You are on page 1of 1

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Bilang paunang gawain sa asignaturang ito, ikaw ay hahanap ng mga impormasyon na makatutulong sa paglinang ng araling
tatalakayin.

Activity 1

Magbigay ng dalawang kahulugan ng Pagbasa.


1. Pagbasa - ito ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag nanakalimbag sa mga libro upang mabigkas
nang pasalita. Isa din itong proseso ng pag-iisip.

2. Pagbasa - ay pag-unawa sa wika ng awtor sapamamagitan ng mga nakasulat na simbulo at paraan din ito ng pagkilala,
pagpapakahuluganat pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.

Magbigay ng apat na Teorya ng Pagbasa na makatutulong sa ating Aralin na tatalakayin.

1. Teoryang Bottom-Up
Isa itong tradisyunal na pananaw sa pagbasa at bunga ito ng impluwensya ng teoryang beha1iorist na higit na nagbibigay-pokus
sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula
sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa
teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.

2. Teoryang Top-Down
Isinilang ang teoryang Top-down bilang reaksyon sa naunang teorya. Nagawa ito ay dahil maraming dalubhasa na nagpatunay
na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa(up) tungo sa teksto(down). Tinatawag din ang teoryang ito na
"inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay
nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sakanyang isipan mula
sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito,nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang
iuugnay sa mga ideyanginilalahad ng awtor ng isang teksto.

3. Teoryang Interaktib
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtorat sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay
gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa
at mambabasap-awtor. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasabilang isang proseso at hindi
bilang produkto.

4. Teoryang Iskima
Sa teoryang ito, sa bawat bagong impormnasyong nakukuha sapagbasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago
pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sanilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa
paksa.

You might also like