You are on page 1of 12

Paksa: Mga Teorya at Proseso sa Pagbasa at Pagsulat

Teoretikal na Modelo

Mga Teorya at Proseso

Ika- 5 hanggang ika-6 na Linggo

A. Tunguhin

1. Nauunawaan ang mga Teorya at Proseso sa Pagbasa at Pagsulat.


2. Natutukoy at naipapaliwanag ang pagkakaiba ng bawat isa; tradisyunal na Pagtingin sa
Pagbasa, Simpleng Pagtingin sa Pagbasa at Modernong Pagtingin sa Pagbasa.
3. Nakasusulat ng isang Sanaysay na may kinalaman sa teorya ng Pagbasa .
B. Obserbasyon

Magdikit ng isang balita o resulta ng pananaliksik patungkol sa estado ng pagbasa at pagsulat ng


mga kabataang Pilipino. Ibigay ang iyong reaksyon ukol dito.
C. Lektyur

Ang Transaksyunal na Teorya ng Pagbasa at Pagsulat

Ayon kay Clrk (2016), apat na bahagi ang nag-uugnay sa bawat indibidwal sa modelong
transaksyon: Pagbasa, Pagsulat, Karanasan at Komunikasayon sa pagitan ng manunulat at mambabasa

Pagbasa.

A) Ang pakikipagtransaksyon sa pananaw sa teksto ay nakabatay sa pagpili at organisasyon


biswal na pahiwatig ng mambabasa ayon sa nakaraang mga karanasan, inaasahan, pangangailangan at
interes. (Ruddell, p1369)

B) Mayroong dalawang uri ang pananaw ng mambabasa. 1) (Efferent). Ang nakuhang kahulugan
ay resulta mula sa pagpili at analitikal na pagbuo ng ideya, impormasyon, direksyon o konklusyon upang
mapanatili, gamitin o kumilos pagkatapos ng nangyaring pagbabasa. (Ruddell, p.1373) 2) Estetiko Ang
isang estetikong mambabasa ay nagbibigay pansin sa mga katangian ng damdamin, ideya, sitwasyon,
eksena, personalidad at emosyon dahil sa pakikilahok sa mga tensiyon, labanan at resolusyon sa
pamamagitan ng mga imahe, ideya at eksena sa akdang binabasa.

C) (Efferent) Estetikong Pagpapatuloy ay nagpapakita ng dalawang pangunahing pananaw ng


pagtingin sa mundo, isang pamamaraang siyentipiko at artistiko. Ang lahat ng mambabasa ay namimili
alinman sa mga pananaw na ito sa tuwing nagbabasa. Maaring magkasanib ang mga pananaw, o maari rin
na mangibabaw ang isa. Ang pagpili ay maaring batid ayon sa kamalayan ng mambabasa o hindi. Ito rin ay
maaring maging publiko o pribado.
D) Pagpukaw, pagtugon at interpretasyon. Pagpukaw, isang bahagi ng imahinasyon; tumutukoy
sa nararamdaman ng isang indibidwal habang nagbabasa. Mayroon dalawang uri ng pagtugon: 1) Daloy ng
pagtugon – panandalian; naramdaman bilang pangkabuoan estado. 2) Pinahayag na pagtugon—kung ano
ang kahulugan ng iyong binasa bilang mambabasa (Ruddell, p. 1376) Interpretasyon, pagdating sa isang
pagpapakahulugan ng kabubuang teksto at kung paano ito dapat bigyan kahulugan.

Pagsulat.
A) Transaksyon ng pagsulat —ang manunulat ay laging nakikipag-ugnayan sa personal, sosyal,
at kultural na kapaligiran. (Ruddell, p. 1378-1379) Napakahalaga nito sa pagbabasa at/o pagsusulat.

B) Ang pananaw ng manunulat ay tumutukoy sa paraan ng pagsulat ng may-akda tungkol sa


sitwasyon, motibo, paksa at relasyon sa pagitan ng manunulat at mambabasa. Mapapansin na higit na
magkaiba ang paraan ng pagsulat ng liham sa isang insurance company kumpara sa pagitan ng isang matalik
na kaibigan na tungkol sa pagpapaalam sa kanilang ng mga kaganapan sa isang aksidente.

C) Ang pagsusulat sa teksto, ay isang (efferent) na pananaw. Habang, ang estetiko na pananaw ay
maaring gamitin upang ipahayag ang karanasan, pagbibigay ng tugon, o interpretasyon. (Ruddell, p. 1381)
Gamit ang liham sa isang insurance company na nagpapahayag tungkol sa pagkabangga ng iyong kotse,
maaring gamitin ang estetikong pananaw upang mas epektibong maipahayag kung gaano nakakatakot o
nakakagulat ang nasabing pangyayari.

D) Dalawang uri ng pagbasa ng manunulat: 1) Pagbasa ng manunulat ayon sa ekspresyon,


tumutukoy sa rebisyon habang mistulang lumilitaw ang mga bagong salita sa pahina. Ginagamit ito upang
masuri ang mga salita ayon sa intensiyon at layunin na itinakda ng manunulat. 2) Pagbasa ng manunulat
ayon sa pagtanggap, tumutukoy sa pagbasa ng manunulat sa paraan ng pagbasa ng mga potensiyal na
mambabasa. Ito ay isang mapagkunwari na interpretasyon, at dapat suriin laban sa sariling layunin ng
manunulat. (Ruddell, p. 1383)

Ang ating mga karanasan sa araw-araw ay nagpapasigla at nagpapayabong sa ating wika, na siya
ring nagbibigay daan sa lingwistikong transaksyon. Ang mga lingwistikong transakyon na ito ang may
pananagutan kung paano tayo nagbabasa, nagsusulat at ano ang ating sinasabi (Ruddell, p. 1367) Ilang
halimbawa nito ay: pag-uusap, komento, pagtatanong, at ekspresyon ng mukha.

Komunikasyon sa pagitan ng manunulat at mambabasa

A) Pagpapatotoo sa interpretasyon. Gaano nga ba katotoo ang interpretasyon ng isang


mambabasa? Ang isang teksto ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan dulot ng pakikipagtransaksyon sa
iba’t ibang mambabasa. Maari rin na magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan ang isang mambabasa
dulot ng konteksto o panahon.

B) Paggagarintiya ng pahayag. Kapag ang ibinigay na pamantayan hinggil sa mga pamamaraan


ng pagsisiyasat at mga uri ng katibayan, ay maaring nagdudulot ng pagkakasundo hinggil sa desisyon
tungkol kung ano ang isang mahusay na interpretasyon ng ebidensya, o tiyak na pahayag.

C) Pamantayan sa pagpapatuloy ng (Efferent)-Estestikong pamamaraan ng pagbasa ay isang


ideya dahil maaari nating piliin ang isang hanay ng mga (Efferent)-estestikong pamamaraan ng pagbasa,
ito ay nagiging mahalaga para sa mga manunulat na magbigay ng malinaw na pahiwatig kung ano ang
kanilang pinili at para sa mga mambabasa na maging sensitibo sa layunin ng manunulat, at naaangkop na
pamantayan. (Ruddell, p. 1386)
D) Pampanitikan aspeto ng (Efferent) pamamaraan ng pagbasa ay ang ideya kung paano ang
pananaw bilang mambabasa/tagapakinig/manunulat ay nakakatulong upang matukoy ang angkop na
pamantayan (Ruddell, p. 1386) Kapag ang isang pulitiko ay nagsasalita tungkol sa “mga alon ng
kinabukasan”, ang mga isip ng mga tagapakinig ay hindi maglalarawan ng isang dalampasigan o buhangin.
Bagkus, mananatili silang nasa (efferent) na pananaw.

Mga Teorya ng Pagbasa at Pagsulat

Tradisyunal na Pagtingin sa Pagbabasa (Dole, 1971)

Tradisyunal na Pananaw sa Pagbasa

Ayon kina Dole, et al. (1991), ang Tradisyunal na Pananaw ng Pagbasa ay pagbabasa na
isinasagawa sa pamamagitan ng hiyarkiyang magkakasunod-sunod na kakayahang pampag-unawa.

Para kay Nunan (1991)– ang pagbasa ay usapin ng decoding o pag-unawa sa mga nakalimbag na
simbolo upang magkaroon ito ng kahulugan.

Mambabasa Pag-unawa
Teksto Pagkilala sa teksto Ang teksto ang may taglay na kahulugan

Samantala binigyang paliwanag rin ni Grove 1983 ang katangian ng teoryang Bottom-up, para sa kanya
ito ay;

• Kilalanin ang bawat salita sa teksto upang maunawaan ang binabasa


• Gumagamit ng hudyat sa salita at tunog upang makilala ang mga salita.
• Bigyang pansin ang lubusang pgkatuto at integrasyon ng seryeng pagkilala ng mga salita
sa pagbasa.
• Pagtuunan ng mga titik at relasyong titik-tunog ang pagtuturo at pagbasa.
• Pahalagahan ang akyurasi sa pagkilala ng mga salita.
Teorya sa Pagbasa
a. Teoryang Bottom–up - Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng
mga nakasulat na simbulo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response). Nananalig
ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa
salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos,
2000)
b. Teoryang Top–down- Bilang reaksyon sa naunang teorya, isinilang ang teoryang “top-down”.
Napatunayan kasi ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa
mambabasa (top)tungo sa teksto(down).
c. Teoryang Interaktibo- Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng
awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga
sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor- mambabasa at mambabasa-awtor.
Itoy may dalawangdireksyon obi-directional.

d. Teoryang Iskema- Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa


dati nang iskima, ayon sa teoryang ito. Samakatuwid, bago paman basahin ng isang mambabasa ang isang
teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

Simpleng Pagtingin sa Pagbasa

Ang pag-aaral magbasa ay kinapapalooban ng pagdedebelop ng dalawang kasanayan sa dalawang kritikal


na area;

1. Ang pagbasa sa bawat salita sa teksto nangtama at matatas na paraan (accurately and fluently)
2. Ang pagkokomprehend ng mga kahulugan ng mga teksto na binasa.
Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng estratehiya upang mabasa ang mga salita na hindi pa nila
nakikita noon sa nilimbag nitong anyo at ang mga salita na bago pa lamang nilang nakita.

Estratehiya:

Ang Pinatnubayang Pagbasa– Pag-iisip

Ang Pinatnubayang Pagbasa– Pag-iisip o Direct Reading – Thinking Activity (DRTA) ay isang estratehiya
sa pagbasa na binuo ni Russell Stauffer (1969) kung saan ang mambabasa ay nagbibigay ng kanilang
sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito makikita ang tuwirang interaksyon sa pagitanng mambabasa
at ng teksto.

Ang paraang DRTA ay binubuo ng tatlong pangunahing hakbang na inaasahang magagawa ngmambabasa:

✓ pagbibigay-hula
✓ pagbabasa
✓ pagpapatunay ayon sa impormasyong nasateksto.

Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng sapat nakasanayan sa pagkokomprehend sa wika.


Hal: Ang maliit paniki ay kinain ng mga ibon.

Hal: Ang mga upuan sa silid-aralan ay pula.

Ang pagbasa nang tama sa mga salita ay komplikado. Ito ay nangangailangan ng integrasyon ng:

✓ biswal
✓ oditori
✓ kognitibong kasanayan
Hal: Ang pagbasa ng salitang “paniki” sa tamang paraan sa nakalimbag nitong anyo ay nangangailangan
ng sumusunod:

✓ Pagtingin sa bawat letra


✓ Paglikha ng tuog na nililikha ng bawat letra
✓ Pagsasama- sama ng mga indibidwal natunog upang mabigkas ang salita
Pagkomprehend sa Kahulugan ng Teksto Upang malaman ang pangungusap kailangang malaman ng
mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa dito, gayang pang-uri, pandiwang ginamit
atbp.

Ang pagbasa ay kinasasangkutan ng komplikadong integrasyon ng mga kasanayan. Ang maalam


na mambabasa ay tila pinagmumukhang madali lamang ang naturang proseso, ngunit ang pagtuturo ng
pagbasa sa lahat ng mag-aaral ay ngangailangan ng sistematikong pagtuturo kapwa pagbasa ng salita at
komprehensyon. Para sa mag-aaral sa unang yugto ng pagbas, o para sa mga nagsisikap at nahihirapan, ang
pagbasa ay particular na mahirap at nangangailangan ng masusing pagtuturo at interbensyon. Dapat
matukoy ang mga area ng kahirapan, at ang pagtuturo at interbensyon ay dapat na maayos na napagplanuhan
at naibigay.

Modernong Pagtingin sa Pagbasa

Itinuturing dito na ang tradisyunal na pananaw sa pagbabasa ay nakasandig sa istruktura. Bukod


rito, ang kaalaman sa linggwistikang katangian ay isa ring imporanteng kasangkapan upang mas
magkaroon ng komprehensyon sa binabasa.

Ang Kognitib na Pananaw

•Teoryang Top-Down -Ayon kay Goodman (1991), ang teoryang ito ay proseso na ang sentro ng
pagbabasa ay nasa mismong mambabasa.

Mambabasa - Taglay na paunang kaalaman sa teksto

Teksto - Kahulugan ng teksto

Ayon kay William S. Gray May apat ng proseso ang Pagbasa at ito ay ang mga sumusunod:

a. Persepsiyon o Pagkilala- Persepsyon – hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at


maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.

b. Komprehensiyon o Pang–unawa- Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang


ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.

c. Reaksiyon - Hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng


isang tekstong binasa.

d. Asimilasyon o Integrasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang
kaalaman o karanasan.
Pagsulat. Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Pisikal na aktibiti
sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng
keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writing output
kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print-out na.

Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang
tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga
tuntunin ng wikang ginamit

Ayon sa iba’t ibang tao binigyan nila ng kahuulgan ang Pagsulat

✓ Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.


(William Strunk, E.B White)
✓ Pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay
hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)
✓ Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. (Helen Keller)
✓ Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan,
pagbuo ng kaisipan, at retorika. (Xing Jin)
Proseso ng Pagsulat

Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t- ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga
sumusunod:

➢ Prewriting
➢ Writing
➢ Revising
➢ Editing
Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng mabatid na ang
mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtratrabaho nang hakbang–bawat-hakbang. Makabubuti, kung
gayon , na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at ispayraling, kayat ang mga manunulat
ay bumabalik-balik sa mga yugtong sa mga yugtong ito ng paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng
isang teksto.

https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547

➢ Prewriting Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya,
pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay
nakapaloob sa yugtong ito.
➢ Unang burador Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong
preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo
kinakailangan. Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat
seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung
gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat
nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng
pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong
unang burador.

Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat.
Ngunit maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin
sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan
minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at
hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok
ang yugtong rebisyon at editing.

➢ Revising Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning
pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng
mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag
dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan para sa
pagpapabuti ng dokumento.

➢ Editing Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling,
gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus
ang pinal na dokumento.Tunghayan ang dalawang halimbawa ng rubriks.

Tunghayan ang dalawang magkaibang rubriks sa pagsulat ng sanaysay:

1) Pagsulat ng Sanaysay
Rubriks

Kalinawan Pagtukoy sa Kawastuhang Antas ng Kabuuan


ng
Batayan Pambalarila Pananalitang
Konsepto
Ginamit
35%
25% 25% 15% 100%
2) Rubriks Sa Pagsulat ng Sanaysay

Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Bahagyang Hindi nakamit ang Walang Iskor
Inaasahan nakamit ang inaaasahan Napatunay
5 inaasahan an
4 2
3 1

Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw ang Hindi


ang introduksyon. introduksyon ang introduksyon ang introduksyon at ang nakita sa
Malinaw na pangunahing paksa pangunahing pangunahing paksa. ginawang
nakalahad ang gayundin ang paksa subalit Hindi rin nakalahad sanaysay.
pangunahing paksa panlahat n hindi sapat ang ang panlahat na
gayundin ang apagtanaw ukol pagpapaliwanag pagpapaliwanag
panlahat na pagtanaw dito. ukol dito. ukol dito.
ukol dito.

Diskusyun Makabuluhan ang Bawat talata ay may May kakulangan Hindi nadebelop Hindi
bawat talata dahil sah sapat na detalye sa detalye ang mga nakita sa
usay na pangunahing ideya ginawang
pagpapaliwanag at sanaysay.
pagtalakay tungkol sa
paksa.

Organisasyon ng Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay na Hindi
mga Ideya ang pagkakasunud- debelopment ng pagkakaayos ng organisado ang nakita sa
sunod ng mga mga talata subalit mga talata subalit pagkakalahad ngs ginawang
ideya;gumamit din ng hindi makinis ang ang mga ideya ay anaysay sanaysay.
mga transisyunal pagkakalahad hindi ganap na
napantulong tungo sa nadebelop.
kalinawan ng mga
ideya.

Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan at Hindi


ang konklusyon at pangkalahatangpala naipakita ang walang pokus ang nakita sa
naipapakita ang gay o pasya tungkol pangkalahatang konklusyon ginawang
pangkalahatang sa paksa batay sa palagay o pasya sanaysay.
palagay o paksa mga katibayan at tungkol sa paksa
batay sa katibayan at mga katwirang batay sa mga
mga katwirang inisa- inisa-isa sa katibayan at mga
isa sa bahaging gitna. bahaging gitna. katwirang inisa-
isa sa bahaging
gitna

Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at Hindi


sa mga bantas, pagkakamali sa mga pagkakamali sa nakagugulo ang nakita sa
kapitalisasyon at bantas, mga bantas, mga pagkakamali sa ginawang
pagbabaybay. kapitalisasyon at kapitalisasyon at mga bantas, sanaysay.
pagbabaybay. pagbabaybay kapitalisasyon atp
agbabaybay.
Gamit Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at Hindi
sa estruktura ng mga pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang nakita sa
pangungusap at gamit estruktura ng mga estruktura ng mga pagkakamali sa ginawang
ng mga salita. pangungusap at pangungusap at estruktura ng mga sanaysay.
gamit ng mga salita. gamit ng mga pangungusap at
salita. gamit ng mga salita.

Kabuuan

D. Aplikasyon
1. Bumuo ngiyong sariling Teoretikal na Modelo ng Pagbasa at Pagsulat. Ipaliwanag ito
pagkatapos.

E.
Batis

Bernales, R. et al. (2007). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc
Cecilio, L. et al. (2019). Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat sa mga Diskursong
Pagpapahayag.Plaridel Bulacan: St. Andrew Publishing House, Inc.

Ligaya O Bron; Resurreccion D Dinglasan; Lydia P Lalunio; Paquito B Badayos; et al Manila : UST
Publishing House, 1999.

https://bit.ly/2SjtzOO

https://bit.ly/2SjBXxw

https://bit.ly/3cN49SW

https://bit.ly/34kQej6

You might also like