You are on page 1of 14

MODULE OF INSTRUCTION

Pagbasa
Ang Kahulugan, Kahalagahan, Mga Teorya,
Layunin, Hakbang, Salik at Iba’t Ibang Paraan
ng Pagbasa

Kahulugan ng Pagbasa

Ang pagbasa ay kompleks, daynamikong proseso ng pagdadala


ng mensahe sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa teksto.
Ito ay integratibong proseso ng pagsasanaib ng apektibo,
perseptwal at kognatibong domeyn.

-Rubin at Bernhardt

Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran


ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan,
90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa
pagbasa.

- Baltazar(1977)

Ang pagbasa ay isang "psycholinguistic guessing game"

-Goodman

Para sa lubusang pag-unawa sa isang teksto, kailangan ang


dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kaniyang
kakayahang bmuo ng mga konsepto at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyon.

-Coady

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 1


X.X PAGBASA

Ang kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na kakayahang


intelektwal ng isang tagabasa.

Badayos

Ang pagbasa ng anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating


isip, damdamin at kaasal

(Belvez et al., 2004)

Mga Layunin ng Pagbasa

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.

2. Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito sa ating


kaisipan.

3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.

4. Mapaglakbay ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap


nating marating.

5. Mapag-aralan natin ang kultura ng ibang lahi at mabatid ang


pagkakatulad at pagkakaiba nito sa kulturang ating
kinagisnan.

Mga Hakbang sa Pagbasa

Si William S. Gray, ang tinaguriang Ama ng Pagbasa, ay


naglahad ng apat (4) na hakbang sa pagbasa, gaya ng mga
sumusunod:

1. Pagkilala. Tumutukoy sa kakayahan ng bumabasa na


mabigkas ang mga salitang tinutunghan at makilala ang mga
sagisag ng isipang nakalimbag.

2. Pag-unawa. Ang kakayahang bigyang kahulugan at


interpretasyon ang kaisipang ipinapahayag ng mga simbolo ng
mga salitang nakalimbag.

2
MODULE OF INSTRUCTION

3. Reaksyon. Kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o


magsabi kung may kawastuhan at kahusayan ang pagkasulat
ng teksto. Tumutukoy rin ito sa pagpapahalaga at pagdama na
iniuukol ng mambabasa sa nilalaman ng kanyang binasang
teksto.

4. Asimilasyon at Integrasyon. Kakayahan ito ng mambabasa


na isabuhay ang natutuhang kaisipan sa binasa. Naiuugnay
niya ang kasalukuyang karanasan sa nakaraan na tinalakay
sa binasa.

Kahalagahan ng Pagbabasa
Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may
malaking posibilidad na maipasa niya ang mga
pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang
hindi palabasa sapagkat sa kanyang pagbabasa
mas nadaragdagan ang kanyang kaalaman,
lumalawak ang talasalitaan at mga karanasan.

Mas nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng


palabasa na umunawa nang mas malalalim na
ideya, mga argumentong pangangatwiran at
nababatid ang implikasyon ng kanyang
binabasa.
Sa ganitong paraan, masasabing ang pagbasa ay
isang masalimuot na proseso sapagkat nasasangkot
dito ang maraming kasanayan.

Nakatutuklas ng maraming kaalaman at


karunungan tutugon sa kanyang
pangangailangang pangkabatiran sa iba’t ibang
disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya,
at iba pa.

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 3


X.X PAGBASA

para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong


panahon gawa ng mga makabagong
teknolohiyang nagsusulputan ngayon.

Mga Teorya sa Pagbasa

Katulad ng ibang metodo sa pagtuturo. ang pagbasa


ay dumaraan din sa proseso ng pagbabago sa
paglipas ng panahon. Mula sa tradisyunal na pagkilala
sa mga nakalimbag na salita hanggang sa pag-unawa
sa mga ito. Dito, ang mga magaaral ay nagkakaroon
ng kontrol at manipulasyon sa kanyang binasa.

* Teoryang Bottom- up -Batay sa "Teoryang stimulus-


response" ang sentro ng pagbasa ay ang teksto na
kailangan munang maunawaan ng mambabasa bago
siya makapagbigay ng kaukulang reaksyon o
interpretasyon.

4
MODULE OF INSTRUCTION

* Teoryang Top- Down - ang mambabasa ay nagiging


isang aktibong partisipant sa pagbasa dahil sa taglay
niyang "Stock Knowledge" o mga nakaimbak na
kaalaman bunga ng kanyang mga karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay


nagsisimula sa itaas patungo sa ibaba na ang ibig
sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang
kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman


ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating


kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa
kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay
iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda
sa teksto.

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 5


X.X PAGBASA

* Teoryang Interaktiv - Learning is a two-way


process. Hindi monopolyo ng mga mambabasa ang
pag-unawa sa tekso.

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-


down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay
may dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-


down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng
teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-
unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa


sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang
kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo
kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema)
at mga pananaw.

* Teoryang Iskema - Tumutukoy sa teoryang ito sa


kalayaan ng mambabasa na magbigay ng kahulugan
sa teksto.
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay
nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y
nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung
ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa


pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang
binasang teksto.

6
MODULE OF INSTRUCTION

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at


napauunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang


pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa
kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay
may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang
kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin.

Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga


hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato,
kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang
tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang
sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto
mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin ang
interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang
nilalaman ng kanyang isipan.

Pag-unawa at Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye


Isa sa mga katangiang taglay ng ing matalinng
mambabasa ang pagkakaroon niya ng kakayahang
mauri ang mga ideya at detalye na ginagamit sa isang
teksto.

Ang Pagbasa at Pag-unawa

Kailangan ang pag-unawa sa anumang binabasa. Ang


mga mambabasa ay kailangang makadebelop ng mga
kasanayan na makatutulong sa kanila upang
maunawaan ang kanilang binabasa.

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 7


X.X PAGBASA

TATLONG SALIK NG PAGBASA

1. Uri ng Bokabularyo Talasalitaan (Kinds of Voc.)


2. Balangkas at istilo ng Pagpapahayag
3. Nilalaman o Paksa ng Binabasa (Content / Subject
Matter)

IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA

1. ISKANING

Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay


nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak
tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word,
pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay
di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong
pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang
binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa
diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board
Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng
nangangailangan hanapin ang isang partikular na
impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin.
Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng
palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol
ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang
kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa
isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang
ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman
(table of contents), index, classified ads at sa
paghahanap ng numero ng isang taong nais
makausap.

8
MODULE OF INSTRUCTION

2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha
ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y
pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o
paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring
makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o
pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at
pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao.
Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na
bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng
pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya
nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at
nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa
sandaling iyon.

3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat
o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at
register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay
makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa
babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing
gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na
karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga
talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan,
graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o
nilalaman.

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 9


X.X PAGBASA

4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang
pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o
pampalipas ng oras.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang
impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman
kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng
aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay
pagbasa na may hangarin na mapalawak ang
kaalaman.

6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may
layuning maunawaang ganap ang binabasa para
matugunan ang pangangailangan tulad ng report,
riserts, at iba pa.

7. RE-READING O MULING PAGBASA


Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap
unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling
pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan
ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga
mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker
para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging
mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

10
MODULE OF INSTRUCTION

Pagsusulit

Basahin at unawain ng bawat item. Piliin ang tamang sagot.

1. Lumuluha ang panahon sa araw ng kamatayan ng bayani. Ang


tayutay na ginamit ay
a. pagmamalabis
b. pagwawangis
c. pagtawag
d. pagbibigay-katauhan

2. Napakaganda niyang lumakad, naiiwan ang puwit. Ang tayutay


na ginamit ay
a. pag-uyam
b. pagtutulad
c. pagpapalit-tawag
d. pagwawangis

3. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng tayutay maliban sa isa


a. nagpapatindi o nagpapasidhi ng damdamin
b. nagbibigay ng buod sa kaisipan ng teksto
c. nagbibigay kulay sa pahayag/nagiging kaakit-akit ang pahayag
d. nagiging mas mabisa ang pahayag

4. Ang taong sampid-bakod ay may sariling bahay. Ang pahayag


ay
a. walang katotohanan
b. hindi ko maintindihan
c. tunay na katawa-tawa
d. sadyang tunay

5. Ito ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na


ginagamitan ng mga salitang matatalinhaga o ˜di tahas ang
kahulugan upang lumikha ng isang larawan.”
a. salawikain
b. idyoma
c. tayutay
d. sawikain

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 11


X.X PAGBASA

6. Ang may ipot sa ulo ay taong pinagtaksilan ng asawa. Ang


pahayag ay
a. walang katotohanan
b. hindi ko maintindihan
c. kasinungalingan
d. sadyang tunay

7. Siya ay putok sa buho dahil siya'y anak sa labas. Ang pahayag


ay
a. walang katotohanan
b. hindi ko maintindihan
c. kasinungalingan
d. sadyang tunay

8. Ang taong nagmumurang kamatis ay mga batang nag-aayos o


nag-uugaling matanda. Ang pahayag ay
a. walang katotohanan
b. hindi ko maintindihan
c. kasinungalingan
d. sadyang tunay

9. Ang skimming ang pinakamabilis na kakayahang bumasa ng


isang tao. Ito ay ang pinararaanang pagbasa. Ang pahayag ay
a. walang katotohanan
b. hindi ko maintindihan
c. kasinungalingan
d. sadyang tunay

10. Ito ay isang uri ng pagbasa na tumutukoy sa paghahanap ng


isang tiyak na impormasyon sa aklat. Maaari ring hinahanap dito
ang mga sagot sa mga tiyak na tanong.
a. Mabilisang Pagbasa o skimming
b. Pahapyaw na Pagbasa o scanning
c. Masinsinang Pagbasa o analytical
d. Masaklaw na Pagbasa

12
MODULE OF INSTRUCTION

11. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at


kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Ang pahayag ay
a. walang katotohanan
b. hindi ko maintindihan
c. kasinungalingan
d. sadyang tunay

12. Siya ang kinikilalang "Ama ng Pagbasa"


a. Arrogante
b. William Gray
c. Toze
d. Coady

13. May isa lamang dahilan kung bakit nagbabasa ang mga tao.
Ang pahayag ay
a. walang katotohanan
b. hindi ko maintindihan
c. tumpak
d. sadyang tunay
14. Ito ay tumutukoy sa wikang gamit ng isang tao na nakabatay
sa kanyang katayuan sa lipunan o grupong kinabibilangan.
a. disiplina
b. rehistro
c. iskema
d. Hulwaran

15. Sa musika, ito ay nangangahulugang piyesa o awit


samantalang sa agham ito ay nangangahulugang pinagsama-
samang elemento. Anong rehistro ng wika ang tinutukoy rito?
a. isyu
b. tono
c. liriko
d. Komposisyon

16. Ito ay tumutukoy sa larangan ng buhay sa lipunan.


a. Rehistro
b. Disiplina
c. Hulwara

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 13


X.X PAGBASA

d. Agham

17. Si Liza ay nagbabasa sa harap ng kaniyang mga kamag-aral


ukol sa kaniyang ulat. Ang paraan ng kaniyang pagbasa ay
a. Malakas
b. Tahimik
c. Maingay
d. walang gana

18. Sinusuring mabuti ni Dilan ang tulang “Sa Aking Mga


Kabata―. Ang uri ng pagbasang kaniyang isinagawa ay
a. Skimming
b. Scanning
c. Analytic
d. broad

19. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit tayo nagbabasa


maliban sa
a. upang maaliw
b. upang tumuklas ng mga bagong kaalaman
c. upang malinawagan sa mga kaalamang hindi pamilyar sa atin
d. upang maging sikat sa larangan ng showbiz

20. Ayon kay Arrogante , ang panonood ay nakapagpapalawak


ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao
na harapin ang mga ˜di inaasahang suliranin sa buhay.Ang
pahayag ay
a. walang katotohanan
b. hindi ko alam
c. maaaring tama
d. sadyang tunay

References
Badayos, Paquito B., et al (2011).

Molina, Glory Ann. (2014).

14

You might also like