You are on page 1of 1

MGA URI NG AWITING BAYAN

1. Kundiman ay awit sa pag-ibig. Noong unang panahon nanliligaw ang mga binata sa
pamamagitan ng harana. umaawit sila ng punung-puno ng pag-ibig at pangarap.
2. Kumintang - awit ng pakikidigma.
3. Ang Dalit o Imno - awit na panrelihiyon o himono ng pagdakila sa maykapal.
4. Oyayi - ito'y awiting bayan para sa pagpapatulog ng bata, ito rin ay naglalaman ng bilin.
5. Suliranin - awit ng mangagawa.
6. Talindaw - awit ng pamamangka.
7. Dungaw o Dung-aw ay isang makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano. Isa itong tulang
inaawit. Ito ay inaawit bilang panaghoy sa isang taong namatayan.
8. Balitaw – itoy mga awit ng pag-ibig na ginagamit sa paghaharana ng mga Bisaya.
9. Pananapatan- mga awiting inaawit kapag dumadalaw o naghaharana ang binate sa kanyang
nililiyag o nililigawan.
11. Diyona o Diona- awit sa panahon ng pamamanhikan o kasal.
12. Pangangaluwa- awit sa araw ng mga patay ng tagalog.
13. Maluway- ay awiting bayan na nagpapahayg ng kaligayahan sa sama – samang paggawa.
14. Sambotani- ay awiting bayan na nagpapahayag ng kasiyahan mula sa tagumpay matapos ang
pakikidigma.
15. Tigpasin- ay awiting bayan ukol sa paggaod. Ang halimbawa nito ay Sitsiritsit.
16. Kutang-kutang- ay isang uri ng awit sa lansangan.

Diyalogo
- Ang diyalogo ang nagsisilbing daan upang ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng
ugnayan.
- Ang Diyalogo ang tumutulong sa ating para maibahagi natin ang mga bagay bagay o
kaalaman na gusto nating iparating sa ating kapwa.
Gamit ng Bantas sa Diyalogo
1. Tuldok(.) – ginagamit na pananda sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
2. Pananong(?)- ginagamit sa pangungusap na patanong.
3. Padamdam(!) – Ang batas na padamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala, o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
4. Kuwit(,)- ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.
5. Kudlit(‘)- ginagamit na panghalili sa isang titik na kinakaltas.
6. Gitling(-)- ginagamit sa loob ng salita o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
7. Tutuldok(:)- ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.
8. Tutuldok Kuwit(;)- ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap sa kaagad sinusundan ng
isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig.
9. Panipi(“”)- inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita.
10. Panaklong (())- ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng
pangungusap, gaya ng mga ginagamit sa pangu-ngusap na ito.
11. Tutuldok-Tuldok o Elipsis(…)-nagpapahiwatig na kusang ibinitin nagsasalita ang karug-tong ng nais
sabihin.
- Tatlong makasunod na tuldok na matatagpuan sa sa isang pangungusap at maaring ito ay nasa umpisa
gitna o hulihang bahagi nito.
12. Gatlang(-)-ginagamit sa pagpapahayag ng pagkaabala o pagbabago ng kaisipan.
- Ginagamit sa paghihiwalay sa isang bagay na binibigyang diin o kapana panabik.

You might also like