You are on page 1of 42

PAGBASA

Mga Batayang
Kaalaman sa
Pagbasa
Kahulugan at Hakbang
Ang pagbasa ay proseso ng
pagkokonstrakng kahulugan mula sa
tekstong nakasulat.Isa itong
komplikadong kasanayan
nanangangailangan ng ilang
magkakaugnayna hanguan ng
impormasyon. (Anderson,et al., 1985)
Ayon sa paglalarawan nina Wixson, et al.
(1987) ang pagbasa ay proseso
ngpagkokonstrak ng kahulugan
sapamamagitan ng dinamikong interaksyon ng
mga sumusunod:
1.dating kaalaman ng mambabasa;

2. impormasyong taglay ng tekstongbinabasa'


at

3. konteksto ng sitwasyon sa pagbasa


Ayon sa wikipedia.org, ang
pagbasa ay isang komplikado
at kognitibong proseso ng
pagdedekowd ng mga simbolo
para sa intensyon ng
pagkokonstrak o pagkuha
ngkahulugan.
Ang pagbasa ay kapwa isang paraan
ngpagkatuto ng wika, paraan ng komunikasyon
at paraan ng pagbabahaging mga impormasyon
at ideya. Katulad nglahat ng wika, ito ay isang
komplikadong interaksyon sa pagitan ng teksto
at ng mambabasa na hinuhubog ng dating
kaalaman, karanasan, atityud, at komunidad ng
wika ng mambabasa, at ang lahat ng ito ay
culturally and socially situated.
Dekowding
Ang dekowding ay ang
pagsasalin ngsimbolo sa
tunog o biswal
narepresentasyon ng salita.
Hakbang sa Pagbasa ayon
kina Gray (sa Bernales, et al.,
2001)
1.Persepsyon
2. Komprehensyon
3. Reaksyon
4. Asimilasyon
Persepsyon
Ang persepsyon ay
pagkilala sa
mganakalimbag na
simbolo.
Komprehensyon
Pagpoproseso ito ng isipan sa mga
impormasyong ipinapahayag ng
simbolong nakalimbag.
Ang pag-unawa sa teksto ay
nagaganap sa hakbang na ito.
Reaksyon
Hinahatulan o
pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan,
at pagpapahalagang teksto
sa hakbang na ito.
Asimilasyon
Iniintegreyt at iniuugnay
ang kaalamang nakuha ng
mambabasa sa kanyang dati
nang kaalaman at/o
karanasan sa hakbang na ito.
Yugto ng Pagbasa ayon sa
paglalarawan nina Mortimer
Adler at Charles Van Doren
1.Pagbasang Elementari
2. Pagbasang Inspeksyonal
3. Pagbasang Analitikal
4. Pagbasang Sintopikal
Pagbasang Elementari
Upang mamaster ang yugtong ito,
kailangang matutunan ang
mgapangangailangan ng sining ng
pagbasa sapamamagitan ng salalayang
pagsasanay at pagkakamit ng inisyal na
kasanayan sapagbasa. Karaniwang
natututunan ito sapaaralang primarya o
preschool.
Pagbasang Inspeksyonal
Makikilala ang yugtong ito sa espesyal na
empasis sa oras. Sa yugtong ito, ang mag-aaral
ay binibigyan ng oras o panahon kungkailan
dapat matapos ang pagbasa. Ito,kung gayon,
ang sining ng iskiming ng isang teksto sa
paraang simetrikal. Dito, tinatangka ang
posibleng pinakamaayos at pinakakumpletong
pagbasa sa loob ngl imitadong oras o panahon.
Pagbasang Analitikal
Sa yugtong ito, ang pagbasa ay isang
komplikado at sistematikong gawain. Hindi
tulad ng pagbasang inspeksyonal, tinatangka
rito ang posibleng pinakamaayos at
pinakakumpletong pagbasa sa loob ng oras o
panahong walang limitasyon. Ang mambabasa
sa yugtong ito ay maaaring magtanong kahit pa
ng maraming organisadong tanong.
Pagbasang Sintopikal
Tinawag itong Pagbasang Komparatibo ni Gestalt. Ito ang
pinakakomplikado at sistematikong yugto ngp agbasa.
Nangangailangan ito ng pinakamataas na antas ng
kasanayan. Ang mambabasa ay kailangang makabasa ng
maraming aklat at maiugnay ang bawat isa sa isa’t isa sa
isang paksa. Hindi lamang niya kailangang maipaghambing
at maipagkontrast ang iba’t ibang aklat. Kailangan niya rin
maisintesaysang mga akdang kanyang nabasa upang
makahantong sa mga obserbasyon at kongklusyong hindi
matatagpuan sa kanyang mga nabasa
Uri at Paraan ng Pagbasa

1.Subvocalized Reading.
2. Speed Reading.
3. Proofreading
4. Structure-Proposition Evaluation (SPE)
Method.
5. Survey-Question-Read-Recite-Review (SQ3R)
Method
6.Multiple Intelligence Based (MIB) Method
7. Rapid Serial Visual Presentation (RSVP)
Subvocalized Reading
Nagkokombayn ito ng sight
reading at internal sounding
ng mga salita tulad ng
pagbibigkas sa mga ito.
Speed Reading
Koleksyon ito ng mga paraan
ngpagpapataas ng tulin sa pagbasa
nang hindi na babawasan ang
komprehensyon at retensyon.
Mahigpit itong nauugnay sa speed
learning.
Proofreading
Uri ito ng pagbasa para sa
layuning matukoy at
maiwasto ang
mgapagkakamaling
tipograpikal.
Structure-Proposition Evaluation(SPE) Method
Binabasa ang isang teksto sa metodong ito para sa:
1.Istruktura ng akda na kinakatawan ng balangkas;

2. Lohikal na proposisyon na inorganisa sa sunod-sunod na


hinuha.

3. Ebalwasyon ng merito ng mga argumento at


kongklusyon.

Nakapaloob dito ang suspendidong paghuhusga sa akda


hanggang ang akda o ang mga argumento nito ay
maunawaang ganap.
Survey-Question-Read-Recite-
Review (SQ3R) Method
Karaniwang ginagamit ito sa mga
pampublikong paaralan.
Kinasasangkutan ito ng pagbasa
tungo sa abilidad na maituro kung
ano ang binasa.
Multiple Intelligence-Based (MIB) Methods
Paggamit ito ng iba;t paraan ng pag-iisip at pagkatuto
ng mambabasa upang mapagbuti ang kanyang
pagpapahalaga sa teksto. Ang pagbasa ay isang
pundamental na linggwistik aktibiti at maaaring
maunawaan ng isang mambabasa ang isang teksto
nang hindi gumagamit ng ibang katalinuhan, ngunit
karamihan ng mga mambabasa ay gumagamit ng
ibang katalinuhan haang nagbabasa upang maging
higit na Vivid and memorable ang kanilang
karanasan.
Rapid Serial Visual Presentation
Nagsasangkot ito ng paglalahad ng mgasalita
sa isang pangungusap nang paisa-isasa iisang
lokasyon ng display screen sa isang
ispesipikong eccentricity. Ginagamit ito
upang makontrol ang pagkakaiba-iba ng
reader eye movement ng isang pangkat ng
mga mambabasa at sa pagsukat ng tulin sa
pagbabasa sa mga eksperimento.
Teorya sa Pagbasa
1. Tradisyunal na Pananaw
2.Kognitibong Pananaw
3. Matakognitibong Pananaw
Tradisyunal na Pananaw
Ayon kina Dole, et al. (1991) ang isang
baguhang mambabasa ay nakapagtatamong
isang set ng
heirarchically ordered sub-skills na sikwensyal
na bumubuo sa komprehensyong abilidad.
Kapag namaster ang mga kasanayang ito, ang
mambabasa ay itinuturing ng mga eksperto
nanakauunawa sa kanilang nabasa.
Paniniwala ng mga Proponent ng Tradisyunal na
Pananaw
1. Ang mga mambabasa ay pasibong tagatanggap ng
impormasyon sa teksto. Ang kahulugan ay nasa teksto at
kailangan lamang na ireprodus ng mambabasa ang
kahulugan.

2. Ang pagbasa ay pagdedekowd ng serye ng mga nakasulat


na simbolo sa mga awral na katumbas tungo sa
pagpapakahulugan ng teksto. Ang prosesong ito ay tinawag
ni Nunan (1991) napananaw na bottom-up
sa pagbasa. Tinawag naman ito ni McCarthy na
outside-in processing.
Kognitibong Pananaw
Ang modelong top-down ay direktang
oposisyon ng modelong bottom-up.
Ayon kay Nunan (1991) at kina Dubin
at Bycina(1991) ang modelong
saykolingguwistik ng pagbasa at ang
modelong top-down ay tumutugma sa
isa’t isa.
Paniniwala ng mga Proponent ng
Kognitibong Pananaw
1. Ang pagbasa ay isang guessing game
isang proseso kung sa anang mambabasa ay
gumagawa ng mga haypotesis, kalaunan ay
nagpapasya kung tatanggapin o hindi ang
haypotesis at gumagawa ng bagong
haypotesis. Ang mambabasa, hindi ang teksto,
ang nasapuno ng proseso ng pagbasa.
2. Ang teoryang iskima ay nakapaloob sa
kognitibong pananaw sa pagbasa. Inilarawan ni
Rumelhart (1977) ang iskima bilang building blocks
ng kognisyon na ginagamit sa proseso ng pag-
iinterpret ng mga sensoring datos at pagreretrib ng
impormasyon sa memorya.
Ang kognitibong pananaw ay nagbibigay- diindin sa
interaktibong kalikasan ng pagbasa atsa
konstraktibong kalikasan ngkomprehensyon.
Metakognitibong Pananaw
Ayon kay Block (1992), Wala na ngayong
debate kung ang pagbasa ba ay bottom-up,
language-based process/top-down, o
knowledge-based process/schema. Ang mga
pananaliksik ay nakatuon na sa ginagawang
kontrol ng mga mambabasa sa kanilang
kakayahang maunawaan ang isang teksto.
Ang kontrol na ito ay tinawag ni Block
(1992) na metakognisyon.
Metakognisyon
Kinasasangkutan ito ng pag-
iisip hinggil sa ginagawa ng
isang mambabasa habang siya
ay nagbabasa.
Gawain ng mga Mambabasa saProseso ng Metakognisyon

1. Pagtukoy sa layunin ng pagbabasa bago magbasa.


2. Pagtukoy sa anyo o tipo ng teksto bago magbasa.
3. Pag-isip hinggil sa pangkalahatang karakter at katangian ng anyo at
tipo ng teksto;
4.Pagtukoy sa layunin ng awtor sa pagsulat sa teksto. Ginagawa niya
ito habang binabasa ang teksto
5. Pagpili, iskaning o kaya’y pagbasa nang detalyado
6. Paggawa ng patukoy na prediksyon tungkol sasusunod na
mangyayari, batay sa impormasyongunang nakuha, dating kaalaman at
kongklusyong nagawa sa mga naunang yugto.
Higit sa lahat, ang mambabasa ay
maaaring gumawa ng buod ng
binasa.Upang magawa ito, kailangang
maisagawa ng mambabasa ang
pagkaklasipay, pagsusunod-sunod, pag-
uugnay,ugnay,paghahambing at
pagkokontrast, pagtukoy sa sanhi at
bunga, paghuhula atp aghihinuha, at
pagbuo ng kongklusyon.
Estratehiya sa Aktibong Pagbasa
1.Predicting
2. Visualizing
3. Connecting
4. Questioning
5. Clarifying
6. Evaluating
Predicting
Subukan mong hulaan o hinuhain
kung anoang mangyayari at kung
paano magtataposang seleksyon.
Matapos ay alamin kunggaano
kaakyureyt ang iyong mga hula at
hinuha.
Visualizing
Buhayin sa iyong imahinasyon ang
mgakarakter, pangyayari, at tagpuan
upang maunawaan kung ano ang
nangyayari.Kung ang akda ay
dispiksyon, pagtuunan ang mga
imahe na nabubuo sa iyong isipan
habang nagbabasa.
Connecting
Iugnay ang binabasa sa iyong
sarili. Mag-isip ng mga
pagkakatulad ng mgadeskripsyon
sa seleksyon sa iyong mgasariling
karanasan, maging sa iyong
mganarinig o nabasa.
Questioning
Magtanong habang nagbabasa.
Ang paghahanap ng mga
dahilan habang nagbabasa ay
makatutulong upang lalong
mapalapit sa binabasa.
Clarifying
Huminto paminsan-minsan upang suriin ang
iyong pagkakaunawa at asahang angi yong
pagkakaunawa ay maaaring magbagoo
madebelop habang pinagpapatuloy ang
pagbabasa. Kung kinakailangan, basahin muli
ang mga bahaging malabo o gumamitng ibang
hanguan upang maklaripay angiyong pag-
unawa. Pansinin din ang mgasagot sa mga
tanong na una mong binuo.
Evaluating
Bumuo ng mga opinyon
tungkol sa iyong
binabasa/binasa. Gawin ito
habang nagbabasa at
matapos magbasa.
Batid
Pagbasa @ Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik ni Claire R.
Alvior.

You might also like