You are on page 1of 2

FILI 02 KONSEPTO NG PAGBASA

Kung ikaw ay magbabasa ng teksto, anong proseso ang susundin mo upang maunawaan ang
iyong babasahin?
 Pagbuo ng hinuha
 _______ Pagtatalakayan
 _______ Pagtukoy sa mga salitang di pamilyar
 _______ Pag-uugnay ng binasa sa karanasan
 _______ Pagbasa sa teksto
 _______ Pag-uusap sa pamagat ng teksto
 _______ Pagtatala ng mga posibleng katanungan tungkol sa babasahing teksto

Layunin ng Pagbasa
 Upang maaliw
 Upang tumuklas ng bagong kaalaman at
maimbak sa isip
 Mabatid ang iba pang karanasan na
kapupulutan ng aral
 Napaglalakbay ang ating diwa sa mga
lugar na pinapangarap marating
 Napag-aralan ang kultura ng ibang lahi
at mabatid ang pagkakatulad at
pagkakaiba nito sa ating kinagisnan

Kahulugan ng Pagbasa
 Ang pagbabasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga
nakalimbag na simbolo. Ito ay isang proseso sa pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa
mga mambabasa.
 Isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at malinang ang
kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. (Gawahan at Montera, 2013)
 Isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa
interaksyon ng mambabasa at ng teksto. (Johnston, 1990)
 Kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa
katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.

UGNAYAN NG PAGBASA AT PAGSULAT


 Kailangang ibatay ang iyong isusulat sa uri ng teksto na iyong gagawin (Plasencia et al, 2009).
 Kailangan ang lubos na kasanayan sa pagsulat upang mapakilos ng iyong mga salita ang diwang
isinasaad ng mga nakalimbag na pahayag. (Espina et al, 200).
 Mahalagang tumatalakay ito sa mga bagong kaisipan. Ang matandang kaalaman ay magandang
iugnay sa kasalukuyang pangyayari (Belvez, 2001).

PANITIKAN AT PAGSUSURI
 Ang panitikan ay dapat lamang dumaan sa masusing pagsusuri upang lumabas ang magkabilang-
mukha ng mga argumentong nakapaloob sa isang sulatin.
 Ito ay isinasaalang-alang na wala tayong ideya ng kung ano ang daigdig ngayon kung walang
panitikan na nagbibigay ng depinisyon, naglalahad sa anyo ng buhay; naglalarawan at
nagtutunggali sa mga imahen ng mundo (Santiago, 2004).
 Ayon kay Richards (sa Olsen, 1978, salin) maaaring kumilos ang wika sa emosyon ng mambabasa
sa dalawang paraan: maaaring maghatid ito ng ideya na sa kalaunan ay maghahatid ng emosyon
at maghahatid ito ng direktang emosyon sa mambabasa ng walang tagapamagitan sa mga ideya.

Sangkap ng Pagbabasa

- Babasahin o teksto
- Manunulat/may akda
- Mambabasa

Mga kaHalagahan Ng Pagbabasa


- Ang pagbabasa ay nagdudulot ng kasiyahan at nakakalunas ng pagkabagot
- Pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng iba’t ibang larangan ng buhay
- Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa pang-araw-araw na buhay
- Nakakalakbay tayo sa pamamagitan ng pagbabasa
- Iniimpluwensya ang ating mga saloobin at palagay
- Iniimpluwensya ang ating mga saloobin at palagay
- Nakakatulong ito sa paglutas ng mga suliranin

Proseso ng Pagbasa
a. Persepsyon - Pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
b. Komprehensyon - Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo.
c. Reaksyon
- Paghatol sa kawastuhan ng mga detalye, kahusayan ng pagkakasulat at halaga ng teksto.
d. Asimilasyon -
Pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman mula sa binasa at sa dating kaalaman

Estratehiya sa Pagbasa at Pagsusuri ng


Panitikan
1. Pakikisangkot- Paglalapat ng karanasang emosyunal o relasyon ng mambabasa sa teksto.
2. Pakikipag-ugnayan- Pagsasalaysay ito ng magkakatulad na karanasan, saloobin at kaalaman ng
tekstong binasa sa iba pang teksto.
3. Paglalarawan- Pagsasalaysay ng kilos, ugali, paniniwala, layunin at plano ng may-akda gamit
ang wika.
4. Pagbibigay-kahulugan- Pagbibigay ng hinuha, pagpapaliwanag sa mga kahulugan ng mga
simbolong ginagamit ng may-akda, kabilang din ito ang intensyon ng may-akda, ang persepsyon
ng karakter at mga prediksyon sa pag-unawa ng binasang akda.
5. Paghatol- Ang pagkritik sa mga karakter o sa kalidad ng tekstong binasa.

Inihanda ni:
Gng. Charlotte D. Lisondra

You might also like