You are on page 1of 2

PAGBASA

PAGBASA- ito ay interpretasyon ng nakalimbag ba simbolo ng kaisipan

Mga Hakbang sa Pagbasa:

1. Pagkilala- tumutukoy sa kahulugan ng bawat salita


2. Pag-unawa- kaisipan o ideyang ipinahahayag
3. Reaksyon- paghatol na gagawin ng mambabasa
4. Asimilasyon- naiuugnay ng mambabasa ang kaisipan sa nakaraan at kasalukuyan.

Uri ng Pagbasa:

1. Masaklaw na pagbasa- ito ay nauukol sa malayang pagbabasa ng anumang paksa at ng posisyon


ng bumabasa.

2. Masinsinang pagbasa- pormal na pagbabasa sa silid-aralan o sa aklatan.

3. Mabilisang Pagbasa- may dalawang uri

a. Skimming- pinaraanang basa.


b. Scanning- paghahanap o pagbabasa sa isang tiyak na impormasyong kailanganin sa isang
pahina.

4. Tahimik na pagbasa- mata lang ang ginagamit.

5. Malakas na pagbasa

4 teorya ng pagbasa:
a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa
pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo
upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa
pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago
malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at
ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang
sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng
nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay
nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.

b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan
ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa
tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay
isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso
ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may
sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa
pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o cenceptually-driven
dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay
nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong
nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito,
nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang
inilalahad ng awtor ng isang teksto.

c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang


teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang
bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at
bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at
ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon
ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang
pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.

d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng


mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong
nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin
ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa
kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung
ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito,
maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi
teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa

KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Ang pagbabasay nakakatulong sa pagtuklas ng karunungan sa ibat ibang larangan.
Naghahasa ito ng kaisipan ng tao
Nakapagdaragdag ng kaalaman
Nagpapalawak ng pananaw
Nagbibigay ng kasiyahan
Nakapagdadala sa isang tao sa ibat ibang lugar
Nagbubukas din ito ng daan upang matuto sa ibat ibang disiplina tulad ng Pilosopiya, Sikolohiya,
Kasaysayan, matematika at marami pang iba

Sanitation
Sanitation is the hygienic means of promoting health through prevention of human contact with the
hazards of wastes as well as the treatment and proper disposal of sewage wastewater. Hazards can be
either physical, microbiological, biological or chemical agents of disease. Wastes that can cause health
problems include human and animal feces, solid wastes, domestic wastewater (sewage, sullage,
greywater), industrial wastes and agricultural wastes. Hygienic means of prevention can be by using
engineering solutions (e.g. sewage and wastewater treatment), simple technologies (e.g. latrines, septic
tanks), or even by personal hygiene practices (e.g. simple handwashing with soap).

Hygiene
Hygiene is a set of practices performed for the preservation of health. While in modern medical sciences there
is a set of standards of hygiene recommended for different situations, what is considered hygienic or not can
vary between different cultures, genders and etarian groups. Some regular hygienic practices may be considered
good habits by a society while the neglect of hygiene can be considered disgusting, disrespectful or even
threatening.

You might also like