You are on page 1of 20

INTERDISIPLINARYONG

PAGBASA AT PAGSULAT
TUNGO SA MABISANG
PAGPAPAHAYAG https://images.app.goo.gl/T1B7rPCFt7Ex95vY6

PAKSA: MGA TEORYA AT PROSESO SA


PAGBASA AT PAGSULAT
A. Tradisyunal na Pagtingin sa Pagbabasa (Dole, 1971)

Tradisyunal na Pananaw sa Pagbasa


Ayon kina Dole, et al. (1991), ang Tradisyunal na Pananaw ng
Pagbasa ay pagbabasa na isinasagawa sa pamamagitan ng hiyarkiyang
magkakasunod-sunod na kakayahang pampag-unawa.
Para kay Nunan (1991)– ang pagbasa ay usapin ng decoding o
pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo upang magkaroon ito ng
kahulugan

Mambabasa Pag-unawa
Teksto Pagkilala sa teksto Ang teksto ang may
taglay na kahulugan
Samantala binigyang paliwanag rin ni Grove 1983 ang katangian
ng teoryang Bottom-up, para sa kanya ito ay;

• Kilalanin ang bawat salita sa teksto upang maunawaan ang


binabasa
• Gumagamit ng hudyat sa salita at tunog upang makilala
ang mga salita.
• Bigyang pansin ang lubusang pgkatuto at integrasyon ng
seryeng pagkilala ng mga salita sa pagbasa.
• Pagtuunan ng mga titik at relasyong titik-tunog ang
pagtuturo at pagbasa.
• Pahalagahan ang akyurasi sa pagkilala ng mga salita.
Teorya sa Pagbasa
a. Teoryang Bottom–up - Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay
ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo
(stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon
(response). Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa
pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik
sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang
pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000)
b. Teoryang Top–down- Bilang reaksyon sa naunang teorya,
isinilang ang teoryang “top-down”. Napatunayan kasi ng
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa
teksto kundi sa mambabasa (top)tungo sa teksto(down).
c. Teoryang Interaktibo- Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang
isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga
sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-
mambabasa at mambabasa-awtor. Itoy may dalawangdireksyon obi-
directional.

d. Teoryang Iskema- Bawat bagong impormasyong nakukuha sa


pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima, ayon sa teoryang ito.
Samakatuwid, bago paman basahin ng isang mambabasa ang isang
teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa
kanyang iskima sa paksa.
Simpleng Pagtingin sa Pagbasa
Ang pag-aaral magbasa ay kinapapalooban ng pagdedebelop ng
dalawang kasanayan sa dalawang kritikal na area;
1. Ang pagbasa sa bawat salita sa teksto nangtama at
matatas na paraan (accurately and fluently)
2. Ang pagkokomprehend ng mga kahulugan ngmga teksto na
binasa..
Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng estratehiya upang
mabasa ang mga salita na hindi pa nila nakikita noon sa nilimbag
nitong anyo at ang mga salita na bago pa lamang nilang nakita.
Estratehiya:
Ang Pinatnubayang Pagbasa– Pag-iisip

Ang Pinatnubayang Pagbasa– Pag-iisip o Direct Reading –


Thinking Activity (DRTA) ay isang estratehiya sa pagbasa na binuo ni
Russell Stauffer(1969) kung saan ang mambabasa ay nagbibigay ng
kanilang sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito makikita ang
tuwirang interaksyon sa pagitanng mambabasa at ng teksto.
Ang paraang DRTA ay binubuo ng tatlong pangunahing hakbang
na inaasahang magagawa ngmambabasa:

-pagbibigay-hula
-pagbabas
-pagpapatunay ayon sa impormasyong nasa teksto.
Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng sapat
nakasanayan sa pagkokomprehend sa wika.

Hal: Ang maliit paniki ay kinain ng mga ibon.


Hal: Ang mga upuan sa silid-aralan ay pula

Ang pagbasa nang tama sa mga salita ay komplikado. Ito


ay nangangailangan ng integrasyon ng:
-biswal
-oditori
-kognitibong kasanayan
Hal: Ang pagbasa ng salitang “paniki” sa tamang paraan sa
nakalimbag nitong anyo ay nangangailangan ng sumusunod:
-Pagtingin sa bawat letra
-Paglikha ng tuog na nililikha ng bawat letra
-Pagsasama- sama ng mga indibidwal natunog upang
mabigkas ang salita.

Pagkomprehend sa Kahulugan ng Teksto


Upang malaman ang pangungusap kailangang malaman ng
mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa
dito, gayang pang-uri, pandiwang ginamit atbp.
Ang pagbasa ay kinasasangkutan ng komplikadong
integrasyon ng mga kasanayan. Ang maalam na mambabasa ay
tila pinagmumukhang madali lamang ang naturang proseso,
ngunit ang pagtuturo ng pagbasa sa lahat ng mag-aaral ay
ngangailangan ng sistematikong pagtuturo kapwa pagbasa ng
salita at komprehensyon. Para sa mag-aaral sa unang yugto ng
pagbas, o para sa mga nagsisikap at nahihirapan, ang pagbasa
ay particular na mahirap at nangangailangan ng masusing
pagtuturo at interbensyon. Dapat matukoy ang mga area ng
kahirapan, at ang pagtuturo at interbensyon ay dapat na
maayos na napagplanuhan at naibigay
Modernong Pagtingin sa Pagbasa
Itinuturing dito na ang tradisyunal na pananaw sa pagbabasa ay
nakasandig sa istruktura. Bukod rito, ang kaalaman sa linggwistikang
katangian ay isa ring imporanteng kasangkapan upang mas magkaroon
ng komprehensyon sa binabasa.
Ang Kognitib na Pananaw

•Teoryang Top-Down -Ayon kay Goodman (1991), ang teoryang ito


ay proseso na ang sentro ng pagbabasa ay nasa mismong mambabasa.
Mambabasa - Taglay na paunang kaalaman sa teksto
Teksto - Kahulugan ng teksto
Pagsulat Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa
para sa iba’t ibang layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat
ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot
ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter.
Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng
writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro
sa monitor ng kompyuter o print –out na.
Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng
pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng
debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng
gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit
Ayon sa iba’t ibang tao binigyan nila ng kahuulgan ang Pagsulat

-Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan


ng ating pagiging tao. (William Strunk, E.B White)
-Pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin
naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang
kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)
-Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at
kaligayahan. (Helen Keller)
-Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng
wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika.
(Xing Jin)
Proseso ng Pagsulat
Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t- ibang yugto. Ang
mga yugtong ito ay ang mga sumusunod:
-Prewriting
-Writing
-Revising
-Editing
Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad,
ngunit importanteng mabatid na ang mga propesyunal na manunulat ay
hindi nagtratrabaho nang hakbang–bawat-hakbang. Makabubuti, kung
gayon , na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at
ispayraling, kayat ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga
yugtong sa mga yugtong ito ng paulit-ulit sa loob ng proseso ng
pagsulat ng isang teksto
kinakailangan. Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin
mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo ang
iyong mga parirala sa pangungusap.
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala
ang momentum sa pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong
maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais
mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna
alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap,
ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin
matapos maisulat ang buong unang burador.
Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador
ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit maging mga
batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing maging
sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng
pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan
minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang
burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon ang
kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang
mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.
-Revising Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang
makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng
dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura
ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang
manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring
may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan para sa
pagpapabuti ng dokumento.

-Editing Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa


pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang
editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago
maiprodyus ang pinal na dokumento.
E. BATIS
Aklat

Bernales, R. et al. (2007). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc
Cecilio, L. et al. (2019). Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat sa mga Diskursong Pagpapahayag.Plaridel
Bulacan: St. Andrew Publishing House, Inc.
Ligaya O Bron; Resurreccion D Dinglasan; Lydia P Lalunio; Paquito B Badayos; et al Manila : UST Publishing
House, 1999.

Internet

https://www.scribd.com/document/390781298/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Sanaysay
https://www.scribd.com/document/428061898/Simpleng-Pagtingin-Sa-Pagbasa
https://www.slideshare.net/CatherineGarbin/lesson-21-kahulugan-kalikasan-at-proseso-ng-pagbasa
https://images.app.goo.gl/T1B7rPCFt7Ex95vY6
https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547
Maraming Salamat!!!
😊😊😊

You might also like