You are on page 1of 33

“MGA LARAWAN NG

AKING BAYAN”
ni ILUMINADO LUCENTE
Iluminado Lucente
1883-1960  May-akda ng Mga Larawan ng Aking Bayan
 Kilala bilang pangunahing mandudula ng
Panitikang Waray.
 Sumulat ng humigit-kumulang 30 dula sa
wikang Waray.
 Pumupuna sa moral at kahinaan o kabiguan
 Up limit pati An Gugma (Love is off Limit Too)
 Diri Daraga, Dini Balo, Diri Imasaw-an (Not a
Maiden, Not a Widow, Not a Married Woman)
 Malaki rin ang impluwensiya sa pag-unlad ng
Norberto panitikang Waray
Romauldez Sr.  Ang Pagtabang ni San Miguel, siyang nagsilbig
pamantayan ng mga sumunod pang sarsuwelang Waray
 Itinatag ang Sanghiram San Binisaya – isang
organisayong maitutulad sa Real Academia ng
Espanya.
 Nakatuon ang grupo sa pagpapaunlad ng Waray sa
pamamagitan ng pagsusulat
 Kinilala isa sa mga Prominenteng mandudula ng Waray
 Nakasama sa mga taguring ito sina Iluminado Lucente
at Agustin O’Mora.
Pagkilala sa Bahagi ng Dula
 DULA – isang uri ng panitikang itinatanghal sa entablado.
 Kadalasang nahahati sa mga yugto bagamat may dula ring iisa
lamang ang yugto.
 Ang bawat yugto naman ay nahahati sa mga tagpo.
 TAGPO – tumutukoy sa paglabas o pagpasok ng mga tauhan.
 Nagpapalit ang tagpo kapag may lumalabas o pumapasok na
bagong tauhan sa eksenang itinatanghal.
MGA LARAWAN NG
AKING BAYAN
(BUOD NG ISANG DULA)
ni ILUMINADO LUCENTE
Sa isang pagupitan nagpapagupit ang mga pulis sa
barbero. Habang nagpapagupit, sila'y
nagkukuwentuhan, hanggang sa pansinin ng pulis ang
pagkawala ng baboy ng barbero gayong malapit na ang
Kapaskuhan. Sinabi ng barbero na kanya itong itinali
matapos magpasuot-suot sa mga harang na itinayo ng
mga kapitbahay, bunsod na rin sa utos ng mga guro.
Sa ganito ay nagparatang ang pulis, kung ano-
ano raw ang itinuturo ng mga guro. Kaagad
namang ipinagtanggol ng barbero ang mga guro.
Aniya, trabaho naman daw ng guro ang magturo
ng mga bagay na hindi naituturo sa tahanan.
Nagkausap ang pulis at ang barbero hanggang kapwa
sila napikon. Sinabi ng barbero na walang masama sa
pagtuturo ng tama at mali. Idinugtong pa nito na ang pulis
ay malupit dahil kahit kapwa pulis ay pinagmamalupitan at
laging pinarurusahan ang kahit na sino. Sabi pa niya na
pasimuno ang pulis sa mga perya't sugalan. Tuluyan nang
napikon ang pulis at lumabas ito sa barberya.
Sa paglabas ng pulis,
nakasalubong niya si Tomas.
Binati siya ni Tomas, ngunit
parang walang nakita ang mga
pulis. Galit pa rin ito dahil sa
pagsasagutan nila ng barbero.
Kinausap ni Tomas ang barbero, ngunit
galit na galit pa rin ito, kagaya ng pulis.
Sinabihan tuloy ni Tomas ang barbero na
nangangalap kasi ito ng masamang balita
kaya maaaring naapektuhan ito sa
naririnig.
Sinagot siya ng barbero na marami
kasing problema ang bayan:
kahirapan, korapsyon, at marami pang
iba. Ang sagot naman ni Tomas,
walang magagawa ang mga
mamamayan kundi harapin ang mga
suliraning ito.
Habang nagpapagupit si Tomas,
narinig nila ang pag-aaway ng mag-
asawa sa katabing bahay. Nahuli ng
babae na may ibang kasama ang
lalaki, kung kaya pinalalayas niya ito.
Ginaya ni Tomas at ng barbero ang
eksenang narinig nila.
Samantala sa tanggapan ng bagong tayong
munisipyo, Kinakausap ng huwes si Paka. Limitado
ang sagot ni Paka, kung kaya halos mapikon na ang
huwes sa kanya. Sinabi ni Paka ang dahilan ng
kanyang pagpunta sa munisipyo-- na nahuli at
kinulong ang kanyang anak. Dali-daling ipinatawag
ng huwes ang pulis.
Sabi ng pulis, hinuli niya at ikinulong ang anak ni Paka
sa paratang na paglalasing at pagnanakaw. Mariing
itinanggi ni Paka na nagnakaw ang kanyang anak. Ang
ninakaw na baboy na sinasabi ng pulis ay baboy na alaga
nila. Dugtong pa ni Paka, iyon ngang inahing baboy ay
ninakaw ng mga mayayamang kabataan ngunit wala
silang nakamit na kahit anumang hustisya.
Sa ganito ay ipinatawag ng huwes ang mga
kasangkot sa pagnanakaw ng inahing baboy.
Dito na sinabi ng huwes na mabuti pa noong
baryo pa lamang ang ngayo'y kanilang
munisipyo. Walang anumang gulo, walang
away, walang kasuhan at ang lahat ay
nagkakaisa.
Nang dumating ang mga nasasangkot, kasama
ng kani-kanilang magulang, pinagalitan sila ng
huwes. Idinugtong pa ng huwes na responsibilidad
ng magulang ang pagpapalaki sa kanilang mga
anak. Matapos ang sermon ay pinatawad na at
pinalaya ang mga nagkasala.
Sumunod noon ay pumasok si Pedring sa
Munisipyo. Nais niyang maghabla. Nakita
niya doon si Tomas. Habang naghihintay ng
pagkakataon na makausap ang huwes,
ikinuwento ni Pedring kay Tomas ang
kanyang pakay. Nais niyang maghabla ng
kaso laban sa hinaharana niya dahil
binuhusan siya nito ng tsaa.
Ilang sandali pa ay pumasok na sa tanggapan
ang huwes. Pumasok si Tomas sa tanggapan. Nang
hinanap ng huwes si Pedring, nagkaila si Tomas at
sinabi nito sa si Pedring ay nasa Cebu kahit na ang
katotohanan ay naroon lamang ito sa labas ng
opisina at naghihintay.
Hindi na nakausap ni Pedring ang huwes. Umalis
na lamang siya at binagtas ang daang pauwi. Maya-
maya naman ay dumating si Kapitan Tiyago na nais
ding kausapin ang huwes. Kinausap ni Kapitan
Tiyago si Tomas at binanggit ang pakay. makailang
sandali pa ay nagpaalam si Tomas kay Kapitan
Tiyago. Ani Tomas, marami pa siyang aasikasuhin sa
munisipyo at kung maaari, iiwanan na niya muna si
Kapitan Tiyago sa salang pinaghihintayan nito.
Nakaharap na ni Kapitan Tiyago ang huwes.
Inereklamo niya ang matagal na niyang pagdurusa.
Maraming pagkakataon na siyang lumaban at nakiisa sa
gobyerno, subalit nang nakuha na ng mga ito ang nais,
isinasantabi na lamang siya. Sa kalagitnaan ng kanyang
pagkukuwento, inatake si Kapitan Tiyago ng matinding
pag-ubo kaya siya ay nawalan ng malay. Agarang
isinugod sa ospital si Kapitan Tiyago.
Nang isinugod si Kapitan Tiyago sa
ospital, pumalit naman sa sala ng huwes
ang mag-asawang nag-aaway sa bahay na
katabi ng barberya. Humiling ang mag-
asawa ng diborsyo. Sa pagitan ng kanilang
pag-aaway, binanggit ng huwes ang
posibleng plano ng dalawa.
Sabi ng huwes na ang babae ay pupunta sa
Maynila upang mag-artista, samantalang ang
lalaki naman ay pupunta ng Mindanao na
kilalang lugar ng mga magagandang babae. Nang
marinig ng mag-asawa ang ganitong plano,
nalungkot sila at nagdesisyong hindi na sila
maghihiway. Sa huli, binanggit din ng huwes na
wala siyang kapangyarihan na igawad ang
diborsyo.
WAKAS…
Pag-unawa sa Binasa

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA


KATANUNGAN
1.Bakit kaya “Mga Larawan ng aking Bayan” ang pamagat ng
dula? (5pts.)
2.Ano-ano ang mga pangyayaring naganap sa binanggit na
pamayanan? (5pts.)
3.Ano-ano ang ilang mga kaugalian o pamumuhay na
masasalamin sa mga taong nakatira sa bayang iyon? (5pts.)

You might also like