipaculao Aurora, nagging Presidente siya ng SPG ng kanilang paaralan. Hilig niyang
maglaro ng football na nakarating na rin siya ng CLRAA sa larong football noong nasa ika-apat na
taon sa hayskul. Hilig niyang magkwento at magbasa ng mga komiks. Sa kasalukuyan ay
pinaghahandaan niya ang mga pagtataya sa admisyon sa iba’t ibang kolehiyo at akademiya.

1. Batay sa nilalaman ng tekstong binasa sa itaas, anong uri ng akademikong sulatin ito? Ibigay
ang kahulugan nito.

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School
3

2. Sa anong sitwasyon madalas nakikita o nangangailangan ang sulating ito? Magbigay ng


dalawang (2) sitwasyon.
3. Sa iyong pagsusuri sa nilalaman ng teksto, ibigay ang layunin ng manunulat.
4. Ano ang katangian ng akademikong sulatin ito?
5. Masasabi bang ang nilalaman ng tekstong binasa ay makatotohanan? Ipaliwanag.

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

 Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay,
tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
 Sa pagsusuri ng teksto o ng ibang sulatin, ang mag-aaral ay nangangailangan ng maingat,
aktibo, replektibo at mapamaraang pagbasa. Makatutulong ang mga ito upang higit na
maunawaan ang binabasang akda o teksto.
 Suriin ang nilalaman, layunin, gamit katangian at anyo ng tekstong babasahin upang matukoy
kung anong uring akademikong sulatin ang binasa.
 Sa pagsasagawa ng panimulang pananalik, mahalaga ang pagpili ng paksa na may sapat na
kaalaman sa gagawing pananaliksik. Sa paggawa ng pananaliksik, kinakailangan ang
pagbabalangkas upang maging maayos ang daloy ng mga ideya o impormasyon.

Subukin Natin!
Sukatin ang iyong natutuhan! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Basahin at suriin ang nilalaman ng teksto at sagutin ang mga tanong sa bawat bilang.

Patok na patok di lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa ibang matatanda ang mga online
games mapa-android man o sa PC nilalaro, isa sa mga laro na uso ngayon ay ang ML o Mobile
Legends. Ang mobile legends ay isang MOBA (Multiplayer Online Battle Arena) isang genre ng video
games kung saan ang isang player ay may kinokontrol na character na nasa isang team o koponan na
lumalaban sa kabilang koponan. Ang Mobile Legends ay kahawig ng League of Legends na may 5v5 na
laban kung saan pipili ka ng hero kasama ang iyong mga kakampi na maaring: Marksman, Tank,
Assasin, Fighter, Mage at Support. Ang aking buhay ay aking maihahalintulad sa larong ito, na may
bawat laban na kailangang maipanalo, na sa buhay ay kailangan mong gawin lahat ng iyong makakaya
upang magtagumpay sa mga hamon at pagsubok. Masasabi ko rin na sa bawat laban sa buhay ay
meron tayong mga makakasama na tutulong sa atin sa pag-angat at meron ding mga tao na hahatakin
tayo pababa, kailangan nating matutunang maging matatag sa bawat pagsubok na darating dahil sa
buhay ng tao ay walang problema na ibibigay sa atin ang Diyos na di natin kayang lagpasan. Ngunit
hindi sa lahat ng pagkakataon ay panalo, sabi nga ang buhay ng tao ay may ‘ups and downs’ di sa lahat
ng oras lagi tayong masaya may mga punto pa din na makakadanas tayo ng pagkatalo at luluha subalit
ang bawat pagkatalong ito ay isipin natin na sa susunod atin panggalingan at higitan ang ating
makakaya para mas makamit ang masayang tagumpay sa buhay.
Gawa ni: Ma. Faith C. Errua

1. Base sa tekstong iyong binasa at sinuri, anong akademikong sulatin ito?


A. Lakbay-Sanaysay B. Pictorial Essay C. Posisyong Papel D. Replektibong Sanaysay

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School
4

2. “Ang aking buhay ay aking maihahalintulad sa larong ito, na may bawat laban na kailangang
maipanalo, na sa buhay ay kailangan mong gawin lahat ng iyong makakaya upang magtagumpay
sa mga hamon at pagsubok.” mula sa pahayag na ito, ang manunulat ay?
A. Nagbibigay ng sariling opinion
B. Naglalahad ng kanyang reaksyon
C. Nagrereplek ng kanyang karanasan sa buhay
D. Nagtatanong sa mga tao tungkol sa kahulugan ng mobile legends

3. Batay sa tekstong iyong binasa, alin sa sumusunod ang HINDI nagsasalaysay ng personal na
karanasan at mga epekto nito sa manunulat.
A. Patok na patok di lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa ibang matatanda ang mga online
games mapa-android man o sa PC nilalaro, isa sa mga laro na uso ngayon ay ang ML o Mobile
Legends.
B. Ang mobile legends ay isang MOBA (Multiplayer Online Battle Arena) isang genre ng video games
kung saan ang isang player ay may kinokontrol na character na nasa isang team o koponan na
lumalaban sa kabilang koponan.
C. Sabi nga ang buhay ng tao ay may ‘ups and downs’ di sa lahat ng oras lagi tayong masaya may
mga punto pa din na makakadanas tayo ng pagkatalo at luluha
D. Masasabi ko rin na sa bawat laban sa buhay ay meron tayong mga makakasama na tutulong sa
atin sa pag-angat at meron ding mga tao na hahatakin tayo pababa

4. Ayon sa tekstong binasa, tukuyin ang layunin ng manunulat sa pagsulat ng tekstong ito.
A. Ipaalam ang kahulugan at paraan ng paglalaro ng mobile legends
B. Nagrereplek mula sa personal na karanasan sa mga binasa at napanood
C. Nagbibigay ng reaksyon sa paglalaro ng mobile legends ng mga kabataan.
D. Nagtatala o record o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong.

5. Base sa nilalaman ng teksto, anong anyo ng pagsulat ang ginamit ng manunulat?


A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

Karaniwan na lamang o tila hilig na ng mga tao sa panahon ngayon particular na ng mga kabataan ang
paglalakbay sa kung saan saang may magagandang tanawin, mayaman na kultura o di kaya’y
masasarap na pagkain. Isa sa mga lugar na aking napuntahan kasama ang aking pamilya ay sa isang
Filipino restaurant na nasa Brgy. Abgao na makikita sa Kapital ng Southern Leyte – ang Maasin City.
Ang Kinamot sa Abgao Restaurant ay kilala bilang isa sa mga restaurant sa Maasin na nasa tabing-
dagat at kadalasang binibisita ng mga dayuhan dahil malapit lamang ito sa mga hotels sa lugar.
Madalas rin na may mga negosyante o entreprenyur na bumibisita sa lugar upang doon isagawa ang
kanilang pulong dahil sa nakaka-ginhawang tanawin sa baybayin. Di pa man ako nakakababa ng aming
sinasakyan ay tanaw ko na ang ganda sa labas pa lamang ng kainan, kadalasan sa mga gamit o
furniture ay gawa sa magandang klase ng kahoy at napapalibutan ang labas ng mga halaman at iba
ibang uri ng antigong dekorasyon at palamuti. Pagkapasok naming sa loob ay mas lalo akong
namangha dahil tanaw ko ang dagat at ang asul na kalangitan at para bang sobrang payapa ng paligid.
Habang nag-aantay ka ng iyong order ay maaari mong tingnan ang mga barko at may maliliit ring isda
na makikita ka sa dagat. Ang mga pagkain ay masarap at sulit para sa aming pamilya. Iminumungkahi
ko na pumunta kayo rito para maranasan niyo ang sarap ng pagkain habang nadarama mo ang
masarap na simoy ng hangin sa tabing-dagat. Ang restaurant o kainan na ito ay magandang pagdausan
ng mga okasyon halimbawa na lamang ang mga pakikipag-date, kaarawan, kasal at bonding ng
pamilya.
Gawa ni: Rozette V. De Guzman

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School
5

6. Sa tekstong iyong binasa, ang nilalaman ay naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa


pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at kanyang naisip o napagtantong ideya. Ito ay
isang akademikong sulatin na?
A. Lakbay-Sanaysay B. Pictorial Essay C. Posisyong Papel D. Replektibong Sanaysay

7. Base sa nilalaman ng teksto, anong anyo ng pagsulat ang ginamit ng manunulat?


A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

8. Ayon sa pagbasa mo sa teksto, ang manunulat ay nagsasalaysay sa lugar na kanyang pinuntahan.


Anong uri ng sanaysay ang ginamit ng manunulat?
A. Larawang Sanaysay
B. Mapanuri o Kritikal na Sanaysay
C. Patalinhagang Sanaysay
D. Personal na Sanaysay

9. Base sa tekstong binasa, tukuyin sa sumusunod ang nilalarawan ng manunulat sa teksto.


A. Ang hilig ng mga kabataan sa paglalakbay
B. Paglalarawan sa mga hotels sa kanyang tinutuluyan.
C. Inilalarawan ang hanapbuhay ng mga tao sa Maasin City.
D. Paglalarawan ng mga lugar, tao, aktibidad at pagkain sa isang particular na lugar.

10. Batay sa tekstong iyong nabasa, ano ang layunin ng manunulat?


A. Kumuha ng mga larawan sa napupuntahang lugar
B. Kumuha ng impormasyon para sa kanyang pananaliksik.
C. Isalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng larawan.
D. Magsalaysay at maglarawan ng mga karanasan sa pinuntahang lugar, tao at pagkain at kanyang
mga naisip o napagtantong ideya

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang papel para sa
mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSlet.

Aklat:
1. Santos, Corazon L. PhD at Concepcion, Gerard P. PhD, 2016, Filipino sa
Piling Larang Akademik Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Edisyon), Pasig
City: Department of Education-Bureau of Learning Resources
2. Constantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S., 2016, Filipino sa Piling
Larang Akademik (Unang Edisyon), Manila, Philippines: REX Book Store

Online
1. ELCOMBLUS, 2020, “Ang Kahulugan, Katangian at Layunin ng
Akademikong Pagsulat”, https://elcomblus.com/ang-kahulugan-
Sanggunian katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/
2. WORDPRESS, 2017, “Filipino sa Piling Larang Bionote”,
https://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/12/isang-
bionote/
3. WORDPRESS, “Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin
(Pangalawang Markahan)” (Replektibong Sanaysay at Lakbay-
Sanaysay), https://pytnpndportfolio.wordpress.com/mga-halimbawa-
ng-akademikong-sulatin-pangalawang-markahan/
4. Getigan, Christopher E., “Mga Hakbang sa Pananaliksik”,
https://www.slideshare.net/christopheregetigan/mga-hakbang-sa-
pananaliksik

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School
6

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.
Inihanda ni: Jeramay U. Baracol, Sst Ii
Vitali National High School

Charish Mae P. Cordovero, Sst I


Sibulao National High School

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School
7

Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtataya


PANGALAN NG
MAG-AARAL
LEARNING
AREA FILIPINO 11 BAITANG

MARKAHAN UNANG MARKAHAN LINGGO 1.3 ARAW ________________________________

dd/mm/yyyy

PAKSA Panimulang pananaliksik: Mga Anyo ng Sulating Akademiko


KASANAYANG
PAMPAGKATU Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan
TO at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

ARALIN NATIN
Pamagat:
Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Para sa iyo, mahalaga bang isaalang-alang ang estratehiya sa
pagsusuri ng mga teksto.
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Nakatutulong ba ang pagiging mapanuri ng isang mag-aaral sa


pagbasa ng iba’t ibang sulatin? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
What is Digestion?

SANAYIN NATIN!

1. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School
8

4.__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________

SUBUKIN NATIN!
Sukatin ang iyong natutuhan! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

1.
A B C D A B C D
6.
2. A B C D A B
7. C D
3. A B C D A
8. B C D
4. A B C D A B C D
9.
5. A B C D A B C D
10.

Jeramay U. Baracol Charish Mae P. Cordovero


Vitali National High School Sibulao National High School

You might also like