You are on page 1of 15

A.

MGA SALALAYANG KAALAMAN SA PAGBASA


 Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa paghahasa ng talino
at isipan. Kailangan ang masidhi at malawakang pagbabasa na siyang
makapagbubukas ng daan ng lahat ng karunungan at disiplina tulad ng
agham panlipunan, syensya, matematika, pilosopiya, sining at iba pa
(Bernales, et al., 2001).
 Ang karanasang dulot ng pagbabasa ay nagbibigay ng lubos na
kasiyahan at kaluwalhatian sa buhay na hindi maipagpapalitsa
kayamanang materyal. Sa pagbabasa, nagiging ganap ang pagkatao ng
isang nilalang sapagkat nagiging sapat ang kanyang kaalaman,
kaligayahan at kasiglahan sa pakikisalamuha sa mga kapaki pakinabang
na gawaing nagpapaunlad sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa
lipunang kanyang kinabibilangan
Samakatwid, ano ang pagbasa?

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
 Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa
mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-
unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.
Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga
simbolong nakalimbag (Austero, et al., 1999).
 Ang pagbasa'y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng
pakikinig, pagsasalita at pagsulat (Bernales, et al., 2001).
Ayon kay Goodman (sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo muli ng
kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa.

PROSESO AT KATANGIAN
 Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay
mailalarawan bilang isang proseso. Ayon kay William Gray (sa Bernales, et
al., 2001), may apat na hakbang sa pagbasa.
1. Persepsyon. Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo
at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
Komprehensyon. Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. Ang pagpoprosesong ito ay
nagaganap sa isipan. Ang pag-unawa sa tekstong binabasa ay nagaganap sa
hakbang na ito.

PROSESO AT KATANGIAN
 Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay
mailalarawan bilang isang proseso. Ayon kay William Gray (sa Bernales, et
al., 2001), may apat na hakbang sa pagbasa.
3. Reaksyon. Sa hakbang na ito, hinahatulan o pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
Asimilasyon. Sa hakbang namang ito, isinasama at iniuugnay ang kaalamang
nabasa sa mga dati nang kaalaman at/o karanasan.

PROSESO AT KATANGIAN

 Upang mailarawan pa nang higit ang prosesong ito, pansinin natin ang
ilan sa mga paglalarawan sa pagbasa na inilahad ni Badayos (2000).
a. Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible para hindi ito maisagawa
ng isang mambabasa.
b. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip. Utak ang ginagamit sa
pagbasa at hindi ang mga mata na tagahatid lamang ng mga imahen o
mensahe sa utak. Sa mga bulag, pandama ang pumapalit sa mata nang
ang mga imaheng mula sa braille na kanilang binabasa ay makarating sa
utak upang maiproseso.
c. Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa. Sa
pagbabasa, ang isang mambabasa ay nakagagawa ng interaksyon sa
awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo. Kung siya ay interaktib sa
kanyang pagbabasa, epektib siyang mambabasa.
d. Maraming iba'tibang hadlangsa pag-unawa, bukod pa sa mga hadlang sa
pagbasa. Hindi dapat ipagkamali ang isa't isa. Halimbawa, ang i.q. ay
maaaring maging hadlang sa pag-unawa, kahit pa nababasa ng isang tao
ang isang teksto.
e. Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa kayariang balangkas ng
tekstong binabasa.
f. Ang mabilis na pag-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis sa pagbasa.

MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA


a. Teoryang Bottom-Up
 Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa. Bunga ito ng
impluwensya ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay-pokus sa
kapaligiran sa paglinaw ng komprehensyon sa pagbasa.
 Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng
mga nakasulat na simbulo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong
tugon (response). Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa
pagbasa ay nagsisimula sa yugtu yugtong pagkilala ng mga titik sa salita,
parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan
sa buong teksto (Badayos, 2000).
 Kung gayon, sinasabing ang pagbasa ay ang "pagkilala ng mga salita" at
ang teksto ang pinakamahalagang salik sa pagbasa. Ang mambabasa ay
isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa at ang tanging
tungkulin niya ay ang maulit ang lahat ng detalyeng nakapaloob sa
tekstong binasa.
 Ang proseso ng pag-unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa
teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong
bottom-up.
MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA
b. Teoryang Top-Down
 Bilang reaksyon sa naunang teorya, isinilang ang teoryang top-down.
Napatunayan kasi ng maraming dalubhasa na ang pag unawa ay hindi
nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down).
 Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na
naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistic. Ayon sa mga
proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa
proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior
knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa
wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay
nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto (Badayos, 2000).
 Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang
kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mamba basa patungo sa
teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang
dati nang kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa
kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakabubuo
siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang
inilalahad ng awtor ng isang teksto.

MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA

c. Teoryang Interaktib
 Hindi rin nakaligtas ang pangalawang teorya sa mga pagbatikos ng mga
dalubhasa sa pagbasa at sikolohiya kaya nagkaroon ng teoryang interaktib.
Ayon sa mga proponent ng teoryang ito, ang top-down ay maaaring akma
lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan lamang.
Higit na angkop daw ang kumbinasyon ng top-down at bottom-up na
nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon: itaas-pababa
at ibaba-pataas.
 Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng
awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng
kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor-numbabasa at mambabasa-awtor. Ang
interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional
 Kung gayon, masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa
pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.

MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA


d. Teoryang Iskima
 Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman
ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati
nang iskima, ayon sa teoryang ito. Samakatwid, bago pa man basahin ng isang
mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng
teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa niya na lamang ang
teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama,
kulang o dapat baguhin Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang
sa proseso ng komprehensyori Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa,
kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

B. Hulwaran at Organisasyon ng Tekstong Ekspositori

-Ang tekstong ekspositori ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad


ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao. Sa
tekstong ekspositori rin nililinaw ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito
ang pangangailangan ng mga mambabasa na malaman ang mga kaugnay na
ideya o isyu.
Karaniwang isinusulat ang tekstong ekspositori ng mga manunulat na may sapat
na kasanayan sa pagsusuri ng kapaligrang ginagalawan. Kung gayon, ang
manunulat ng isang tekstong ekspositori ay kailangan marunong magsuri o mag-
analisa at kailangan niyang maging kritikal sa kanyang lipunan upang ang kanyang
teksto ay magtaglay ng mga sumusunod na katangian

a.Obhetibong pagtalakay sa paksa,


b. Sapat na mga kaalamang inilalahad sa teksto,
c. Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya, at
d. Analitik na pagsusuri ng mga kaisipan.

DEPINISYON
 Kapag nais bigyang kahulugan ang isang di pamilyar na termino o mga
salitang bago sa pandinig at susulat ng isang sanaysay o ano pa man,
kalimitang ginagamit ang istilong depinisyon o pagbibigay ng kahulugan. 
 Ang isang depinisyon ay karaniwang nagtataglay ng tatlong bahagi: (l)
ang termino o salitang binibigyang kahulugan, (2) ang uri, Class o specie
kung saan kabilang o nauuri ang terminong binibigyangkahulugan at (3)
ang mga natatanging katangian nito (distinguishing charactcristics) o kung
paano ito naiiba sa mga katulad na uri.

DEPINISYON
 Sa pagbibigay ng kahulugan, may tatlong paraan na maaaring gamitm
ang isang manunulat, ang una'y ang paggamit ng mga sinonim o mga
salitang katulad ang kahulugan o kaisipan, ang pangalawa'y ang intensib
na pagbibigay ng kahulugan at ang pangatlo'y ang ekstensib na pagbibigay
ng kahulugan. 
 Sa intensib na paraan ginagamit ang tatlong bahaging tinalakay sa
naunang talata. Samantala, sa ekstensib na depinisyon, pinalalawak ang
kahulugang ibinigay o tinalakay sa intensib na pagbibigay ng kahulugan.
Maaaring gamitin dito ang iba't ibang metodo sa pagdebelop ng talata tulad
ng pag uuri, analohiya, paghahambing, pagkokontrast, paglalarawan,
pagpapaliwanag, pagbibigay-halimbawa, pagbanggit ng hanguan o
awtoridad at iba pa. 
 Maaari ring mapansin sa isang tekstong depinisyon ang dimensyong
denotasyon (karaniwang kahulugan o kahulugang mula sa diksyunaryo) at
ang dimensyong konotasyon (di-tuwirang kahulugan o matalinhagang
kahulugan).

PAG-IISA-ISA O ENUMERASYON
Ang enumerasyon o pag-iisa-isa ay nauuri sa dalawa, ang simple at komplikadong
pag-iisa-isa. Ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pangunahing paksa at
pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita. Ang komplikadong pag-iisa-
isa ay pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga
kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa. Sa ikalawang uri, tinatalakay nang
sunud sunod o nang magkakahiwa-hiwalay at magkakaugnay na talata ang mga
bagay na inisa-isa.

PAGSUSUNUD-SUNOD O ORDER
 Isang paraan ng pag-oorganisa ng isang tekstong ekspositori ay ang
paggamlt ng paraang pagsusunud-sunod o order ng mga pangyayari o ng
isang proseso. Ang paraang ito ay madaling maunawaan sapagkat sunud-
sunod ang mga paglalahad ng mga kaisipan o ideya na siyang
nagpapalinaw sa bumabasa. May dalawang batayang uri ito: sikwensyal-
kfonolohikal at prosidyural.
a. Sikwensyal-Kronolohikal 
Ang sikwens ayon sa diksyunaryo ay mga serye o sunud-sunod na mga bagay
na konektado sa isa't isa at ang kronolohiya naman ay mga pagkakasunud-
sunod ng mga bagay. Bagama't magkaiba ang kahulugan ng mga salitang ito
ayon sa diksyunaryo, di maipagkakailang halos magkatulad ang kahulugan ng
dalawang ito. Ngunit kung kinakailangang i-distinguish ang dalawang ito, paksa
at batayan ng order marahil ang ikaiiba ng isa't isa.
Samantala, kronolohikal naman ang teksto kung ang paksa nito ay mga tao o
kung ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na
baryabol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang,
dami at iba pa.
PAGSUSUNUD-SUNOD O ORDER
b. Prosidyural 
Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang
inaasahang hangganan o resulta. Halimbawa, kung pagluluto ang gagawin, may
tamang prosesong dapat na sundin upang maging masarap ang pagkaing
ihahanda. Kung pagkumpuni naman ng sirang makina, may mga tamang prosidyur
din na dapat gawin upang maisaayos ang sira nito.
Basahin ang kasunod na halimbawang teskto tungkol sa tamang prosidyur ng
pagkuha ng temperatura at gawin ang kasunod na gawain.

PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST

Ang paghahambing at pagkokontrast ay isang tekstong nagbibigay-diin sa


pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at
maging ng pangyayari. May dalawang paraan ang hulwarang ito. Maaaring
halinhinan (alternating) ang pagtalakay sa katangian at ang ikalawa ay ang isahan
(block) na ang ibig sabihin ay magkasunod na pagtataya sa katangian ng dalawang
paksang pinaghahambing at kinokontrast. Ganito ang karaniwang balangkas ng
dalawang paraan ng pagtalakay ng tekstong hambingan at kontrast.

PROBLEMA AT SOLUSYON
Pagtalakay naman sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus ng
hulwarang ito. Karaniwang inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon sa
hulwarang ito bagama't minsan ay ang kabalikan nito. Ang problema ay maaaring
panlipunan o pang-aghamna nangangailangan ng solusyon. Sa mga sulating
teknikal at sayantipik ay napakagamitin ng hulwarang ito.

SANHI AT BUNGA
 Sa hulwarang sanhi at bunga, tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang
bagay o pangyayari at ang mga epekto nito. 
Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng dalawa ng sumusunod na hudyat:
 dahil
 kung kaya
 kasi
 sapagkat
 kung
 kapag

C. MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA


 May mahalagang bahaging ginagampanan ang pagbasa sa paghahasa
ng talino ng tao. Kailangan ang nuunawaang pagbasa tungo sa ganap na
pag-unawa ng ano mang disiplinang saklaw ng kaalaman ng tao.
 Kaugnay nito, dapat mabatid na ang pagbasa ay isang makrong
kasanayang binubuo ng mga maykrong kasanayan. Sa madaling sabi, may
mga kasanayang kailangang linangin ang sinumang tao upang siya ay
maging isang epektib na mambabasa. Lalo na sa akademikong pagbasa,
may mga ispesipik na kasanayang kailangang malinang upang ang
pagbabasa ay maging higit na kawili-wili at prodaktib na karanasan para sa
sinuman.
PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE
 Sa pag uuri ng mga ideya at detalye ng isang teksto, makatutulong nang
malaki ang kaalaman sa (l) paksang pangungusap na siyang sentro o
pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya (2) at mga suportang
detalye na tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang
pangungusap.
 Ang ay ang pangunahing tema sa anumang tekstong ekspositori. Ito ang
batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto. Kadalasa'y makikita
ito sa unang talata at huling talata ng tekstong ekspositori. Maaaring
implayd o ekspresd ang paksang pangungusap kung ito ay nasa unahan.
Kung ito ay nasa hulihan, nagiging kongklusyon ang paksang pangungusap
bilang pagbibigay diin sa pokus o sentrong tema.
 Ang mga pantulong o suportang detalye ay mga mahahalagang kaisipan
o mga susing salita na may kaugnayan sa paksang pangungusap. Nililinaw
nito ang pangunahing tema sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
detalye. Samakatwid, ang suportang detalye ay ang batayan ng paksang
pangungusap batay sa kung ano ang layunin ng teksto.

PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO


Mahalagang malaman ng mambabasa ang layunin ng tekstong binabasa.
Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa
kanyang mambabasa. Mahihfiüfia ito sa mga salitang ginamit sa teksto at sa
paraan ng pagkakaorganisa nito. May mga teksto na may layuning manlibang,
manghikayat, mang-aliw, magbigay ng opinyon, magpaliwanag o magbigay ng
Impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magtanggol, mangaral
at iba pa. Tandaan lamang na may mga tekstong may dalawa o higit pang layunin.
Halimbawa, may mga tekstong nagbibigay ng Impormasyon habang nanghihikayat.

PAGTIYAK SA DAMDAMIN, TONO AT PANANAW NG TEKSTO


 Sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang ginamit ng awtor sa isang
teksto, maaaring matiyak kung ano ang damdamin, tono at pananaw sa
teksto.
 Ang damdamjn ng teksto ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin
ng mambabasa sa binasang teksto. Samakatwid, maaari itong saya/tuwa,
lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa.
 Ang tono naman ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang
tinatalakay. Kung gayon, maaaring ito ay masaya, malungkot, seryoso,
mapagbiro, mapangutya at iba pa
 Ang pananaw naman ay tumutukoy sa punto de vistang ginamit ng awtor
sa teksto. Makikita ito sa pamamagitan ng mga panghalip na kanyang
ginamit. Samakatwid, unang panauhan ang pananaw kung gumamit ng
mga panghalip na ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, namin at amin.
Nasa ikalawang panauhan ang pananaw kung gumamit ng ikaw, ka, mo,
iyo, kayo, ninyo at inyo. Nasa ikatlong panauhan naman kung ang ginamit
na mga panghalip ay siya, niya, kanya, sila, nila at kanila.

PAGKILALA SA PAGKAKAIBA NG OPINYON AT KATOTOHANAN


Mahalagang makilatis ng sinumang mambabasa ang opinyon at katotohanan Ano
ang opinyon at ang katotohanan? Ang ay pahayag ng isang tao hinggil sa isang
paksa batay sa kanyang panimwala at prinsipyo. Maaari ito, kung gayon, na sang-
ayunan o tutulan ng ibang tao. Ang katotohanan ay mga paktwal na kaisipan o
pahayag na hindi na mapasusubalian at samakatwid ay tinatanggap na ng lahat.

PAGSUSURI KUNG VALID O HINDI ANG IDEYA O PANANAW


 Bilang isang indibidwal na may malaking gampanin sa lipunan, kailangang
lagi nating kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung iyon ay valid o
hindi. Samakatwid, hindi Iahat ng ideya o pananaw ng ating mambabasa ay
dapat tanggapin agad
 May ilang batayan upang masuri natin ang validity ng mga ideya o
pananaw. Narito ang ilang mga katanungang dapat na masagot upang
masuri kung valid o hindi ang isang partikular na ideya o pananaw.
Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?
Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay?
Ano ang kanyang nagłng batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?
Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapananaligan ba iyon?

PAGHIHINUHA AT PAGHULA

 Ang isang mahusay na mambabasa ay may binubuong mga tanong sa


kanyang isipan bago magbasa, habang nagbabasa at maging matapos
magbasa, mga katanungan iyong kanya ring sinasagot at bine-verify sa
kanyang pagbabasa. Halimbawa ng mga tanong na ito ay Tungkol saan
ang teksto? Ano kaya ang mangyayari? Bakit kaya iyon nanvari? Ano ang
nais sabihin sa akin ng awtor ng teksto?
 Upang masagot nang wasto ang mga nabanggit at katulad nitong tanong
bago magbasa, habang nagbabasa at matapos magbasa, kailangang
magtamo ng kasanayan sa paghihinuha at paghula

PAGHIHINUHA AT PAGHULA

 Ang paghihinuha ay tinatawag cling inferencing. Ito ay tumutukoy sa


kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues.
Ang pamagat ng isang teksto, halimbawa, ay maaaring maging clue sa
paghihinuha kung tungkol sa anong paksa ang teksto. May teksto ring may
kalakip na larawan. Katulad ng pamagat, maaari rin iyong gamiting
pantulong sa paghlhinuha
 Ang paghula ay tinatawag din namang prediksyon. Gamitin ito sa
pagbabasa ng mga kwento at nobela. Ang isang matalinong mambabasa
ay nakagagawa ng halos akyureyt na hula kung ano ang susunod na
mangyayari o magłng ang kalalabasan o wakas.

PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLUSYON


 Ang lagom o buod ay tumutukoy sa pinakapayak at pinakamaikling anyo
ng diskurso na bataysa isang binasang teksto. Taglay nito ang pinakadiwa
atmahahalagang kaisipan ng teksto.
Samantala, ang kongklusyon naman ay tumutukoy sa mga implikasyong
mahahango sa isang binasang teksto

PAGBIBIGAY-INTERPRETASYON SA MAPA, TSART, GRAP AT


TALAHANAYAN
 Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga presentasyong biswal na
kadalasang ginagamit bilang pantulong sa isang teksto. Sa tulong ng mga
ito, nagagawang payak at mas madaling unawain ang mga datos na
inilalahad sa isang teksto.
 Ang isang mahusay na mambabasa ay kailangang nakapagbibigay ng
wastong Interpretasyon ng mga mapa, tsart, grap at talahanayan. Paano ito
magagawa? Narito ang ilang mga mungkahi
1. Pansinin ang mga leyenda. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa
pagbibigay ng wastong interpretasyon.
2. Pansinin dinang iskeyl na ginamit. Sa pamamagitan nito, malalamanmo
kung ano ang tumbasang ginamit para sa isang partikular na sukat.
3. Pansinin kung may talababang ginamit. Maaari itong maging hanguan ng
dagdag impornusyon na kailangan sa pagbibigay-interpretasyon.
4. Pag-aralang mabuti ang bawat bahagi. Bawat bahagi ay madalas na
kinapapaloobanng mga datos na kaiba o kaya'y kaugnay sa iba Sa
pamamagitan ng pag-unawa sa bawat bahagi, makikilala ang kaibhan o
ugnayan ng mga bahagi nito.

You might also like