You are on page 1of 27

Mga

Pananaw sa
Proseso ng
Pagbasa
Dapat na mabatid ang mga
pananaw sa proseso ng pagbasa
na dapat mong matutuhan. Ang
layunin nito ay mabigyan ang mga
mag-aaral na tulad mo ng gabay
sa pagbabasa upang maunawaan
mong lalo ang mga binabasa at
mapalawak ang iyong pananaw sa
pag-aaral sa mga naturang teksto.
Teoryang Top-Down
Ang pag-unawa sa binasa ay
nagsisimula sa isip ng mga
mambabasa (top) tungo sa
teksto (down).
Naimpluwensiyahan ang
teoryang ito ng sikolohiyang
Gestalt na nagsabing ang
pagbabasa ay isang holistic
Itinataguyod din ni Goodman ang
paniniwalang ito sa kanyang kaalaman,
ang mahusay na pagbasa ay gumagamit
lamang ng kaunting panahon at oras sa
pagpili ng makabuluhang hudyat (clues)
sa pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa
teksto sa pamamagitan ng impormasyong
semantiks; impormasyong sintaktik, at
impormasyong grapo-phonic.
Tinatawag ding inside-
out o conceptually
driven ang teoryang ito
sa dahilang ang pag-
unawa ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa
teksto.
Teoryang Bottom-up
Ang pagbasa ay apgkilala sa mga serye
ng mga nakasulat na simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tunog.
Ang pagkatuto sa pagbasa ay
sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik
sa salita, sa parirala, sa pangungusap, at
buong teksto, bago pa man ang
pagpapakahulugan dito.
Tinatawag ito ni Smith
(1983) na outside-in o
data driven sapagkat ang
impormasyon sa pag-
unawa ay hindi nagmula
o nanggaling sa tagabasa
kundi sa teksto.
Teoryang Iskema
Pinaniniwalaang ang teksto ay walang
kahulugang taglay sa sarili. Ito ay
nagbibigay lamang ng direksiyon sa
nakikinig o nagbabasa kung paanong
gagamitin at mabibigyan ng
pagpapakahulugan mula sa kanilang
dating kaalaman. Ang dati nang
ang siyang saligang lalaman at ang
kayariang balangkas ng dating kaalaman
ang iskemata.
Teoryang Interaktiv
Binibigyang diin ng teorya ang pag-
unawa bilang proseso at hindi bilang
isang produkto, Sinusuri ang naging
proseso sa kasagutan ang mag-aaral. Sa
teoryang ito, mahalaga ang larangan ng
metakognisyon na nahihinggil sa
kamalayan at kabatiran sa taglay na
kaalaman at sa angking kasanayan ng
mambabasa.
Katangian ng
Proseso ng
Masining na
Pagbasa
1. Isang komplikadong proseso
(complex process) ang
pagbasa/pagbabasa. Tunay na ang
abilidad at kahusayan ng isang
indibidwal sa pagbasa ay apektado ng
mga bagay na may kaugnayan sa
kabuoan ng kanyang sarili kaya di
kataka- takang may ibang mahina at di
kalugod-lugod ang pagbasa.
2. May dalawang klaseng
proseso (two-way process) sa
pagbasa. Ito ang komunikasyon
ng mambabasa at may-akda. Ito
rin ang saligan ng tinatawag na
reader- response theory sa
pagbasa.
3. Napapaloob sa
malawak na paglalarawan
(visual process) ang
pagbasa. Nangangahulugan
na ang malinaw na
paningin ay malinaw na
pagbabasa.
4. Isang masiglang proseso
(active process) ang
pagbabasa. Ito ay isang
prosesong pangkaisipan na
kumikilos ayon sa siglang
ibinibigay ng katawan,
emosyon, at kakayahan na
kailangan sa masiglang
pagbabasa.
5. Gumagamit ang pagbasa
ng sistmemang
panglinggwistika (linguistic
system) na nakatutulong
upang maging magaan at
mabisa sa paggamit ng
nakalimbag na kaisipan ng
may-akda.
6. Nakasalalay ang mabisang pagbasa
sa mga nakaraang kaalaman (prior
knowledge). Gayundin, nakasandig
din ang kakayahan, kahusayahan, at
kasanayan sa epekto ng
sumusunod na mga salik: pampisikal,
pangkaisipan, pangkapaligiran,
panlipunan, at kaalamang pangwika.
Ang Aklat at ang
Halaga Nito sa
Pagbasa
Ayon kay Carl Woodward, ang
aklat ay isang lunsaran para
maabot ang makabagong
kaalaman at karunungang
bumabalot sa kahiwagaan ng
sangkatauhan simula sa mga
nakalipas na panahon hanggang
sa kasalukuyang panahon.
Ang napapanahong karanasan, kaalaman, at
karunugan sa ating kapaligiran ay
maibibgay na ng kahanga-hangang
makabagong teknolohiya tulad ng
computer, e-mail, e-book, fax machine,
internet, beeper, cellphone, text messaging,
at tulad din ng makasayantipikong gamit ng
calculator na naroon na sa loob ang
memory, correct spelling, process,
dictionary, at iba pa.
Bagama’t sa paaralan ay may
nakatakdang tekstong gagamitin
sa pagbabasa ng takdang-aralin ay
binibigyan pa rin ng kalayaan ang
mga mag-aaral sa pananaliksik sa
makabagong teknolohiya sa pag-
aaral ng aralin sa iba’t ibang
disiplina.
Anumang pamamaraang
gagamitin o aklat na babasahin,
ito ay dapat makatulong sa
mag-aaral ayon sa mga
sumusunod:
1. Naayon sa layunin
2. Naaayon sa kanyang
interes
3. Naaayon sa mga
materyales na mayroon
4. Naaayon sa kanyang
kakayahang
maunawaan ang
binabasa
Karaniwang
Suliranin sa
Pagbabasa
1.Malabong paningin
2.Kakulangan sa
kaalamang
panglingguwistika
3. Kakulangan sa kaalaman
sa pagsusuri at pag-unawa
sa bagong salita o malalim
na salita na ginamit sa
loob ng parirala, sugnay,
pangungusap, talata,
kuwento, at sanaysay
4. Kakulangan sa kaalaman,
Impormasyon, at
karanasang may
kaugnayan sa
impluwensyang pampisikal,
pangkapaligiran,
panlipunan, at kaalamang
pangwika

You might also like